Share

MTMC 5

“Everyone, meet my wife!” Namatay ang lahat ng ilaw at tanging spotlight lang sa red carpet ang nakabukas. Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa natutukan ng ilaw. Lahat ay napasinghap ng makita ang babaeng natutukan ng ilaw, tama nga ang kanilang hinala si Katya ang asawa ni Zael! Samantalang si Katya ay malawak ang ngiti ng marinig ang mga komento ng mga tao na mapagkamalan na siya ang asawa ni Zael, narinig niya kasi ang sinabi ni Zael ng pabalik na siya galing sa ladies room kaya ng mamatay ang lahat ng ilaw kaagad siyang pumunta sa carpet na ipinahanda nito sa kaniya dahil alam niyang sasabihin na nito kung sino ang kaniyang asawa.

What the fuck!

Napamura si Zael sa kaniyang isipan ng makita ang natutukan ng ilaw, damn! Anong ginagawa ng babaeng iyan? Buwisit! He snap his finger two times, sinyas iyun sa mga staff na buksan ang lahat ng ilaw. Sa kabilang banda naman ay nagugulohang pumasok si Carry sa pinto na itinuro sa kaniya ng staff, nakita niyang nasa itaas ng stage ang kaniyang asawa, napakagwapo nitong tingnan sa suot nitong black suit. Marami ang tao na nanunuod sa asawa habang sa mabasa niya ang nasa screen sa likuran ng asawa. Launching of Z’s Condominium. Napa-awang ang labi niya ng mabasa ito, nakalimutan niyang ngayon ang araw ng launching ng project nito with Katya. Narinig niya ang sinabi ng asawa kaya hindi niya maiwasang mapangiti, her husband confess she felt so happy! Is this he's surprise?

Ngunit nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng biglang namatay ang lahat ng ilaw ka sabay ng pagtutok ng spotlight kay Katya, nakaramdam siya ng sakit ng marinig ang magandang komento ng mga tao tungkol sa dalawa. Napako siya sa kaniyang kinatatayuan na para bang hindi niya kayang tanggapin na si Katya ang kinalala ng lahat bilang asawa ni Zael na dapat siya. Maya-maya pa ay bumukas na ang lahat ng ilaw, magtama ang mata ni Zael at Carry. Kahit na malayo ang dalaga alam ni Zael na ito ang kaniyang asawa samantalang mas lumawak ang ngiti sa labi ni Katya sa inaakala na sa kaniya nakatingin ang binata.

“Z, I never expect this...” Katya say that makes everyone teased them.

Tiningnan ni Zael ng masama si Katya. Gusto niyang sipain palabas ng venue si Katya pero hindi niya iyon magawa dahil sa business partner niya pa rin ito at ang celebration ito ay para sa kanilang dalawa. Naisip ni Carry na hindi dapat siya sumuko, hindi niya dapat hayaan na angkinin ng iba ang pagiging Missis Zael Alvarez. Kaya dahan-dahan siyang naglakad sa red carpet habang nakapako ang tingin sa mga mata ng asawa, ganu'n din ito sa kaniya. Napatigil siya ilang hakmang ang layo mula sa likod ni Katya ng makita niyang bumaba si Zael sa stage at naglakad ito papunta sa kinatatayuan nila ni Katya. Madaming camera ang kumuha ng larawan naging ang taga media.

“Who’s that beautiful girl?”

“She’s look like a goddess!”

“Omg! Siya ang wife ni Zael how about Katya? A mistress?”

“Do Zael have a two wife?”

Bulong-bulongan ng mga tao, kilala nila si Katya ngunit hindi nila kilala si Carry maliban na lang kay Kant na halos maluwa ang mata sa gulat ng makita ang dalaga na nakangiti sa kaniyang kaibigan. Halos sumabog ang ulo nila ni Anton sa kakaisip kung sino ang asawa ng kaibigan at anong ginagawa ni Carry dito?

Nawala ang ngiti sa labi ni Katya ng daanan siya ni Zael na parang hangin. Nakaramdam siya ng hiya ng hindi siya nito pinansin hindi niya akalain na ipapahiya siya ng binata sa harap ng madaming tao.

