Beranda / Romance / Marriage For Pleasure / Kabanata 06 • Unexpected Kiss

Share

Kabanata 06 • Unexpected Kiss

Penulis: febbyflame
last update Terakhir Diperbarui: 2022-04-22 23:21:50

Chapter Six: Unexpected Kiss

Bago pa makasakay ng kotse si Daphne ay nagmamadaling sinundan ito ng Mama niya. Nanggagalaiti ito sa galit dahil sa ipinakitang kabastusan ng panganay niyang anak. She want this marriage to be successfully done ng walang nagiging problema, pero mukhang hindi makikisama ang anak niya.

"Anong eskandalo nanaman 'to, Daphne?!" inis na tanong ng Mama niya, saka hinila ang braso nito.

Mabilis na pinunasan ni Daphne ang luha sa kaniyang pisngi at matapang na hinarap ang Mama niya.

"What? Hindi ako gumagawa ng eskandalo. Bakit hindi niyo tanungin ang isa niyo pang anak? Kasuotan pa lang ka-eska-eskandalo na!"

"Diane is always like that! What's wrong with you?!"

"Yes, she always like that, because you didn't teach her how to wear in a professional way! Oh, shock! Nakita mo ba yung labi niya? Nakita mo ba yung nagkalat niyang lipstick sa labi at ang lipstick sa polo ng lalaking pakakasalan ko?! Well, me, yes, nakita ko! And I saw them, kissing near at the girls restroom!"

Malakas siyang sinampal ng Mama niya. Ramdam niya ang hapdi at pagkamanhid ng pisngi niya. At that time she knew na hindi nanaman siya paniniwalaan ng Mama niya. Katulad na lamang noong mga bata pa sila ni Diane.

Umiling ito. "Grabe ka, Daphne. Ganyan ka na ba talaga? Talaga bang ayaw mong matuloy ang kasal kaya gumagawa ka ng kwento? Alam mong hindi magagawa ni Diane 'yon!"

Mabilis siyang nakabawi at lakas-loob na hinarap ang Mama niya.

"No, Ma. Alam kong magagawa 'yon ni Diane. Ngayon, kung paniniwalaan niyo siya, then go! Siya naman palagi ang tama at pinaniniwalaan niyo. Pero sa ngayon, Ma, puwede bang umuwi na muna ako? Ako na lang ang bahalang bumawi at magpaliwanag sa pamilyang Fuentevalle. Hindi naman kasi ako katulad ng isa niyo pang anak na walang modo."

Napasuklay na lang ang Mama niya sa sarili nitong buhok. Mabilis naman na pumasok si Daphne sa kotse niya at nagmadaling magmaneho patungo sa bahay ng kaibigan niyang si Izzy. Simula nang mawala ang Papa niya ay ito na ang naging takbuhan niya sa tuwing nasasaktan at nalulungkot siya. Mabuti na lamang at kahit papaano ay may isang tao pang parating nandiyan upang intindihin at damayan siya.

Naalala niya noong mga bata pa lamang sila ni Diane, ay palagi niyang nararanasan ang hindi pantay na pagtrato sa kaniya ng Mama niya. Palagi nitong pinapaburan ang kapatid niyang si Diane, kaya lumayo ang loob niya sa Ina. Ang tanging Papa niya lang ang nagpaparamdam ng pagmamahal sa kaniya.

"Sssh, stop crying na. Kung ako talaga ang Ate ni Diane, ay talagang makakatikim sa akin ng sampal at sabunot 'yon! Hindi na nahiya! Pati ang lalaking nakakuha ng pagkabirhen mo ay gusto pang patusin!" inis na sambit ni Izzy.

"Hey, that's not the problem here. Wala sa akin ang pagkakuha sa virginity ko, ang sa akin lang ay ang tungkol sa kasal na gusto nilang i-push."

"Ayaw mo ikasal sa kaniya? Kahit siya pa ang nakakuha ng pagkabirhen mo?"

Napaisip sandali si Daphne. After all, ikakasal siya sa taong nakakuha ng virginity niya. Walang magiging problema... bukod sa hindi niya naman talaga mahal ang lalaki.

