Home / Romance / Marriage For Pleasure / Kabanata 07 • Threatening

Share

Kabanata 07 • Threatening

Author: febbyflame
last update Huling Na-update: 2022-04-25 23:55:41

Chapter Seven: Threatening

"Storm, nasisiguro mo ba na si Diane Romero talaga ang kasama ko nang gabing iyon?" tanong ni Treyton sa bodyguard nitong si Storm.

Napaisip sandali ang bodyguard. Hindi niya inaasahan ang biglaang pagkainteresado ng kaniyang boss sa nakasama nito noong gabing magtungo sila sa Enchanted Bar. Kadalasan naman kasi ay ipinapahatid lamang nito ang babaeng nakasama sa kama kasabay nito ang pagbibigay ng malaking perang halaga kapalit ng hindi na nito pagpapakita.

Wala siyang pakialam kung bakit papalit-palit ng babae ang boss niya, dahil para sa kaniya ay normal lamang iyon para sa isang lalaking mayaman. Napailing si Storm saka tumingin sa mga papel na nasa ibabaw ng desk ng boss niya. Naroon ang mga nakalap niyang information patungkol sa magkapatid na Romero.

"O-Opo, tinanong ko po siya nang gabi na iyon. At base rin sa mga nakalap kong impormasyon, hindi hilig ni Ms. Daphne ang magpunta sa bar, masyado itong conservative at workaholic," tugon ni Storm.

Muling tiningnan ni Treyton ang mga papel sa lamesa. Hindi niya maintindihan kung bakit parang wala namang bago sa tuwing makikita niya si Diane, pero ang kapatid nitong si Daphne ay kakaiba. Hindi niya rin naman maamin ang tungkol sa sakit niya kung kokomprontahin niya ang mga ito.

"Hey, what do you want, Buddy?"

Napatingin sila sa kadarating lang na si Claude. Ito ang pinakamatalik niyang kaibigan simula elementary pa lamang sila. Kilala ito bilang isang magaling na abogado ngunit hindi makakaila na likas rin na babaero.

Sinenyasan ni Treyton ang bodyguard na si Storm na maaari na itong lumabas. Nakuha naman kaagad ni Storm ang ibig-mangyari nito kaya yumuko ito at saka umalis sa loob ng opisina. Pagkatalikod nito mula sa pinto ay napailing siya. Hindi niya talaga sigurado kung sino sa dalawang magkapatid ang nabigyan niya ng VIP ID, dahil magkamukha rin ang mga ito. Ngunit ang lahat ng mga impormasyon ay tumutugma kay Diane Romero.

Inayos ni Treyton ang mga papel at inilatag iyon ng maayos sa harap ng kaibigan. Nakakunot noong tiningnan iyon ni Claude. Tila ba iniinspekto niya ang bawat information at litrato.

"Who's that beautiful girls? New toys?" tanong ni Claude.

"Not a toys, but I need your help," tinuro ni Treyton ang isa sa mga litrato. "This is Daphne Romero, my fiancè--"

"Woah! Woah! Woah! Your fiancè? Really? Nah. Are you kidding me?"

Treyton's pokerface. "Do I look like joking or what? Look, Buddy, this is real. Ikakasal na ako, and I need your help para gumawa ng isa pang contract."

"Isa pang contract? What do you mean?"

"My marriage is just arrange marriage, and I want to do a contract about me and my Father's deal once na maikasal ako sa babaeng ito," sabay turo muli sa litrato ni Daphne.

"Oh, okay? Just tell me what do you want. And what about this other girl?" nakangiting kinuha ni Claude ang isa pang litrato. "Don't tell me, dalawa silang ikakasal sa'yo?"

"No. That girl... Ikaw na ang bahala sa kaniya. Gusto ko sana ipatrabaho sa iba, kaso naalala ko na may kaibigan pala akong matinik sa babae."

"That's great! Ano ang gusto mong malaman?"

"If she's... the one who slept with me last last night, and please no sex as much as possible."

Dahil hindi naman niya alam kung sino sa dalawang magkapatid ang nakasama niya nang gabing iyon.

>>>.<<<

"Doctora Romero, may lalaki pong naghihintay sa inyo sa lobby," sambit ng isa mga nurse.

Napakunot ng noo si Daphne. Wala siyang natatandaan na bibisitang kaibigan ngayong araw. Hindi niya rin matandaan kung sino pa bang lalaki ang puwedeng bumisita sa kaniya.