“Poor Katya! How pathetic she is to expect? Haha!”

“Loser!”

“Deserve!”

Tawanan ng mga babaeng naiingit kanina lang kay Katya ng pinag-uusapan na ito ang asawa ni Zael ngunit masaya sila na hindi si Katya ang asawa ng binatang hinahanggan nila dahil masyado itong war freak pagdating sa mga babaeng nagkakagusto kay Zael.

Hindi alam ni Carry kong ano ang kaniyang nararamdaman ng matagpuan niya ang kaniyang sarili sa harap ng asawa na may ngisi sa labi.

“Can I have my wife's soft hand?” Nakangiting tanong ni Zael sa asawa at inabot niya ang kamay dito para alalayan ang asawa. Nakaramdam ng hiya si Carry ng mag ingay ang paligid na para bang tinutukso silang dalawa, ang ilan ay pumapalakpak at may sumisipol pa. Walang tigil sa pagpitik ang mga camera ng photographer hindi na nakakapag-taka kung bukas at sa makalawa laman ng balita at newspaper ang mukha nilang mag-asawa.

“Zael, a-ano ‘to?” Mahinang tanong niya sa asawa bago tinanggap ang kamay nito. “Surprise?” Mahinang tinampal ni Carry ang braso ng asawa na kaagad namang pumulupot sa bewang niya. Binigyan siya ng halik ni Zael sa labi ng magkapalit sila.

“You look stunning and hot babe. I love it,” Nakaramdam ng hiya si Carry dahilan para itago niya ang mukha sa dibdib ng asawa ng mag-ingay ang paligid. Hindi niya sinuot ang damit na ibinigay sa kaniya ng asawa, naisip niya tuloy na hindi bagay ang kaniyang suot sa kaniyang kinaruruunan. Hindi man nito sinuot ang ibinigay ni Zael ngunit masaya siya na makita ang asawa at napakaganda nito sa suot na parang dyosa sa kaniyang paningin.

Nagpupuyos sa galit si Katya ng makita ang babaeng ka yakap ng lalaking minamahal niya. Hindi hamak na mas mayaman ako sa babaeng iyan! Nagmamartsang umalis si Katya sa kinatatayuan at dumiretso sa ladies room!

Iginaya ni Zael ang asawa paakyat sa stage para formal itong ipakilala sa lahat bilang Missis Zael Alvarez. “To make it clear to everyone, I am not single anymore I am living happily with the girl I love the most.” Saad ni Zael sa microphone habang nakatingin sa mata ng asawa bago lumingon sa madaming tao na nakatingin sa kanila.

“ I want you all to finally meet my wife, Carry Ann De Vera-Alvarez.” Nagpalakpakan ang mga tao. Kabilang na doon ang isang nasa 40’s na lalaki na malagkit na nakatitig sa asawa ni Zael.

“This celebration is not all about launching of my project it also for my wife, she deserve to known as my wife. Let’s continue the party, have fun and have a good night everyone!” Muling nagpalakpakan ang mga tao.

“Kiss! Kiss!” Sigaw ni Kant na ikinalaki ng mata ni Carry. Na kaagad namang pinasigundahan ng karamihan. Napatingin si Carry sa mata ng asawa, bahagya itong ngumisi. “Ito ang hinihintay ko,” Bulong ni Zael bago pinaglapat ang kanilang labi. Sa gulat ay naging bato si Carry, hindi niya lubos maisip na hahalikan siya ng asawa sa harap ng madaming tao, napahawak siya sa dibdib ng asawa habang si Zael naman ay nakahawak ang isa nitong kamay sa kaniyang batok para mas pagdiinan pa ang halik na sinimulan sa huli ay tinugon ni Carry ang halik nito. Kaliwa’t kanan ang camera may ibang kumukuha ng larawan ang iba naman ay nag ve-vedio.

