KABANATA 28
Mabilis ang pagpapatakbo ni Lorenzo ng kotseng kaniyang minamaneho kasama si Rostam na walang imik subalit maraming tumatakbo sa isip. Madilim ang kaniyang mukha at ang mga mata niya ay tila isang mata ng tigre anumang oras, handang umatake.
Bumaba ang kaniyang tingin sa loob ng suit nang maramdaman ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. Kinuha niya ito at may natanggap na mensahe mula sa isang di kilalang numero. Noong ito'y buksan, isang litrato ang natanggap niya, litrato ni Catalina na puno ng pulang likod mula ulo hanggang paa.
Napatiim bagang si Rostam, mariing napapikit at binaba ang hawak na cellphone. Mula sa rearview mirror, napansin ni Lorenzo ang pagiging aburido nito kaya di niya napigilan ang mag tanong.
" Boss, may problema ba? " tanong nito pero wala siyang nakuhang sagot. Hindi na siya nagtangka pang umulit ng tanong, sa halip aKABANATA 29Nakatayo si Catalina sa harap ng pinto ng kwarto ni Rostam, nagtatalo ang isip kung tutuloy ba siya o aatras na lang at sa ibang araw na lang bumisita. Ilang oras na ang nakalipas matapos ng gulong nangyari sa abandonadong gusali at hindi pa sila nakakapag usap ni Rostam mag mula noong makabalik sila dito sa Hacienda. Ligtas naman ito pati ang ilan niyang mga tao, may ilang sugatan pero walang binawian ng buhay, pwera kay Mario Lombardi na hinayaan na ni Rostam na ang mga Serrano ang umasikaso sa bangkay nito." Bakit parang nagdadalawang isip ka pumasok sa loob? " Napatingin siya sa gilid nang madinig ang boses ni Savannah. May dala itong tray na may lamang isang baso ng tubig at ilang medisina. Lumapit ito sa kaniya at inabot ang tray na dala. " Oh ito, ikaw na ang magpainom sa kaniya tutal may kasalanan ka rin naman sa nangyari. "Hindi na magawang magsalita ni Ca
KABANATA 30" Tita, pwede po ba mamaya na tayo umuwi? Punta pa tayo doon sa may horse, sakay pa po tayo, " rinig ni Tiffany mula sa batang nasa gilid niya kausap ang babaeng kasama na tinatawag nitong tita." Hindi, next time na lang. Pagod na si tita at gutso na niyang mag pahinga, " anito habang abala sa pagtitipa sa hawak na cellphone. " Mama at Papa mo na lang ang isama mo next time. Maghapon kayo dito kung gusto niyo. "" Talaga po? Pwede po kaming matagal dito? " hindi makapaniwalang wika ng batang si Azalea na nagtatatalon sa tuwa bago kumaway para magpaalam sa mga bata na naging kaibigan nito ngayon lang. Naglakad na ang dalawa palabas ng zoo, naunang pinasakay ni Savannah ang pamangkin niya sa kotse para sagutin muna ang tawag mula sa cellphone na hawak niya.Maingat namang pumuslit si Tiffany sa compartment ng sasakyan na ipinagpasalamat ni
KABANATA 31Mabigat ang hawak ni Catalina sa pistol na hawak niya. Pilit niyang itong itinututok sa shooting target na ilang distansiya lang ang layo nito mula sa pwesto niya pero hirap pa rin siya patamaan ang gitna nito." I-relax mo lang ang balikat mo, " rinig niya kay Rostam na nasa kaniyang likuran saka siya nito hinawakan sa balakang upang alisin ang naka-kuba niyang likuran. " Huwag mo rin masyadong higpitan at bigatan ang hawak sa baril. Hindi 'yan makakatulong sa'yo. "Huminga siya nang malalim at sinunod ang sinabi nito. Wala pa namang bala ang baril na hawak niya pero kabado pa rin siyang kalabitin ang gatilyo na hindi naman niya naramdaman noong una siyang nagpaputok." Alisin mo na rin ang kaba at takot sa loob mo para makapag start na tayo. Hangga't di ko nakikitang relax ka, mananatiling walang bala ang magazine ng baril na hawak mo. "