"Kung si Diane na lang kaya ang ipakasal? Tutal ay ayaw mo naman maikasal sa lalaking iyon. Kausapin mo siya, kausapin mo ang pamilya no'ng lalaki!"

Pinunasan ni Daphne ang luha sa kaniyang pisngi. Izzy's idea is great! Puwedeng gano'n na lamang ang mangyari, lalo na kung may namamagitan naman sa dalawa. Upang matahimik at bumalik na muli sa normal ang buhay niya.

"You're right, bukas na bukas ay kakausapin ko ang lalaking iyon."

××××

Kinabusakan ay inayos niya ang sarili upang humarap sa lalaking nakatakdang ipakasal sa kaniya. Maaga siyang nagtungo sa opisina nito upang makausap kaagad ng maayos. Ngunit masyado pa lang mahigpit ang mga tauhan nito.

"Ms. Romero, hindi po talaga puwedeng humarap kayo kay Sir Treyton ng wala po kayong schedule," sambit ng sekretarya nito.

Pumeywang siya. "Kanina ko pa sinasabi sa'yo, saglit ko lang siyang kakausapin. Hindi naman ako magtatagal," tugon niya.

Umiling ang sekretarya. "Ako po kasi ang pagagalitan. Ayoko po na mawalan ng trabaho," saka ito yumuko.

Napahilot sa sintido si Daphne. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari. Ayaw naman niya na may madamay or may mawalan ng trabaho. Ang gusto niya lang ay makausap si Treyton, iyon lang.

"Sige, ganito na lang. Pumasok ka sa loob ng opisina niya. Sabihin mo, narito ang fiancè niya."

Napaawang ng labi ang babae saka napatakip sa sarili nitong bibig.

"F-Fiancè po? Kung gano'n... Hala, Ma'am! Bakit hindi niyo po kaagad sinabi?!" natatarantang sambit nito. "Dito lang po kayo, at sasabihan ko na po kaagad si Sir Treyton."

Napailing na lamang si Daphne. Gano'n lamang pala kabilis na pupuntahan ito sa loob, kung sa una pa lang sinabi na niya kaagad siguro ay kanina niya pa nakausap ang lalaki. Kahit papaano ay napangiti siya ngunit kaagad din na binura nang maalala ang tila pagpapakilala niyang fiancè siya ng lalaking iyon.

"Ma'am, pasok daw po kayo sabi ni Sir."

Pumasok naman siya sa loob ng opisina nito. Hindi pa man niya tuluyang naila-lock ang pinto nang maramdaman niya ang isang bulto sa kaniyang likuran. Mabilis ang kamay nito at ito na ang nagsara ng pinto saka ini-lock.

"Ang lakas naman ng loob mo magtungo dito... mismo sa opisina ko," bulong nito sa kaniyang tainga.

Nanuyot sa kaniyang pang amoy ang amoy mint ng hininga nito. Kasabay no'n ang nararamdaman niyang bilis ng tibok ng puso niya na para bang kasing bilis ng mga kabayo at kasing lakas ng tunog ng tambol. Napapikit siya saka bumuntong huminga.

Naglakas loob siyang humarap ngunit wala na sa likod niya si Treyton. Prente na itong nakaupo sa lamesa habang naninigarilyo at nakatingin sa kaniya. She can't deny, na sa posisyong iyon ng lalaki ay mas lalo itong naging kaakit-akit.

"Tititigan mo na lang ba ako?"

Tuluyang natauhan si Daphne nang masalita muli si Treyton. Humugot siya ng hininga at naglakas loob na lumapit sa harap nito. Kailangan niyang maging straight to the point nang hindi masayang ang ipinunta niya.

It's now or never!

"First, I want to say sorry about last night, nang umalis ako. Second, about our marriage, I have suggestion na sa tingin ko ay mas papabor ka. I know you and my sister, Diane is having an affair. Hindi naman natin dapat ipilit--"

"I don't care what you're saying. I don't want any suggestion coming from you. Sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal tayo one week and three days from now, I guess? Oh, malapit na pala."

Napaawang ang labi ni Daphne.

"Puwedeng patapusin mo muna ako?" inis na tanong niya dito. "Alam ko naman na may namamagitan sa inyo ng kapatid ko, kaya bakit hindi na lang kayo ang magpakasal? Nang matahimik na ulit ang buhay ko!"