"Sino raw?"

"Hind po nagpakilala, pero Doctora ang gwapo at matcho!" kinikilig na sambit nito saka umalis sa harap niya.

Gwapo at matcho? Napasinghap siya nang isang perpektong mukha ng lalaki ang rumihistro sa kaniyang isipan. Hindi puwedeng iyong lalaki na iyon ang naghihintay sa kaniya. Ayaw niya ng eskandalo at ayaw niyang madamay ang trabaho niya sa personal niyang buhay.

Nagmamadali siyang nagtungo sa lobby at doon ay nakita niya ang lalaking laman ng isip niya. Prente itong nakasandal sa pader habang nakatitig at hindi inaalis ang tingin sa kaniya. At that time, pakiramdam niya ay sasabog siya sa inis.

"What are you doing here?" mahinang tanong niya ngunit may halong inis sabay tingin sa paligid, tinitingnan niya kung may iba pang makakakita.

"I'm here to see my wife's work place. Is that bad? Hindi ba puwede?" mapang asar na sambit ni Treyton.

"Huwag mo akong matawag-tawag na wife dahil hindi pa tayo kasal. At saka hindi ko binibigay ang permiso ko na bisitahin mo ako."

"Doon rin naman tayo papunta, magiging asawa pa rin naman kita," ipinalibot ni Treyton ang paningin sa mga facility. "Nice work place, huh? Alam ba nila na ikakasal ka na? Gusto mong ako na ang mag announce?"

Nakaramdam ng matindiing galit si Daphne dahil sa ugali nitong pinapakita.

"Puwede ba, huwag kang gumawa ng gulo dito. They're not even invited. At huwag kang pakakasiguro na magpapakasal nga ako sa'yo!"

"Oh, is that what you want?" hinawi ni Treyton ang hibla ng buhok ni Daphne na tumatabing sa pisngi nito. Ngunit mabilis naman iyong tinabig rin. "You know what Doctora Romero? Mr. Casteñola, the Head Director of this hospital is my Ninong."

Biglang nakaramdam ng takot si Daphne. Ito ba ang sinasabi ng kaniyang Mama na kayang-kaya nitong sirain ang iniingatan niyang trabaho? Ngayon ay kitang-kita niya ang pagkadesperado sa mga mata ni Treyton.

"I can sue you, Doctora Romero. At baka nakakalimutan mo? Once na hindi ka pumayag sa kasal, sa amin na mapupunta ang buong Dream Builders, at ang pangalan ng Papa mo? Phew. Maglalaho na parang bula."

"No..."

"Yes, once na hindi ka pumayag."

Gustong sigawan ni Daphne si Treyton. Lalong tumindi ang galit niya dito. Hindi niya akalain na ganito kasamang tao ito. Malayong-malayo ito sa lalaking nakasama niya ng isang gabi. Malayo sa lalaking buong ingat siyang inangkin at niyakap.

"Excuse me? Doctora Romero?"

Biglang napatingin ang dalawa sa kadarating lamang na lalaki. Nang makita ni Daphne kung sino iyon ay kaagad niyang inayos ang sarili. It's Doctor Cabrera, her suitor. Sa lahat ng araw na nagkikita sila, ngayon siya pinakanagpapasalamat dahil sa wakas ay makakawala siya kay Treyton.

Mabilis naman na nagdilim ang paningin ni Treyton. Kitang-kita niya kung paano tumingin kay Daphne ang Doctor na kadarating lamang. Hindi niya gusto ang tingin nito na may halong pagnanasa.

"Bagong pasyente mo?" tanong nito.

"H-Ha?" nauutal na tugon ni Daphne saka napatingin kay Treyton na ngayon ay makikitang galit. "Oh--"

"No, I'm her fiancè, and you are?" masungit na tugon naman ni Treyton.

Gulat na napatingin si Daphne kay Treyton at kay Doctor Cabrera. Hindi niya inaasahan ng diretsahang tugon nito. Talagang hindi nito papalampasin ang pagpapahiya sa kaniya.

Napangisi naman ang lalaking Doctor dahil sa narinig.

"Fiancè ka niya? No, It can't be, dahil wala naman siyang nabanggit sa amin. At alam mo ba na halos dalawang taon na akong nanliligaw ay hindi niya pa rin ako sinasagot. Tapos ikaw?" tiningnan ng Doctor mula ulo hanggang paa si Treyton. Hindi niya makakailang gwapo at matipuno ito, pero hindi siya papatalo. "Biglang susulpot at sasabihin na finacè?"

