Share

TWO 1.0

Author: Red Auza
last update Last Updated: 2021-07-09 22:17:36

Nang mapakasok sa loob ng classroom ay agad kaming naghanap ng bakanteng upuan. Sa pinakalikod ay may nakita si Faith na dalawang bakante na agad niyang itinuro, habang ang sinundan nito ay may isang bakante.

Agad namin nilapitan ang upuan. Okay na rin kahit hindi magkakatabi at least magkalapit pa rin. Dumiretso na ako sa dulo habang nakasunod ang dalawa. Nauna akong umupo ng walang tanong-tanong at sumunod din si Faith na umupo sa tabi ko habang si Iya ay nanatiling nakatayo.

"Oh! Ano pa hinihintay mo, pasko?" tanong ko kay Iya na hindi pa rin umuupo sa bakante na nasa harapan ko.

"Saan ako uupo?" Napatampal ako sa noo ko sa katangahan ng pinsan ko. My god! Bakit mo po kami binigyan ng lahi na tatanga-tanga. Ampon ýata ‘to o kaya napalitan sa ospital. Alam niyang may bakante sa harap ko nagtanong pa talaga.

"Malamang Iya, alangan naman kumandong ka sa akin. Ayan oh sa harap may isang bakante." Turo ko sa upuan.

"Paano kung may nakaupo na pala diyan, eh di napatalsik pa ako." Oh! Ako pala ýong slow. Oo nga naman, paano kung may nakaupo pala diyan.

"Wala na tayong pakialam kung taken na ýan. Iniwan niya na kaya kunin mo." Umiling si Iya bilang pag-ayaw kaya napailing na lang ako sa inis. Ginigigil talaga ako ng babaeng 'to. Saan ba 'to pinaglihi? Buti pa ang aso pag sinabing set umu-upo agad.

"Faith, bigay mo na nga ýang upuan mo." Tumirik naman mata ni Faith bago tumayo. Ayoko kasi ibigay ýon akin dahil katabi ng bintana.

"Oh shunga, ayan na ýong upuan ko. Binakante ko na ang akin para saýo," sabi niya saka hinila ang upuan sa harap ko.

"Oh ayan na Iya, binigay na ni Faith saýo ang upuan niya."

"Thank you, Faith," sabi ng tanga saka umupo sa tabi ko.

"Diyos ko, habaan niyo pa po ang lubid ng pasensya ko, bago ako makahawak ng ibang lubid at itali sa leeg nitong pinsan ko."

"May sinasabi ka, Allys?" tanong ni Iya sa akin.

"Wala! Sabi ko ang ganda mo talaga."

"Thank you." Nakangiting sagot ng gaga.

‘Sarap talaga bigtiin.’

Naputol ang usapan namin nang biglang nagtiliin ang mga kaklase naming saka sinundan ng bulungan.

"Girl narinig niyo na ba ang usap-usapan?"

"Ang alin?"

"Umuwi na raw si Adrian Villafrancia at imagine dito siya mag-aaral sa school natinnnnn."

"Waaatttt?? Omg, kailangan ko ng magpa-full service sa parlor ni auntie."

Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang apelyedong Villafrancia. Aware naman ako na pag-aari ng isang Villafrancia ang skwelahan na ‘to. Isa pa andito si myloves na isa rin Villafrancia at mga pinsan niya. Pero sino naman kayang Villafrancia ang tinutukoy ng mga 'to at may pa funeral parlor pa'ng nalalaman. Wag lang talagang marinig ko ang pangalan ni Bennydear ko at ihahagis ko talaga ‘tong upuan ko sa kanila.

"Ay oo nga pala, Betty, alam mo na ba?" tanong ni Faith sa akin na tinaasan ko ng kilay. Hindi pa nga ako tapos maki-chismis doon sa mga pangit sa harapan ko ay umepal na agad siya ng tanong.

"Hindi, at wala akong balak alamin," sabi ko saka tiningnan ang nagkukwentuhan kanina na halatang kinikilig. Sino nga kayang Villafrancia tinutukoy nila?

"Suplada 'kala mo maganda," bulong niya pero narinig ko pa rin. Ang hilig niyang bumulong pero naririnig ko naman.

"Coming from you, Faith? Yes, dyosa talaga ako."

"Kasi naman, Betty, tinatanong kita ng maayos." Ay gaga pala 'to eh. Paano ko malalaman kung ano ýong tinatanong niya wala naman siyang sinasabi sa akin.

"Paano malalaman ni Allys kung ano tinatanong mo. Wala ka naman sinasabi ah! Tinanong mo lang siya kung alam niya na ba? Pero wala kang sinabi kung ano ýon." See buti pa ang slowpoke may alam. Mygad!

"Apir, Iya." At umaper naman ang gaga.

