Share

TWO 2.0

"Hoy chaka, una sa lahat hindi tayo close para tawagin mo akong Betty. Kaya wag ka'ng FC. Ikalawa, si Benedict ang bumangga sa'kin, hindi niya kinaya ang kadyosahan ko kaya siya na ang nagpapansin." Nakangiti kong sabi saka itinapat ang kamay ko sa mukha niya sabay bawi at inamoy ko ng bongga. Singhot kung singhot bes.

"Ehmp! Ang bango. Ay hindi ka ba na inform ng nagdaldal sayo na hinawakan ni Benedict ang kamay ko. Ishi-share ko sana saýo ang amoy kaso ayokong hawakan mo ako eh!" Saka ipinaamoy ko kay Iya ang kamay ko. "Anong amoy Iya?" Nang-iinis kong tanong.

"Hmp! Amoy lalake. Amoy Versace." Malamang pabango ko ýon. Ahaha! Pero versace talaga pabango ni Benedict at noong nalaman ko ýon ay ginamit ko na rin.

"See, versace ang pabango ni Benedict. Mainggit ka, Carlita." Nanunukso kong sabi.

"Hoy? Ikaw na manang ka namumuro ka na talaga sa'kin. Konti na lang at titirisin na talaga kita."

"As if naman natatakot ako sayo, Karling, and fyi hindi ako kuto para tirisin mo. Bakit di na lang yang lisa' sa ulo mo ang tirisin mo. Capital Y.U.C.K. YURCK." Biglang inihit ng tawa si Iya. Pag slow talaga mabilis matawa sa mga simpleng dyok.

"Aba----" aktong sasampalin ako ni Carlita pero pinigilan siya ng kanyang alipores na si bebeng mapayat.

"Hayaan mo na, Carry. Wag mo nang patulan ang mga pangit na yan." Saka hinawakan sa kamay si Carlita. Wow! Pinasosyal pa ang pangalan. Carry, baka curry. Duck Curry bagay.

"Excuse me bebeng mapayat. Referring to yourself? You're disturbing us kaya buti pa magsilayas na kayo at nasisira araw namin dahil sa mga harina niyong pagmumukha."

"That's our sets," sabi ni Carlita sabay turo sa upuan. Yumuko ako at sinuri ko naman ang upuan saka muling nag-angat.

"Walang pangalan kaya amin na. So, go." Walang nagawa si Carlita nang ipagtabuyan ko kundi ang umalis. Nakatiim-bagang pa siya habang nakatingin sa akin. Tang-ina, nakakatot mukha niya, baka bangungutin ako pag napanaginipan ko siya.

=ADRIAN’s POV=

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuohan nitong Eskwelahan habang naglalakad sa hallway. Wala pa rin pinagbago dito. Just like the old days. Ganito na hitsura nito noong huli namin mapuntahan ni mommy. I was 6 or 7 at that time, noong nagbakasyon kami dito sa Pinas at hindi na ýon nasundan pa dahil nga namatay na si mommy at nawalan na ako ng gana na magbakasyon. Ngayon na lang ulit na eighteen na ako.

I was born in USA, and I studied there. Umuuwi lang kami dito noon during vacation. Pero this time, I decided to study here. Gusto ko pumasok sa Eskwelahan na balang araw ay magiging akin. Ang pangit naman kung sarili kong Eskwelahan ay hindi ko mapasukan at wala akong idea sa pamamalakad. Saka late na din ako naka-enroll sa USA dahil nagkaroon ako ng problema doon kaya dito ko na lang itutuloy ang pag-aaral ko.

"Kyaaaa siya ba si Adrian, walang duda na Villafrancia nga siya," sigaw ng isang babae saka sabay-sabay na naglingunan ang mga estudyanteng babae sa akin.

Ýong iba na nasa hagdanan ay nakadungaw na. Pero walang lumalapit o nagtangkang tumawag. Panay tilian at sigawan lang ang ginagawa nila.

Maybe some of them ay nakita na ako noon. Tuwing nagbabakasyon kasi kami ay nagkakaroon ng free snacks sa school, at ako ang namimigay noon para makilala ako ng mga studyante dito.

"Oo nga ang guapo niya."

"Girllllll nasaan na panty ko pakihanap,"  sigaw naman ng isa.

"Yong ovary ko sumabog na." Habol naman ng isa.

