LOGINLubos na nayanig ang lalaki sa ginawa ni Rita. Hindi man lang siya nakabawi—bumubulwak ang dugo sa ilong niya, at kitang-kita ang pagkagulat at sakit sa mukha.
“Mag-sorry ka!” sigaw ni Rita, galit na galit. “Ang kapal ng mukha mong landiin ang best friend ko. Gusto mo bang mamatay ng maaga?!”
Napahiyaw ang babaeng kasama ng lalaki, halatang hysterical. “Sino ka ba?! Alam
“Simulan na natin,” utos niya.Tumango si Mario. “Anong unang hakbang, boss?” masusing tanong ni Mario sa kanyang bossNgumisi si Eduardo. “Lapitan siya.” Hindi siya nagmadali sa pagsasalita.Parang sinisigurado ang bawat salita. “Hindi bilang kalaban, kundi bilang isang pagkakataon.”Isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. “At kapag nahulog siya sa bitag…”Huminto siya sandali. “Hindi lang si Rafael ang babagsak.” masaya nyang sabi habang nakangiti abot tenga, “pati si Marco.”“Pati siya.”Saglit siyang natahimik. At s
Muli niyang kinuha ang folder at marahang ipinasok iyon sa kanyang bag—isang simpleng kilos, ngunit malinaw ang kahulugan.
Nakalaya na si Eduardo Asuncion makalipas ang pitong araw.Pitong araw—maikli para sa isang ordinaryong tao. Ngunit para sa isang lalaking tulad niya, bawat segundo sa loob ng malamig at masikip na selda ay parang isang siglo ng pagkakakulong sa sariling galit at paghihiganti.Paglabas pa lamang niya ng kulungan, sinalubong agad siya ng nakahilerang mga tauhan. Ngunit sa kanilang lahat, iisang tao ang diretsong lumapit—si Mario, ang kanyang kanang kamay. Tahimik ang lalaki, ngunit ang presensya nito ay sapat na para ipaalam na kontrolado pa rin nila ang sitwasyon.“Boss,” bahagyang yumuko si Mario. “Handa na ang sasakyan.”Hindi sumagot si Eduardo. Ang kanyang mga mata ay malamig, tila ba walang anumang emosyon. Ngunit sa ilalim nito,
Hindi na nag-isip pa si Marco. Ni hindi man lang siya nagkaroon ng kahit isang sandali ng pagdadalawang-isip. Sa gitna ng nagliliyab na apoy at kumakapal na usok na halos sumakal sa buong silid, iisa lamang ang malinaw sa kanyang isip—iligtas si Isabela.Wala nang iba.Hindi mahalaga kung masunog ang kanyang balat. Hindi mahalaga kung gumuho ang kisame sa ibabaw nila. Hindi mahalaga kung hindi siya makalabas nang buhay. Ang mahalaga lamang ay mailabas niya si Isabela mula sa impiyernong iyon. Mabilis niyang hinila ang babae palayo sa gitna ng studio.Mahigpit niyang niyakap ang katawan nito at binuhat sa kanyang mga bisig. Magaan lamang si Isabela noong mga panahong iyon—isang batang halos mawalan na ng lakas dahil sa usok na nalalanghap.Ngunit sa sandaling iyon, pakiramdam ni Marco ay parang pasan niya
Tahimik ang silid ng ospital.Ang liwanag ng araw ay pumapasok sa bintana, nagbibigay ng banayad na init sa puting kurtina.Nakahiga si Isabela sa kama.Ang kanyang mukha ay mas maayos na kaysa noong nakaraang araw, ngunit halata pa rin ang pagod sa kanyang mga mata.Sa tabi niya—Nakaupo si Rafael.May hawak siyang mangkok ng sopas. “Sabi ng doktor kailangan mong kumain,” sabi niya.Bahagyang napangiwi si Isabela. “Hindi pa ako gutom.”Umangat ang isang kilay ni Rafael. “Hindi
Dahil sa sobrang pagod niya, halos tanghali na siya nagising. Tipong kahit anong ingay, wala—bagsak talaga ang katawan.Nang magising siya, tumingin siya sa paligid—simple lang ang kwarto, black and white ang theme, min
Pakiramdam ni Isabela ay parang isang maliit na bangka na walang tigil na hinahampas ng malalakas na alon sa gitna ng dagat. Kumakapit siya kay Rafael, nanginginig sa bawat galaw niya, halos mawalan ng balanse sa bawat sandali. Para bang anumang segundo ay puwede s
Sa mundo ng mga mayayamang pamilya sa San Miguel, si Rita ang ultimate queen bee—siya lang ang dalagang puwedeng maglakad sa kalsada nang walang takot sa kahit anong consequence o parusa. Sa kanilang grupo, kilala siya bilang “The Prodigal Daughter&rdqu
Narinig ang galit sa boses ni Rita, parang kidlat na biglang pumutok sa tahimik na paligid.“Sinundan ba niya tayo galing sa school? Ang kapal naman ng mukha niya! Papalayasin ko siya—ngayon din!”Wala nang paligoy-ligoy. Mabilis siyang bumaba ng hagdan, halos ramdam sa bawat hakbang ang inis at pa







