Share

CHAPTER 7

Author: Matteo Lucas
last update Last Updated: 2023-02-01 00:05:04

NANG makarating si Aurora sa Carmela Valley Garden ay halos madaling araw na. Itinulak nito ang pinto ng condo unit at pumasok, madilim ang bahay, at tahimik ang paligid. Halatang walang tao at tiyak na hindi pa nakakauwi si Franco.

Pumasok si Aurora sa loob ng bahay at tiningnan muna ang paligid, sinisigurado na walang balak umuwi si Franco, at dahil sa busy iyon sa kompanya o may biglaang business trip.

Kaya, ni-lock ni Aurora ang pinto ng condo, tapos hinanap ang sapatos ni Franco kung saan-saan, hanggang sa nakahanap siya ng pares ng tsinelas. Inilagay niya ang pares ng tsinelas na ang size ay obvious na pagmamay ari ni Franco sa may pintuan at sinuguradong naka lock ng maigi ang pintuan at ng masiguro ay pinataw niya na rin ang mga ilaw sa loob ng condo.

Pagkatapos niya sa labas ay dumiretso siya sa kwarto niya, kinuha ang kanyang pajama sa kanyang maleta,hindi pa niya nailalabas sa maleta ang kanyang mga gamit, kaya naisip ni Aurora na gumising ng maaga bukas upang makapag ligpit siya ng kanyang mga gamit sa loob ng silid niya.

Matapos maligo ng maligamgam na tubig sa shower,ay nagtuyo ng mabilis si Aurora ng katawan at ng buhok. Ramdam niya ang matinding pagod ng araw na iyon. Ng masigurong di na basa ang buhok niya ay humiga sioya kaagad sa kama at mahimbing na natulog.

Sa kabilang banda ay naghahanda naman si Franco na umuwi na. 

Lumabas si Franco sa isa sa malaking hotel ng kanyang kumpanya na napapaligiran ng mga bodyguard, nakipag-negotiate at nakapag closed ng deal lang naman siya ng malaking halaga ng negosyo sa isang bigating investor, at ang investor na iyon ay sinigyurado niyang komportableng nagpapahinga sa presidential suite ng hotel. 

Ngunit habang naglalakad siya ay naalala niya ang kanyang bagong asawa na sigurado siyang kasalukuyang nananatili doon sa condo unit na binili niya.

"Mr. M, sa manor ba o sa Highland villa?" tanong ng personal driver nito.

Ang manor ay ang ancestral house ng pamilya Montefalco at ang Highland villa ay isang malaking villa sa ilalim ng pangalan ni Franco, nasa tuktok ng burol ito at doon palaging nananatili si Franco, mag-isa lang siya doon, at paminsan-minsan ay bumabalik sa Ancestral house ng pamilya Montefalco upang samahan ang mga matatanda na kumain at gampanam ang parti niya sa pamilya bilang apo at anak ng mga magulang niya.

"Dumiretso tayo sa Carmela Valley Garden."

Pagkasakay ni Franco sa Rolls-Royce, nag-order siya sa mahinang boses, "Ang Chevrolet Spark na kotse na bago kong binili, ikaw muna ang magmaneho." sabi nito sa isa sa mga tauhan niya.

Pansamantalang gagamitin niya ang cheap na kotse para linlangin ang asawa niya, sapagkat ayaw niya ring sabihin ang totoong estado niya sa buhay hangga’t di pa niya lubusan na nakikilala ito at habang pinag-iimbestigahan niya pa ito.

"Naalala mo ba ang pangalan ng asawa ko?" parang tangang tanong ni Franco, ni hindi niya matandaan. 

Tamad na rin naman siyang tingnan pa ang marriage contract para lang malaman ang pangalan ng asawa niya. He was too lazy to take out the marriage certificate, ngunit naalala niya rin na hiniram pa la iyon ng Lola niya kaya technically wala sa kanya ang marriage certificate niya.

