Beranda / Romance / Mapanganib na Pagbabago / Kabanata 6 Matagal Tagal na din, Hindi mo ba ako Babatiin

Share

Kabanata 6 Matagal Tagal na din, Hindi mo ba ako Babatiin

Penulis: Qi River's Old Stream
Tignan mo, talagang napunta na sa kanya ngayon! Alam na niya ito, hindi na dapat niya sinubukang tulungan si Susie!

Nanghihinayang na si Jane sa kanyang ginawa ngayon.

“Hoy, nagtanong ako sayo diba, tagalinis.”

Walang pagpipilian si Jane kung hindi ang sapilitang tumango.

Ang mayabang na boses na iyon ay tumawa ng malakas, sinasabihan si Susie ng, “Nakita mo ba? Kahit na ang isang cleaner ay mas marunong makiayon sa paligid kaysa sayo.” Dahil dito, kumuha siya ng isang bote at binagsak ito sa lamesa. “Ubusuin mo lahat ito o tatawagin ko si Alora Smith dito.” Si Alora Smith ang interviewer na siyang tumanggap kay Jane dito sa club.

Ang pagbanggit kay Alora ay tumakot kay Susie ng kaunti. Ang mga Thompsons ay mahirap at si Susie ay nagnagtatrabaho dito sa East Emperor dahil sa malaki ang bayad nila. Kung talagang tinawag nila si Alora, siguradong matatanggal siya sa kanyang trabaho.

“Huwag mong tawagin si Alora!” Hinablot ni Susie ang bote ng alak mula sa krystal na lamesa. “Iinumin ko na ito!” Ang kanyang mga luha ay nagsimulang tumulo bago pa man siya magsimulang uminom.

“Sandali lang.” Isang malalim na boses ang mabagal na nagsalita mula sa kadiliman. Ang likod ni Jane ay nakatalikod sa madilim na kantong ito, ngunit ang kanyang katawan ay nagsimulang manginig ng malakas ay hindi niya sinasadya sa mga sandali na marinig niya ang boses na iyon.

Gumapang ang takot sa kanyang mga mata at ang kanyang paghinga ay lalong bumigat,

“Tumalikod ka,” utos ng boses na nasa kadiliman.

Ang mga binti ni Jane ay kasing bigat ng bakal at hindi siya makakilos, paulit-ulit na sinasabihan ang kanyang sarili, ‘Hindi niya ako kinakausap.’

“Isang beses ko na lang itong uulitin muli. Tumalikod ka. Cleaner.”

“Uhh...” Pakiramdam ni Jane na sinapak siya sa puso, ngunit alam niya na kailangan niyang gawin ang sinabi niya. Nagngitngit ang kanyang mga ngipin at tumalikod siya ng mabagal, nabbalot ng makapal na mga damit.

Ang kapaligiran ay talagang kakaiba. Masasabi ng lahat na mayroon bagay na hindi tama ngayon.

Ang mayabang na master ay nilagay ang kanyang mga daliri sa kanyang labi at sumipol ng masaya. “Nakakatuwa ito.”

Ang isa sa mga lalaki sa couch ay sumigaw, “Tumahimik ka nga, Ray. Huwag mong guluhin ang palabas.”

“Kung gayon, bwisit ka, Elior White. Masama ka talagang tunay.”

Ang mga mata ni Jane ay napupuno ng takot. Gusto niyang tumakbo palayo sa lugar na ito!

Nakulong siya ng tatlong taon. Iyon ay 1,095 na araw na buhay sa impyerno. Matapos na makalaya sa walang katapusang kawalan, wala siyang lakas ng loob na magkaroon pa ng romantikong pagasa para kay Sean Stewart. Ang nararamdaman na lang niya para sa taong ito ngayon at tunay na pangamba at takot.

Kahit na kung siya ay mayroong iba pang pakiramdam ng pagmamahal o kagustuhan para sa lalaking ito, matagal na niya itong ibinaon ng malalim sa kanyang puso, sa kung saan hindi na ito muling sisikatan ng araw.

“Itaas mo ang iyong ulo.” Ang mabagal na boses ay utos sa kanya at si Jane ay sumusunod sa kanyang bawat salita tulad ng isang manika.

