Se connecterAlas otso na ng gabi pero nasa sala pa rin si Queen. Hindi siya mapakali-panay ang buntong-hininga habang nakaupo sa sofa at nakatanaw sa pintuan.
Iniisip ang asawa niyang hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi. Kahit hindi siya sigurado kung uuwi pa ba ito o hindi, matiyaga pa rin siyang naghintay. Kahit malamig at inaantok na siya, pinilit niyang manatiling gising. "Saan na kaya siya... sana ayos lang siya..." mahina niyang bulong. Ilang sandali pa, may bumusina sa labas. Mabilis siyang tumayo at sumilip sa bintana. "Kotse ni King Lex..." Agad siyang tumakbo papunta sa pintuan at binuksan ito. Nagmamadali niyang binuksan ang gate para makapasok ang sasakyan. Pagkapark ng kotse, may bumaba mula sa driver's seat-isang lalaking hindi niya kilala. Binuksan nito ang p***o sa passenger seat at inalalayan palabas si King Lex. "Lex..." mahina niyang tawag habang papalapit sa kanila. "Ikaw na ang katulong niya rito?" tanong ng lalaki. Wala sa sariling napatango si Queen. Hindi niya masabing asawa siya nito. Tinulungan niya ang lalaki na dalhin si King Lex papasok at diretso sa kwarto. "Naparami ang inom niyan. Mabuti na lang napadaan ako sa bar," paliwanag ng lalaki. "Hiniram ko na rin ang kotse niya. By the way, I'm Martin San Francisco... college friend niya." Bahagya siyang ngumiti. "Thank you po sa paghatid sa kanya..." "Wala 'yon. Friends naman kami. Ikaw na bahala sa kanya," nakangiting sabi nito bago umalis. Tinanguan niya ito at inihatid palabas. Pagbalik niya sa taas, bigla siyang napahinto nang makarinig ng malakas na tunog. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kwarto. Naabutan niya si King Lex na nakadapa sa sahig, may suka sa gilid nito. "Ba't ka bumaba? Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong. Inalalayan niya itong makatayo. Bigla siyang niyakap ng lalaki. "Lyka... don't leave me... please..." mahina nitong usal. Napaluha si Queen. Ako ang nandito... pero siya pa rin ang hinahanap mo...Gusto niyang isigaw iyon, pero tinikom niya ang bibig. Tinanggal niya ang braso nitong nakayakap sa kanya, pero hindi siya nito binitiwan. Hanggang sa pareho silang bumagsak sa kama. Nasa ibabaw niya ang lalaki. Dahan-dahan niyang itinaas ang ulo para tingnan ito. Nakita niya ang luha sa mga mata nito. Parang may tumarak sa puso niya. "Ba't kasi hindi na lang ako..." mahina niyang bulong. Kinabukasan maagang nagising si Queen para ipaghanda ng agahan si King Lex. Kahit hindi siya sigurado kung kakain ito o papansinin man lang siya O baka pagsabihan pa siya tungkol sa nangyari kahapon. Napabuntong-hininga siya at nagpatuloy sa pagluluto. Samantala, nagising si King Lex dahil sa sinag ng araw. Napahawak siya sa ulo dahil sa sakit nito. Unti-unti niyang naalala ang nangyari kahapon. Galit si Lyka sa kanya. Gusto na nitong makipaghiwalay. Niyukom niya ang kamao. "That bitch..." galit niyang bulong. Tumayo siya at napansin na iba na ang suot niya. Wala na rin ang medyas niya. Siguro si Queen ang nag-asikaso sa kanya. Pero lalo siyang nainis. Ito ang dahilan kung bakit iiwan siya ni Lyka. Pumasok siya sa banyo at naligo. Pagkatapos, nagbihis siya. Lunes ngayon. May pasok siya, pero wala siyang gana. Hindi pa rin niya matanggap ang nangyari. "I will fix this, Lyka... I hope you forgive me..." Pababa siya ng hagdan nang makasalubong niya si Queen. Hindi ito makatingin sa kanya. Kabang-kaba si Queen pero pinilit niyang maging maayos. "Magandang umaga... may niluto akong soup para sa hangover mo, at may gamot din sa lamesa-" "Masaya ka na?" Naputol ang sasabihin niya. Natahimik siya. "Nasira mo na kami... at ginamit mo pa ang mga kaibigan mo," malamig nitong dagdag. Parang nanghina siya. Kumapit siya sa hagdan. "Kung sa tingin