Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2025-02-21 05:01:14

Maria’s POV

Una sa lahat, kailangan ko nga palang magpakilala dahil hindi ko nagawa ‘yon nung nakaraan. Charot! Haha!

Ako si Maria Cristina Sandoval, 21 years old. Simpleng babae lang ako, pero hindi ko rin masasabing mahirap ang buhay namin. Kung tutuusin, nakakaraos naman kahit papaano. Hindi ako lumaki sa marangyang buhay, pero natuto akong dumiskarte. Ngayon, nagtutulak ako ng maliit na kariton ng kakanin para may maipantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan namin ni Nanay.

Mahal ko ang trabahong ‘to kahit minsan nakakapagod. Hindi lang ito tungkol sa pagbebenta ng kakanin—marami akong natututunan, marami akong nakikilalang tao, at higit sa lahat, natutulungan ko si Nanay.

Habang abala ako sa pagtitinda, napansin kong may pamilyar na pigura na palapit sa akin—si Aling Lena. Matagal ko rin siyang hindi nakita nitong mga nakaraang araw kaya medyo nagulat ako nang makita ko siyang may ngiti sa labi. Parang ang saya-saya niya, kaya nagtaka ako.

"Naku, Ria, matutuwa ka sa ibabalita ko!" bungad niya agad paglapit niya sa akin.

"Ano po ‘yon?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis sa noo.

"Naalala mo ‘yung pinag-usapan natin noong nakaraan?" tanong niya, na agad kong tinanguan.

Napaisip ako sandali. Marami kasi kaming napagkukuwentuhan ni Aling Lena, pero may isa kaming pinag-usapan na medyo natandaan ko—isang trabaho na hindi ko pa sigurado kung gusto kong tanggapin.

"Eto na nga! Umalis ‘yung bagong yaya nila, kaya ikaw ang inirekomenda ko!" masayang sambit niya, dahilan para bumilog ang mga mata ko.

"Talaga po?" halos hindi ako makapaniwala. Napahawak ako sa bibig ko habang nanlalaki ang mata sa tuwa.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Mabilis akong napangiti dahil sa saya, pero agad ding sumingit sa isip ko ang tanong—bakit nga ba mabilis silang magpalit ng yaya?

"Oo, Ria! At eto pa ha, 30 thousand a month ang pasahod nila sa mga yaya!" dagdag niya.

Halos malaglag ang panga ko. 30 thousand?! Isang napakalaking halaga! Sa perang ‘yon, kayang-kaya ko nang mapagamot si Nanay, makabili ng mas maraming paninda, at baka sakaling makapag-ipon pa para sa pangarap kong maliit na tindahan.

Pero teka lang… bakit ang taas ng sahod?

Napaisip ako bigla. Baka naman hindi lang ordinaryong trabaho ‘to. Baka naman halimaw ang aalagaan ko, kaya gano’n na lang kalaki ang pasahod nila!

"Hmm, eto ha, pangungunahan na kita. Kakaiba ang itsura ng aalagaan mo. Hindi ka naman daw mahihirapan sa pag-aalaga sa kanya kasi normal naman siya—yun nga lang, may malaking birthmark na sakop ang kalahati ng mukha niya," mahabang paliwanag ni Aling Lena.

Nanlaki ang mata ko. Tama nga ang hinala ko! May kakaiba nga sa kanya!

Natahimik ako saglit. Kung gano’n, hindi siguro madaling pakisamahan ang taong ‘yon. Baka mataray. Baka suplado. Baka ‘yung tipong konting mali mo lang, sisigawan ka na. Tsk! Siguro kaya walang nagtatagal sa kanya!

"Hmm, yan na nga ba ang sinasabi ko. Hindi siya halimaw, tao siya! Yun nga lang, may birthmark na kulay itim sa mukha niya," dagdag ni Aling Lena, na parang nababasa ang iniisip ko.

Napatingin ako sa kanya. Totoo naman, hindi naman kasalanan ng isang tao kung paano siya isinilang. Hindi naman niya ginusto ‘yon.

Kaya lang, hindi ko rin maiwasang magduda. Paano kung talagang mahirap siyang alagaan?

Tumango na lang ako. Wala rin naman akong ibang pagpipilian. Kailangan ko ng trabaho, at malaki ang sahod. Maria, ‘wag kang maarte!

"Kailangan mo ng trabaho, kaya ‘wag ka nang mag-inarte!" bulong ko sa sarili ko.

Alam kong mahihirapan akong umalis ng bahay, lalo na’t si Nanay ang inaalala ko. Siya lang kasi ang pamilya ko, at gusto ko siyang bantayan palagi. Pero alam kong mas kailangan niya ang perang kikitain ko.

"Birthmark? Ibig sabihin po, simula nang ipanganak siya, meron na siyang gano’n sa mukha?" wala sa sariling tanong ko.

"Oo. At dahil doon, nagdesisyon siyang manirahan malayo sa pamilya niya," sagot ni Aling Lena.

Napabuntong-hininga ako.

Bigla akong nalungkot sa narinig ko. Ibig sabihin, lumaki siyang mag-isa? Walang pamilya? Walang nagmahal sa kanya?

Napatitig ako sa kawalan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa. Alam ko kung paano ang pakiramdam na minsan ay nag-iisa ka. Pero kahit papaano, nandiyan si Nanay para sa akin. Paano pa kaya siya, na mula pagkabata pa lang, alam na niyang iba siya sa lahat?

Sigurado akong may dahilan kung bakit mas pinili niyang mamuhay sa malayo.

At ngayon, ako ang magiging bagong yaya niya.

Pero handa ba ako?