Nagsalita naman ang personal driver nito,  "Mr. M \\, Aurora Treyes po, she is twenty-five years old at may nakakatanda siyang kapatid ngunit kasal na.”

Mabuti na lang at napaka particular sa mga impormasyon ang kanyang bodyguard na inaasahan. Makakalimutin talaga soiya sa mga bagay na hindi naman importante sa kanya. Especially women, who he meets every day.

"Oh well, I remember now." Kaswal na suminghot si Franco at napabuga ng hangin.

Napailing na lang ng ulo ang personal driver nito. Samatalang si Franco naman ay iniiwasan na magambala ang kanyang isipan ng tungkol sa kay Aurora kaya’t sumandal ito sa upuan ng kotse, at ipinikit ang mga mata.

Halos sampung minuto lang naman ang byahe mula sa Montefalco Hotel patungong Carmela Valley Garden. Huminto ang convoy ni Franco sa gate ng Carmela Valley Garden. Pagkatapos bumaba si Franco sa kotseng sinasakyan at lumipat sa Chevrolet.

Siya na ang nagmaneho mula sa Gate ng Carmela Valley Garden pupunta sa loob nito. Habang nagmamaneho si Franco ay pilit niyang iniisip ulit ang pangalan ng babaeng napangasawa niya. Sinabi lang iyon kanina ng personal driver niya pero nakalimutan niya na naman.

Nang makarating siya ng basement ay agad niyang pinark ang sasakyan at sumakay sa elevator, pilit inaalala ang palapag ng unit na binili. 

‘Hindi ko na matandaan ang pangalan ng aking asawa, at ang condo na binili ko’, tanong ni Franco sa sarili niya.

Nang tumunog ang elevator sa palapag na pinindot niya ay lumabas siyang nag-iisip kung saang parti siya papunta. Pabalik balik rin siya sa palapag na iyon hanggang sa binalikan niya ang pintuan na may pares ng tsinelas sa labas nito.

Parang tsinelas niya kasi iyon. At nang nasa harapan na siya ng pintuan ay nakompirma niya nga na tsinelas niya. 

‘Bakit nandito ito? Itinapon?’

‘O Siguradong hinagis ng babaeng iyon!’

Biglang lumamig ang mga mata ni Franco, at umigting ang kanyang panga, totoo naman na nagpapasalamat siya sa babaeng nagligtas sa kanyang lola, ngunit sa tuwing pinupuri ito ng kanyang lola at hinihiling na pakasalan niya, ay nawala ang pagkagusto niya kay sa babae.

Although he finally agreed to his grandmother and married that woman, he still told his grandmother that after marriage, he will hide his identity and investigated that woman. At kung makapasa ito at mapatunayan niyang tama ang speculation ng lola niya tungkol dito ay magiging totoo siyang asawa dito.

Taking out the key, Franco opened the door, but he couldn't open it, realizing na pati ang sa ay naka lock din. Mas lalo sioyang  nainis at naikuyom niya ang kanyang palad. 

That woman! How dare she is to lock my own unit!

Nagalit na talaga si Franco sa pagkakataon na iyon, ganitong pagod na pagod pa siya tapos ito pa ang madaratnan niya kaya't itinaas niya ang kanyang paa at sinipa ang pinto ng napakalakas.

At the same time, nag-voice call din siya sa asawa niya.

Mabuti na lang at sinave niya muli ang numero nito at nilagyan niya na ng “wife” sa name nito sa phone book para di na siya magkamali pa.

Dahil sa lakas ng sipa ni Franco ay naalimpungatan naman si Aurora.

Inis na inis siyang napanbangon. 

“Walanghiya sino bang bwesit ang nag e-eskandalo sa labas ng pintuan?” nayayamot na turan niya.

