Share

Chapter 34

Eana Beatrix

"Bakla ka! Ilang buwan lang ako nawala, pagbalik ko may jowa ka na!"

Tumawa ako sa sinabing iyon ni Gaspar. Araw ngayon ng Linggo kaya malaya akong nakasama nang inaya ako nitong lumabas. Ang maghapon na bonding dapat namin nila Mama ay naging pagsimba na lang, dahil na rin sa kagustuhan namin na makapagpahinga pa ito.

"Hindi pa naman kami matagal," tanging nasabi ko.

"Naku, kung hindi pa ako tumawag, hindi ko pa malalaman ito! Grabe, ang tagal kong nawala tapos ni minsan hindi mo sa akin nabanggit ito kahit na minsan lang tayong nagkakausap? I'm hurt! Parang hindi tayo magkaibigan niyan!" aniya na may drama pang pahid sa mga pisngi.

Kadarating lang niya galing Samar dahil doon daw siya inilagak pansamantala ng kaniyang boss sa parlor na pinagtatrabahuhan niya rito. Isang coffee shop na hindi nalalayo sa aming lugar ang napagkasunduan naming pagkitaan.

"Ang drama mo, Gaspar! Nakakalimutan ko nga kasi banggit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status