mo masisira mo kami, nagkakamali ka. I will do everything to win her back... even if I lose everything." Napatingin siya rito. Kitang-kita niya ang determinasyon sa mga mata nito. Pero agad iyong napalitan ng pagkasuklam. "Kung umaasa kang mamahalin kita... huwag ka nang umasa. Kahit mawala man si Lyka, o ikaw na lang ang babae sa mundo... I will never fall in love with a woman like you." Para siyang sinaksak. Hindi siya makapagsalita. Lalagpasan na sana niya ito nang hawakan siya sa braso. Mahigpit. Masakit. "May sasabihin ka pa?" "Kakausapin ko sina Mama at Papa. I will file a divorce." Tumingin siya rito. "Paano kung ayaw ko?" matapang niyang sagot. Tumaas ang kilay ng lalaki. "At bakit hindi ka papayag? Dahil mahal mo ako?" mapanuyang tanong nito. "Oh come on, Queen. You're not in love with me. All you need is my money, right?" Hindi niya napigilan ang sarili. Pak! Sinampal niya ito. "Sumosobra ka na!" nanginginig niyang sigaw. "Ba't ba ikaw pa ang minahal ko?! Gusto mo makawala? Edi paghirapan mo!" Hinila niya ang braso niya mula sa pagkakahawak nito. Napaupo si Queen sa sahig ng kwarto niya. Sumandal siya sa p***o. "Why... bakit lagi na lang akong mali sa paningin niya... samantalang ako, siya pa rin ang pinipili ko... kahit puro sakit ang binibigay niya..." Lumipas ang mga araw. Lalong lumala ang trato ni King Lex sa kanya. Maaga itong umaalis. Hatinggabi na kung umuwi. Minsan lasing pa. At siya pa rin ang nag-aalaga. Hanggang sa isang gabi...Muntik nang may mangyari sa kanila.Dumating na ang gabi. Tahimik silang kumain ni King Lex sa kusina, habang sabak niya si Lexandra na di inalis ang tingin sa ama. Kahit sinusubuan niya ito, titig na titig ito sa lalaking walang imik na kumakain.Nang matapos na niyang pakainin si Lexandra, nilagay niya ito sa sahig sa gilid niya para makakain siya, pero di siya makakain nang maayos dahil di mawala ang mata niya sa anak sa takot na baka umalis ito sa pwesto. Tumayo si King Lex na kinangat niya ng tingin."Kumain ka, ako na nagbabantay sa kanya..." seryosong sabi nito bago pa man siya makapagsalita.Tinaas ni Lexandra sa lalaki ang dalawang kamay nito, ibig sabihin gusto niyang magpabuhat sa lalaki. Ito ang unang pagkakataong gustong magpabuhat ni Lexandra sa lalaki. Madalas kasi siya lang ang gusto nito.Binuhat naman agad siya ng lalaki. Di maalis ang mata niya sa dalawa na nakaupo sa harap niya. Pag pinagtabi mo sila, di makakailang mag-ama sila. Umiwas siya ng tingin at nagsimulang kumain. Mamaya pa, napatingin siya
Inalis ni Queen ang suot-suot na shades at huminga siya nang malalim nang makababa na siya sa airplane. Yes, she is coming back home with her baby Princess. Babae ang anak nila, magdadalawang taon na ito. Her name is Lexandra. Napangiti siya nang lumapit sa kanya ang kanyang yaya na hawak-hawak si Lexandra, naka-angat ang kamay nito sa kanya, gustong magpabuhat."Aww, miss mo na agad si Mommy, baby ko hmm..." nakangiting ani niya habang kinuha si Lexandra, at yumakap naman ito sa kanya.Si Lexandra ay kamukhang-kamukha niya, pero pag pinagmasdan mo ito nang mabuti, masasabi mong nakuha nito ang mata sa ama at ang labi. Pati ugali ay sa ama-tahimik pero malambing. Gustong-gusto rin nito kapag hinihimas ang ulo niya, just like her. Noong unang buwan niya sa States, she didn't know how to survive; araw-araw hinahanap niya ang presensya ng lalaki. Parang mababaliw siya sa kakamiss rito lalo pa't ito ang pinaglihi niya. Kaya naman isa sa mga unan nito ang dinala niya nang umalis siya-iyon