Binitawan ni Treyton ang hawak na sigarilyo at pinatay iyon. He crossed his arms. May mapaglarong ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Hindi niya inaasahan na ganito pala katapang ang babaeng ipapakasal sa kaniya.

Kung hindi lang dahil sa kondisyon niya sa kaniyang Daddy ay hindi niya ito gugustuhing pakasalan. Dahil may isang babae na ang bumihag sa puso niya. Ang babaeng tumapos ng paghihirap niya, na kasalukuyan niyang hinahanap at inaalam kung sino talaga ang babaeng iyon.

At ang kapatid nitong si Diane ang nasa list ng bodyguard niyang si Storm.

"Your sister... She's hot, yeah. Pero paano kung sabihin ko sa'yo na mas naakit mo ako?" pang-aasar na sambit ni Treyton.

Napaatras si Daphne. "A-Anong pinagsasabi mo? H-Huwag kang lalapit!" sigaw niya nang mag umpisang maglakad dahan-dahan si Treyton papalapit sa kaniya.

"Why not? Magiging asawa rin naman kita."

"Sisigaw ako ng rape!"

Mabilis siyang kinabig ni Treyton palapit sa katawan nito. Kaya ngayon ay magkadikit ang katawan nila at ramdam niyang muli ang matipunong katawan nito, habang nakaliyad siya't matapang na sinalubong pa rin ng tingin ang lalaki. Muli niyang nasilayan ng malapitan ang perpektong mukha nito.

"Don't worry, Baby," nagtaasan ang balahibo ni Daphne, dahil sa itinawag nito sa kaniya. Ito rin ang tawag sa kaniya nito nang gabing magkasalo sila. "Hindi naman ikaw ang type ko, kaya makakaasa kang intact pa ang virginity mo kahit ikasal pa tayo," dugtong pa nito.

Her virginity? Kung gano'n ay hindi talaga siya naaalala ng lalaking ito?! Pero paano nangyari iyon? Naalala naman niya ang kapatid niya kaya mabilis niya itong tinulak dahilan kaya nakawala siya.

"So, pinaglalaruan mo lang ang kapatid ko?!"

"No."

"Eh, ano ang tawag mo sa paghahalikan niyo?!"

"It's just a kiss--"

"Kung gano'n ay g*go ka pala!"

"Baby, don't say bad words. I hate it. Ayaw mo naman sigurong maparusahan hindi ba?"

Daphne smirked. "Maparusahan? Bakit batas ka ba? Kung ayaw mong nagmumura ako sagutin mo ng maayos ang tanong ko. Anong namamagitan sa inyo ng kapatid ko?!"

"We're just... playing I guess? And for your information, your sister is the one who always follow me. Lumalapit na ang palay sa manok, hindi ba't dapat grab the opportunity na iyon?"

Napasuklay si Daphne sa kaniyang buhok. Umiinit na ang ulo niya. Walang kwentang kausap ang lalaking kaharap niya dahil para bang pinapaikot lamang siya nito, kaya hindi niya makuha ang gusto niyang marinig na sagot.

"Isa ka talagang gag--"

Naputol ang sasabihin niya, kasabay nito ang panlalaki ng mga mata niya. Inangkin ngayon ni Treyton ang labi niya nang hindi niya inaasahan. Blangko ang isip niya habang pinipigilan ang huminga.

Bahagyang ngumiti si Treyton saka kinagat ang labi ni Daphne, bago humiwalay saka inilagay ang mga kamay sa bulsa.

"Ako ang batas. I hate girls who always cursed. That's your punishment, at least ngayon ay alam mo na ang ayaw ko. Kapag kinasal na tayo, mas makikilala mo pa ako. The more na marami kang lalabagin sa rules ko, the more na makakatikim ka ng punishment. At worst, baka magbago ang isip ko, tungkol sa virginity mo."

Hindi namalayan ni Daphne na napaluha na siya, habang nakatitig kay Treyton at nakikinig. Napakuyom siya ng kamao. Pakiramdam niya kasi ay mas lalo siyang hindi makakawala at hindi matatahimik dahil ang mismong lalaking nasa harap niya ay ayaw pumayag sa inaalok niya.

