Share

KABANATA 47

KABANATA 47

Nagbuga ng usok si Savannah mula sa sigarilyong galing sa bibig niya na naging dahilan ng pag-ubo ng bata sa harap niya. Napatigil ito sa pagkukulay at inangat ang tingin sa kaniya. Walang salitang lumalabas sa bibig nito ngunit sa paraan pa lamang ng mga tingin nito sa kaniya, alam niyang isinusumpa na siya ng bata.

" Magkapatid nga kayo, " aniya sabay patong ng dalawang paa sa mesa na ginagamit ni Norman. " Huwag mo akong titigan ng ganiyan, nakakatakot. "

Inalis nito ang tingin kay Savannah at nagpatuloy sa pagkukulay gamit ang itim na krayola na halos mapudpod na sa diin ng pagkakahawak niya. Kitang-kita ang gigil nito sa papel na kinukulayan at pagtaas-baba ng balikat nito na wari mo'y nagpipigil ng emosyong unti-unti siyang nilalamon.

" Bakit mo ginawa 'yon kay ate..." sa gitna ng pagpipigil ni Norman, hindi na niya naitago ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status