Meanwhile, hindi alam ni King Lex kung ano ang gagawin.Gusto niyang pigilan ang babae, pero hindi niya magawa. Natulos lang siya sa kinatatayuan niya.Gusto niyang magsalita. Yakapin ito.Pero wala siyang masabi.Habang lumalakad ito palayo sa kanya, pakiramdam niya unti-unting bumabawas ang buhay niya.Nang makalabas na ito ng bahay nila, napaupo siya sa sahig at natulala.Pero mabilis din siyang tumayo nang marinig ang huni ng kotse.Mula sa kwarto nila, tanaw niya ang kotseng sinasakyan ni Queen.Gusto niyang bumaba at pigilan ito, pero wala naman siyang mairason.Lumipas ang isang linggo.Pakiramdam ni King Lex, talaga ngang nawala ang kalahati ng buhay niya.Wala siyang ganang kumain. Ganoon din sa trabaho.Nakakulong lang siya sa kwarto nila ni Queen, yakap-yakap ang unan ng babae.Inaalala niya ang mga halakhak nito, ang lambingan nila sa loob ng silid na iyon.Mula nang umalis ang babae, hinahanap-hanap na niya ang lambing nito-ang ngiti, ang luto, ang amoy, at ang pag-aalaga
Isang linggo na ang nakaraan. Nasa loob siya ngayon ng banyo, hawak-hawak niya ang pregnancy test.Yes, she tried one para malaman kung tama ang kutob niya, at ang resulta ay nagpatigil sa mundo niya.It’s positive...Halo-halo ang nararamdaman niya—saya, lungkot, pag-aalala, at kaba.Huminga siya nang malalim saka nagdesisyong magpa-test sa ospital para makasiguro.Ilang minuto lang ang nakalipas, nasa harap na siya ng ospital. Kinakabahan man, pero pinatatag niya ang loob niya at pumasok na.Dalawang araw ang makalipas, lumabas na ang result at positive—buntis nga siya.She is one week pregnant.Hawak-hawak niya ang envelope sa kamay niya.Dalawang envelope.Dalawa dahil kanina lang din dumating ang annulment papers nila ni Lex.Oo, kailangan niyang ibigay ito sa lalaki.Hangga’t hindi ito nagsasabing hindi matutuloy, tuloy iyon.Ngayon nga, nanginginig ang mga kamay niya.Patungo siya ngayon sa opisina ng lalaki.Gusto niyang ibigay ang dalawang envelope.Nagbabakasakali siyang bak
Kakaibang experience ang pinagdaanan niya kasama ang lalaki sa napakagandang resort na iyon. Ibang-iba sa dati nilang setup. Masayang-masaya siya sa bawat araw na lumilipas sa lugar na iyon. Doon niya lang din naramdaman na asawa niya ang lalaki, dahil lahat ng ginagawa ng married couple ay ginagawa nila.Wala silang sinayang na oras. Kada araw ay nagto-tour sila sa buong lugar at ginagawa ang mga activities doon—swimming, walking, zip line, at picture taking din sila na hindi niya inaasahang sasabayan ng lalaki. Pagdating naman ng gabi, pinagsasaluhan nila ang mainit na physical type of love.Kaya nalungkot siya dahil pauwi na sila ngayong araw. Hiniling niya na sana walang magbago. So far, okay naman dahil nag-uusap na sila sa loob ng sasakyan, pero nasa likuran pa rin siya."Nag-enjoy ka ba?" tanong nito kaya inangat niya ang tingin."Oo naman, sobra. Salamat ha," malapad na ngiting tugon niya.Ngiti lang ang isinukli nito.Lumipas ang ilang oras at nakarating na sila sa tapat ng g
Kinabukasan, inaasahan na ni Queen na magbabago na ang pakikitungo ng lalaki sa kanya, na tulad ng dati, pero nagulat siyang paggising niya ay nakayakap pa rin siya sa lalaki at nakaunan sa dibdib nito. Inangat niya ang ulo at itinukod ang siko sa unan para pagmasdan ang natutulog na lalaki. Hindi niya maiwasang padulasin ang kanyang kamay sa mukha nito."Ang gwapo mo talaga..." mahinang usal niya saka ngumiti. Siniksik niya ang katawan sa lalaki.Sana ganito na lang tayo lagi, pero alam kong hindi puwede. Hanggang isang buwan lang... Hiram lang kita, ih...Pinahid niya ang luha nang maramdamang gumalaw ang lalaki."Good morning," nakangiting bati niya.Kinusot nito ang mga mata tapos tumingin sa kanya. Akala niya ay itutulak siya nito, pero nagulat siyang ngumiti ito."Morning..""Bangon na at maligo.." mahinang usal niya saka bumangon para makabangon din ang lalaki.Bumangon nga ito at tumayo sa kanilang gilid, habang siya ay inayos ang pagkakatapis ng kumot sa katawan, pero napatil







