Kahit nasa taxi pa lang, tuloy-tuloy na ang pag-iyak niya. She just couldn’t stop her tears from falling down her cheeks—masyado itong masakit.Hanggang sa makarating siya sa restaurant kung saan ang meeting place ng barkada niya. Bago pumasok, inayos muna niya ang sarili. Pinahid ang luha at inihanda ang ngiti sa kanyang mga labi para itago ang sakit na nararamdaman niya.“Oh, nandito ka na pala,” bati ni Julien.“Ang tagal mo naman,” reklamo ni Erin.Umupo siya sa tabi ni Julien, habang si Charm naman ay nasa harap niya, tahimik na minasdan siya.“Pasensya na, may pinuntahan pa kasi ako kanina,” malumanay niyang paliwanag.Tumango ang dalawa. Akmang magsasalita sana si Erin, pero inunahan siya ni Charm.“Umiiyak ka, no? Yang dalawang ‘yan, mauuto mo pa—pero ako, hindi. Dahil na naman ba sa kanya?”Natahimik siya.Pati sina Julien at Erin ay napatitig sa kanya.Hindi niya namalayang muling tumulo ang kanyang mga luha—ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang bumagsak. Kinagat niya a
Last Updated : 2026-10-22 Read more