Tumayo si Aurora at medyo galit na tinungo ang pintuan ng condo unit ni Franco. Sa paglabas niya  ay naiwan niya rin ang cell phone sa kwarto, kaya nang mag-voice call si Franco ay  hindi niya napansin.

"Kung sino ka mang ayaw magpatulog pwede ba umalis ka na kung ayaw mong magpatawag pa ako ng security!"

Nagsisigaw na turan ni Aurora sabay bukas sa pintuan, pagbukas niya ng pinto, pinagalitan pa niya ang lalaking nakatayo sa pinto, nang makita niya ng malinaw ang taong nasa harapan ay bigla itong natigilan… napatitig si Aurora sa kay Franco ng matagal, bago nakapag react, agad naman nagbago ang expresyon sa mukha ni Aurora ng mahismasan at ngumiti kahit na hiyang-hiya na siya bago nagsalita.” Ahh, Mr. Franco, ikaw pa la.”

Si Franco naman ay malamig ang ekspresyon nito sa mukha, mas lalo siyang naiinis dahil ni hindi lang sinagot ng babaeng kaharap niya ngayon ang tawag niya. Tapos napagalitan at nasigawan pa siya nito. 

Ngunit sa sandaling ito, ay tamad na siyang makipag argumento pa kaya mas pinilit niya na lang na itikom ang kanyang bibig. Nanatiling madilim ang kanyang mukha, at dire-diretsong naglakad at di man lang pinansin ang asawa nito at nilagpasan niya lang. 

Palihim na inilabas ni Aurora ang kanyang dila at napanguso.

Agad niya namang kinuha ang pares ng tsinelas ni Franco at ni lock ulit ang pinto tapos sumunod dito.

Tumiukhim muna si Aurora bago magsalita, “ Hmmm… Madaling araw na nang bumalik ako, at nakita kong wala ka sa dito, kaya naisip ko na baka wala ka ng bakklak pang umuwi kaya ni-lock ko iyong pinto, pasensiya ka na.”

Umupo si Franco sa sofa, ang madilim niyang mga titig ay nakakamatay na nakatingin sa kay Aurora, matalas at halatang nagtitimpi ito sa kanya.

"Mr. Franco, pa-pasensya na po talaga."

Pagkasabi ay agad na inilagay ni Aurora ang pares ng tsinelas ni Franco sa paanan nito at napayuko. 

‘Dapat kasi ay tumawag ka eh at tinanong kung babalik ito di sana wala siya ngayon sa sitwasyon na ito.’ saway ni Aurora sa sarili.

Ilang minuto rin ang lumipas bago nagsalita si Franco, pero malamig at madiin,” Kahit sinabi ko sa iyo na wala tayong pakielaman, pero sana naisip mo na bahay ko ito at wala naman akong sinabi na hindi ako uuwi.”

"Mr. Franco, I'm sorry, as in I'm sorry talaga,  next time tatawag na po ako upamng siguraduhin na kung uuwi ka po o hindi para naman hindi na po ito mangyari ulit.” 

"Kung pupunta ako sa isang business trip, siguradong sasabihin ko sa iyo nang maaga, kung hindi ko sasabihin, uuwi ako araw-araw, hindi na kailangang tumawag ka, abala ako sa trabaho… at wala akong oras para sagutin ang mga nakakainip mong tawag!"

Ngumuso si Aurora dahil sa mga litanya ni Franco sa kanya.

Kung sabagay tama naman ito kahit ano pang sabihin niya wala siyang magagawa.

Si Franco ang may-ari ng bahay kaya siya ang boss.

At para gumaan kahit papaano ang paligid nila dahil sa tensyon ay naisipan ni Aurora na tanungin si Franco kung gusto niyang maghapunan. 

“Uhmm, Mr. Franco baka gusto mo pong maghapunan? Ipaghahanda ko pop kayo!” 

