Share

CHAPTER 6

Author: Matteo Lucas
last update Last Updated: 2023-01-30 22:30:38

 "ALAM ko at sana ilihim mo na ito para sa akin, huwag mo sanang ipaalam sa kapatid ko ang totoo, alam natin na malulungkot ito."

matamlay pero nakangiting pakiusap ni Aurora sa kay Sharon.

Nag poker face naman si Sharon at naiiling-iling ng ulo. 

Ang lakas talaga ng loob nitong kaibigan niyang ito at ano pa ba ang kanyang magagawa? 

Palagi niyang iniisip na sa telenovela lang nangyayari ang contract marriage sa mga estranghero, at hindi niya inaasahan na mangyayari ito mismo sa kaibigan niya.

"Hindi ako makapaniwala na mangyayari iyang contract marriage na iyan sa iyo, grabe." halos di makapaniwalang turan ni Sharon sa kaibigan, “:At di ba ang mga ganyang bagay usually mayayaman at bilyonaryo ang mga nag-o-offer niyan?Hala! Bilyonaryo yung napangasawa mo Bes?”

Nanlaki ang mga mata ni Sharon habang nag si-sink in sa isipan niya na tama ang mga iniisip niya sa kaibigan at napangasawa nito.

Nang marinig ni Aurora ang mga pinagsasabi nga kaibigan niya ay agad niyang binatukan ang ulo nito para naman mahimasmasan ito sa mga pinagsasabi.

“Sira ka talaga! Nangangarap ng gising, Bes?” turan nito habang natatawa, “ impossible iyang sinasabi mo at isa pa hindi ibig sabihin na kayang gawin ang isang contract marriage ay bilyonaryo na agad, di ba pwedeng may kaya lang sa buhay?”

Napahawak naman sa ulo si Sharon sa parte na kung saan siya binatukan ng kaibigan, “ Eh malay mo ba? Isa pa wala namang masama sa pagiging bilyonaryo ano?”

Kung sabagay may punto naman si Sharon. Nakikita rin kasi ni Aurora na ang pamilya ni Sharon ay isang patunay, meron ang mga ito ng mga gusali na pinapaupahan, kalahating kalye ng mga tindahan, at kung tutuusin hindi na nito kailangang lumabas para magtrabaho, ngunit hindi ito mahilig gumawa ng mga gawain sa pagkolekta ng upa, kaya nakipagsosyo ito sa kanya upang buksan ang bookstore na ito, kung saan nagpapalipas lang sila ng oras at kumikita ng kaunting pera kahit papaano.

"Ayang, kilala mo ba kung sino ang bilyonaryo sa ating lugar?" Tanong ni Sharon sa kanya.

Bago pa makasagot si Aurora ay nagkataon namang dumating ang order food delivery na in-order nila ni Sharon. Lumabas si Aurora at kinuha ang pagkain na dinilever at pumasok pabalik sa bookstore at ibinigay ang parte ni Sharon.

Umupo si Aurora sa tapat ng kanyang kaibigan, binuksan ang takip ng fast food box, at sinabing: "Ang pinakamayamang taong kilala ko ay ang pamilya  mo, Bes, at kung mayroon mang mas mayayaman na tao dito sa lugar natin ay iyon ang hindi ko alam at kilala?"

"Pero alam mo parang nabalitaan ko na at narinig kung sino iyong pinakamayamang tao dito sa lugar natin kaso sa kabilang banda ay naisip ko na wala namang pagkakataon na magkaroon tayo ng ugnayan sa mga katulad nila kaya di na rin ako nag abalang alalahanin ang apelyido ng bilyonaryong iyon."

Sumubo muna si Aurora ng  kanyang pagkain bago sumagot sa kaibigan, "Tumigil ka nga Bes! Anong hindi ka magkakaroon ng pagkakataong makipag ugnayan sa pinakamayamang tao dito sa atin? Eh isa ang pamilya mo na kilala sa pagiging milyonaryo ano." protesta nito sa kaibigan, “ Isa pa kung meron mang tao na walang pagkakataon na makasalamuha ang mga mayayaman ay ako iyon dahil isang hamak na nagtitinda lang naman ako ng libro, yun lang.”

Tama naman siya sa iniisip niya kasi kung titingnan kailangan niya pang magpakasal para lamang magkaroon ng matitirhan ngunit hindi pa nakapangalan sa kanya iyon kaya kung mangyaring paalisin siya ni Franco sa bahay nito ay mapipilitan siyang maghanap ng mauupuhan.

Natawa na rin lang si Sharon sa tinuran ng kaibigan niya habang patuloy sa pagsubo ng pagkain nito. 

"Hmmm… ano ba ang maganda ang mangupahan o  bumili ng bahay? Iyong paunang bayad para sa pag-upa ay sapat na ba para makabili ng bahay kahit maliit lang?” 

