Lumipas ang dalawang araw na laging wala sa sarili si Maria, balisa at laging lutang. Napapansin na rin ng mga kasama niya sa Mansyon pati na ang Tita Olga niya.
"Maria, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masuyong tanong ni Olga sa pamangkin. Kasama niya ito ngayon, dahil araw ng linggo magtutungo sila sa simbahan. Hindi umimik si Maria, nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse.
Napabuntong hininga nalang si Olga saka ginagap ang isang kamay ng pamangkin at masuyong hinaplos ito. Inasikaso na niya ang pagluwas nito pa-Maynila. Gusto niya na ring makaalis ang pamangkin sa Mansyon dahil may kakaiba rin siyang nararamdaman na hindi maganda.
Noong kaarawan nito pagkatapos ng selebrasyon, madaling araw ay lumabas ito ng silid at nagtungo sa harden. Sa mga oras na iyon ay nasa kusina siya pabalik na sana sa taas ng mapansin niya si Maria kaya palihim niya itong sinundan.
Nag-aalala siyang nakatingin sa pamangkin na tila ba may kinakausap na palinga-linga sa paligid. Nakangiti at masaya ang nakikita ko sa mukha nito.
"Nandito na tayo hija." Nakangiting pahayag ni Olga sa tahimik na pamangkin. Nauna siyang bumaba sa kotse, hinihintay niya si Maria na para bang atubiling bumaba, pero kalauna'y bumaba na rin ito. Nang papasok na kami sa simbahan ay napahinto ito.
"Maria? Masama pa ba ang pakiramdam mo hija? Ayaw mo bang pumasok?" Nag-aalalang tanong ni Olga sa pamangkin. Pilit na ngumiti si Maria sa tiyahin.
"Mabuti na ang pakiramdam ko tita, pumasok na po tayo," aniya.
Sa totoo lang ay takot pumasok si Maria dahil kasama niya si Azereal sa kotse, ayaw siya nitong papasukin sa simbahan. Ngayong nasa loob na siya, alam na niya kung bakit. Hindi ito nakakapasok sa loob. Panandalian ay nagkaroon siya ng katahimikan hanggang sa matapos ang misa ni Padre Antonio. Nanatili si Maria sa upuan kahit nagsialisan na ang lahat ng tao.
"Dito ka muna hija, kakausapin ko lang si Sister Linda." Sabi ni Olga kay Maria na ang tinutukoy ay ang kaibigang madre. Tumango lang si Maria.
"Kayo po pala Padre Antonio." Mahinang usal ni Maria. Kilala ni Padre Antonio ang pamilya niya, halos lahat namang nakatira sa bayan ay kilala sila.
"Huwag kang mag-alala hija, ligtas ka rito. Hindi ka niya masusundan." Malumanay na saad ni Padre Antonio na siyang ikinalingon ni Maria rito.
"Hindi ko po kayo maintindihan." Pagdadahilan niya kay Padre Antonio pero alam niya kung ano o sino ang tinutukoy nito. Ngumiti lamang si Padre Antonio.
"Alam ko hija may naghihintay saiyo sa labas, nag-alaga ka ng demonyo sa mahabang panahon."
Nanlaki ang mga mata ni Maria sa sinabi nito, nasindak siya dahil alam nito. Gusto niyang maiyak dahil sa sinabi ni Padre Antonio. Kahit papaano ay may nakakaalam sa nangyayari sa kanya.
"N-natatakot po ako Padre Antonio..." Usal niya sa nanginginig na boses. Ngumiti lang si Padre Antonio.
"Huwag kang matakot hija mas malakas ang Diyos natin kaysa sa kanya. Manalig at magtiwala ka lang."
Tumango siya sa sinabi ni Padre Antonio pero ang takot na nararamdaman niya ay unti-unting nilalamon ang sarili niya. Parang ayaw niya ng umalis sa simbahan.
"Maiwan na kita hija." Ngumiti si Padre Antonio bago umalis. Napansin niya ang isang papel na nakalapag sa gilid ng upuan. Naisip ni Maria na baka kay Padre Antonio, naiwan. Pero napakunot ang noo niya ng may nakasulat na pangalan sa nakatuping papel.
Nakasulat ang pangalan niya kaya binuklat niya. Isa itong maikling liham.
Hija, huwag
kang matakotdahiltutulungankita. Bumalikkaritosasusunod na linggo. Manatilikarito at may tao akongtatawagin para makatulongsasitwasyon mo. Hindi ko masabisaiyokaninadahilnakikinigsiyasapinag-uusapannatin. Ang demonyo ay nakakabasa ng isipan ng tao at kahitgaanokalayoangdistansya ay naririnigniya ang pinag-uusapan natin. Pero hindi siyanakakabasa. Malapit na niyangmasakopangpagkatao mo kaya manalig kasaDiyoshija.–Padre Antonio
Agad niyang itiniklop ang liham ni Padre Antonio, namumuo ang luha sa mga mata niya. Nabalot siya ng takot pero kailangan niyang labanan. Hindi niya akalaing nag-aalaga siya ng isang demonyo! Natutop niya ang sariling bibig.