May kadiliman dito at ang lalaking iyon ay nakatago sa isang madilim ng gilid. Wala siyang lakas ng loob na tumingin sa paligid ng pumasok siya sa kwarto, kaya hindi nakakapagtaka na hindi niya ito nakita.

Si Sean Stewart ay nakaupo sa couch sa isang kanto na parang isang hari, ang kanyang mahaba at balingkinitang mga braso ay nakalagay sa gilid ng couch. Nakapatong ang kanyang baba sa likod ng kanyang kamay, elegante at maginoo, ngunit ang mga mata sa likod ng gintong salamin ay nakatitig sa kanya tulad ng isang gutom na lobo, handang sumunggab sa kanya at atakihin siya sa anuman sandali.

Ang tatlong taon ay hindi nagpalipas sa kanyang kinang. Sa halip, ang pagdaan ng panahon ay lalo lang nagpakinang sa kanya, lalo siyang mas naging nakakasilaw.

Ang mukhang iyon ay medyo natatakpan ng kadiliman, na para bang natatakpan ng gintong ilaw. Nakaupo lang siya doon, nagpapakita ng nakakabighaning aura.

Gayunpaman… hindi siya naglakas loob na tumingin sa kanya! Desperado niyang tinago ang kanyang mukha sa makapal na damit sa kanyang dibdib.

“Pfft.” Natawa si Sean, malamig na katuwaan ang makikita sa kanyang mata habang nagsasalita siya, “Matagal tagal na ding hindi tayo nagkita. Anong problema? Hindi mo ba ako babatiin?”

Sobrang putla na ni Jane. “Mr. Stewart.”

Sinubukan ni Jane na alisin ang takot sa kanyang dibdib. Ang kanyang mga daliri ay nakabaon ng maigi sa kanyang mga binti at pinipilit niya ang kanyang sarili na magmukhang kalmado.

Subalit, ang lalaki sa couch ay madaling napansin ang mga ito sa kanyang bawat kilos.

Nanliit ang mga mata ni Sean ay sinuri si Jane… Kung hindi niya nakasalubong ito dito sa East Emperor, siguradong halos makakalimutan na niya na buhay pala siya.

Hindi na niya ito mamukaan. Kung ang tagapagsilbing iyon ay hindi tinawag siyang ‘Jane’, hindi niya aakalaing siya nga iyon.

Ang ilaw ay medyo madilim, kung kaya hindi niya gaanong makita ito ng maayos. Gayunpaman, hindi mapigilang aminin ni Sean na siya ay nagbago ng higit pa sa kanyang inaasahan.

“Saan ka pinakawalan?” Kaswal na tinanong ni Sean.

Biglang kinabahan si Jane, ang lahat ng dugo sa kanyang mukha ay natuyo. Itinaas niyang bigla ang kanyang ulo at nagmamakaawang tinignan ng lalaki… “Nagmamakaawa ako sayo, huwag mong sabihin iyan. Huwag mong sabihin sa mga taong ito na nakulong ako, nagmamakaawa ako sayo!” — Malinaw niya nababasa ang mga salitang iyon sa kanyang mga mata!

Itinaas ni Sen ang kanyang kilay. Bago pa man malaman ng kahit na sino ang nangyayari, tinuro niya ang bote na hawak ni Susie at binigyan si Jane ng malamig na ngiti. “Alam ko ang sinasabi mo. Sige. Pagbibigyan kita sa kahilingan mo kung tuluyan mong mauubos ang bote ng alak na hawak mo ng tuluyan.”

Tinignan ni Jane ang bote ng vodka na hawak ni Susie, at namutla na parang patay ang kanyang mukha.

Ito ay Bots Vodka, isa sa mga kilalang brand ng vodka. Mayroong itong 40% na alcohol content. Nakatitig si Jane sa bote ng vodka, puti na parang papel at binuksan ang kanyang bibig sinusubukang may sabihin.

Ang lalaking nasa couch ay parang isan mangangaso na nakikipalaro sa laruan na kanyang tinatapakan. Ang kanyang itim na mga mata ay nakatuon ng maigi kay Jane. “Ang aking pasensya ay may hangganan.”