Treyton's smirked. Gusto niyang sapakin ang Doctor. "Then, ask her," madilim na binalingan ng tingin ni Treyton si Daphne.

Ayaw ng palakihin pa ni Daphne ang gulo. Pakiramdam niya ay ilang minuto na lang ay babagsak na ang luha niya. Hindi niya inaasahan na sa isang iglap maaaring masira ang iniingatan niyang status sa hospital. Wala siyang kalaba-laban kay Treyton.

Bahagya siyang yumuko.

"Totoo. He is my fiancè. Babalik na ako sa loob."

Naglakad na papalayo si Daphne, at hindi na niya hinintay na magsalita pa ang dalawa. Hindi siya nagtungo sa Doctor's quarters, kung hindi sa restroom. Nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin sa salamin.

Ilang segundo lang ay nakatanggap siya ng isang mensahe.

"Good girl. Ayaw mo naman pa lang magkaroon ng gulo. Since now, you need to do what I want, kung gusto mong protektahan ang pangalan ng Papa mo, pati na ang propesyon na iniingatan mo."

Tuluyang tumulo ang luhang kanina'y nagbabadya. She needs to be strong. Hindi isang lalaki lang ang sisira sa kaniya. After that bullsh*t marriage, sisiguraduhin niyang babalik sa normal ang buhay niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
MARIETTA FORTOS
gusto cya ni boy
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Marriage For Pleasure   AUTHOR'S NOTE

    AUTHOR'S NOTE~ Maraming salamat sa lahat ng sumuporta through reading using bonus, ads and buying coins! Wala ako kung wala kayo. Alam ko po na maraming mas magagaling na Author kaysa sa akin, at sobrang saya ko kung ikaw man ay umabot sa pahinang ito. Salamat sa pagsama sa akin! I also thank God, dahil nakatapos akong muli ng isang story dito sa GN! Hope you'll support me sa iba pang story na gagawin ko. ^-^ Ang next story ko po ay ang THE MAFIA LORD'S OBSESSION na ang bida ay si Phoenix at Jullina. Sana ay masamahan niyong muli ako.~ Ang aral na natutunan ko sa story nila Treyton at Daphne ay, "Huwag natin pangunahan ang mga bagay na nangyayari sa buhay natin. Minsan dumaraan tayo sa sitwasyon na hindi natin inaasahan, but trust the process. Kapag para sa 'yo, para sa 'yo."Date started: May 24, 2022Date end: December 01, 2022STORY WRITTEN BY: febbyflame | Sashi GrayTHANK YOUUUU! ^-^

  • Marriage For Pleasure   Epilogue

    EPILOGUE"Mommy!" sigaw ni Collien. "Kailangan po ng tulong ni Daddy!" nanginginig na sambit ng limang taong gulang na anak ni Daphne at Treyton na si Collien."What happened sweetie?" aligagang tanong ni Daphne at 'agad itong nilapitan saka hinawakan sa braso para pakalmahin. Ito ang unang beses na nakikita niyang natatakot ito ng husto."H-He can't breath, Mommy! Nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at nahihiraoang huminga. . ." sa pagkakataong ito ay umiiyak na si Collien at kaagad niyang pinunasan ang luha nito.Kinakabahan siya, at mabilis na umakyat si Daphne patungo sa kanilang kuwarto. Pagpasok niya sa loob ay saka niya hinanap sa sahig ang asawa. Doble-doble ang bilis at tibok ng puso niya, ngunit wala ito doon."L-Love. . . T-Treyton?""Hey, there Love." nakingiti ito habang nasa pintuan ng shower room, tanging nakatapis lamang ito ng puting tuwalya.Napatingin siya sa pintuan nang marinig ang isang maliit na boses na natatawa. At huling-huli niya si Collien na tila kiniki