"Maria, tara na." Ang Tita Olga niya na nakangiting naghihintay sa kanya. Sumunod na rin siya rito.
Ang planong pagbalik ni Maria sa Simbahan ay naudlot ng may mangyaring hindi maganda.
"Ano po ang nangyari Tiya Olga?" Nahintatakutang tanong ni Maria sa tiyahin nitong halata ang takot at pag-aalala sa mukha.
"A-ang driver natin ay natagpuang patay kaninang madaling araw. Pugot ang ulo–"
Hindi na natapos ni Olga ang sasabihin dahil napaiyak na ito. Nanginginig itong niyakap ni Maria.
"Diyos ko po! Sino po ang walang awang gumawa sa driver natin ng ganoon?!" Naggilalas na usal ni Maria. Matagal ng naninilbihan ang driver sa kanilang pamilya. Bata pa lang siya ay ito na ang driver ng pamilya.
Nanatili nalang sa silid si Maria habang madaming tao ang pumunta sa Mansyon lalo na ang mga awtoridad para imbestigahan ang nangyari. Naging busy ang lahat. Habang siya naman ay hindi mapakali sa sariling silid.
"Akala ko ba'y aalis ka para magsimba ngayon,Maria."
Ang baritonong boses ni Azi, kung dati ay hindi siya kinikilabutan sa boses nito puwes ngayon lahat ng balahibo sa katawan niya ay nagsitayuan. Napalunok siya at pilit kinalma ang sarili.
"M-may nangyaring hindi maganda. P-pinatay ang driver namin." Nauutal na usal ni Maria, kumakabog ang dibdib niya lalo na ng lumapit sa kanya si Azreal at hinawakan siya sa magkabilaang balikat. Inilapat nito ang bibig sa tainga niya.
Nararamdaman ni Maria ang mainit na hininga nito at naaamoy niya ang kakaibang amoy nito.
"Hindi lang iyan ang kaya kong gawin Maria, mas higit pa riyan ang gagawin ko kapag sinuway mo ako. Lalo na kapag iniwan mo ako."
Nakakakilabot na bulong ni Azi kay Maria. Nanlaki naman ang mga mata niya at nabalot ng takot dahil alam na niya kung ano ang ibig nitong sabihin.
"I-ikaw ang may kagagawan ng pagkamatay ng driver namin?" Hindi makapaniwalang usal ni Maria. Ngumisi lamang si Azi na para bang demonyo o mas tamang sabihin demonyo nga.
"Kaya sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko saiyo." Kalmante nitong sabi kay Maria.
"P-paano mo nagawa iyon? I-isa ka ng kaluluwa! Isa kang demonyo!!" Asik ni Maria rito sabay tutop sa sariling bibig. Nanlilisik ang mga matang binalingan siya ni Azreal at sinakal.
"Oo! Isa akong demonyo kaya matakot ka! Hindi mo alam kung anong kayang gawin ng isang demonyo!"
Humihigpit ang pagkakasakal nito sa kanya. Pakiwari niya'y bumakat ang mga daliri nito sa leeg niya. Inihagis siya nito sa kama, umuubo siyang hinimas ang leeg at pinilit na makabangon.
"A-Azi, bakit nagkakaganyan ka na? Bakit?" Naiiyak na usal ni Maria rito. Biglang lumambot ang anyo ng mukha nito.
"Dahil ayaw kong iwan mo ako Maria hanggang sa huli ay magsasama tayo. Sa akin ka lang!"
Pagkasabi'y bigla itong naglaho, naiwang umiiyak si Maria. Naisip niya na kailangan na niyang lumuwas pa-Maynila sa lalong madaling panahon.