Napayakap na lang si Carry sa asawa dahil sa tuwa na kaniyang nararamdaman. Itinago niya ang pamumula ng kaniyang mukha na ‘di niya malaman kung dahil iyun sa hiya o dahil sa kilig. Iginaya ni Zael pababa sa mesa kung saan ang mga kaibigan niya, na nakatingin sa kaniya na parang ang laki ng kasalanan niya sa mga ito. Abala na ang lahat sa pagsasaya kaya wala na sa kanila ang attention ng lahat.

“Babe, okay lang ba sila?” Mahinang tanong ni Carry sa asawa ng makitang nakatulala sa kanila ng dalawa at hindi gumagalaw mas lalong hindi nagsasalita.

“So, it's babe again? Finally,” Carry pouted. “Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo ‘to? Hindi ako handa, isa pa wala sa usapan natin ito.” Pinakatitigan ni Zael ang asawa.

“Ayaw ko ng itago ang relasyon natin. Gusto kung ipagsigawan sa mundo na asawa kita para na rin wala ng babaeng aali-aligid sa akin, ayaw ko na nasasaktan ka. Babe, ginawa ko ‘to para sa ating dalawa. Dahil mahal kita at papatunayan ko iyun sayo, walang magbabago. Ikaw lang... I love you,” Hinalikan ni Zael sa noo ang kaniyang asawa.

“Mahal na mahal din kita Zael...” Hinaplos ni Carry ang pisngi ng asawa.

“Tama na ‘yan! Masyado ng matamis nilalamgam na ako dito!” Pagbabasag ni Kant sa moment nilang dalawa.

“So, babe. This is Anthony Portalejo, and –”

“Don’t tell me ipapakilala mo siya sa akin na ako mismo ang nagpakilala sayo sa kaniya?” Putol ni Kant sa sasabihin ni Zael. Napangiti si Carry sa turan ng mga ito.

“I want you to meet her as my wife! Moron!” Naasar na ani ni Zael at hinihugot ng upuan ang asawa sa katabi ng kaniyang upuan.

“Pleasure to meet you, Missis Alvarez.” Nakipagkamay si Carry kay Anton. “Carry Ann, Carry na lang,” Masayang turan niya dito.

“Hindi ko alam kung matutuwa ako o magluluksa sa nalaman ko. Masaya ako na makitang nakatali na Ang matalik kung kaibigan sa babaeng mahal niya pero kailangan kong magluksa dahil hindi na ako makakabalik pa sa Paris dahil alam kung hindi papayagan ng tukmol na ‘to na maging modelo ulit si Ann.” Naasar na turan ni Kant ngunit masaya siya para sa dalawa kahit na hindi pa rin siya makabawi sa gulat na mag-asawa na ang dalawang ito.

“Glad you know." Bumaling si Zael sa asawa. “What do you want to eat?” Umiling si Carry. “Okay lang busog pa ako.” Nakapatong ang braso ni Zael sa sandalan ng upuan na kina-uupuan ng asawa na para bang sinasabi nitong pag-aari niya ito na may lalong nakakapagpabaliw sa puso ng dalaga.

“Sigurado ba talaga kayong kayo na? I mean how came? Damn! It's been a long time, can't believe this news, actually.”

“Sayo na mismo galing, it's been a long time. Kaya wag ka ng magtaka.” Sagot ni Anton. “I’m happy for the both of you dude. Congratulations, pero sana naman may kasal sa simbahan para hindi masayang ang ka gwapuhan ko na maging best man.” Dagdag pa ni Anton.

“Anong ikaw, ako!” Protesta ni Kant.

“You two behave yourself, be formal.” Saway ni Zael sa dalawang kaibigan.

“Basta kapag nagloko si Z, tawagan mo ‘ko para may kakampi ka na gugulpi sa kaniya.” Natawa si Carry sa sinambit ni Anton. Unang kita niya pa lang sa binata ang gaan na kaagad ng loob niya dito. “Oo naman, ipapa-savage ko siya sayo.” Nasamid si Kant ng ininom niyang tubig ng marinig ang sinabi ni Carry.

“Wag kang ganiyan Ann, sisirain mo ‘yong friendship ng dalawa e. Ako na lang ang gagawa,” Mas lalong na tawa si Carry sa sagot ni Kant, mabait ito at parang kapatid ang turing sa kaniya ng pareho pa silang nasa Paris.