"Dito na daw mag aaral sa school natin si Adrian."  Hindi naman siya kinilig at normal lang ang pagkakasabi niya noon. Pero nakataas pa rin ang kilay ko sa sinabi niya. Si Iya naman ay nagkibit balikat lang. Sinong Adrian naman ang tinutukoy niya, artista ba ýon?

"Sino ýon?" tanong ko pero binawi ko rin. "Wag mo na sagutin dahil kahit sino pa siya ay hindi ako interesado, I am not interested in him, so don't bother to tell me who he is."

"Seriously?" May pagtatakang tanong ni Faith na tinanguan ko lang. "Hindi mo siya kilala?" Aba anong pakialam ko sa Adrian na ýon?

"Seriously din! Bakit presidente ba siya, artista, model? Kahit ano pa siya, wala akong pakialam, unless si BENNYDEAR ko ang pinag-uusapan dito."

"I swear ladies, I saw him once noong bata pa ako, and goodness talaga, ang gwapo ni Adrian, walang panama ang ibang Villafrancia sa kanya."

Aba hayop na ‘to ah! Sinasabi ba niyang mas guapo ang crush nila sa Benny ko? Saka

Kaninong anak kaya siya?

"Allys, siya lang naman ang heir ng Villafrancia Universal School. Meaning siya ang tagapagmana ng school na tinutuntungan mo. Ano may gusto ka pa marinig para ma-confirm mo?"

"Ah! So guapo siya ganern?" tanong ko habang nakapangalumbaba. I am not interested in him pa rin, I mean, I am more interested in something.

"I guess yes, Betty, mukhang panis yang Bennydear mo." Hinampas ko ng malakas si Faith sa braso na nag-patili sa kanya. Buset na 'to, ikumpara ba naman ang soon to be asawa ko sa lalaking ýon. Kahit hindi ko pa siya nakikita, ekis na siya sa akin.

"Wag mo ikumpara ang Bennydear ko sa kahit sino. Dahil kahit itapat mo pa ang pinakagwapong nilalang na nakilala mo. Panis kapag si Bennydear ko ang itatapat mo," litanya ko.

"Gusto ko siya'ng makita." Nakangiting sabi ni Iya. Pero biglang may umepal sa likod namin. Ang tatlong bebe na sinubsob sa harina.

"Wag na, Iya, for sure ayaw ka niyang makilala. Galit ýon sa mga tanga." Ang tatlong bebeng ito na may pagkalaking-laking issue sa mga buhay nila at pati kami dinadamay.

Siguro kapipisa lang ng itlog ng mga 'to kaya ngayon lang nakarating. Kaklase ko sila since elementary hanggang SHS at pati ba naman sa huli kasama ko pa rin sila?

"May sinasabi ka Karing?" tanong ko sa leader ng mga kwak-kwak na si Carlita. Agad naman siyang nagtaas ng kilay dahil mukhang napikon na agad sa luma kong dyok. Don't tell me, hindi pa siya sanay sa endearment ko sa kanya? Cute kaya.

"Hoy Betty, ano 'tong nabalitaan ko na binangga mo daw si Benedict my love ko?" Ene dew? My love niya? Ang kapal ng face niya. Na-i-strong ako ng slight. Mga 101 percent. Nabebeast-mode ang kagandahan ko. Tsaka sino siya para tawagin akong Betty. Feeling close ang gaga.

Teka nga at masampulan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Manang at Pikon ( Filipino )   LAST CHAPTER

    "Anongkailangan mo?"tanong ko sa kanya pero sa totoo lang gusto ko ng umiyak dahil siya dapat ang kailangan ko ngayon. I saw the sadness in her eyes. Lungkot, sakit at bigat nang kalooban."Paalisna angeroplanoat bakamaiwananka."I remain cold dahil gusto kong ipakita sa kanya na malakas ako at hindi ako talunan. "Thank you for coming.Salamatatnagpakitaka at pinalakas mo ang loob niya kahit paanoparalumaban."Ayokong umiyak. Ayoko masaktan, pinipigilan ko ang sarili ko dahil after all si Adrian pa rin ang nasa isip niya kahit ako ang kaharap niya. Pero traydor ang mga luha ko dahil isa-isa silang bumabagsak. "Hindi naman ikaw angipinuntakorito, kaya bakit ikaw angnagpasalamat?"Yumuko naman siya, pero matapos noon ay agad din siyang lumapit saka hinawakan ako sa kamay. Gusto kong itakwil ang mga kamay niya. Pero hindi ko magawa dahil nanabik ako s

