Share

21: CASSY WILL STAY WITH US?

Masaya namang kumakain ang mga bata nang mag order si Cael ng napakarami. Saad pa nila ay ibibigay nalang daw nila ang sobra sa mga kakilala nilang mga bata na nagugutom din. Wala na rin pala silang mga magulang at tanging sila-sila lamang ang nagtutulungan para mabuhay. Si Isaac ay nag t-trabaho rin pala bilang tagahugas ng pinggan kaso pinalayas ito nang makabasag ng isang pinggan si Daniel.

Si Gabriel naman ay tumutulong sa mga taong kumukuha ng basura sa mga bahay-bahay para sa pang kain nila. Si Julia naman at si Edna ay nag bobote bakal para pang dagdag sa gastusin. Nalungkot naman ako nang marinig ang kanilang kwento, pero kahit na ganoon wala silang sinisisi at masaya silang namumuhay basta't magkakasama silang magkakapatid.

Nalaman lang din namin na sa kalye lang pala sila nakatira at kung may bagyo man o lindol ay doon lamang sila makakatulog ng mahimbing at makakain ng maayos sa mga relief goods na ibinibigay.

Tinignan ko naman si Cael na hirap na hirap subuan si Daniel k
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status