Biglang tanong ni Aurora sa kay Sharon. Naisip niya lang kasi ang posibilidad na kung sakaling paalisin siya ni Franco sa bahay nito ay may back up plan naman siya kahit papaano. Pero bago pa makasagot si Sharon ay nagsalitang muli si Aurora.

"Ang pagbili ng mas maliit na bahay marahil ay sapat na para sa paunang bayad, ngunit gusto kong bumili ng mas malaki, iniisip ko kasi pag bumisita ang aking Ate at kasama niya si Boyet may sarili silang mga kwarto."

Medyo malungkot na sabi ni Aurora , aware naman kasi siya na ang lahat ng bagay sa lugar nila ay pataas na ng pataas ang presyo, lalong-lalo na ang mga pangunahing mga bilihin kaya ang ordinaryong katulad niya na may sapat lang na kinikita ay impossibleng magkaroon ng malaking bahay.

"Naku naman huwag  mo ngang problemahin iyan, kung kulang man iyong pera mo, nandito naman ako para pahiramin ka at walang interest iyon ha." sagot naman ni Sharon at kinindatan pa ang kaibigan niyang si Aurora.

Kumuha si Aurora ng kapirasong karne at inilagay sa fast food box ng kanyang kaibigan, "Alam mo ang sarap nito, ayan tikman mo." pag-iiba niya ng usapan. 

Sa totoo lang kasi ay nahihiya na rin siya sa kaibigan niyang si Sharon. Ang laki ng tulong nito sa kanya. Isa pa may asawa na siyang tao at kahit papaano may bahay siya sa ngayon. Napansin naman ni Sharon iyon kaya ikinibit balikat niya na lang ang mga sasabihin pa sana, pero curious pa rin siya sa kung saan nakatira ang bff niya at sino ang napangasawa nito.

"Ayang, nasaan ba ang bahay na binili ng asawa mo?" 

"Nasa Carmela Valley Garden iyon."

"Wow! Ang galing naman kasi maganda ang environment doon, convenient ang transportasyon, hindi naman kalayuan sa bookstore natin, at saang kumpanya ba nagtatrabaho ang asawa mo?” nakakamanghang sabi at tanong ni Sharon, “ At Ayang dahil sa nakabili iyang asawa mo diyan sa isa sa mga high-end community like Carmela valley Garden , ay siguro naman mataas ang sweldo ng asawa mo o baka naman need niyo ng tulong sa pagbabayad ng mortgage?”

Sasagot na sana si Aurora pero masyadong maraming sinasabi ang kaibigan niya at dire-diretso pa ito magsalita na hindi siya kaagad na nakasingit.

"Naku Ayang, tandaan mo kung sakaling hihilingin niya sa iyo na tumulong sa pagbabayad ng mortgage, kailangan mo talagang i-insist sa kanya na isama ang pangalan mo sa titulo ng bahay at lupa ha, hindi pwede na wala ang pangalan mo, isa pa mabuti na rin na sigurado ka kasi in case na maghiwalay kayo at least may parti ka sa property na iyon.”

Sinulyapan ni Aurora ang kaibigan at sinabing, "Katulad ka rin ng inaakala ng kapatid ko, fyi Bes ang bahay ay binili niya nang buo, as in full payment iyon at ni hindi ako gumastos ng kahit isang sentimo, kaya naisip ko na hindi magandang tanungin siya o pakiusapan na idagdag ang aking pangalan sa titulo ng bahay at lupa."

 "Kung sabagay pero iyan ay kung may mabuti kayong relasyon sa isa’t-isa… pero kasi kahit na.” giit naman ni Sharon. 

Kahit papaano ay naiintindihan naman ni Aurora ang pahiwatig ng kaibigan at bigla niyang naalala ang sitwasyon ng kanyang Ate. Ang bahay nito ay binabayaran pa ng hulugan ng kanyang asawa kahit na ang mga gamit nila sa loob ng bahay ay ang Ate niya naman ang gumastos subalit sa pagkakaalam niya wala ang pangalan ng Ate niya sa tutulo ng bahay at nakapangalan lang ito sa bayaw niya.

Kaya naisip niya na sa oras magkaroon sila ng pagkakataong magkausap muli ng Ate niya ay kailangan niyang paalalahanan ito.

…..

Kinagabihan, abala na naman ang mga tindahan sa harap ng paaralan kabilang na ang bookstore nina Aurora at Sharon. Nanatili silang naka open hanggang alas onse ng gabi. Pero pinauna na ni Aurora si Sharon na umuwi dahil sa naayayahan ito ng kamag-anak na maghapunan. 

Nang mag alas onse na ay nagsimula ng magsara si Aurora. Pagsara ng pinto ng bookstore, kinuha nito ang susi ng scooter mula sa bulsa ng pantalon niya at naglakad papunta sa kung saan ito nakaparada.