“Hindi ako kumakain ng ganitong oras…” matamlay na sagot ni Franco sa kanya at tinapunan siya ng matalim na tingin bago ito tumalikod at dumiretso sa kwarto nito, “ nakakataba kasi at please lang pagod na ako! Tsk!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha ka suplado naman
goodnovel comment avatar
Rhey Angio
ano ba yan .paano ba mababasa ang buong episode nito e naka lock ...
goodnovel comment avatar
Gubac Dabore Khenjei
hmmmmmm very entresting
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 56

    MAS lalong naramdaman ni Franco at pagsiksik ni Aurora sa kanya at humigpit ang yakap nito. Bigla niya tuloy naramdaman ang pagdikit ng dibdib nito sa braso niya that makes him feel awkward and stiff at the same time. Kaya naisip niya that he needs to do something para makaalis sa tabi ni Aurora dahil baka kung hindi ay di niya mapigilan ang sarili at bumigay siya. And he can't let that happen. "Tsk, bitawan mo na nga ako at pumasok ka na sa loob ng silid mo at doon matulog. Hindi unan ang balikat ko ano! " Pagkasabi ni Franco ng ganun ay agad itong tumayo at syempre nakita niya ang mga nabasag na piraso ng mga tasa at isa-isa niya itong pinulot. Tumayo naman kaagad si Aurora at naaalala ang mga nabasag na tasa at kumuha ng dustpan at walis. "Ito ilagay mo dito at ako na maglilinis niyan." sabi pa ni Aurora. Pero kinuha lang ni Franco sa kanya ang dust pan at walis, "ako na sige na bumalik ka na sa kwarto mo." Pero hindi sumunod si Aurora at hinintay niyang matapos si Franco. "

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 55

    MGA ilang minuto pa lang nakalipas ng marealized ni Franco na hindi dapat siya ganito kay Aurora pero bago pa man ito makapag react ay bumangon si Aurora at humarap upang tingnan si Franco. Di naman sinasadya na timing rin ang pagtingin ni Franco sa kay Aurora.In that moment ay nagtama ang kanilang mga tingin. Nakaramdam ng tensyon si Franco ng mangyari iyon. Matagal bago ito nag-iwas ng tingin at nagsalita, "Tinitingnan mo ba ako ng ganyan dahil sa iniisip mo ba kung may katotohanan ang aking mga sinasabi?" Kahit na malamig ang personalidad ni Franco pero maayos ang pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid. Ang lalaki sa kanilang pamilya ay mapagmahal sa asawa at lumaki siyang inuulit iyon ng kanyang lolo sa kanila.Naalala niya pa na minsang sinabi ng kanyang ama na ang lalaking marunong lamang mang-abuso sa kanyang asawa ay hindi mabuti at hindi totoong lalaki!"Mr. Franco.""Hmm..." Sabi ni Aurora, "Maraming salamat at naniniwala ako sa iyo."Nag-atubiling

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 54

    ALAM na alam ni Elsa na sobrang dehado siya sa sitwasyon kaya naniniguro lang din siya. Halata naman noon pa lang na ang pamilya ni Anton ay interesado sa kanilang bahay at lupa. Gusto nilang makihati. Kaya nga sobrang pagsisisi rin ang naramdaman ni Elsa dahil sa nagtiwala siya ng lubos kay Anton sapagkat ang bahay at lupa ay nakapangalan lamang kay Anton dahil ng binili ito ay di pa sila kasal. Itim ang mukha ni Anton sa mga narinig niya mula sa kay Elsa, "Ang isang bata ay 5,000 pesos; bakit hindi ka na lang magnakaw sa bangko? Maghiwalay? Akala mo ba ay bata ka pa rin at labing-walong taong gulang? Alalahanin mo ikaw ay kasal na, may anak na, walang trabaho, mataba na parang baboy, at sobrang pangit na kahit sino ay walang magkaka interest! At kaya mo bang supurtahan ang sarili mo!?"Nagpintig ang tenga ni Elsa ng marinig ang mga sinabi sa kanya ni Anton. Nasaktan siya at nainsulto. Hindi niya inakala na maririnig niya ang mga bagay na iyon sa kay Anton. Mas lalong bumilis ang p