"G*go ka nga talaga!" malakas niyang sigaw at mabilis na tumakbo papalabas ng opisina.

Nakangiting naiwan si Treyton saka napailing. Pinunasan niya ang kaniyang labi saka muling sumiryoso nang maging pamilyar sa kaniya ang lasa at pakiramdam ng labi nito. Naniningkit niyang tinawagan si Storm.

"Find information about, Daphne Romero."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
wow! just wow ano kaya gagawin ni tryton pag nalaman nyang si Daphne yong babae naging curable nya.........
goodnovel comment avatar
MARIETTA FORTOS
kaabang abang ang susunod na mangyari
goodnovel comment avatar
Shenna Mae Bayarong
...️...️...️...️...️...️...️...️
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Marriage For Pleasure   AUTHOR'S NOTE

    AUTHOR'S NOTE~ Maraming salamat sa lahat ng sumuporta through reading using bonus, ads and buying coins! Wala ako kung wala kayo. Alam ko po na maraming mas magagaling na Author kaysa sa akin, at sobrang saya ko kung ikaw man ay umabot sa pahinang ito. Salamat sa pagsama sa akin! I also thank God, dahil nakatapos akong muli ng isang story dito sa GN! Hope you'll support me sa iba pang story na gagawin ko. ^-^ Ang next story ko po ay ang THE MAFIA LORD'S OBSESSION na ang bida ay si Phoenix at Jullina. Sana ay masamahan niyong muli ako.~ Ang aral na natutunan ko sa story nila Treyton at Daphne ay, "Huwag natin pangunahan ang mga bagay na nangyayari sa buhay natin. Minsan dumaraan tayo sa sitwasyon na hindi natin inaasahan, but trust the process. Kapag para sa 'yo, para sa 'yo."Date started: May 24, 2022Date end: December 01, 2022STORY WRITTEN BY: febbyflame | Sashi GrayTHANK YOUUUU! ^-^

  • Marriage For Pleasure   Epilogue

    EPILOGUE"Mommy!" sigaw ni Collien. "Kailangan po ng tulong ni Daddy!" nanginginig na sambit ng limang taong gulang na anak ni Daphne at Treyton na si Collien."What happened sweetie?" aligagang tanong ni Daphne at 'agad itong nilapitan saka hinawakan sa braso para pakalmahin. Ito ang unang beses na nakikita niyang natatakot ito ng husto."H-He can't breath, Mommy! Nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at nahihiraoang huminga. . ." sa pagkakataong ito ay umiiyak na si Collien at kaagad niyang pinunasan ang luha nito.Kinakabahan siya, at mabilis na umakyat si Daphne patungo sa kanilang kuwarto. Pagpasok niya sa loob ay saka niya hinanap sa sahig ang asawa. Doble-doble ang bilis at tibok ng puso niya, ngunit wala ito doon."L-Love. . . T-Treyton?""Hey, there Love." nakingiti ito habang nasa pintuan ng shower room, tanging nakatapis lamang ito ng puting tuwalya.Napatingin siya sa pintuan nang marinig ang isang maliit na boses na natatawa. At huling-huli niya si Collien na tila kiniki

  • Marriage For Pleasure   Chapter 67 • Forgiveness

    Chapter Sixty-Seven: Forgiveness"Use this bluetooth speaker to contact with us. Kung kailangan mo ng tulong, sumigaw ka lang. Ang mga tauhan ko ay naka-stand by. Medyo magiging malayo kami sa 'yo pero garantisadong mabilis ka lang namin na malalapitan. Maliwanag ba sa 'yo, Ma'am Daphne?" tanong ni Captain Silver.Tumango si Daphne at napakuyom ang kaniyang palad. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya. Hindi biro ang buwis buhay na gagawin niyang ito para sa dalawang bata. Pero wala siyang pakialam sa buhay niya, ang mahalaga ay mailigtas niya ang mga ito."A-Ate Daphne, t-tatagan mo. Okay?" sambit ni Diane saka siya nito niyakap.Napatingin siya kay Treyton at kaagad siyang humalik dito habang umiiyak. Hindi niya alam ang posibleng mangyari. Hindi niya alam kung ito na ba ang huling halik na mararanasan niya sa binata."M-Mag-iingat ka, kapag sumigaw ka ng tulong. Don't worry, nasa likod mo ako. Hindi ko kayo pababayaan.""Ah- I love you, Treyton. M-Mahal pa rin kita."Baka

