Partager

Chapter 6

last update Date de publication: 2026-10-22 01:09:55

Nasa loob na sila ng mall nang hindi sinasadyang mapadaan sa isang bookstore. Kumikinang ang mga mata ni Queen habang napatingin at napatigil siya sa harap nito.

“Hey! Ba’t ka tumigil?” takang tanong ni King Lex.

“Ahm… pwede bang dito muna tayo? I just need to buy some books…” alinlangan niyang sagot.

(Pumayag ka please…)

Hindi niya namalayang napanguso siya. Napansin niyang umiwas ng tingin ang lalaki.

“Do I have a choice?” masungit nitong tugon.

“Yes! Thank you, Lex…” masaya niyang sabi.

“Sige… I’ll be waiting here,” bored nitong sagot.

Tumango siya at pumasok sa loob ng bookstore na may malawak na ngiti.

Halos limang libro ang napili niya, pero dahil mabigat, tatlo na lang ang kinuha niya. Habang nasa counter, napatingin siya kay King Lex na tahimik na nakatayo sa labas.

Inabot niya ang credit card sa cashier at masayang lumabas.

Pero ang ngiti niya ay agad napawi. May babaeng lumapit kay King Lex… at hinalikan ito. Nanigas siya sa kinatatayuan.

Nahulog pa ang paper bag mula sa kamay niya.

Mula sa kinatatayuan niya, rinig na rinig niya ang usapan ng dalawa.

“Babe?” gulat na sabi ni King Lex. Ngumiti ang babae.

“Yeah, it’s me. The one and only. Nakakatampo ka… sabi mo may family meeting kayo. Why are you here? At parang gulat na gulat ka na makita ako… are you hiding a girl? O baka naman may dine-date kang iba?” tampong tanong nito.

Lumapit si King Lex at hinawakan ang babae.

“Of course not. Yeah, may family meeting nga kami kaya ako nandito. At babe, wala akong tinatagong babae o dinadate. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, hindi ba?”

Parang nadurog ang puso ni Queen.

Ramdam niyang tumulo ang luha mula sa mga mata niya. Tinakpan niya ang bibig niya para hindi siya makagawa ng ingay.

“Talaga?” nakangusong tanong ng babae.

Hinila ito ni King Lex at niyakap, saka hinalikan sa noo.

“Of course.”

Napalitan ng tuwa ang mukha ng babae.

“But babe, why are you here? Sa bookstore pa?” tanong nito.

Napansin ni Queen na natigilan sandali si King Lex.

“Ahm… hinihintay ko kasi ang pinsan ko. May bibilhin daw siyang books for her studies,” paliwanag nito.

“Gano’n ba… so pagkatapos nito babalik ka pa sa family mo?”

“Ahm… yep. I’m sorry, babe, if I can’t take you there. Alam mo naman…”

Tumango ang babae.

“Yeah, I understand. May pupuntahan din naman ako with my friends. I just dropped by when I saw you. So mauuna na ako. Take care, I love you. Don’t forget to call or text me pag nakauwi ka na.”

Hinalikan nito si King Lex sa pisngi bago tuluyang umalis.

Tahimik na inayos ni Queen ang sarili niya. Pinilit niyang ngumiti kahit gusto nang bumuhos ng luha niya.

Hindi mawala sa isip niya ang mga narinig.

He denied her… again. Ano pa nga ba ang bago?

Simula pa noon, palagi naman siyang itinatanggi nito.

Pero bakit gano’n… masakit pa rin? Maaga silang nakauwi kaysa inaasahan. Matapos ang bookstore, nanood sila ng movie, pero hindi niya rin na-enjoy.

Kasama niya nga ang lalaki… pero parang wala rin.

“Oh! Ang aga niyo naman umuwi…” puna ng ina ni King Lex.

“How was your date?” dagdag pa nito, halatang excited.

“It was fun, Ma,” nakangiting sagot ni King Lex.

(Saan doon ang fun? Parang hindi naman ‘yon date… mukhang ako lang ang may gusto.)

