Share

Kabanata 7 Halik

Author: Qi River's Old Stream
“Ano ang gusto mong gawin pagkatapos mong makalaya, Jane? Ako gusto kong magpunta sa Erhai. Maganda ito sa malinaw at malinis na paraan. Ang pagdaloy ng tubig doon ay nakakatuwa at ang mga isa at hipon sa lugar na iyon ay sariwa. Ang kalangitan ay mas asul, ang tubig ay mas malinaw at kahit na ang sinag ng araw ay mas mainit kaysa dito sa bayan na ito.”

“Gusto kong magtrabaho at kumita ng madaming pera, tapos pupunta ako doon at magsisimula ng isang maliit na paupahan. Ayokong kumita doon. Gusto ko lang na makita ang Erhai araw-araw, makita ang pagtaas at paghupa ng tubig. Hindi pera ang pangunahing layunin ko, hanggat mayroon akong sapat para kumain. Minsan makikita ko ang mga manlalakbay na dumadating at umaalis.”

“Jane, sa tingin ko mamamatay na ako. Ano ang dapat kong gawin? Hindi ko pa nga mismong nakikita ang Erhai.”

Hindi malilimutan ni Jane ang maganda ngunit nakakalungkot na boses na iyon. Yakap niya ang babae, sinusubukang painitin ang katawan ng babaeng dahan-dahang lumalamig gamit ang sarili niyang init.

Habang nakahiga siyang namamatay, ang mga maliwanag na mga mata ng babae ay napupuno ng paghahangad. Nakatingin siya sa kalangitan sa labas ng maliit na bakal na bintana ng kulungan, sinasabi, “Jane, ang totoo niyan, hindi pa ako nakapunta sa Erhai. Nakita ko ang ganda nito sa TV at mga magazine. Alam ko na pagkalaya ko dito, wala akong pera para makapunta ng Erhai at magsimula ng maliit na paupahan. Gusto ko lang na mangarap ng hindi makatotohanang panaginip bago ako mamatay, iyon lang.”

Hanggang ngayon, naaalala pa din niya Jane ang paghahangad sa mga mata ng babae ng mamatay siya.

Ang alaalang ito ay napakasakit na ang mga mata ni Jane ay nabasa na ng luha bago pa niya ito mapansin. Patago niyang pinunasan ang mga luha. Habang siya ay nakaluhod sa lapag, inabot niya ang kanyang kamay sa ibabang laiwang likod niya. Walang laman ito. Kulang siya ng isang organ kaysa sa karamihan ng normal na tao.

Ito ang rason bakit hindi siya makainom ng alak. Kailangan niyang mabuhay.

Mayroon siyang utang na hindi pa nababayaran!

Mayroon pa siyang kasalanan na hindi pa nalilinis!

Hindi!

Hindi pa siya pwedeng mamatay!

Itininaas ni Jane ang kanyang ulo at tumingin kay Sean, umiiling ang kanyang ulo. “Mr. Stewart, hanggat hindi ito paginom, kaya kong gawin kahit na ano.”

Kahit na ano… tama ba?

Ang mala lawin na mata ng lalaki ay nanliit at ang kanyang labi ay umangat ng mabagal. “Kahit na no talaga?” Mayroong babala ng panganib sa kanyang tono.

Itinapon na ba ng tagapagmana ng mga Dunn ang lahat ng kanyang kumpyansa sa sarili at pride?

Gusto niyang makita kung ang Miss Dunn na naaalala niya ay talagang nagbago ng tuluyan.

“Hanggat hindi ito paginom, gagawin ko kahit na ano.”

“Sige kung gayon!” Isang kinang ang lumitaw sa mukha ng lalaki kung saan siya nakaupo. Pinatunog niya ang kanyang daliri at sa senyales na ito, isang tao ang mabagal na lumabas sa madilim na sulok. “Sir.” Ang lalaki ay nakasuot ng itim na damit, na may malinis na maikling gupit at ang kanyang ulo ay nakayuko ng magalang na 45-degree na angulo. Malamang siya ay bodyguard ni Sean.