"Uuwi ka na ba Aurora?"

Nakangiting bati ng ginang sa katabing grocery store.

"Opo Tita , ikaw po hindi ka pa po magsasara?"

"Hija sa grocery store na ako nakatira, kaya wala ring pinagkaiba kung magsasara ako ng dis-oras na ng gabi. Pero ikaw, gabi na,kaya  mag-iingat ka sa daan. Nakapakaganda mong dalaga, kaya dapat mag-boyfriend ka ng maaga, at hayaan mong sunduin ka ng boyfriend mo sa gabi para mas ligtas.”

Sumakay si Haitong sa scooter nito at nakangiting tumugon: "Okay lang po ako Tita, salamat po sa paalala.”

Sa ilang taon na palaging nag-iisang umuwi si Aurora ay nakasanayan na niya ang mga basagulerong ta,mbay sa daan kung meron man. Naranasan niya rin na madiskitahan ng mga ito ngunit dahil siya ang tipo ng babaeng walang kinikilingan at kayang lumaban at natuto ang mga tambay ng kanilang mga leksyon.

Pagkatapos noon, ay natakot at natuto na ang mga tambay na iwasan siya, at wala nang nangahas na guluhin siya pag umuwi siya ng dis oras na ng gabi.

Si Aurora ay sumakay na sa kanyang scooter, pinaandar nkya na ito at umalis. Makalipas ang dalawampung minuto ay hindi niya napansin na ang daang tinatahak niya ay pabalik sa bahay ng kanyang kapatid, ipinarada niya ang scooter niya at pagkatapos ay naalala na lumipat na pala siya.

Tumingala sa palapag ng gusali kung saan matatagpuan ang apartment ng kanyang kapatid, at nakitang nakapatay na ang mga ilaw sa bahay nito. Biglang nakaramdam ng kaunting sakit at pangungulila kanyang puso si Aurora. Pinaandar uli ni Aurora ang scooter niya at umalis sa lugar na iyon na may mabigat na kalooban, at ang nakakalungkot lang ay wala siyang magagawa dito. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 56

    MAS lalong naramdaman ni Franco at pagsiksik ni Aurora sa kanya at humigpit ang yakap nito. Bigla niya tuloy naramdaman ang pagdikit ng dibdib nito sa braso niya that makes him feel awkward and stiff at the same time. Kaya naisip niya that he needs to do something para makaalis sa tabi ni Aurora dahil baka kung hindi ay di niya mapigilan ang sarili at bumigay siya. And he can't let that happen. "Tsk, bitawan mo na nga ako at pumasok ka na sa loob ng silid mo at doon matulog. Hindi unan ang balikat ko ano! " Pagkasabi ni Franco ng ganun ay agad itong tumayo at syempre nakita niya ang mga nabasag na piraso ng mga tasa at isa-isa niya itong pinulot. Tumayo naman kaagad si Aurora at naaalala ang mga nabasag na tasa at kumuha ng dustpan at walis. "Ito ilagay mo dito at ako na maglilinis niyan." sabi pa ni Aurora. Pero kinuha lang ni Franco sa kanya ang dust pan at walis, "ako na sige na bumalik ka na sa kwarto mo." Pero hindi sumunod si Aurora at hinintay niyang matapos si Franco. "

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 55

    MGA ilang minuto pa lang nakalipas ng marealized ni Franco na hindi dapat siya ganito kay Aurora pero bago pa man ito makapag react ay bumangon si Aurora at humarap upang tingnan si Franco. Di naman sinasadya na timing rin ang pagtingin ni Franco sa kay Aurora.In that moment ay nagtama ang kanilang mga tingin. Nakaramdam ng tensyon si Franco ng mangyari iyon. Matagal bago ito nag-iwas ng tingin at nagsalita, "Tinitingnan mo ba ako ng ganyan dahil sa iniisip mo ba kung may katotohanan ang aking mga sinasabi?" Kahit na malamig ang personalidad ni Franco pero maayos ang pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid. Ang lalaki sa kanilang pamilya ay mapagmahal sa asawa at lumaki siyang inuulit iyon ng kanyang lolo sa kanila.Naalala niya pa na minsang sinabi ng kanyang ama na ang lalaking marunong lamang mang-abuso sa kanyang asawa ay hindi mabuti at hindi totoong lalaki!"Mr. Franco.""Hmm..." Sabi ni Aurora, "Maraming salamat at naniniwala ako sa iyo."Nag-atubiling