“Okay ka lang?” Baling niya kay Zael na hindi na umiimik, napatingin siya kay Kant suminyas ito na parang sinasabing lagot siya. “Yes. I want you to meet someone,” Kaagad na nag-escuse ang mag-asawa kay Kant at Anton.

Napansin kasi ni Zael na panay ang sulyap sa gawi nila ni Romulus Del Sul. Ang kaniyang kinikilalang kapamilya mula ng mawala ang kaniyang mga magulang, kapatid ito ng kaniyang ama sa ama isa itong Alvarez ngunit Del Sul ang apelyido nito dahil ginagamit nito ang apelyido ng kaniyang Ina.

“Congratulations my dearest nephew. Good job!” Masayang bati nito kay Zael at nakipagkamay sa kaniyang tiyuhin. “Thanks. Anyway, this is my wife Carry. Babe, he's Romulus my Tito.” Pakilala ni Zael.

Malapad namang ngumiti si Carry at binati ang tiyuhin ng asawa. Isa itong Meyembro ng organization kahit pa tiyuhin niya ito ay hindi niya lubos na ibinibigay ang tiwala dito.

“Have a sit so we can have a little conversation. You don't even inform me about think young man.” Bakas sa boses nito ang pagkadismaya.

“I can do whatever I want to myself after all it's my life.” Deritsahang saad ni Zael. “So, how is he as a husband , young lady?” Baling nito kay Carry.

“I have a responsible and good husband.” Napatango naman si Romulus. Nagkatinginan si Zael at Carry, they smiled to each other. Madami pa ang kanilang napag-usapan.

“Escuse me, ladies room lang ako babe,” Paalam ni Carry sa asawa. “Sure,” Tugon ni Zael, pinagmamasdaan niya ang asawa habang sa mawala ito sa kaniyang paningin.

“She’s so beautiful, charming, bata pa, at enosente...” Nagtangis ang bagang ni Zael ng marinig ang komento ng kaniyang tiyuhin sa asawa. Kilala niya ang kaniyang tiyuhin at alam niya ang lahat na illegal, mas lalo na ang gawain nito na manghalay ng babaeng natitipuhan nito.

“Kung ano man ang binabalak mo mas mabuti pang wag mo ng ituloy. Kung ayaw mong mismong ka dugo mo ang magpapadanak ng dugo mo.” Naikuyom ni Zael ang kamao ng makita ang demonyong ngisi sa labi nito.

“Bata, masyado ka namang mainit. Sinasabi ko lang dahil iyan ang mga tipo ng isang Alvarez, be happy and spend your life together. Ingatan mo siya baka matikman ng iba, isang munting pa alala galing sa iyong butihing tiyuhin.” Nakangising ani nito dahilan para mapatayo si Zael.

“Babe,” Humawak sa braso niya ang kaniyang asawa dahilan para pakalmahin niya ang kaniyang sarili. Tiningnan niya ng masama ang kaniyang tiyuhin na ngayon ay papalit-palit ang tingin sa kaniya at sa kaniyang asawa.

“I have to go, it's my pleasure to meet you Carry. Welcome to the family.” Ani ni Romulus at iniabot ang kamay para kay Carry.

“Thanks!” Tinanggap ni Zael ang pakikipagkamay na dapat para sa asawa ngunit hindi niya hahayaan na mahawakan nito ang kaniyang asawa kahit na sabihing kadugo niya ito ay wala siyang tiwala dito pagdating sa babae.

“Masaya din po akong makilala kayo,” Nakangiting tugon ni Carry. Tumango naman ito. “I have to go,” Kaagad naman itong naglakad papalayo sa kanilang mag-asawa, niyakap ni Zael ang asawa at hinalikan sa gilid ng noo.

“Kumain na tayo?” Tumango naman si Carry ng yayain siya ng asawa dahil nakakaramdam na rin siya ng gutom may ilan-ilan ng nagsasayawan sa dance floor, mayroon ring nag-iinuman lang.