Naguguluhang tumingin si Jane kay Sean sa ilalim ng madilim na kapaligiran. Ang perpektong gintong mukha ng lalaki ay dahan-dahan ngumiti na parang maganda ngunit nakakatakot na spider lily. Ang kanyang manipis at elegante labi ay kumilos, nagsasabi, “Halikan mo siya.”

Ang tingin ni Jane ay sinundan ang kanyang mga daliri at nanigas ng makita niya na ang walang kibong bodyguard niya ay nakatayo sa likod niya… Sa isang iglap, ang kanyang mga mata ay nanlaki!

“Ano? Hindi mo ito kayang gawin?” Narinig niya ang naiintrigang tawa ni Sean sa kanyang tenga. “Inumin mo ang vodka o magsimula ka na, dito ngayon na.”

Splash! Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang ulo. Si Jane ay nanigas, ng walang bahid ng init na natitira. Itinaas niya ang kanyang ulo, mukhang natataranta sa lalaking nakaupo na parang isang hari sa couch… Ano ang sinabi niya?

Palabas, tama ba? Ah… Gusto niya na kumilos siya na parang bayarang babae, tama ba?

Dahan-dahang tinikom ang kanyang tuyong mga labi. Kung gayon ang kanyang inang halik ay ganito. Bagaman ang tanging nararamdaman niya para kay Sean ngayon ay takot at pangamba, kahit na itinago niya ang lahat ng kanyang mga nararamdaman para sa kanya sa kaloob looban ng kanyang puso, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na makaramdam ng bahid ng mapait na sakit.

Mabagal siya tumingin kay Sean, ang kanyang mga mata ay walang bahid ng panlalamig, galit o pagmamahal. Ang tanging nakikita niya doon ay ang malalim na walang katapusang desperasyon!

Masayang nilasap ni Sean ang desperasyon sa kanyang mga mata. Ang babaeng ito… ay malamang tatanggihan ang kanyang baliw na hiling, tama? Sa pagitan ng paginom ng vodka at publikong pakikipaghalikan sa lalaking hindi niya kilala, kahit na sinong babae ay madaling pipiliin ang una, tama ba?

At saka, siya ang dating Miss Dunn. Ang Mayabang na si Miss Dunn.

“May iba pa bang pagpipilian?” Kung sabagay, ito ay una niyang halik. Walang ibig sabihin ito sa kanya, ngunit ito ay napakahalaga para sa kanya.

Ayaw niyang mawala ang una niyang halik ng ganun na lamang.

Wala ng kahit anong mawawala sa kanya.

Itinaas niya ang kanyang baso at inibos ito. “Wala kang karapatan makipagtawaran sakin.” Ang kanyang labi ay masayang kumurba. Gusto niyang makita kung gaano magpapakababa ang Miss Dunn ng S City!

“Ganoon ba. Naiintindihan ko.” Tumayo ng matikas si Jane. Ang kanyang mga binti ay wala sa maayos na katayuan at matalas na sakit ang naramdaman niya matapos ang lahat ng pagluhod na iyon. Ito ay halos magpabagsak muli sa kanya sa lapag. Itinaas niya ang kanyang kamay at pinalo ang kanyang binti ng malakas ng ilang beses, pinapakalma ang kanyang mga nerves bago paika-ikang lumapit sa bodyguard na nakaitim.

Tutal hinampas niya ang kanyang binti ng ganun, ang mga lalaki sa kwarto ay inaakala na ang kanyang binti ay namanhid lang dahil sa matagal na siyang nakaluhod. Tanging si Susie lang ang alam na ang nagiikang babae ay nakakaranas ng hindi maipaliwanag na sakit ngayon.

Si Susie ay nagsisimula ng manghinayang sa kanyang ginawa. Dinamay niya si Jane sa gulong ito.