Hindi niya naitago ang disappointment sa mukha niya.

“Pero bakit parang iba ang sinasabi ng mukha ni Queen?” tanong ng ginang.

“Ha? Wala po, Ma… I’m just tired. Ang dami kasi naming pinuntahan…” pilit niyang sagot.

“Gano’n ba… sige, magpahinga ka na, iha.”

Tumango siya at agad umakyat. Hindi na niya inisip kung sasama si King Lex o hindi.

She had enough for today. The next day. 

Abala siya sa pagsusulat ng tula nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Nagtaka siya nang makita kung sino ang tumatawag. Si Erie.

Hindi ito mahilig tumawag, kaya agad niyang sinagot.

“Hello, Erie—”

“Nasaan ka?” putol nitong tanong.

“Nasa bahay… bakit?”

“Pupuntahan ka namin diyan.”

“Huh? Pero bakit—”

Hindi na siya pinatapos. Binaba agad ang tawag.

Napatitig siya sa cellphone. 

“Ano ‘yon?”

Ilang sandali pa, muling tumunog ang phone niya.

“Hello, Erie—”

“Buksan mo ang gate.”

“Sige, teka…”

Mabilis siyang bumaba. Malayo pa lang sa gate, nakita na niya ang galit na mukha nina Erie at Julien. Si Charm naman ay mukhang nag-aalala.

Kumunot ang noo niya.

Pagkalapit niya, agad siyang hinila ng dalawa papasok.

“Teka—” gulat niyang saad.

Pinaupo siya sa sofa habang nakaupo ang tatlo sa harap niya, nakatitig sa kanya.

“Ano bang meron? Ba’t parang galit kayo?” tanong niya.

“Alam mo ba?” taas-kilay na tanong ni Erie.

“Oo nga, alam mo ba?” dagdag ni Julien.

“Ano bang pinagsasabi niyo? Diretsahin niyo nga ako,” may inis na saad niya.

“Alam mo bang may ibang babae si King Lex?” tanong ni Julien.

Hindi siya agad nakasagot.

“Hindi lang basta babae. Si Lyka Mendez, his first girlfriend. Hindi ba’t pinaghiwalay na sila? Don’t tell me fake lang ‘yon at nagkikita pa rin sila habang kasal na kayo. Alam mo ba ‘to, Queen? Sumagot ka!”

Natahimik siya.

“N-nakita niyo? A-anong ginawa niyo?” kinakabahang tanong niya. Nagkatinginan ang dalawa.

“Sinampal ko si King Lex… hinila ko naman ang buhok ni Lyka… at binuhusan ko pa siya ng kape,” paliwanag ni Erie.

Hindi makapaniwala si Queen. 

“Ano?!”

“Ba’t ganyan reaksyon mo? Para bang kasalanan pa namin?” inis na sabi ni Erie.

“Huwag mong sabihing alam mo na… Queen! Huwag kang magpakamartir! Sobra na ‘yung sakripisyo mo. You even gave up your dreams for him!” galit na galit na sabi ni Julien.

Hindi niya namalayang umiiyak na siya.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya—takot at sakit.

Natatakot siya sa maaaring gawin ni King Lex.

Nasasaktan din siya dahil totoo ang mga sinabi ng mga kaibigan niya.

Hindi niya deserve ‘to.

Bigla siyang niyakap ng tatlo.

“Tahan na… sorry kung napagtaasan kita ng boses. Ayaw lang naming nakikitang nasasaktan ka,” malumanay na sabi ni Julien.

“We love you… ayaw ka naming makitang ganito,” dagdag ni Erie.

Tumango si Charm. Pinakawalan siya ng mga ito.

“Alam ko… pasensya na. Sadyang mahal ko lang talaga siya. Pero… pagod na rin ako. At sawa na rin…” mahina niyang saad.

“Please… huwag niyong sabihin kay Mommy. Let me handle this. Hindi magtatagal… bibitaw rin ako…” Bumuntong-hininga ang tatlo.