Bumalik sila sa table kung saan si Anton at Kant naroon na mukhang kakabalik ng dalawa galing sa dance floor. Tinawag ni Zael ang isang waiter at nagpakuha ito ng pagkain nilang dalawa. Mabilis naman itong nakabalik kaya tahimik silang kumakain habang si Kant at Anton naman ay huminggi ng isang bote ng whiskey sa waiter at iyun ang nilantakan nila. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain lumapit sa kanila si Katya na may dalang isang basong alak sa itsura nito ay madami na ang nainom.

“Hi. Z, hindi mo ba ako ipapakita sa asawa mo?” Mapang-akit na tanong nito at humahaplos ang kamay nito sa balikat ni Zael. Napa-irap naman si Carry sa inaakto ni Katya. Aaminin niyang ubod ng Ganda ang dalaga, hindi impossibleng hindi matipuhan ng asawa sa ganda nito.

“Get your hands off, katya.” May diing sambit ni Zael ngunit bumitaw sa kaniya si Katya.

“Hi, I'm Katya Suarez, Z’s business partner.” Iniabot ni Katya ang kamay kay Carry nakangiti na tumayo si Carry bago tinanggap ang kamay nito na ang dulo lang ng daliri ng dalaga ang tinanggap ni Carry at kaagad ring binitawan. “Missis Carry Alvarez.” Pinagdiinan ni Carry ang salitang Missis Alvarez. Hindi siya plastic na tayo kaya alam niyang sa una pa lang ay hindi sila magiging kaibigan lalo pa’t nakikita niyang malaki ang pagkagusto nito sa kaniyang asawa.

“So, ikaw nga ang asawa ni Z, hindi ko alam kung anong mayroon sayo at pinakasalan ka niya.” Tiningnan siya nito mula ulo hangang paa na para bang sinusuri siya nito.

“So, ikaw nga ang kumakalantari sa asawa ko, hindi ko alam kung anong kulang sayo para hindi ka magustuhan ng asawa ko.” Tinaasan niya ng isang kilay si Katya. Hindi niya maiwasang hindi magtaray sa tuwing na aalala niya ang larawan nitong kahalikan ang asawa na kumalat sa internet, ganu'n din ng gabing nakita niya itong hinalikan ang asawa niya. Haliparot!

“How dare –”

Kaagad namang tumayo si Anton ng makitang sasampalin nito si Carry. “Katya stop, your drunk.” Awat ni Anton. Inilayo nito si Katya sa kanilang table, hinawakan naman ni Zael ang kaniyang kamay bago hinalikan at inaalalayan siyang kumain.

“For you men,” Binigyan ni Kant ng baso si Zael na may lamang alak.

“Ikaw Carry umiinom ka ba?” Tanong ni Anton.

“Oo naman, matibay kaya ako pagdating sa inuman. Lalo na kapag whiskey ang iniinom." Natigilan naman si Zael ng marinig ang sinabi ng asawa na ikinatawa naman ni Kant. Umakto siya ng normal na walang nangyari sa pagitan nila ni Katya dahil ayaw niyang masira ang gabing ito.

“Z, may katapat ka na pala e. Subukan nga natin.” Natatawang sambit ni Anton. “Kung papayagan ako ng asawa ko na uminom why not, right babe?” Nakangiting hinawakan ni Carry ang kamay ng asawa.

Bumaling si Zael sa asawa. “Seriously babe? Your drinking?” Nakangiting tumango si Carry. “Magaling kaya akong uminom, talo ko ‘yan si Kant.” Napangisi si Zael. Ano kayang itsura niya kapag lasing na lasing? I want to know her another side. Hindi niya pa nakikitang uminom ang asawa kahit kailan.

“Give her a shot.” Nakangiting utos ni Zael kay Kant. Natatawang nagsalin ng alak si Kant para kay Carry.

“Mensahe mo muna para kay Z, bago ka uminom.” Mapang-asar na ani ng binata. Napatingin naman si Carry sa asawa na may ngisi sa labi. “Babe, wag kang magpapalasing sa sala ka matutulog.” Tumawa si Kant.