“Jane...” Hindi mapigilan ni Susie na hindi magsalita, ngunit ang mayabang na si Ray Sierra ay binigyan siya ng babala gamit ang tingin. Mabilis niya na tinikom ang kanyang bibig, ang kanyang tingin ay puno ng pagsisisi. Ang tanging magagawa niya lang ay ang tignan ang nakakaawang babae habang paika-ika siyang sa kwarto.

Walang ekspresyon si Jane habang papalapit siya sa bodyguard. Tahimik siyang huminga ng malalim at binitawan ang isang mahabang hinga. Matapos ang matagal na paghinto, pinilit niya ang kanyang sarili na kumalma habang tinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang balikat na bodyguard na nakaitim.

Mukha siyang kalmado, ngunit ang taong pinakamalapit sa kanya, ang bodyguard na ang mga balikat ay kanyang hawak, ay malinaw na nararamdaman na si Miss Dunn ay nanginginig.

Kilala niya din si Miss Jane Dunn, ngunit sa ngayon, ang bodyguard ay hindi makapaniwala na ang nagpapakababa at nahihiyang babae ay ang parehong tao na tagapagmana ng mga Dunn, ang babae na may sobra sobrang pride at napakasigla.

Si Jane ay naka tingkayad na, ang kanyang nanginginig na puting labi ay papalapit na sa bodyguard...

Ito ay ang kanyang unang halik, hindi naman siya makakaramdam ng kahit anong sakit sa pagkawala nito. Kung ininom niya ang lahat ng vodka na iyon, ang pagkakataon na mabuhay siya ay halos wala.

Gusto niyang mabuhay, kaya ano pa ang halaga ng unang halik?

Ang ekspresyon ni Sean ay kumplikado. Kung sabagay, pinili niya ang huling pagpipilian.

Ang tao na nasa couch ay nanliit, ngunit ng pabukas pa lang niya ang manipis na labi niya nang bigla niyang narinig ang isang boses mula sa pintuan. “Oy, ikaw pala? Bakit nandito ka pa din?”

Sa sandaling nagsalita ang boses na iyon, ang lahat ay napatingin papunta doon. Bago pa nila malaman ito, isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa may pintuan.

Nabigla si Jane at humarap siya papunta sa pintuan. “Ikaw pala...”

Tumingin si Ray sa matangkad na lalaki na nasa pinto bago tumingin pabalik kay Jane. Ang kanyang nakakaakit na mga mata ay nanliit habang ngumiti siya, nagsasabi, “Oy, Haydn. Alam mo dito?” Kakaiba iyon. Bakit kilala ni Haydn Soros ang isang hamak na cleaner?

Kinamot ni Ray ang kanyang baba. Magiging masaya ito.

Samantala, si Sean ay nakatingin din kay Haydn, isang malalim na anino ang makikita sa kanyang mga mata.

Wala talagang pakialam si Haydn kung ang lahat ay nakatingin sa kanya. Tinignan niya lang si Jane ng kakaiba… Ano ang ginagawa ng babaeng ito? Bakit mukhang sapilitan niyang hahalikan ang personal na bodyguard ni Sean Stewart?

Kumurap siya ng kaswal at ang kanyang labi ay napangiti. “Kakaiba talaga. Umalis lang ako ng saglit, ngunit parang ngayon ay nagiinit na ang mga pangyayari dito.” Inilagay ni Haydn ang isa niyang kamay sa kanyang bulsa at naglakad papalapit papunta kay Jane, nagtatanong, “Ano ang ginagawa mo?”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 331 Dagdag na Kwento Ang Pagtatapos

    Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 330 Kinulong Ni Sean Ang Katawan ni Jane Kinulong ni Jane Ang Sarili Niyang Puso

    Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 329 Jane Dunn Ang Lagi Mong Ginagawa Ay Ang Tumakbo

    "Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 328 Pinilit Siya Paisa Isang Hakbang

    So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 327 Hindi Imbitadong Bisita

    Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 326 Pagod Na Ako Sa Laro Na Ito

    Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status