Mahigit anim na buwan na ang nakakalipas, magmula nung umalis si Ivan at bigla na lang nawala. Tangging si Karlos naman ang nag-aalaga kay Alona at kasalukuyan na nga niyang naigagalaw ng paunti-unti ang kaniyang katawan, subalit nakapiring pa rin ng puting bendahe ang kaniyang mga mata.
Nakakaupo na siya ngayon at paunti-unti ay nakakalakad na ulit siya dahil sa tulong ng binata at sa palaging pag-aalalay nito sa kaniya."Say ah." Kasalukuyan nakaupo si Karlos sa harap ni Alona, habang siya naman ay nakaupo sa kaniyang higaan. Sinusubuan niya ito ng isang kutsarita na may crab soup, pero tinatanggihan naman siya ng dalaga."Tumigil ka na, hindi mo kailangang magbait-baitan sa akin ngayon. Alam ko namang walang tao sa paligid natin, kaya puwede ka ng huminto sa pag-aakting mo." Mahina ngunit may laman ang mga sinasabi nito sa kaniya. Gumuhit naman ang pilyong ngiti sa labi ng binata at sandali niyang binitawan ang hawaApurahang tumatakbo si Karlos mula sa private room ni Alona, pagkatapos nitong malaman na ngayong araw na rin pala tatanggalin ang bendaheng nakapiring sa mga mata ng dalaga."Excuse me, excuse me po!" aniya habang nagmamadali ito. Pagkarating niya sa tapat ng silid nito ay sandali siyang nahinto at hinahabol ang kaniyang paghinga. Hingal na hingal siya at tumatagaktak ang butil ng pawis mula sa kaniyang noo."After i removed this, you must slowly open your eyes and don't force it. Do you understand?" malumanay na turan sa kaniya ng doktor. Tumango naman ng ulo ang dalaga at may maikling ngiti sa kaniyang labi na animoy nasasabik na itong muling mabuksan ang kaniyang mga mata.Napayuko naman saglit si Karlos at nagbuga ng malalim na paghinga. Napansin siya ng doktor nito at nagpalitan sila ng tingin sa isa't-isa. Tila may pangamba naman sa mukha ng binata at umiiling siya ng kaniyang ulo.
Gabi-gabi na lamang umiiyak si Alona, pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa pagkabulag ng kaniyang mga mata. Madalas din itong nagwawala at tinataboy ang kahit sino mang lalapit sa kaniya. Wala rin itong ganang kumain at madalas ay tinatapon lang niya ito sa kung saan-saan.Saksi si Karlos sa hirap na pinagdadaanan ng dalaga. Ramdam niya ang bigat na nararamdaman nito sa kaniyang dibdib at ang kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Isang sikat at mahusay na balerina si Alona, ngunit ngayong hindi na ito nakakakita pa ay tila unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa na makamtin ang pinapangarap niya na makapagperform sa ibang bansa."Sino 'yan? kung maaari lang ay lumabas ka na. Hindi ko kailangan ng kahit na sino sa loob ng silid ko." Ani ng dalaga sa kaniya nang marinig nito ang pagpihit ng pintuan at mga yapak ng paa ni Karlos."Ako 'to, si Karlos." Pagpapakilala niya habang nakaturo siya sa kaniyang sarili.
"Do you believe in love at first sight?" kadalasan sa tuwing binabanggit ko iyon sa ibang kababaihan ay bigla na lang silang napapangiti at kinikilig. Iyon ang paraan ko, upang maakit at maangkin ko ang mga puso nila. At wala pang kahit na sinong babae ang tumatanggi sa akin, maliban na lamang sa isa. "She's here!" saktong pagkasabi ni Mr. Desepeda ay napalingon naman ako sa kaniya. Nung una ay hindi ko inakala na totoo pala ang usap-usapin na kumakalat tungkol sa kaniya.Indeed, she' s gorgeous! ang unang salita na sumagi kaagad sa isipan ko. Habang naglalakad siya papalapit sa amin ay parang mas lalo pa siyang gumaganda sa paningin ko. Mula ulo hanggang paa, lahat perpektong-perpekto sa kaniya.She's the ideal girl that i'm looking for. Muling bulong ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ko ang mapupungay niyang mga mata."By the way, hija. Siya nga pala si-" naputol naman kaagad ang sinasabi ng ama nit
