Sumakit ang baba niya bigla at isang gwapong mukha ang biglang lumapit sa kanya. “Tignan mo ng maigi. Sino ako?”Ang malamig na boses at ang pamilyar na amoy sa kanyang mukha ay biglang nagpatino sa pagiisip ni Jane. “Bakit ka...”“Bakit ako nandito?” Hindi binigyan ng pagkakataon ni Sean si Jane na matapos ang sinasabi niya, ang kayang labi ay naging mayabang na ngiti. “Kailangan mo pa bang magtanong? Hindi mo ba alam na isa sa mga libangan ko ay makita kang naghihirap?”Sa tabi niya, nanginig si Uno, ang kanyang tingin ay napunta sa kanang kamay ng kanyang master.Drip drop, drip drop… Ang kanang kamay ng kanyang master ay may tumutulong dugo, kaya bakit niya ipinaliwanag kay Miss Dunn ng ganun?Ang malaking kamay ni Sean ay ginilid ang baba ni Jane na parang tinapon ito ng malakas, ang kanyang mahaba at balingkinitang katawan ay biglang tumayo. Binaba ang kanyang tingin, tinignan niya si Jane. “Tumayo ka na. Sumama ka sakin kung hindi ka pa patay.”Si Uno ay hindi gusto si Mis
Ang pintuan ng elevator ay nagbukas na may tunog at si Sean ay dinala si Jane ng nakahiga habang tumatakbo palabas ng elevator. Tumakbo siya diretso sa kanyang kwarto at inilagay siya sa malaking kama, kaagad na umabot para tanggalin ang kanyang basang damit.Tinanggal niya ang kanyang mga butones isa-isa. Ang babaeng ito ba ay palaging may suot na ganito karaming damit, kahit na sa mainit na araw?Sa sandaling ang hintuturo niya ay lumapag sa ikatlong long sleeves na panloob, siya ay sobrang naguluhan. Sino ang magsusuot ng long sleeves na panloob na para sa autumn sa ilalim ng madaming patong ng damit sa mainit na araw sa summer?Gayunpaman, hindi niya magawang iwan na lang siyang nakasuot ng basang damit.Binilisan ni Sean ang kanyang mga kilos, pinupunit ang kanyang mga basang damit.Sandali pa, tumalikod siya para kumuha ng puting damit sa kanyang aparador, inilagay ito sa ibabaw ng kanyang katawan.Ginawa niya ang lahat ng mga aksyon na ito ng hindi man lang humihinto ng i
Tinanggihan niya siya, ngunit mas nilagyan pa niya ng pwersa ang paghalik niya.Smack!Mayroong malakas na tunog ng sampal at sa isang iglap, nanahimik ang buong mundo.Tinignan ni Sean ang babaeng nasa ilalim niya ng hindi naniniwala. Ang kanyang kamay ay nanginginig habang nakatingin sa kanya na sobrang takot.Nakatitig si Sean ng maigi sa babae na nakahiga sa kama. Hindi niya ito sinampal ng masyadong malakas at hindi naman ito talagang masaki. Gayunpaman, ito ang unang beses sa marangyang buhay ni Master Stewart na pinuno ng kagalang galang na Stewart empire ng S City, si Sean Stewart mismo, na masampal ng kahit na sino. Ang kanyang manipis na labi ay bumuo ng linya at tinignan niya ang babaeng nasa ilalim niya. Sa isang iglap, tumayo siya at umalis ng kama, tumalikod kay Jane habang sinasabi,“Palitan mo na ang iyong basang pambaba. Huwag mong basain ang kama ko.”Binato niya ang isang pares ng malinis na pangtakbong pambaba ng lalaki sa kanya. Lumapag ang mga ito sa tabi ng
May kumikilos sa likod niya.“Tumigil ka diyan. Saan ka pupunta?” Tinignan ni Sean ang mahiyaing babae na may nanliliit na mata, nasa bingit ng pagkabaliw.“Sa trabaho,” Mabagal na sinabi ni Jane.Nang biglaan!Ang galit sa puso ng lalaki ay umaalab nanamang muli at ang kanyang malamig na parang jade na mukha ay hindi mabasa. Biglang tanong niya, “Trabaho? Sa katawan mong bugbog na sa ngayon?” Ang tanging naiisip lang ng tangang babaeng ito ay pera. Maswerte siyang nakatakas sa kamatayan kanina lang at ang unang bagay na pinagusapan nila matapos niyang buksan ang kanyang mata ay pera. Ano pa ba ang pakialam niya maliban sa pera?Ah… May isang bagay pa pala!Si Zach Lucas!Ang lalaking patuloy na binubulong niya, kahit na sa kanyang tulog! Si Zach Lucas!“Kung wala ka nang kailangan pa, Mr. Stewart, papasok na ako sa trabaho ngayon.” Siya ay mahiyain at tahimik tulad ng dati, ang kanyang likod ay nakakurba na parang ang kanyang spine ay hindi kayang dumiretso. Ng makita ni Sean
