Kinabukasan maagang nagising si Maria para makasalo niya sa umagahan ang Tiya Olga niya. Nagpasya na rin siyang hindi na pumasok sa skwelahan.
"Anong nangyari sa leeg mo hija?" Nakakunot ang noo na puna ni Olga sa leeg ng pamangkin. Mapula ito at para bang sinakal. Nakaramdam siya ng pag-alala.
"Allergy lang po ito Tiya, okay lang po ako." Mahinang sagot ni Maria saka yumuko. Napansin din ni Olga na nangangalukmata ang pamangkin, parang magdamag itong walang tulog, siguro dahil na rin sa nangyaring aksidente kahapon.
"Inayos ko na ang mga papeles mo sa School para makalipat ka na pa-Maynila,hija. Para hindi ka na mag-alala sa mga nangyayari rito." Seryosong sabi ni Olga, umaliwalas ang mukha ni Maria pero agad ding nawala ng may marinig silang malakas na ingay na nagmumula sa taas.
"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ni Olga sa mga katiwala. "Matilda, pakitingnan mo naman sa taas."
"Opo Señora." Bago pa nakaalis si Matilda ay agad na nagsalita si Maria,alam na niya kung sino ang nagwawala sa taas.
"Huwag na Matilda, ako nalang ang titingin mamaya baka sa silid ko na naman iyon at may nahulog na kung ano, nakalimutan ko kasing isara ang terrace." Pagdadahilan niya sa mga ito, pero ang totoo ay alam niya na nagwawala na naman si Azi dahil narinig nito ang sinabi ng tiyahin niya.
Husto namang dumating si Terry ang personal na nag-aalaga kay Maria simula ng bata pa ito.
"Señora, baka mamaya o bukas pa po darating ang bagong driver." Sabi ni Terry. Nakahinga ng maluwang si Maria, sa wakas makakaalis na rin siya. Biglang lumakas ang kalabog na nanggagaling sa taas kaya napapitlag ang lahat.
"Ano ba iyon?" Napahawak na sa dibdib si Olga, pakiramdam niya ay napasok na sila ng magnanakaw.
"Titingnan ko na po." Ani ni Matilda saka nagmamadali ng umalis para magtungo sa taas. Maya-maya'y humahangos na bumalik si Matilda sa kanila.
"Nanggagaling po ang kalabog sa silid ni Señorita Maria." Nag-aalalang saad ni Matilda. Nag-aalangan namang napatayo si Maria.
"Paumanhin po." Nakayukong umalis si Maria at agad na nagtungo sa taas kasunod niya si Terry.
"Ako na ang papasok sa silid ko Terry, bumalik ka na sa kusina at kumain." Atubiling sumunod si Terry sa utos ni Maria, pakiramdam niya ay may tinatago ito.
"Azreal! Tumigil ka na!" Asik ni Maria ng makapasok sa silid niya. Nanlilisik ang mga matang binalingan siya nito at mariing hinawakan sa magkabilaang balikat.
"Iiwan mo na ako? Sisiguraduhin kong hindi makakarating ang bagong driver ninyo!" Dumagundong ang boses nito sa buong silid.
"Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!" Singhal ni Maria rito, pilit na nilalabanan ang takot.
"Sa akin ka lang! Kapag iniwan mo ako papatayin ko lahat ng mga tao rito!" Asik nito sa mala-demonyong boses. Napasinghap siya sa sinabi nito.
"Nahihibang ka na! Patay ka na! Bumalik ka na sa lupa!" Wala sa loob na asik niya kay Azreal. Tumawa lamang ito.
"Alam mo bang ikaw ang bumuhay sa akin? Nabubuhay ako dahil saiyo aking Maria. At simula ngayon hindi ka na makakalabas sa Mansyong ito! O mas tamang sabihin sa silid na ito!"
Parang hinugot sa ilalim ng lupa ang tono ng boses nito. Nagpumiglas siya para makawala sa pagkakahawak nito. Pero mas lalong nanlaki ang mga mata niya ng punitin nito ang harapan ng suot niyang bestida. Tumambad sa harapan nito ang suot niyang kulay puting cotton bra, likas na malaki ang dibdib niya kaya halata ang cleavage niya.
Tila isa lamang siyang papel na nadala ng malakas na hangin at tumilapon sa kama. Nakatakip ang dalawang kamay sa dibdib. Nagsusumigaw siya ng daganan siya ni Azreal, biglang nagdilim ang buong silid niya at kusang sumara ang kurtina ng terrace niya.
"Azreal! Tumigil ka! Tumigil ka!" Nanginginig ang boses na sigaw niya rito habang pinipilit nitong itaas ang dalawang kamay niya sa ulunan.
"Anong ikinakatakot mo Maria? Nahihiya ka ba na makita ko ang malulusog mong dibdib gayong palihim ko na iyang nakikita habang naliligo ka? Lahat ng parte ng katawan mo ay nakita ko na." Malisyosong sabi ni Azreal sa kanya sabay dila nito sa mga labi.