“Ano pa nga ba… susuportahan ka na lang namin,” sabi ni Erie.

“Pero Queen, huwag kang masyadong martir. Ipaglaban mo ang karapatan mo, okay?” paalala ni Julien.

Pinunasan niya ang luha at tumango.

“Salamat…”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Married to Heartless Billionaire   Chapter 20

    Dumating na ang gabi. Tahimik silang kumain ni King Lex sa kusina, habang sabak niya si Lexandra na di inalis ang tingin sa ama. Kahit sinusubuan niya ito, titig na titig ito sa lalaking walang imik na kumakain.Nang matapos na niyang pakainin si Lexandra, nilagay niya ito sa sahig sa gilid niya para makakain siya, pero di siya makakain nang maayos dahil di mawala ang mata niya sa anak sa takot na baka umalis ito sa pwesto. Tumayo si King Lex na kinangat niya ng tingin."Kumain ka, ako na nagbabantay sa kanya..." seryosong sabi nito bago pa man siya makapagsalita.Tinaas ni Lexandra sa lalaki ang dalawang kamay nito, ibig sabihin gusto niyang magpabuhat sa lalaki. Ito ang unang pagkakataong gustong magpabuhat ni Lexandra sa lalaki. Madalas kasi siya lang ang gusto nito.Binuhat naman agad siya ng lalaki. Di maalis ang mata niya sa dalawa na nakaupo sa harap niya. Pag pinagtabi mo sila, di makakailang mag-ama sila. Umiwas siya ng tingin at nagsimulang kumain. Mamaya pa, napatingin siya

  • Married to Heartless Billionaire   Chapter 19

    Inalis ni Queen ang suot-suot na shades at huminga siya nang malalim nang makababa na siya sa airplane. Yes, she is coming back home with her baby Princess. Babae ang anak nila, magdadalawang taon na ito. Her name is Lexandra. Napangiti siya nang lumapit sa kanya ang kanyang yaya na hawak-hawak si Lexandra, naka-angat ang kamay nito sa kanya, gustong magpabuhat."Aww, miss mo na agad si Mommy, baby ko hmm..." nakangiting ani niya habang kinuha si Lexandra, at yumakap naman ito sa kanya.Si Lexandra ay kamukhang-kamukha niya, pero pag pinagmasdan mo ito nang mabuti, masasabi mong nakuha nito ang mata sa ama at ang labi. Pati ugali ay sa ama-tahimik pero malambing. Gustong-gusto rin nito kapag hinihimas ang ulo niya, just like her. Noong unang buwan niya sa States, she didn't know how to survive; araw-araw hinahanap niya ang presensya ng lalaki. Parang mababaliw siya sa kakamiss rito lalo pa't ito ang pinaglihi niya. Kaya naman isa sa mga unan nito ang dinala niya nang umalis siya-iyon

  • Married to Heartless Billionaire   Chapter 18

    Meanwhile, hindi alam ni King Lex kung ano ang gagawin.Gusto niyang pigilan ang babae, pero hindi niya magawa. Natulos lang siya sa kinatatayuan niya.Gusto niyang magsalita. Yakapin ito.Pero wala siyang masabi.Habang lumalakad ito palayo sa kanya, pakiramdam niya unti-unting bumabawas ang buhay niya.Nang makalabas na ito ng bahay nila, napaupo siya sa sahig at natulala.Pero mabilis din siyang tumayo nang marinig ang huni ng kotse.Mula sa kwarto nila, tanaw niya ang kotseng sinasakyan ni Queen.Gusto niyang bumaba at pigilan ito, pero wala naman siyang mairason.Lumipas ang isang linggo.Pakiramdam ni King Lex, talaga ngang nawala ang kalahati ng buhay niya.Wala siyang ganang kumain. Ganoon din sa trabaho.Nakakulong lang siya sa kwarto nila ni Queen, yakap-yakap ang unan ng babae.Inaalala niya ang mga halakhak nito, ang lambingan nila sa loob ng silid na iyon.Mula nang umalis ang babae, hinahanap-hanap na niya ang lambing nito-ang ngiti, ang luto, ang amoy, at ang pag-aalaga