Halos napatayo na lamang ako sa sobrang gulat nang mapagtanto ko na wala ng pulso si Alona. "Alona! Alona, gumising ka!" ang paulit-ulit na pagtawag sa kaniya ni Ivan, habang niyuyugyog ang kabila niyang balikat. Napamaang na lamang ako sa kaniya at parang batong nanigas.Tila ba ay wala akong naririnig sa aming paligid at tangging sa kaniya lang din nakatuon ang aking atensyon. Tulala ako at hindi alam ang aking gagawin.Patay na ba siya? Ang tanong na bigla na lang sumagi sa aking isipan.Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay, pagkatapos kong mahawakan ang kaniyang pulsuhan at wala akong madamang pagtibok ng puso niya. Natauhan na lamang ako nang marinig ko ang hudyat ng pagdating ng mga ambulansya at rescuer. Napalingon ako sa kanila at tipong lalapitan ko na sana sila ay bigla naman dumaan sa gilid ko si Ivan, habang buhat-buhat niya si Alona. Natigilan
One call girl, iyon ang tawag nila kay Shaina. Nalaman ko na lang sa matalik kong kaibigan na si Kit, na isa siyang bayarang babae na nagpapagamit sa kung sinu-sino na lang lalaki. At ang mas nakakawindang pa roon ay hindi lang basta kuro-kuro o gawa-gawa lamang ang tungkol sa usapin na iyon tungkol sa kaniya. Nung una ay hindi ako naniniwala. Sa ganda ba naman niya at maamong mukha ay halos hindi mo madidikta ang tunay nitong pagkatao. Saka na lang ako naniwala nang sabihin sa akin ni Ivan na isa siya sa mga naka-one night stand niya. Sayang siya, type ko pa naman siya.Ngayon naiitindihan ko na kung bakit siya nilalayuan at iniiwasan ng iba. At tulad nga ng sinabi sa akin ni Ivan na madalas itong lapitan ng ibang kalalakihan ay tila unti-unti ko na rin napapansin iyon sa kaniya.Madalas sa tuwing pumapasok ako sa paaralan namin ay may bigla na lang bumubusinang magarang kotse at hihinto sa tapat ng gate nami
Dumampi ang aking labi sa batok niya habang hinihimas ko ang kaniyang tiyan, paakyat sa kaniyang dibdib. Pilit naman siyang nagpupumiglas sa aking mga kamay habang nakadikit pa rin ang kalahating mukha niya sa pader. "Hindi ba't ito rin naman ang gusto mo?" mahinang turan ko sa kaniya.Pagkatapos kong madampian ng halik ang batok niya ay puwersahan ko siyang pinaharap sa akin at sinungaban siya ng halik sa labi. Nalasahan ko ang mapait na pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata at pilit pa rin siyang nagpupumiglas sa akin habang hawak-hawak ko ang dalawa niyang mga kamay na nakataas.Tila hindi pa ako kuntento sa aking ginawa, kung kaya't kinarga ko siya at pinaupo sa tabing bintana. Halos napakapit naman siya ng mahigpit sa aking balikat dahil sa takot nitong baka ihulog ko siya roon.Napangiwi naman ako sa aking labi nang mapansin ko ang nangangamba niyang mukha at nakikiusap na mga mata.Subali
Magmula ng araw na iyon ay tila nagkapalagayan kami ng loob ni Shaina. Madalas pa rin naman siyang umiiwas sa akin at umaalis lang bigla sa tuwing nagkakasalubong kami ng daan. Gayunpaman ay nagpatuloy pa rin ako sa paglapit at pangungulit sa kaniya. Hindi nagtagal ay naging magkaibigan na kaming dalawa at komportable na siyang kasa-kasama ako. Bagamat mayroon pa ring humahadlang at humuhusga sa aming dalawa, subalit binalewala na lamang namin iyon at hindi na namin masyadong iniitindi. Alam rin naman naming parehas na lilipas din iyon at magsasawa rin sila sa kakatsismis tungkol sa aming dalawa ni Shaina. Ngunit habang lumilipas naman ang oras at araw na kasama ko siya ay tila unti-unti ring lumalalim ang pagtingin ko para sa kaniya. Inamin ko rin naman sa kaniya noong una palang na may nararamdaman ako sa kaniya na higit pa sa bilang magkaibigan lang.
Laking gulat ko na lamang nang mapagtanto ko ang aking sarili sa loob ng sasakyan ni Shaina, habang nakahawak naman ang dalawa kong kamay sa kaniyang leeg. Mabilis ko siyang binitawan at kaagad din akong lumayo sa kaniya. Napahawak naman siya sa leeg niya gamit ang sariling kamay habang hinahabol ang kaniyang paghinga. Napamaang na lamang ako sa aking mga kamay at hindi ako makapaniwala na kamuntikan ko na pala siyang mapatay. "Hindi ko inakalang matindi pa rin ang galit mo sa akin, magpahanggang ngayon." Aniya na may pag-ngiwi mula sa kaniyang labi at hinihingal pa rin siya sa paghinga. "Paano mo nalaman ang phone number ko? sinusundan mo ba ako? iniistalk mo ba ako?" mahina ngunit mariin kong usisa sa kaniya.Saglit naman siyang napasuklay sa kaniyang buhok gamit ang sariling kamay at muli niya akong tinignan sa mata. "Anong akala mo sa akin? stalker mo?" t