Hindi makapaniwala si Maria sa sinabi nito, hindi niya akalain na ang itinuring niyang kaibigan simula bata pa ay magagawa ito sa kanya.
"Pakiusap, huwag mong gawin ito..." Nanghihinang usal niya kay Azreal, kahit anong gawin niya ay mas malakas ito sa kanya. Nagawa na nitong itaas ang dalawang kamay niya at pinagsalikop sa ulunan niya gamit lamang ang isang kamay nito.
"Napakaganda mo Maria, lahat ng saiyo ay sa akin. Lahat ng parte ng katawan mo ay sa akin. Walang ibang magmamay-ari kundi ako lang!"
Tila hayok na hayok itong hinalikan ang leeg ni Maria pababa sa dibdib nito. Gustong igalaw ni Maria ang buong katawan pero tila may pumipigil sa kanya, hindi niya maigalaw ang buong katawan na para bang namanhid ang mga ito.
"Azi! Tumigil ka, pakiusap!" Umiiyak na si Maria dahil wala siyang magawa. Binitiwan na nito ang dalawa niyang kamay pero hindi niya pa rin maigalaw ang mga ito. Habang ang mga kamay ni Azreal ay malayang pinaglandas sa katawan ni Maria.
"Tama na...!" Napahagulhol na ng iyak si Maria, naubos na ang lahat ng lakas niya pero wala pa ring nangyari. Tuluyan ng pinunit nito ang suot niyang cotton bra at walang pagdadalawang isip na nilantakan ito ni Azreal na tila ba isang batang hayok na hayok sa gatas.
"Huwag! Pakiusap...Azi!" Malakas na sigaw ni Maria ng maramdaman niya ang bibig ni Azi na dinidilaan at pinaglalaruan ang malulusog niyang dibdib. Narurumi siya sa sarili.
"Matagal kong hinintay ito Maria, ngayon magagawa ko na ang gusto kong gawin saiyo." Bulong ni Azreal sa kanya sa kabila ng ginagawa nito sa kanya.
"Maria?! Maria!"
Narinig ni Maria ang boses ng tiyahin niya na kumakatok sa labas ng pintuan niya.
"Tiya! Tulungan mo ako...! " Malakas na sigaw ni Maria sa kabila ng pag-iyak niya. Tinawanan lamang siya ni Azreal.
"Hindi ka nila maririnig Maria,walang makakarinig saiyo!" Humalakhak ito saka pinagpatuloy na ang ginagawa.
"Maria,hija? Maria..." Muling tawag at katok ni Olga sa silid ng pamangkin. Wala siyang naririnig sa loob ng silid ni Maria kundi ang hagashas ng hangin kaya nagtataka siya.
"Baka nakatulog po ulit si Señorita Maria,Señora." Sabi ni Matilda.
"Isasama ko sana siya ngayon sa bayan, di bale nalang baka nga nakatulog na ulit. Pakisabihan nalang si Terry na kapag nagising na ang alaga niya ay ipaghain ng makakain." Nag-aalalang utos ni Olga kay Matilda, pero hindi pa rin siya mapakali, may agam-agam pa rin sa puso niya na may hindi magandang nangyayari sa pamangkin niya.
"Pero parang may kakaiba akong naririnig sa loob ng silid niya..." Atubiling usal ni Olga kay Matilda. Itinapat ni Matilda ang tainga sa pintuan.
"Parang hangin po Señora, baka bukas po ang terrace ng silid ni Señorita Maria." Ani ni Matilda. Napatango nalang si Olga sa sinabi nito saka umalis na sa tapat ng silid ni Maria.
Nakababa na si Olga mula sa taas, nasa sala na siya ng makasalubong si Terry mula sa labas. May pag-aalala na naman ang mukha nito.
"Señora, hindi na po makakarating ang bagong driver ngayon, may aksidente raw pong nangyari." Malungkot sa sabi nito sa kanya, napabuntong hininga nalang siya.
"Hayaan muna Terry, magpapahatid nalang ako kay Matilda sa labasan ng Mansyon at mag-aabang ako ng sakayan doon papuntang bayan. Kapag nagising na si Maria, hainan muna ng makakain."
"Opo Señora."
Bago lumabas ng Mansyon si Olga ay napatingin pa siya sa taas ng hagdan, tila ba may naririnig siyang sigaw pero baka sa isip niya lang iyon kaya hindi na niya pinansin.