“Oh ayan na!” Inabot ni Kant ang isang basong may laman ng whiskey, inisahang lagok ito ni Carry, inalok ni Anton ng pulutan pero ayaw nito. He was amazed on his wife. Sunod-sunod ring itong binigyan ng shot ni Kant na kaagad namang iniinom.

“If I we're you dude maghanda ka na. Mayabang lang ‘yan si Ann sa salita pero dalawang shot pa lang tumba na kaagad.” Tumatawang saad ni Kant dahil alam niya na kung paano ito malasing dahil isang beses na itong nagpakalasing panahon na nagluluksa ito ng mawala ang kaniyang Ina.

“Bakit mo ‘ko tinatawanan? B-babe...” Lasing na ani ni Carry, kasalukuyan silang nasa garden ng hotel dinala niya dito ang asawa para makalanghap ng sariwang hangin dahil nakakaramdam na ito ng hilo at nasusuka na rin, wala pa ngang limang shot lasing na kaagad. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti sa inaakto ng asawa. Hindi siya lasing dahil hindi na nasundan ng shot ang baso na ibinigay sa kaniya ni Kant dahil focus siya sa asawa.

“Sige, isuka mo lang babe,” Hinahaplos niya ang likod nito na nagduduwal, natatawa siya sa ginagawa niya.

“Anong ishushuka? Wala nga e, lashing ka na babe. Aalalayan na kita halika na,” Halata sa boses nito ang pagkalasing. Pilit na kinukuha ni Carry ang braso niya para alalayan siya. Hindi niya mapigilang matawa sa ginagawa nito. Lasing na nga.

“Hindi ako lasing, tara magpahinga ka na.” Mahigpit na nakakapit si Zael sa maliit na baywang ng asawa para alalayan itong hindi masubsob.

“N-no, ikaw ang magpahinga, ikaw ang lashing!Lalashing-lashing ka hindi mo naman kaya...” Napailing si Zael na inaalalayan itong maupo sa isang coach ngunit hindi ito sumunod.

“Here,” Naupo siya sa at pinasandal niya sa kaniyang dibdib ang asawa, nakayakap ito sa kaniya na parang bata na sinusundot-sundot nito ang kaniyang pisngi pa minsan-minsan ay kinakagat siya sa dibdib na para bang bang gigigil, he was smiling seeing his wife. How childish she is when she was drunk. Ang kulit.

Iginaya ni Zael ng asawa patungo sa elevator para dalhin ito sa kwarto, sa loob ng elevator ay tahimik itong nakayakap sa kaniya habang nagrereklamo na mainit.

“Babe, ang init...” Reklamo nito at walang sabi-sabing hinubad ang suot nitong dress at itinapon kung saan. Sunod-sunod na napalunok si Zael ang magandang tanawin na ikinalaway niya.

Lumapit sa kaniya ang asawa. Mapupungay ang mga mata nito habang may ngiti sa labi. “Ouch!” D***g nito ng matapilok dahil sa kaniyang takon. Naupo sa paanan ng kama si Carry, pilit na hinuhubad nito ang kaniyang stiletto. Nilapitan ni Zael ang asawa at lumuhod sa harapan nito na para bang mag p-propose para tulungan itong tangalin ang suot na stiletto.

Napatitig si Carry sa asawa. Ang ganda nitong tingnan na nasa harapan niya, hindi niya maiwasang mapangiti na napaka-manly ng datingan nito ngunit ayaw niyang nakikita na ganu'n ang suot nito naalibadbaran siya kahit na bagay ito sa kaniya. She feel so hot!

Hinaplos niya ang buhok ng asawa dahilan para mag-angat ng tingin si Zael na ikinalunok niya ng magtama ang kanilang paningin sa dibdib nito na tanging bra ang nakakatakip. “Ang init babe, maghubad ka nga, naiinitan ako sa itsura mo... Pero ang gwapo mo. Ang gwapo-gwapo ng asawa ko...” Malambing na ani ni Carry na ikinangisi ni Zael, samantalang kapag hindi ito lasing hindi niya naririnig ang purihin siya nito.