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 54

    ALAM na alam ni Elsa na sobrang dehado siya sa sitwasyon kaya naniniguro lang din siya. Halata naman noon pa lang na ang pamilya ni Anton ay interesado sa kanilang bahay at lupa. Gusto nilang makihati. Kaya nga sobrang pagsisisi rin ang naramdaman ni Elsa dahil sa nagtiwala siya ng lubos kay Anton sapagkat ang bahay at lupa ay nakapangalan lamang kay Anton dahil ng binili ito ay di pa sila kasal. Itim ang mukha ni Anton sa mga narinig niya mula sa kay Elsa, "Ang isang bata ay 5,000 pesos; bakit hindi ka na lang magnakaw sa bangko? Maghiwalay? Akala mo ba ay bata ka pa rin at labing-walong taong gulang? Alalahanin mo ikaw ay kasal na, may anak na, walang trabaho, mataba na parang baboy, at sobrang pangit na kahit sino ay walang magkaka interest! At kaya mo bang supurtahan ang sarili mo!?"Nagpintig ang tenga ni Elsa ng marinig ang mga sinabi sa kanya ni Anton. Nasaktan siya at nainsulto. Hindi niya inakala na maririnig niya ang mga bagay na iyon sa kay Anton. Mas lalong bumilis ang p

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 53

    BAGO pa makapagsalita si Elsa ay nagsalita ulit si Anton na mas lalong ikinagalit nito. " Nagsabi rin sina Ate na kung pupwede sa kanila muna ipangalan ang titulo ng bahay dahil sa loan na plano nilang eh proseso at syempre may hati rin tayo doon dahil dito mag sta-stay ang mga pamangkin ko sa bahay natin."Nang marinig iyon ni Elsa ay tila umuusok na ang kanyang ilong at tenga sa sobrang gigil dahil sa mga pinagsasabi ni Anton.Sinabi ni Elsa nang malamig, "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Anton? Akala mo ba nandito lang ako sa loob ng bahay at kumakain lang? Halos lahat ng mga gawain dito ay ako pati na rin ang pag-aalalaga kay Boyet, lahat ng iyon Anton tinitiis ko para sa anak natin at sa pamilyang ito pagakatapos may mga ganyan kang desisyon!?."Taas baba ang dibdib ni Elsa sa sobrang gigil na nararamdaman dahil sa mga naging desisyon at pag sang ayon ni Anton sa kapatid nito."Pero ang dalawang anak ng kapatid mo ay wala akong kinalaman; hindi ko sila responsibilidad, at hind

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 52

    Kalaunan ay nagtipon ang pamilya ni Anton upang kumain at ubusin ang pakwan na hiniwa niya kanina at nanood ng TV sandali, at pagkatapos ay pumasok na rin sila sa kuwarto upang magpahinga. Mananatili sila dito ng ilang araw. Ngayon na lumipat na si Aurora, may isa pang kuwarto na bakante, sapat para sa pamilya ng ate niya sa oras na manirahan na sila sa bahay nila. Papasok na sana si Anton sa kwarto nila ni Elsa ng biglang bumulong si Luisa sa kanya, "Alam mo bang maraming binili si Aurora at ang kanyang asawa kanina. Tapos itong asawa mo galit na galit nang dalhin niya lahat ng mga iyon sa kuwarto niyo. tapos nakita ko puno ng magagandang bagay ang paperbags. May mga mamahaling sigarilyo at masarap na alak; bigyan mo ng konti ang iyong kuya ha. Isa pa hindi naman umiinom o naninigarilyo si Elsa kaya hindi niya iyon kailangan. At hindi pa nakakainom ng masarap na alak si Papa kaya bigyan mo rin siya." Ngumiti lang si Anton sa tinuran ng kanyang ate, "Ate, ano ba kung gusto mo ang

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 51

    Si Luisa ay nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi kalayuan ang paaralan dito, at hindi labis sabihin na hindi magiging problema kung dito mananaitili ang mga bata pag lumipat sila dito sa syudad".Hindi nagsalita si Anton kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Luisa."Siguro ay okay lang naman kay Elsa ang pag-aalaga sa dalawang bata, maglaba at magluto lang naman ang hinihingi namin, at kung ang gastusin sa pagkain ay..."Pinutol ni Anton ang sasabihin pa ng Ate Luisa niya, "Ate, pamangkin ko 'yun; hindi na kailangan magbayad sa pagkain. Hahanap ako ng makakatulong sa dalawang bata sa proseso ng paglipat nila ng paaralan at si Elsa na lang ang mag-aalaga sa kanila araw-araw. Isa pa wala rin naman siyang ginagawa sa bahay."At dahil sa naging tugon ni Anton ay natuwa si Luisa at ang kanyang asawa. Akala pa nga ni Luisa ay baka hindi ito pumayag dahil natahimik ito.Agad namang sumabat ang Mama nila na si Dolores, "Anton, kailangan mong pag-usapan ito kay Elsa. At alalahanin mo may parte rin si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status