~•~
Two years later..."Congratulations son, we are so proud of you " Halos magkasabay na turan nina Talia at Daniel kay Thaddeus. Dumating ang mag-asawa kahapon mula sa Pilipinas para um-attend sa photo exhibit ni Thaddeus na ginanap nito mismo sa Gallery Studio sa New York City.Ang daming mga dumalo, halos ang iba ay mga celebrities at mga kilalang tao. Ngumiti si Thaddeus sa kanyang mommy at daddy.Nagka-ayos na ang mga magulang niya, last year lang ay nag-renew ng vows ang dalawa. Masaya siya para sa mga magulang. "Thank you mom and dad, maglibot muna kayo baka may mga portraits kayong magustuhan." Sabi ni Thaddeus sa mga ito saka kumindat. Sa loob ng dalawang taon ay ginugol ni Thaddeus ang sarili sa pagkuha ng mga litratro na galing sa iba't ibang bansa. May mga kuha rin siyang magagandang portraits. Naiwan si Thaddeus sa
Nagising si Thaddeus kinaumagahan dahil sa ingay ng chainsaw, malamang ay nakakuha na ng tauhan si Alberto para putulin ang malaking puno sa harden. Masarap ang tulog niya kagabi, wala man lang siyang narinig na ingay o kaluskos. Lalo na ang daing at iyak ni Maria pero wala siyang narinig bagkus ay nakatulog siya ng mahimbing.Bumangon siya at nagtungo sa bathroom para magsipilyo at maligo na rin. Basa pa ang buhok ni Thaddeus ng bumaba siya sa sala, nakasuot lang siya ng sweatpants at white tshirt. Nakapamulsa siyang nagtungo sa harden. Halos nawala ang ganda ng harden dahil natatabunan ng malaking puno ang mga halaman, ang iba ay nadaganan pa. Para itong taong nakahandusay sa lupa ng tuluyan ng maputol. Binati siya ni Alberto ng makita siya pati na ang mga ibang naroon. "Magandang umaga Sir Thaddeus." Bati ng lahat sa kanya, bahagyanlang siyang yumuko sa mga ito bilang pagtugon.
"Thaddeus, are you sure about it?" Nag-aalalang tanong ni Talia sa anak. Dalawang buwan na ang nakalipas magmula ng makalabas ito sa ospital. Inaayos nito ang mga gamit sa bag pack. Magmula ng gumaling ito galing comatose ay napapansin niyang iba na ang kinikilos nito.Minsan nakikitaan ni Talia ang anak na nakatitig lang sa kawalan. Minsan ay napapasukan niya ito sa silid na tinatawag ang pangalang Maria habang tulog ito. She wanted to ask him who Maria is pero mas pinili niya nalang na itikom ang mga bibig. "Yes,mom." Tipid na sagot ni Thaddeus sa ina."Baka mapahamak ka ulit." "Mom, i will be fine." Napabuntong hininga si Talia, pinagpipilitan talaga ni Thaddeus na bumalik sa Legazpi,Albay. Babalikan niya raw ang Belle Veu Mansion dahil madami pa raw itong aasikasuhin doon.Puno ng pangamba ang puso niya pero wala siyang magawa. Hindi niya ito ma
Present TimeYear 2018Kasalukuyang nasa sala si Talia nagbabasa ng magazine habang hinihintay si Daniel, kauuwi lang nito galing sa trabaho at naisipang maglinis muna ng katawan bago sila pumunta sa ospital.Napapitlag si Talia ng mag-ring ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot. "Yes?" Sagot niya sa kabilang linya."Mrs. Ambrosio, your son is awake.""Really?" Hindi makapaniwalang usal ni Talia, halos panawan siya ng ulirat sa narinig. "Yes ma'am. Na-check na rin po namin ang inyong anak at okay na po siya."
"Damn it!" Muling palatak ni Thaddeus sa sarili, ilang beses na niyang sinubukan na umakyat pabalik sa itaas ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na makapitan at mahawakan.Panay mura na siya sa sarili at ang utak niya ay tumatakbo kay Maria. Iniisip niya kung ano na ang nangyayari rito. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit sa sarili ng maisip na baka huli na siya. Baka kasama na nito ngayon ang demonyong si Azreal at nagpakasawa sa katawan ni Maria."This is bullshit!" Sigaw niya. He was beyond frustrated. Sinisi niya ang sarili kung bakit nahulog siya sa patibong na ito. Sa ngayon ay kailangan niya ng milagro.Hindi niya alam kung anong oras na dahil wala naman siyang suot na relo maliban sa itim na pulseras! Nawawalan na siya ng pag-asa ng may biglang humagis sa kanya, isang lubid ang inihagis.Napasinghap siya sa gulat at tuwa. Hindi na siya nagdalawang isip pa, hinawakan na niya ang lubi
Mahal kong Thaddeus,Hindi na kita hinintay pa na magising ka, alam kong mahihirapan akong magpaalam sayo dahil alam kong hindi ka papayag sa gagawin ko. Patawad kong mag-isa ka nalang na magtutungo sa malaking balon. Hindi mo na ako kasama. Iniwan ko ang pulseras mo para ma-protektahan ka. Pati ang kuwentas, ikaw na ang maghulog sa balon. Maglakbay ka na kung kaya na ng katawan mo pero kung hindi pa ay huwag mo ng pilitin. Umalis ako para linlangin si Azreal, habang ginagawa ko iyon ay malaya kang makapaglakbay na walang panganib o sagabal. Ako lang naman ang kailangan niya kaya ako lang ang susundan niya. Sana pareho tayong magtagumpay bago