“I know that I am handsome and hot. Since birth.” He confidently answer his wife. “Take it off or else get out?” Carry shouted like she's so pissed on him. Pinulot niya ang damit nito at inilagay sa sofa kasama ang stiletto nito.

“Maghubad ka sabi...” Parang batang sumunod si Carry sa asawa at hinubad ang suot nitong coat, sinunod nitong binuksan ang suot niyang long sleeve. Mabilis na napigilan ni Zael ang kamay ng asawa ng in-unbuckle nito ang suot niyang belt.

“Fuck!” Hindi niya inaasahan na maging ang pang-ibabang suot niya ay huhubarin nito, makulit ang asawa kaya napilitan siyang hubarin ang suot niya maliban sa boxer short niya.

“Ang cute ng nipple mo...” Komento ni Carry habang pinipisil ang korona sa matitipunong dibdib ni Zael na ikina-awang ng labi niya. “Gusto kong sumayaw! Wooh! Ang saya! Babe...” Kumapit ito sa kaniyang batok at sinimulang humiling sa kaniyang harapan habang dahan-dahang bumaba ang kamay nito sa kaniyang matitipunong dibdib pababa sa kaniyang mga pandesal.

“Shit!”

Pinagmamasdan ni Zael ang asawa na sumasayaw sa kaniyang harapan ng sexy dance na kanina lang ay dirty dance ang sinasayaw kahit na music na pinatugtog nito ay love song. She's so hot the way she move her hips, her smooth sexy move make him burning inside. There's a lot of he saw dancing in seductive way but his wife hit really different.

“Damn!” Maitakip ni Zael ang throw pillow sa kaniyang harapan ng maramdaman na nagwawala ang kaniyang kaibigan sa loob ng kaniyang boxer. Sunod-sunod siyang napalunok ng tumama sa kaniyang mukha ang bra ng kaniyang asawa na mas lalong nakapagpatibay sa pagnanasa na nararamdaman. Halos hindi siya makagalaw sa kina-uupuan niya, damn! She's so funcki Sabik na sabik na siya sa asawa dahil ilang gabi na siyang tigang ngunit may isang salita ito na hindi niya makuhang angkin ito kahit na gustong-gusto niya kaya pinipigilan niya ang sarili na hindi maangkin lalo pa’t lasing.

She's torturing me! Damn it!

Kinaumagahan nagising si Carry ng may tumatamang liwanag sa kaniyang mukha, kumikirot ang kaniyang ulo dahilan para mahilot niya ang sintido, nang imulat niya ang kaniyang mga mata bumungad sa kaniya ang nakakalokong ngisi sa labi ng asawa. Nakatagilid siya paharap sa asawa ganu'n din ito sa kaniya.

“Good morning...” Bati ni Carry sa asawa. Niyakap niya ang kaniyang unan bago muling pinakatitigan ang asawa wala itong saplot pang-itaas. “Morning...” Tugon ni Zael sa asawa na hangang ngayon ay hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa nito kagabi dahilan para maangkin niya ito ng ilang beses, she's so wild last night.

“Babe, anong ngiti ba ‘yan?” Naasar na tanong ni Carry ngunit nakangiti. “Wala...” Inosenteng tugon ni Zael ngunit tumatawa.

“Anong wala? Ang lapad ng ngiti mo e, teka na lasing ako kagabi.” Tumiha ng higa si Carry. “O-uhm,” Zael wink on his wife.

“Babe, anong ginawa mo sa akin?” Tanong ni Carry ng mapansin na suot niya na ang long sleeve ni Zael.

“Ikaw... Anong ginawa mo sa akin?” Balik na tanong ni Zael at kinindatan ang asawa na may ngiti sa labi.

“Nakaka-asar iyang ngiti mo. Ano bang ginawa ko?” Carry pouted while Zael grinning ear to ear. Naglalambing na yumakap si Zael sa asawa at hinalik-halikan ito sa gilid ng noo pababa sa pisngi bago bumulong.

“Gusto mo bang ipaalala ko sayo?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status