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 53

    BAGO pa makapagsalita si Elsa ay nagsalita ulit si Anton na mas lalong ikinagalit nito. " Nagsabi rin sina Ate na kung pupwede sa kanila muna ipangalan ang titulo ng bahay dahil sa loan na plano nilang eh proseso at syempre may hati rin tayo doon dahil dito mag sta-stay ang mga pamangkin ko sa bahay natin."Nang marinig iyon ni Elsa ay tila umuusok na ang kanyang ilong at tenga sa sobrang gigil dahil sa mga pinagsasabi ni Anton.Sinabi ni Elsa nang malamig, "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Anton? Akala mo ba nandito lang ako sa loob ng bahay at kumakain lang? Halos lahat ng mga gawain dito ay ako pati na rin ang pag-aalalaga kay Boyet, lahat ng iyon Anton tinitiis ko para sa anak natin at sa pamilyang ito pagakatapos may mga ganyan kang desisyon!?."Taas baba ang dibdib ni Elsa sa sobrang gigil na nararamdaman dahil sa mga naging desisyon at pag sang ayon ni Anton sa kapatid nito."Pero ang dalawang anak ng kapatid mo ay wala akong kinalaman; hindi ko sila responsibilidad, at hind

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 52

    Kalaunan ay nagtipon ang pamilya ni Anton upang kumain at ubusin ang pakwan na hiniwa niya kanina at nanood ng TV sandali, at pagkatapos ay pumasok na rin sila sa kuwarto upang magpahinga. Mananatili sila dito ng ilang araw. Ngayon na lumipat na si Aurora, may isa pang kuwarto na bakante, sapat para sa pamilya ng ate niya sa oras na manirahan na sila sa bahay nila. Papasok na sana si Anton sa kwarto nila ni Elsa ng biglang bumulong si Luisa sa kanya, "Alam mo bang maraming binili si Aurora at ang kanyang asawa kanina. Tapos itong asawa mo galit na galit nang dalhin niya lahat ng mga iyon sa kuwarto niyo. tapos nakita ko puno ng magagandang bagay ang paperbags. May mga mamahaling sigarilyo at masarap na alak; bigyan mo ng konti ang iyong kuya ha. Isa pa hindi naman umiinom o naninigarilyo si Elsa kaya hindi niya iyon kailangan. At hindi pa nakakainom ng masarap na alak si Papa kaya bigyan mo rin siya." Ngumiti lang si Anton sa tinuran ng kanyang ate, "Ate, ano ba kung gusto mo ang

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 51

    Si Luisa ay nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi kalayuan ang paaralan dito, at hindi labis sabihin na hindi magiging problema kung dito mananaitili ang mga bata pag lumipat sila dito sa syudad".Hindi nagsalita si Anton kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Luisa."Siguro ay okay lang naman kay Elsa ang pag-aalaga sa dalawang bata, maglaba at magluto lang naman ang hinihingi namin, at kung ang gastusin sa pagkain ay..."Pinutol ni Anton ang sasabihin pa ng Ate Luisa niya, "Ate, pamangkin ko 'yun; hindi na kailangan magbayad sa pagkain. Hahanap ako ng makakatulong sa dalawang bata sa proseso ng paglipat nila ng paaralan at si Elsa na lang ang mag-aalaga sa kanila araw-araw. Isa pa wala rin naman siyang ginagawa sa bahay."At dahil sa naging tugon ni Anton ay natuwa si Luisa at ang kanyang asawa. Akala pa nga ni Luisa ay baka hindi ito pumayag dahil natahimik ito.Agad namang sumabat ang Mama nila na si Dolores, "Anton, kailangan mong pag-usapan ito kay Elsa. At alalahanin mo may parte rin si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status