  • Married to Heartless Billionaire   Chapter 17

    Isang linggo na ang nakaraan. Nasa loob siya ngayon ng banyo, hawak-hawak niya ang pregnancy test.Yes, she tried one para malaman kung tama ang kutob niya, at ang resulta ay nagpatigil sa mundo niya.It’s positive...Halo-halo ang nararamdaman niya—saya, lungkot, pag-aalala, at kaba.Huminga siya nang malalim saka nagdesisyong magpa-test sa ospital para makasiguro.Ilang minuto lang ang nakalipas, nasa harap na siya ng ospital. Kinakabahan man, pero pinatatag niya ang loob niya at pumasok na.Dalawang araw ang makalipas, lumabas na ang result at positive—buntis nga siya.She is one week pregnant.Hawak-hawak niya ang envelope sa kamay niya.Dalawang envelope.Dalawa dahil kanina lang din dumating ang annulment papers nila ni Lex.Oo, kailangan niyang ibigay ito sa lalaki.Hangga’t hindi ito nagsasabing hindi matutuloy, tuloy iyon.Ngayon nga, nanginginig ang mga kamay niya.Patungo siya ngayon sa opisina ng lalaki.Gusto niyang ibigay ang dalawang envelope.Nagbabakasakali siyang bak

  • Married to Heartless Billionaire   Chapter 16

    Kakaibang experience ang pinagdaanan niya kasama ang lalaki sa napakagandang resort na iyon. Ibang-iba sa dati nilang setup. Masayang-masaya siya sa bawat araw na lumilipas sa lugar na iyon. Doon niya lang din naramdaman na asawa niya ang lalaki, dahil lahat ng ginagawa ng married couple ay ginagawa nila.Wala silang sinayang na oras. Kada araw ay nagto-tour sila sa buong lugar at ginagawa ang mga activities doon—swimming, walking, zip line, at picture taking din sila na hindi niya inaasahang sasabayan ng lalaki. Pagdating naman ng gabi, pinagsasaluhan nila ang mainit na physical type of love.Kaya nalungkot siya dahil pauwi na sila ngayong araw. Hiniling niya na sana walang magbago. So far, okay naman dahil nag-uusap na sila sa loob ng sasakyan, pero nasa likuran pa rin siya."Nag-enjoy ka ba?" tanong nito kaya inangat niya ang tingin."Oo naman, sobra. Salamat ha," malapad na ngiting tugon niya.Ngiti lang ang isinukli nito.Lumipas ang ilang oras at nakarating na sila sa tapat ng g

  • Married to Heartless Billionaire   Chapter 15

    Kinabukasan, inaasahan na ni Queen na magbabago na ang pakikitungo ng lalaki sa kanya, na tulad ng dati, pero nagulat siyang paggising niya ay nakayakap pa rin siya sa lalaki at nakaunan sa dibdib nito. Inangat niya ang ulo at itinukod ang siko sa unan para pagmasdan ang natutulog na lalaki. Hindi niya maiwasang padulasin ang kanyang kamay sa mukha nito."Ang gwapo mo talaga..." mahinang usal niya saka ngumiti. Siniksik niya ang katawan sa lalaki.Sana ganito na lang tayo lagi, pero alam kong hindi puwede. Hanggang isang buwan lang... Hiram lang kita, ih...Pinahid niya ang luha nang maramdamang gumalaw ang lalaki."Good morning," nakangiting bati niya.Kinusot nito ang mga mata tapos tumingin sa kanya. Akala niya ay itutulak siya nito, pero nagulat siyang ngumiti ito."Morning..""Bangon na at maligo.." mahinang usal niya saka bumangon para makabangon din ang lalaki.Bumangon nga ito at tumayo sa kanilang gilid, habang siya ay inayos ang pagkakatapis ng kumot sa katawan, pero napatil

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status