  • Marriage For Pleasure   Chapter 67 • Forgiveness

    Chapter Sixty-Seven: Forgiveness"Use this bluetooth speaker to contact with us. Kung kailangan mo ng tulong, sumigaw ka lang. Ang mga tauhan ko ay naka-stand by. Medyo magiging malayo kami sa 'yo pero garantisadong mabilis ka lang namin na malalapitan. Maliwanag ba sa 'yo, Ma'am Daphne?" tanong ni Captain Silver.Tumango si Daphne at napakuyom ang kaniyang palad. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya. Hindi biro ang buwis buhay na gagawin niyang ito para sa dalawang bata. Pero wala siyang pakialam sa buhay niya, ang mahalaga ay mailigtas niya ang mga ito."A-Ate Daphne, t-tatagan mo. Okay?" sambit ni Diane saka siya nito niyakap.Napatingin siya kay Treyton at kaagad siyang humalik dito habang umiiyak. Hindi niya alam ang posibleng mangyari. Hindi niya alam kung ito na ba ang huling halik na mararanasan niya sa binata."M-Mag-iingat ka, kapag sumigaw ka ng tulong. Don't worry, nasa likod mo ako. Hindi ko kayo pababayaan.""Ah- I love you, Treyton. M-Mahal pa rin kita."Baka

  • Marriage For Pleasure   Chapter 66 • Kidnapped

    Chapter Sixty-Six: Kidnapped••• Diane's POVAng hirap pala kapag alam mo lahat ng nangyayari sa paligid mo. Kapag nadamay o kasama ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Tipong akala nila madali para sa akin ang lahat. Para sabihin ang mga nalalaman ko. Kung sinabi ko ba noon may maniniwala kahit wala akong pruweba? Kung sinabi ko ba kaya ba nilang protektahan ang pamilyang pinoprotektahan ko? I doubt that.Kung sila ang nasa sitwasyon ko? Ano ang gagawin nila? Madaling magsabi na sana sinabi ko ng maaga, sana hindi ko tinago, sana ipinaalam ko kahit ang isa sa kanila. Pero akala nila hindi ako nahirapan. Halos araw-araw akong inuusig ng konsesya ko. Araw-araw na nagdarasal na sana ay masabi ko.Pero ang masakit kasi sa part na nalaman nila ang totoo, bad side ko ang nakita nila hindi ang pagmamahal ko.××××"Sige na, Mommy! Pumayag ka na kasi na sumama si Daddy sa atin Mamaya! Family day kaya!" sambit ni Collien.Napatingin naman si Daphne kay Treyton na ngayon ay prenteng

  • Marriage For Pleasure   Chapter 65 • Trevon's Father

    Chapter Sixty-Five: Trevon's FatherSamantala hindi naman alam ng lahat kung ano ang nangyayari kay Trevon sa kamay ng ina nitong si Laura. "PLEASE, pleㅡplease, Mommy stop huㅡhurting me," nakikita ni Trevon na papalapit na naman sa kaniya ang Mommy niya at this time hindi lang sinturon ang dala nito kung 'di ay may isang kutsilyo pa na nasa kanang kamay nito."Bakit hindi kita sasaktan? Eh, ikaw at ang Daddy mo ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko! Kayo ng malanding Daphne na 'yon!" lumapat ang isang hagupit ng sinturon na tumama sa mga binti niya. "Tapos gusto mo tatawagin mo siyang, Mama Daphne? Wala kang utang na loob!"Lalong lumakas ang iyak ni Trevon dahil sa paglapat ng sinturon sa parte ng katawan niya. Kahit na wala nang espasyo sa likuran niya ay patuloy pa rin siyang sumisiksik at umaasang hindi siya maaabot ng Mommy niya. Sa murang katawan niyang 'yon ay punong-puno na ito ng sugat at mga pasa."MoㅡMommy, is-stop na pㅡpo," putol-putol na ang boses niya sa kakaiyak,

  • Marriage For Pleasure   Chapter 64 • BSD [SPG - Warning!]

    Chapter Sixty-Four: Boost Sex Drive - [SPG - Warning!]Hindi makapag-focus si Daphne sa trabaho. Narito na ang buong production staff at kasalukuyan ng tinitake ang photos na kailangan nila para sa launch ng Cazoa Homes. Ngunit si Izzy ay nananatili pa rin sa Italy.It's been two weeks since she and Treyton talked about his condition. Hindi inaasahan ni Daphne na gano'n kalala ang sitwasyon nito. Wala sa isip niya na ang sakit nito ay isang malaking dagok sa buhay ng isang lalaki.Simula nang makapag-usap sila ay hindi na ito humaharap sa kaniya. Palagi lamang nitong kinakausap si Collien, sinusund at ipinapasyal. Para bang naging hangin siya dito. Hindi alam ni Daphne kung nahihiya ba ito sa kaniya o sadyang wala na rin talaga itong pakialam sa kaniya. Nagulo tuloy ang nananahimik niyang isip dahil sa mga kinikilos ni Treyton."Balik na sa front! Are you ready, Daphne?" tanong ng Manager niyang si Penny.Parang nagulat pa siya na narinig na napangalan niya. Mabilis siyang tumayo at i