I stopped and look at them at tumigil naman sila sa pagtili. The gross. Ganito ba ang mga studyante dito. Tsk! Nasaan na ba kasi ang magagaling kong mga pinsan. Ang linaw ng usapan namin na dadaanan ako.

"Have you seen Benedict?" tanong ko sa isang lalaki pero umiling lang siya nang biglang tumili ang isang babae na katabi niya at nagsusunod-sunod na din ang iba.

"Benny, my loves."

"I love you, Tyler."

"Anakan mo ako, Adam."

"Pasubugin mo matres ko, Jayson."

Fuck, mas lalo silang umingay at sobrang kinilig. Pero ang ingay na ýon ay sabay-sabay na natigil nang marinig ko ang isang pamilyar na sigaw. 

"Magsitigil kayong mga ambisyosa kaýo."

Biglang natahimik ang lahat sa sigaw ng maldita na ýon kaya umikot ako para makita sila. And there, magkakasama silang lima. Kung ang maldita na ‘to talaga ang sisigaw ay natatahimik na ang lahat.

"Hi, Adrian." Beverly Villafrancia, the unica hija ng mga Villafrancia, youngest sister of Benedict. Bevs hugged me and I hugged her back.

I looked at the four na parang walang pakialam sa akin. Walang may kumibo kahit isa kanila kaya sinamaan ko sila ng tingin. "Chillax couz papangit ka niyan," dugtong ni Bevs.

"Hoy B, sabi ko saýo sunduin mo ako ‘di ba. You said yes pero bakit hindi mo 'ko dinaanan?" I pouted habang nakasimangot at ngumuso naman siya pointed to Bevs bago sumagot.

"Ask your brat cousin. Hilig gumala, wala pala'ng gasolina." Kalmadong sagot niya na tinawanan lang ni Bevs.

"Kasalanan ko pala. Sorry naman may dinaanan lang ako." Paglalambing nito sa akin.

"What can I do," I simple said, wala naman akong magagawa kahit magalit ako. I tapped her head habang nakaakbay sa kanya kahit pa napipikon ako saka binalingan si Tyler. "Tyler, I left my car. I'll used your car instead."

"What the! Seriously, Adrian?"  Tiningnan ko siya using may emotionless look.

"Papayag ka o papayag ka?" I asked him saka ngumiti. "O sabihin ko sa daddy mo na nag-casino ka."

"Oo na, para isang beses lang," reklamo niya sabay hagis ng susi sa akin.

"Don't worry bruh! Dalawa tayong maglalakad," sabi ni Adam at inakbayan si Tyler saka sabay na tumingin kay Jayson. 

"Pwede mo ba kami isabay Jay?" With puppy eyes na tanong ni Adam pero hindi sumagot si Jayson sa kanya kundi sa akin tumingin.

"Gotta go, kita na lang sa headquarter." Hindi pa nga kami nakasagot ay agad na siyang umalis kaya hinayaan na lang namin. Pangit ka-bonding nito kahit kailan.

"B, baka pwede mo kami isabay mamaya?" Nakangiting tanong ni Tylyer kay Benedict.

"No, Magtaxi kayo paminsan-minsan," sagot niya sa dalawa. "Alis na rin ako, I'll pay a visit for someone." He kissed Bevs and tapped my shoulder saka umalis.

Bumaling naman sa akin ang dalawa. Hindi pa man sila nagsalitaay ay inunahan ko na.

"Hindi ko kayo isasabay." Ngiti ko sa kanila.

"Fine," sagot ni Tyler saka inakbayan si Adam.

"Isang araw lang akong walang kotse dude, pagtyagaan na lang natin magtaxi," sabi ni Adam kay Tyler.

"Hoy Adrian, mas mahal ko ýong kotse ko kaysa sa buhay mo, pag ýon nagalusan, pipilayan talaga kita." Salubong kilay na sabi ni Tyler.

"Ibangga ko pa ýon eh."

"Anak ng----"

"Enough, tara na nga at baka magka-initan pa kayo." Aya sa amin ni Bevs.

For the last time ay muli kong sinuri ang school, I'll gonna study here.

Bagong karanasan, kalimutan lahat ng hindi magandang nangyari then move on, and start a new life, I'll gonna replace those bad memories with new memories here.

In this school, mag-uumpisa ako ng masayang ala-ala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status