KABANATA 32" Sabihin mo, ano ba talagang pina-plano mo? " nanlilisik ang kaniyang mga mata habang nakatingin kay Savannah na nakuha pang matawa sa sitwasyon niya." Pinagsasasabi mo? " maangas na tanong nito kay Rostam at sinubukang alisin ang pagkakahigit sa kaniya pero masyadong mahigpit ang hawak sa kwelyo niya kaya hindi niya natanggal. " T*ngina, ano ba? Ako na naman pag iinitan mo kapag may nangyayaring kapalpakan sa negosyo mo? "" Wala pa akong sinasabi sa'yo, Savannah. "" Kahit naman di mo pa sabihin, alam ko na ang dahilan kung bakit ka nagkakaganiyan, " buong tapang niyang saad at hindi nagpatalo sa mga lisik ng mata ng kambal. " Ano na? Tama naman ako, hindi ba? Sabihin mo na 'yon pinuputok ng butsi mo nang matapos na 'to. "" T*ngina, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. " Diniinan lalo ni Rosta
KABANATA 33 Lukot ang mukha ni Savannah habang nakatingin sa hardin kung saan tanaw niya ang dalawang taong nagyayakapan. Nasa ikalawang palapag siya ng Hacienda at mula sa balkonahe na kaniyang inaapakan, rinig niya ang pagtangis ni Catalina sa ibaba. " Hindi na ako dapat magulat sa nakikita ko, " bakas ang pagkadismaya sa boses ni Savannah sabay inom sa alak nasa boteng dala-dala. Mauubos na 'yong laman pero hindi pa siya nakakaramdam ng kalasingan. " Mga hipokrito. Magsama-sama kayo sa imyerno. " Tumalikod na siya sabay alis sa balkonahe. Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob niya nang pagbintangan siya ni Rostam patungkol sa pagkawala ng pera nito at paninira ng mga files sa website ng Lombardi. Hindi niya alam kung bakit sakaniya agad ang sisi pero sanay na siya dahil hindi na ito ang unang beses na nagbato ng sisi sa kaniya ang kambal. Simul
KABANATA 34 Hindi na mabilang ni Catalina kung makailang beses na siyang napapa-buga sa hangin habang ang mga tingin ay nasa labas ng bintana ng sasakyan. Ang tanging ingay lang na naririnig niya ay ang pagtapik ng mga daliri ni Rostam sa manibela at ang kaba na nararamdaman niya mula pa kanina. " So, anong plano? Dito na ba tayo mamamatay? " rinig niyang tanong ni Rostam na kanina pa gustong lumabas ng sasakyan pero pinipigilan siya ni Catalina dahil nais nitong magsabay sila. " Sandali lang, ang dami pang tao sa kalsada. Ilang minuto pa, " tugon ni Catalina nang hindi inaalis ang tingin sa labas ng bintana. Katanghaliang tapat, kalat ang karamihan sa mga tao dito sa lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip. Nasa tapat lang nila ang bahay na tinitirhan niya noon na malaki ang pinagbago ngayon. Maganda, malaki at magara na ito tulad ng pinapangarap nila noon ng
KABANATA 35 " Baka nakakalimutan mo, hindi ka isang Lombardi, Lorenzo. Hindi ka namin dito kaano-ano. " Hinintay ni Savannah lumingon sakaniya si Lorenzo pero bigo siya dahil nagpatuloy ito sa paglalakad palayo sa kaniya. Ramdam niyang apektado ito sa kaniyang sinabi kung kaya't mas pinili nitong umalis upang di na humaba pa ang usapan nila. " Sino po siya, Pa? " tanong ni Savannah sa ama nang may kasama itong lalake na sa kaniyang palagay ay hindi nalalayo sa edad niya. " Bago miyembro ng pamilya, " nakangiting tugon ng kaniyang ama. Nilingon nito ang batang kasama niya upang ipakilala sa kambal na sumalubong sa kanila pagpasok ng Hacienda. " Sila ang mga anak ko, si Savannah at si Rostam. Magpakilala ka. " Humakbang ito palapit sa dalawang magkapatid at bahagyang inuyuko an
KABANATA 36Mula sa isang bahagi ng Hacienda, nakatayo ang isang tao hawak ang sniper na kaniyang pinu-pwesto sa magandang anggulo na kung saan, sasakto sa kaniyang target ngayon. Kita niyang nagkakasiyahan ang mga bisita sa ibaba lalo na ang birthday celebrant na si Azalea." Sorry ka, mukhang huling birthday mo na ngayon, " pabulong niyang sambit. Tumingin siya sa kaniyang suot na relo, ala-sais na ng gabi at nasa kalagitnaan na sila ng party, marami pa ring tao sa Hacienda na nagkakasiyahan pa dahil sa daming ganap na nangyayari sa ibaba. Bigla siyang napaisip, magagawa pa kaya ng mga tao dito ang ngumiti at tumawa oras na sirain niya ang kasiyahang ito?Hinanap ng kaniyang mata si Rostam at Catalina na nasa isang gilid at masayang pinanonood ang kanilang anak." Magagawa niyo pa kayang mag saya oras na bumulagta sa harap niyo ang pinakamamahal niyong ana