Ang pamilyar na boses na iyon ay lalong nagpaputla kay Jane.

“H… Hindi ko kayang uminom.”

Ng marinig niya ang kasinungalingang iyon, namanhid ang anit ni Jane. Ang tingin na iyon ay talagang nakakamatay o kahit papaano ay umuubos sa kanya. Hindi niya nakikita, tahimik niyang sinara ang kanyang mga kamao… Na parang bilanggong nasa death row na inaantay ang kanyang hatol, pinigil niya ang kanyang hinga sa pagaantay sa huling hatol.

“Mr. Stewart, s-sige na patawarin niyo na ako.” Itatapon ni Jane ang kanyang dignidad kung ibig sabihin nito ay mabubuhay siya. Lumuhod siya at nagmakaawa, “Nagmamakaawa ako, pagbigyan niyo ako ng isang pagkakataon. Gagawin ko ang kahit ano hanggat hindi ko kailangan inumin ang alak na iyon.” Gusto niyang mabuhay, dahil kailangan niyang mabuhay kung gusto niyang bayaran ang kanyang mga utang.

Tama ka diyan, mayroon siyang malaking utang na kailangan bayaran. Subalit, ang pinagkakautangan niya ay hindi si Rosaline Summers.

Nakatago sa madilim na sulok, ang itsura ng lalaki ay napuno ng gulat, ngunit ito ay biglang nawala sa isang iglap. Matapos nito, walang pakiramdam na sinabi ni Sean, “Isang bote lang yan ng alak, ngunit nagmamakaawa ka sa lapag dahil sa ayaw mo itong inumin? Jane Dunn, ano ang nangyari sayong kiallang pride? Asan na ang dignidad na hawak mo hanggang sa pinakahuli?”

Dignidad?

Ang mukha ni Jane ay nakadikit na sa lapag, na may bahid ng duda at kalungkutan.

Ano ang dignidad? Nakakain ba ito? Maaari ba nitong hayaan siyang mabuhay?

Lumuhod siya hindi dahil sa gusto niyang iwasan ang bote ng vodka, ngunit dahil—gusto niyang mabuhay!

Pinikit niy ang kanyang mga mata, dahil sa mga sandaling gawin niya ito, nakikita niya ang isang mukha na puno ng kahihiyan sa kanyang isipan. Mayroon lamang isang eksepsyon pero ang babaeng iyon ay namatay sa isang madilim at basang kulungan! Dahil kay Jane! Lahat dahil sa kanya!

Sobrang batang buhay, halos dalawampung taong gulang pa lang, ang rurok ng kanyang kabataan. Pero siya ay nalanta at namatay sa ganoong klaseng lugar, ng ganoon na lamang.

Itong lahat ay dahil sa kanya, lahat dahil kay Jane!

Iyon ang kasalanan ni Jane, ang kanyang utang, bagay na hindi niya kailanman na mababayaran!

Wala siyang utang kay Rosaline Summers na kahit na ano, ngunit may utang siya sa babaeng matapang na humarap para protektahan siya sa kulungan, ang babae na namatay sa walang kwentang kadahilanan!

Hindi tumitigil sa panginginig ang katawan ni Jane.Pakiramdam niya na nakikita niya ang duguang katawan ng babaeng iyon na nakahiga sa kanyang mga braso muli, tinatawag ang pangalan ni Jane habang sinasabi kay Jane ang tungkol sa kanyang kinalakihang bayan at ang kanyang mga pangarap sa matamis na boses na narinig ni Jane… habang siya’y nakahigang namatay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 331 Dagdag na Kwento Ang Pagtatapos

    Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 330 Kinulong Ni Sean Ang Katawan ni Jane Kinulong ni Jane Ang Sarili Niyang Puso

    Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 329 Jane Dunn Ang Lagi Mong Ginagawa Ay Ang Tumakbo

    "Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 328 Pinilit Siya Paisa Isang Hakbang

    So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 327 Hindi Imbitadong Bisita

    Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 326 Pagod Na Ako Sa Laro Na Ito

    Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 325 Mahal Kita

    Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 324 Nakuha Na Ni Jane Ang Gusto Niya

    Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 323 Gumawa Siya Ng Isa Pang Kulungan

    ‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status