~•~
Two years later..."Congratulations son, we are so proud of you " Halos magkasabay na turan nina Talia at Daniel kay Thaddeus. Dumating ang mag-asawa kahapon mula sa Pilipinas para um-attend sa photo exhibit ni Thaddeus na ginanap nito mismo sa Gallery Studio sa New York City.Ang daming mga dumalo, halos ang iba ay mga celebrities at mga kilalang tao. Ngumiti si Thaddeus sa kanyang mommy at daddy.Nagka-ayos na ang mga magulang niya, last year lang ay nag-renew ng vows ang dalawa. Masaya siya para sa mga magulang. "Thank you mom and dad, maglibot muna kayo baka may mga portraits kayong magustuhan." Sabi ni Thaddeus sa mga ito saka kumindat. Sa loob ng dalawang taon ay ginugol ni Thaddeus ang sarili sa pagkuha ng mga litratro na galing sa iba't ibang bansa. May mga kuha rin siyang magagandang portraits. Naiwan si Thaddeus sa
Nagising si Thaddeus kinaumagahan dahil sa ingay ng chainsaw, malamang ay nakakuha na ng tauhan si Alberto para putulin ang malaking puno sa harden. Masarap ang tulog niya kagabi, wala man lang siyang narinig na ingay o kaluskos. Lalo na ang daing at iyak ni Maria pero wala siyang narinig bagkus ay nakatulog siya ng mahimbing.Bumangon siya at nagtungo sa bathroom para magsipilyo at maligo na rin. Basa pa ang buhok ni Thaddeus ng bumaba siya sa sala, nakasuot lang siya ng sweatpants at white tshirt. Nakapamulsa siyang nagtungo sa harden. Halos nawala ang ganda ng harden dahil natatabunan ng malaking puno ang mga halaman, ang iba ay nadaganan pa. Para itong taong nakahandusay sa lupa ng tuluyan ng maputol. Binati siya ni Alberto ng makita siya pati na ang mga ibang naroon. "Magandang umaga Sir Thaddeus." Bati ng lahat sa kanya, bahagyanlang siyang yumuko sa mga ito bilang pagtugon.
"Thaddeus, are you sure about it?" Nag-aalalang tanong ni Talia sa anak. Dalawang buwan na ang nakalipas magmula ng makalabas ito sa ospital. Inaayos nito ang mga gamit sa bag pack. Magmula ng gumaling ito galing comatose ay napapansin niyang iba na ang kinikilos nito.Minsan nakikitaan ni Talia ang anak na nakatitig lang sa kawalan. Minsan ay napapasukan niya ito sa silid na tinatawag ang pangalang Maria habang tulog ito. She wanted to ask him who Maria is pero mas pinili niya nalang na itikom ang mga bibig. "Yes,mom." Tipid na sagot ni Thaddeus sa ina."Baka mapahamak ka ulit." "Mom, i will be fine." Napabuntong hininga si Talia, pinagpipilitan talaga ni Thaddeus na bumalik sa Legazpi,Albay. Babalikan niya raw ang Belle Veu Mansion dahil madami pa raw itong aasikasuhin doon.Puno ng pangamba ang puso niya pero wala siyang magawa. Hindi niya ito ma
Present TimeYear 2018Kasalukuyang nasa sala si Talia nagbabasa ng magazine habang hinihintay si Daniel, kauuwi lang nito galing sa trabaho at naisipang maglinis muna ng katawan bago sila pumunta sa ospital.Napapitlag si Talia ng mag-ring ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot. "Yes?" Sagot niya sa kabilang linya."Mrs. Ambrosio, your son is awake.""Really?" Hindi makapaniwalang usal ni Talia, halos panawan siya ng ulirat sa narinig. "Yes ma'am. Na-check na rin po namin ang inyong anak at okay na po siya."
"Damn it!" Muling palatak ni Thaddeus sa sarili, ilang beses na niyang sinubukan na umakyat pabalik sa itaas ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na makapitan at mahawakan.Panay mura na siya sa sarili at ang utak niya ay tumatakbo kay Maria. Iniisip niya kung ano na ang nangyayari rito. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit sa sarili ng maisip na baka huli na siya. Baka kasama na nito ngayon ang demonyong si Azreal at nagpakasawa sa katawan ni Maria."This is bullshit!" Sigaw niya. He was beyond frustrated. Sinisi niya ang sarili kung bakit nahulog siya sa patibong na ito. Sa ngayon ay kailangan niya ng milagro.Hindi niya alam kung anong oras na dahil wala naman siyang suot na relo maliban sa itim na pulseras! Nawawalan na siya ng pag-asa ng may biglang humagis sa kanya, isang lubid ang inihagis.Napasinghap siya sa gulat at tuwa. Hindi na siya nagdalawang isip pa, hinawakan na niya ang lubi
Mahal kong Thaddeus,Hindi na kita hinintay pa na magising ka, alam kong mahihirapan akong magpaalam sayo dahil alam kong hindi ka papayag sa gagawin ko. Patawad kong mag-isa ka nalang na magtutungo sa malaking balon. Hindi mo na ako kasama. Iniwan ko ang pulseras mo para ma-protektahan ka. Pati ang kuwentas, ikaw na ang maghulog sa balon. Maglakbay ka na kung kaya na ng katawan mo pero kung hindi pa ay huwag mo ng pilitin. Umalis ako para linlangin si Azreal, habang ginagawa ko iyon ay malaya kang makapaglakbay na walang panganib o sagabal. Ako lang naman ang kailangan niya kaya ako lang ang susundan niya. Sana pareho tayong magtagumpay bago