Share

Kabanata 4

Isang buwan na ang makalipas simula nang may mangyari kina Roxanne at Rain, hindi pa rin malimutan ni Roxanne ang mainit na gabing pinagsaluhan nila. Hindi niya lubos akalain na siya naangkin ng isang mayaman at guwapong lalaki. May parte sa kaniya na natutuwa ngunit may parte rin na hindi dahil parang lumalabas na siya ay babaeng madaling makuha.

"Isang cake nga. Ito ang gusto ko," wika ng isang customer.

Agad na lumapit si Roxanne sa customer at saka inasikaso ang binili nitong cake. Medyo malakas din ang bakeshop na pinapasukan niya. Hindi kagaya sa iba dahil de-kalidad ang sarap ng cake nila. Maraming mga tao ang nagugustuhan ang cake nila. Itinuro ng kaniyang amo kung paano mag-bake ng cake kaya naman si Roxanne na ang halos gumagawa ng lahat. Wala naman siyang reklamo dahil mataas naman ang pasuweldo sa kaniya.

"Hays…" mahinang usal ni Roxanne nang makaramdam siya ng pagkahilo.

Noong nakaraang linggo niya pa ito nararamdaman. Bigla na lamang siyang nahihilo, sa umaga ay nasusuka, ayaw na rin niya sa amoy ng paborito niyang pabango at naging antukin din siya. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng ganito. Ayaw naman niyang uminom ng gamot dahil hindi naman siya mainit.

"Ayos ka lang ba, Roxanne?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Aling Rose.

Si Aling Rose ay napakabuti niyang amo at turing na sa kaniya nito ay isang anak. Nasa ibang bansa na kasi ang mga anak niyo kaya si Roxanne ang itinuturing niyang anak.

"Opo, Ma'am. Kaso lang, parang may kakaibang nangyayari sa akin."

"Kakaiba? Anong kakaiba ang ibig mong sabihin?"

Kumamot ng ulo si Roxanne. "Basta po parang may nagbago sa katawan ko. No'ng nakaraang linggo ko pa ito nararamdaman eh. Bigla na lang akong nahihilo, nasusuka, nababahuan sa amoy ng pabango, at biglang naging matamlay ang katawan ko sa trabaho. Na para bang pagod na pagod na agad ako kahit kapapasok ko pa lang."

Mariing napapikit si Aling Rose sabay hawak sa magkabilang balikat ni Roxanne. Naging malamlam ang mga mata nitong tumingin sa kaniya na siyang ipinagtaka naman ni Roxanne.

"Bakit po?"

"Roxanne…sabihin mo nga sa akin ang totoo. May nakagalaw ba sa iyo?"

Napalunok si Roxanne. Sasabihin niya ba? Pero nakakahiya 'yon dahil hindi naman niya nobyo si Rain.

"B-Bakit po, Ma'am? Anong mayroon?"

"Basta sagutin mo ang tanong ko. Mayroon ba?"

Marahang tumango si Roxanne sabay yuko. Bumuntong-hininga si Aling Rose sabay upo.

"Bumili ka ng pregnancy test sa botika. Kailangan nating makasiguro kung buntis ka ba. Lahat ng mga sinabi mo sa akin ay senyales ng babaeng buntis."

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Roxanne. Buntis siya? Paano nangyari 'yon? Paano siya mabubuntis kung isang beses lang may naganap sa kanilang dalawa ni Rain? Hindi magawang makapagsalita ni Roxanne. Nanatiling nakaawang ang kaniyang bibig habang nanginginig ang kaniyang kamay.

"Sino ang lalaking nakabuntis sa iyo? Alam niya bang buntis ka?"

Napalunok si Roxanne. "S-Si R-Rain po. Rain Tyler Montenegro."

Nanlaki ang mata ni Aling Rose. "Ano?! Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kilala mo ba ang taong 'yan."

"Opo. L-Lasing po kasi kami no'n. Hindi po namin alam ang nagawa namin."

"Jusmiyo." Nasapo ni Aling Rose ang kaniyang noo.

"Bilisan mo, Roxanne bumili ka na ng pregnancy test sa botika."

PAGKABALIK ni Roxanne galing sa botika, agad siyang nagtungo sa banyo. Nanginginig ang kaniyang kalamnan habang nag-aabang ng resulta. Tatlong pregnancy test na ang kaniyang binili para makasigurado. At nang tingnan niya ito, pare-parehas itong may resultang isang malinaw na pulang guhit at isang malabong pulang guhit.

