Chapter 5-A Pinandilatan nya ito. "Kunsabagay, dapat ka pa rin namang mag-alala eh." biglang bawi nito. "Bakit?" "Kasi, tiyak na mai-inlove ka sa kuya ko, kaya mag-ingat ka, dahil mahilig lang iyong mangolekta ng babae, wala namang sineseryoso." "Paano ka namang nakatiyak na magugustuhan ko ang kuya mo? Super gwapo ba iyon?" "Hindi lang super gwapo, kundi super macho pa. Matangkad, moreno at super lapad ng dibdib. Mahilig kasing mag-work out iyon kaya macho."Chapter 5-B"Lalo na si Ayu. Maaga pa lang ay nagpunta na sya dito para salubungin ka. Iyon pala ay sasaktan mo lang sya.""I didn't mean to do it, Pa." pormal nitong sagot."Well, nariyan na iyan." buntong-hininga ni Jhune."Ayoko namang isipin mong masyado na kong diktador gayong si Jericho ay hinahayaan ko lang.""Si Kuya nga pala, papa?""Hindi ba at nabanggit ninyong darating din sya ngayon?" tanong ni Dylan sa ama."Noong huli kaming mag-usap ay nangako syang darating.Aayusin nya lang daw ang kompanyang maiiwan nya,
Последнее обновление : 2026-02-09 Читайте больше