Si Alora ay parang sinidihang paputok, nag popower walking papunta sa PR department. Kumikilos siya na parang hinahati niya ang ere saan man siya magpunta at iniiwang nalilito ang mga taong nadadaanan niya. “Ano ang problema kay Alora?”“Hindi ko alam.”“Mukhang papunta siya sa PR department.”“May ginawa nanaman ba ang cleaner na iyon?”“Tigilan niyo na ang paguusap tungkol sa kanya ng ganyan. Nagtatrabaho siya ng maigi, kaya paano na lang niya kayo nasasaktan?” Sigaw ni Anna, ang kanyang boses ay mayabang at gigil. “Mga tagasilbi tayo, kaya gawin na lang natin ang trabaho natin bilang tagapagsilbi. Kung may masabi kayong mali at malagay ang sarili niyo sa problema, walang makakapag ligtas sa inyo.”Pagkasabi niya nito, tumingin siya sa halatang gulat na si Susie sa isang tabi. “Dalian mo at pumunta ka na sa Table No. 3. Nagrereklamo sila tungkol sayon, sinasabi na ang tagal ng inaantay nila ngunit hindi pa din dumadating ang inuming inorder nila.”Sobrang sensitibo ni Susie nga
Ang tatlong salitang iyon— Ang big boss. Hindi kilala ni Manager Kohr kung sino ang big boss, ngunit ang taong nag ambag sa matagal na reputasyon ng East Emperor ay siguradong taong may sobrang laking kakayahanSubalit, sa ngayon sinasabi sa kanya ni Alora na ang misteryosong “big boss” ay ang nagligtas kay Jane Dunn.Ang big boss ay ang tanging paraan ng pagtawag sa malaking tycoon na nasa taas nila.Ang mga tuhod ni Manager Kohr ay nanghina na natumba siya una ang pwet sa lapag. Mayroong tunog sa kanyang mga tenga. Hindi dinetalye ni Alora ang mga nangyari, pero sapat na ito para makuha ni Manager Kohr ang ilang mga bagay ngayon.Nagkagulo ang kanyang utak. Nang biglaan, medyo nalinawan ng kaunti si Manager Kohr at bigla niyang tinaas ang kanyang ulo. Sumigaw siya, “Hindi ko alam kung nasaan si Jane Dunn ngayon. Sandali lang, Alora. Aalis ako at iimbestigihan ito.”Sigurado, ang isa sa mga babae ay gustong mamatay sa pagtatraydor kay Jane Dunn.Kung alam niya lang ang magulong
Umirap si Uno. Ano ang alam ni Alora sa mga bagay na nangyari sa nakaraan?“Tawagin mo ang babae,” Sabi niya.Tumango si Alora. Wala siyang magandang impresyon kay Susie Thompson sa simula pa lang.Si Susie ay ay ipinatawag sa opisina ni Alora ng walang rason. Kinakabahan siya sa buong paglalakbay niya papunta doon.“Alora,” Sa ngayon, alam niya na dapat pigilan niya ang kanyang sarili, hindi tulad ng unang beses na pumasok siya sa loob ng opisina ni Alora.“Huwag na tayong mag paligoy ligoy pa. Sabihin mo sakin kung ano ang nangyari sa 6th floor private room ngayon,”Si Susie Thompson ay kinabahan bigla. Tulad ng inaasahan, tinawag siya dito dahil sa kung ano ang nangyari sa 6th floor private room ngayon.Maaaring sinadya niyang iwasan ang hindi makabubuting usapan laban sa kanya at tinago ang ilang detalye ng ipaliwanang niya ito kay Alora.Subalit, kaharap niya ang dalawang sobrang talinong tao. Kahit na ito man ay si Alora o si Uno, magagawa na nilang mahulaang ang kabuuan
Hindi sigurado kung imahinasyon lamang niya ito o dahilan, naramdaman niya na ang daanan mula sa elevator ay puno ng mga pako. Ang bawat hakbang na ginawa niya ay nararamdaman niya ang pagbaon nito sa talampakan niya.Nanatiling tahimik si Jane Dunn habang sumusunod sa likuran ni Uno.Nasa harapan lang nila ang pintuan ng elevator. Huminto sandali si Uno at gumawa ng kilos na "pumasok ka na" kay Jane Dunn na nasa likuran niya. "Sige na, Miss Dunn.""Ikaw ..." Nagdalawang isip sandali si Jane Dunn. Siya ay hindi abala, subalit siya ay tumingin kay Uno na may suot na malamig na tingin sa kanyang mukha at nagtanong, "... ay hindi kasama paakyat?""Gusto ni Boss na mag-isa kang umakyat, Miss Dunn."Nakahawak pa rin si Uno sa kamay ni Susie Thompson. Nang makita ang pagsara ng pinto ng elevator, mabilis siyang sumigaw, “Jane Dunn! Jane Dunn! Dapat mo akong tulungan! Alam kong ikaw ang may pinakamalambot na puso sa lahat. Matiis mo bang makita ako sa isang pangit na kalagtayan, di 'ba?