Ibig sabihin, siya ay buntis.

Umiiyak na lumabas ng banyo si Roxanne. Niyakap siya ni Aling Rose at naiiyak na napatingin sa pregnancy test.

"Patawarin mo po ako, Ma'am…hindi ko naman po alam na ganito ang mangyayari. Anong gagawin ko nito?"

Tiningnan siya ng diretso sa mata ni Aling Rose habang hawak ang kaniyang kamay. "Wala kang ibang gagawin kun'di ipagpatuloy ang pagbubuntis mo. Isang biyaya pa rin ang pagkakaroon ng anak kahit na hindi ito sinasadya. Ang gagawin mo ngayon ay ipalam sa tatay niya ang tungkol diyan. Kung gusto mo, ngayon na. Magpasama ka kay Maribel. Kailangang malaman nila agad ang tungkol diyan."

Marahang tumango si Roxanne at saka nagmamadaling umalis ng bakeshop. Pinuntahan niya si Maribel at sinabi ang lahat. Tila nawindang naman ang kaniyang kaibigan dahil sa kaniyang sinabi.

"Ano ba 'yan, Roxanne! Malaking gulo 'yan! Alam mo bang ayaw pa ni Sir Rain na magkaanak? Kaya nga nagagalit sa kaniya ang Daddy niya dahil gusto na nila ng apo! Paano 'yan? Paano kung hindi tanggapin ni Sir Rain 'yan?"

"Hindi ko alam, Maribel. Basta, kailangan niyang malaman ang tungkol dito. At kung hindi man niya tanggapin, ako na lang ang bubuhay sa anak namin mag-isa."

Umupo sa tabi niya si Maribel na bakas sa mukha ang pagkainis. "Ikaw naman kasi eh! Bakit hindi mo pinakalma 'yang kipay mo! 'Yan tuloy, napasukan ng talong at nakabuo pa! Hay ewan!"

Walang ibang nagawa si Roxanne kun'di ang maiyak. Gusto niyang saktan ang kaniyang sarili dahil sa pagkakamaling kaniyang nagawa. Alam niyang magiging malaking gulo ito. Ngunit wala na siyang magagawa pa dahil nangyari na ang lahat. At kailangan niyang harapin kung ano man ang puwedeng mangyari dahil iyon ang dapat.

"Halika na! Umalis na tayo."

Sa tulong ng kaniyang kaibigang si Maribel, nagtungo sila sa bahay ng pamilyang Montenegro. Mabuti na lang at naabutan pa nila si Rain dahil paalis na ito.

"Sir Rain…" tawag ni Maribel kay Rain.

Binalingan si nito. "Oh bakit, Maribel? Hinahanap mo ba ang Mama mo? Nandoon siya sa kabilang kuwarto naglilinis."

Mabilis na umiling si Maribel. "Hindi po. May tao pong naghahanp sa inyo."

Mula sa likuran ni Maribel, nagpakita si Roxanne. Nanlaki ang mata ni Rain ng maalala niya kung sino si Roxanne.

"Ikaw…ikaw 'yong ano…"

"Oo ako nga. Ako ang babaeng nagalaw mo no'ng may okasyon sa bahay na ito." Putol ni Roxanne sa sasabihin ni Rain.

Tiningnan siya ni Rain mula ulo hanggang paa. "Bakit ka nandito? Huwag mong sabihing na-miss mo kung ano ang nangyari sa atin. Pasensya ka na, wala kang mapapala. Sadyang lasing lang tayong dalawa no'n at parehas nag-init kaya nangyari 'yon. Huwag kang umasa na may halaga 'yon sa akin." Nakangising wika ni Rain.

Napalunok si Roxanne dahil sa mayabang na pagkakasabi ng lalaki. "Oo nag-init lang tayong parehas no'n pero hindi ko inaaahang may mabubuo sa isang beses na p********k nating dalawa." Buong tapang na wika ni Roxanne sabay buntong-hininga.

Nagsalubong ang kilay ni Rain. "Anong…anong ibig mong sabihin?"

"Buntis ako, Rain. At ikaw ang ama." Diretsahang sabi ni Roxanne habang nakatitig ng diretso sa mata ng lalaki.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Amina Khan
wla na yata karugtong
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status