  • Marriage For Pleasure   Chapter 63 • All About The Truth

    Chapter Sixty-Three: All About The TruthKasalukuyang umiinom si Treyton sa dati nilang tinitirahan ni Daphne. Narito siya labas ng bahay para mag-isang mag celebrate. Unti-unti ng bumabalik sa dati ang lahat. Sobrang saya niya dahil hindi niya inakalang darating ang araw na magkaroon siya ng anak. Malaki ang pasasalamat ni Treyton kay Daphne dahil kung hindi sa kaniya ay hindi niya mararanasan ang mga bagay na ngayon niya lang naranasan. Akala niya palagi siyang mananatili sa itaas. Iyon pala ay babagsak rin siya at dito siya natuto kung paano tumayong mag-isa."Tsk. Nagagawa mo pang uminom kahit na puro ka na problema?"Napatingin si Treyton sa nagsalita at nakita niya si Ryder. Hindi siya nakailag nang bigla siya nitong suntukin. Gulat siya dahil hindi niya inaasahan ang suntok na tatama sa mukha niya."Tang'na, anong trip mo?" inis na tanong ni Treyton sabay pahid ng duo sa kaniyang kilay."Gaya ng dati. Don't tell me umuurong ka na kaagad sa ganitong laban?" sambit ni Ryder.Ang

  • Marriage For Pleasure   Chapter 62 • Reunited

    Chapter Sixty-Two: Reunited - Collien's Wish GrantedHindi maipaliwanag ni Daphne ang nararamdaman. Paanong baog? Tinitingnan niya ang bawat taong naroon na kasama nila ni Treyton. Lahat sila nakayuko-- na para bang alam nilang lahat ang tungkol kay Treyton."K-Kunga baog ka . . . P-Paano ako nabuntis?" naguguluhang tanong ni Daphne. "At first I thought it's just a miracle, but Doctor Webster said na kahit 14% lang ang mayroon ako, malaki pa rin ang tiyansa, pero may mga bagay na dapat kong itigil. Tulad ng pag-inom ng alak-- bawala akong ma-stress, iwasan rin pati ang mapagod ng sobra. Ginawa ko naman 'yon p-pero napansin kong wala namang epekto sa 'yo, k-kaya doon ako nagdesisyon at naisip ko na b-baka hindi ko na talaga kaya. . ."Naramdaman ni Daphne ang pahawak ni Ryder sa kaniyang likuran at inalalayan siyang tumayo. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig. Bakit walang nagsabi sa kaniya kahit ni isa sa kanila? Hinayaan nila siyang mabulag sa mga nakikita niya. Sa mga naging pa

  • Marriage For Pleasure   Chapter 61 • DNA Result

    Chapter Sixty-One: DNA ResultIsang linggo nang nagpapahinga si Daphne sa bahay nila Diane. Dito niya napiling magpahinga lalo pa at gusto rin ni Collien na makasama ang nga pinsan nito. Wala pa rin namang update kung kailan ang dating ng manager niyang si Penny. Kaya naman hindi pa siya sumasabak muli sa photoshoot. Mabuti na lang din at gumaling na ang injury niya. Na-sprain pala ang kaniyang paa.Hindi na rin siya nagkaroon pa ng balita tungkol kay Treyton. Siguro natauhan at nagkaroon na ng hiya sa mukha kay hindi na nagpakita. Pero ang mga nangyari simula nang magkita sila, lahat iyon ay paulit-ulit sa kaniyang isipan na para bang nanunuod siya ng teleserye. Madalas mangyari ito sa tuwing wala siyang pinagkakaabalahan o 'di kaya kapag siya ay natutulala."Tita Daphne, can you teach us po on how to walk confidently?" nakangiting tanong ni Trixie.Nakuha ni Trixie at Collien ang atensyon niya habang nagbabasa siya ng libro. Napaka-cute rin na batang ito. Halos manang-mana kay Theo

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status