  • Manang at Pikon ( Filipino )   SIXTY SIX

    =ALLYSA's POV=Looking at him from afar, I realized something.I love him. I really really love him and honestly, I don't want to lose him. Ayokong malayo sa kanya at gusto ko siyang manatili sa tabi ko.Pero paano?Kung everytime na nakikita ko siya ay hindi talaga maiwasan na hindi ako masaktan. He's a living witness of my pain. Para ba'ng everytime I saw him ay kasama na doon ang nakaraan. Ang nakaraan kung paano nasira ang pamilya ko.Nakita ko siya na parang may hinahanap at alam kong ako yon. Hindi ako makapagdesisyon sa sarili ko. While seeing him na papaalis ay unti-unti nagsi-sink in sa isip ko ang nakaraan. Kung paano kami nagkakilala, kung paano kami naging magka-away, nagsigawan, nagbullyhan.Naalala ko ang aming first dance at kung paano namin pareho na witness ang kadramahan ni Cass at B. My first heartbroken na nagpatunay sa kasabihang "crush na nga lang, na brokenhearted pa."But the best part was when we t

  • Manang at Pikon ( Filipino )   SIXTY FIVE

    =ADRIAN's POV="Pikon."Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad akong lumingon at nakita ko si Manang na tumatakbo palapit sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko ay hindi na ako mahalaga sa kanya. Pero nandito siya at nagpakita sa akin.Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Mahigpit at puno nang pagmamahal. I heard her crying saying I'm sorry. But as of now it doesn't matter kung ano ang mga sinasabi niya dahil ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito ay pagdating niya. Whats important is she's here. She came."I'm glad you came,"I said while hugging her back. I miss her a lot. God knows paano ko pinanabikan na mayakap siya ulit."Thank you for coming.Akalako hindi

  • Manang at Pikon ( Filipino )   SIXTY FOUR

    =ADRIAN's POV=Panay ang buntong hininga ko at namimigat ang dibdib ko habang papasok sa loob ng Airport. May kung anong pwersa ang pumipigil sa akin na wag tumuloy.Ayaw ng puso ko, simple as that.Pero kailangan para sa ikakabuti ko.Nagpalingon-lingon ako sa paligid to check if nandito si Allysa. Baka sakaling dumating siya at kausapin ako pero kahit anino niya ay hindi nagpakita kaya mas lalong bumigat ang hakbang ko."Adrian." Tapik sa akin ni K na sasama sa akin sa Bahrain. "Tara na sa loob, nandoon na mga pinsan mo."Kahit sa pagpasok ay hindi ko inalis ang mga mata ko sa mga taong labas pasok ng pintuan ng airport."Hindi na siya darating, please don't expect at baka masaktan ka lang." I bitterly smile to K saka pinunasan ang luha kong nag-umpisa na naman tumulo.Nang nasa loob na kami ay nakita ko doon ang mga pinsan ko na nag-aabang sa amin. I smiled at them saka sila nilapitan."Ingat k

  • Manang at Pikon ( Filipino )   SIXTY THREE 2.0

    =CASSANDRA's POV=Nandito ngayon sina Olivia at Anton sa bahay at gustong maka-usap si Allysa. Siguro tungkol na naman ito kay Adrian."Please leave us alone, tama na dahil sobrang pagod na kami."Nakakapagod ng makipag-usap sa kanila. Kaya ko lang naman sila pinakisamahan noon ay dahil kay Allysa at Adrian."We did not come here para mag-umpisa ng gulo Cassy, we came just to ask a little favor. Please, allow us to talk to Allysa."Si Anton na halata na ang pagod sa mukha."Ayaw ko, mahirap ba intindihin yon? So, please leave.""Hayaan mo sila Cass, gusto ko rin malaman bakit sila nandito."Lahat kami napatingin kay Allysa na pababa na ng hagdanan."Allysa."They both smile at kulang na lang magpaligsahan sa paglapit kay Allysa."Anong kailangan niyo?"tanong niya sa dalawa."We came here to ask you a favor, please come to the airport. Makipagpakita ka kay Adrian bukas." Na

  • Manang at Pikon ( Filipino )   SIXTY THREE 1.0

    "A-Ally-sa."Humihikbi kong tawag sa pangalan niya."Wala ng silbi ang buhay ko. Alam mo ba na ikaw lang dahilan kong bakit ako lumaban. Alam mo ba na ikaw lang dahilan kung bakit ko nilalabanan ang sakit ko. Dahil sa'yo Allysa kaya gusto kong mabuhay ng matagal. Dahil gusto kitang makasama. Pero ngayon na mawawala ka na sa buhay ko. Wala na rin halaga kong mabuhay pa ako. Hindi na ako magpapa-opera at hihinitayin ko na lang ang kamatayan ko."Nang matutunan kong mahalin si Allysa. Alam ko sa sarili ko na siya na ang gusto kong makasama habang buhay. Pero ngayon na mukhang buo na ang desisyon niya na iwan ako. Sa tingin ko ay wala ng halaga pa ang operasyon at hindi ko na yon kailangan. Maghihintay na lang ako ng kamatayan, dahil parang ganoon na rin naman ang gagawin ko araw-araw kung wala si Allysa sa buhay ko."Sa totoo lan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status