  • Marriage For Pleasure   Chapter 66 • Kidnapped

    Chapter Sixty-Six: Kidnapped••• Diane's POVAng hirap pala kapag alam mo lahat ng nangyayari sa paligid mo. Kapag nadamay o kasama ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Tipong akala nila madali para sa akin ang lahat. Para sabihin ang mga nalalaman ko. Kung sinabi ko ba noon may maniniwala kahit wala akong pruweba? Kung sinabi ko ba kaya ba nilang protektahan ang pamilyang pinoprotektahan ko? I doubt that.Kung sila ang nasa sitwasyon ko? Ano ang gagawin nila? Madaling magsabi na sana sinabi ko ng maaga, sana hindi ko tinago, sana ipinaalam ko kahit ang isa sa kanila. Pero akala nila hindi ako nahirapan. Halos araw-araw akong inuusig ng konsesya ko. Araw-araw na nagdarasal na sana ay masabi ko.Pero ang masakit kasi sa part na nalaman nila ang totoo, bad side ko ang nakita nila hindi ang pagmamahal ko.××××"Sige na, Mommy! Pumayag ka na kasi na sumama si Daddy sa atin Mamaya! Family day kaya!" sambit ni Collien.Napatingin naman si Daphne kay Treyton na ngayon ay prenteng

  • Marriage For Pleasure   Chapter 65 • Trevon's Father

    Chapter Sixty-Five: Trevon's FatherSamantala hindi naman alam ng lahat kung ano ang nangyayari kay Trevon sa kamay ng ina nitong si Laura. "PLEASE, pleㅡplease, Mommy stop huㅡhurting me," nakikita ni Trevon na papalapit na naman sa kaniya ang Mommy niya at this time hindi lang sinturon ang dala nito kung 'di ay may isang kutsilyo pa na nasa kanang kamay nito."Bakit hindi kita sasaktan? Eh, ikaw at ang Daddy mo ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko! Kayo ng malanding Daphne na 'yon!" lumapat ang isang hagupit ng sinturon na tumama sa mga binti niya. "Tapos gusto mo tatawagin mo siyang, Mama Daphne? Wala kang utang na loob!"Lalong lumakas ang iyak ni Trevon dahil sa paglapat ng sinturon sa parte ng katawan niya. Kahit na wala nang espasyo sa likuran niya ay patuloy pa rin siyang sumisiksik at umaasang hindi siya maaabot ng Mommy niya. Sa murang katawan niyang 'yon ay punong-puno na ito ng sugat at mga pasa."MoㅡMommy, is-stop na pㅡpo," putol-putol na ang boses niya sa kakaiyak,

  • Marriage For Pleasure   Chapter 64 • BSD [SPG - Warning!]

    Chapter Sixty-Four: Boost Sex Drive - [SPG - Warning!]Hindi makapag-focus si Daphne sa trabaho. Narito na ang buong production staff at kasalukuyan ng tinitake ang photos na kailangan nila para sa launch ng Cazoa Homes. Ngunit si Izzy ay nananatili pa rin sa Italy.It's been two weeks since she and Treyton talked about his condition. Hindi inaasahan ni Daphne na gano'n kalala ang sitwasyon nito. Wala sa isip niya na ang sakit nito ay isang malaking dagok sa buhay ng isang lalaki.Simula nang makapag-usap sila ay hindi na ito humaharap sa kaniya. Palagi lamang nitong kinakausap si Collien, sinusund at ipinapasyal. Para bang naging hangin siya dito. Hindi alam ni Daphne kung nahihiya ba ito sa kaniya o sadyang wala na rin talaga itong pakialam sa kaniya. Nagulo tuloy ang nananahimik niyang isip dahil sa mga kinikilos ni Treyton."Balik na sa front! Are you ready, Daphne?" tanong ng Manager niyang si Penny.Parang nagulat pa siya na narinig na napangalan niya. Mabilis siyang tumayo at i

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status