Share

Chapter 12 - A Gift

"Anong gagawin natin dito?" Ang tanong ni Danley kay Isidore nang makarating na sila sa mansyon ni Irnes Leventis.

"Just follow me." Iyon lamang ang isinagot ni Isidore sa kanya bago ito lumabas ng sasakyan.

Danley rolled her eyes. "Anong klaseng sagot 'yun?" She asked herself at bumaba na rin ng sasakyan.

Halos lakad-takbo na ang ginawa ni Danley para lamang makasunod kay Isidore, at nang nasa likuran na siya nito ay siya namang pagtigil nito. Bahagya pa siyang nauntog sa matigas nitong likod.

Danley groaned, and in annoyance, said, "Ano ba! Bakit bigla-bigla ka na lang tumitigil—" ngunit hindi niya natapos ang sinasabi nang bigla na lamang may sumigaw ng "Kuya!"

Bahagyang sumilip sa unahan ni Isidore si Danley, at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya si Irnes Leventis na tila kasama ang buong angkan ng mga Leventis, at lahat sila ay nakatitig kay Isidore na gumagalaw at hindi rin nagsasalita.

Bumalik si Danley sa likuran ni Isidore at doon ay nagtago.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status