Hindi ko pa alam.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 31

    MARIA’S POVNgayon ang araw ng operasyon ni Jhon. Aabutin daw ng ilang buwan bago siya makalabas ng ospital, at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko tungkol doon. Dapat ba akong matuwa dahil hindi ko muna siya makikita, o malungkot dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya pagkatapos ng lahat ng ito?Alam kong hindi rin naman niya ako gustong makasama roon, kaya nagdesisyon akong hindi na sumama. Alam kong kahit anong gawin ko, hindi niya ako hihilinging manatili sa tabi niya. Kaya nagdahilan na lang ako sa mommy niya na masama ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at naniwala siya."Hindi ka na ba talaga sasama, Ria?" tanong ng mommy ni Jhon, may bahagyang pag-aalala sa kanyang boses.Napangiti ako, pilit na itinago ang lungkot sa loob ko. "Masama po kasi ang pakiramdam ko, kaya mas mabuting maiwan na lang ako. Saka wala rin naman po akong maitutulong doon," sagot ko, kasabay ng kunwaring pagsimangot."Ganun ba? Sige, magpagaling ka ha! Para pagbalik ni Jhon at magaling na

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 30

    Maria's POVNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may malamig na tubig na dumampi sa aking balat. Bigla akong kinabahan nang makita kong nakangising nakatayo si Jhon habang may hawak na balde—na ngayon ay wala nang laman."Kailan ka ba magsasawang pahirapan ako?" sambit ko habang unti-unting tumatayo. Ngumisi lang siya bago nagsalita."Until you are here! So go away!" malamig niyang sagot, walang kahit anong emosyon.Iyan ang palagi niyang sinasabi—palagi niya akong pinalalayas. Pero nangako ako sa mommy niya na hindi ko siya susukuan at hindi ko siya iiwan. Kaya paninindigan ko ang pangakong iyon."Hindi ako aalis dahil mag-asawa na tayo!" matigas kong sagot.Nagulat na lang ako nang bigla niya akong tinulak, dahilan ng pagtumba ko sa kama—na ngayon ay basang-basa na. Pinilit niyang tanggalin ang aking saplot bago ako sapilitang pinadapa. At kasunod noon, ginawa na naman niya ang marahas na bagay na palagi niyang ginagawa sa akin—ginamit na naman niya ang aking katawan.Sa

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 29

    MARIA POVIsang buwan ang mabilis na lumipas, ngunit wala pa ring nagbabago sa pakikitungo sa akin ni Jhon. Sa halip, habang tumatagal, lalo pang lumalala ang kanyang pagtrato sa akin. Sa harap ng ibang tao, isa siyang mabait at magalang na lalaki, ngunit sa tuwing kami na lamang ang magkasama, bumabalik ang kanyang pagiging malamig at marahas. Pakiramdam ko, unti-unti akong nawawalan ng pagkatao sa piling niya.Matapos niyang kumain, ako naman ang sumunod. Nasa harap ako ng kusina, tahimik na kumakain mag-isa. Nasasanay na rin ako sa ganitong routine araw-araw—isang piging ng katahimikan at pag-iisa. Isang kutsarang kanin ang isinusubo ko nang marinig ko ang isang boses mula sa aking likuran. Napapitlag ako sa gulat.Laking gulat ko nang makita si Madam, ang ina ni Jhon, nakatayo roon na may matalim at mapanuring tingin. Kunot-noo niya akong tinitigan bago nagtanong."What are you doing? Why are you eating there?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.Bago pa

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 28

    Maria's Pov Bagsak ang balikat ko habang tinutungo ang aking kwarto, ramdam ko ang bigat ng pagod sa buong katawan ko. Isang mahaba at nakakapagod na araw na naman ang lumipas. Ang nais ko lang ay mahiga at makatulog nang maayos, makalimutan kahit saglit ang bigat ng mundo. Ngunit mukhang malayo pa iyon sa realidad. Matapos maglinis ng katawan, agad akong humiga, umaasang makakatulog nang mahimbing. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakapikit, may narinig akong katok sa pinto. Napakunot ang noo ko. Alas nuwebe na ng gabi—sino pa ang may kailangan sa akin sa ganitong oras? Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang malamig niyang titig. "May ipag-uutos ka pa ba?" tanong ko sa mahina ngunit magalang na tinig, pilit na itinatago ang aking pagod. "Massage me," malamig niyang sagot, walang bahid ng pakikiramay sa tono. Napalunok ako. "Pero pagod na ako," sagot kong may halong pagmamakaawa. Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang ganitong paulit-ulit na sitwasyon

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 27

    MARiA POVIsang malutong na sampal ang sumalubong sa akin nang makaalis ang nag-deliver ng tubig. Ni hindi man lang niya tinanong kung bakit doon ako sumakay, basta na lang niya akong sinaktan nang hindi nagtataka o nagtatanong.Agad na tumulo ang mga luha ko nang dumapo ang kanyang kamay sa aking pisngi. Tahimik akong umiiyak habang siya ay walang emosyon, nakatingin lang sa akin. Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ako ng kamay, at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—takot ba, sakit, o galit?Hindi ko kayang pigilin ang aking sarili. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit doon ako nakasakay?" Tanong ko sa utal-utal na boses, hinahangad na kahit papaano ay maipaliwanag ko ang sarili ko. Nakatingin siya sa akin ng matalim, ang mga mata niyang puno ng galit. Siguro kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa ako nakabulagta sa sahig."Why am I asking? I clearly saw you flirting with that fvcking guy!" Sabay banggit ng pangalan ng lalaki. Nagngangalit ang kanyang ba

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 26

    MARiA POV's Sunod sunod na katok ang nag pagising sa akin napatingin ako sa side table at nakita kong alas nuebe na ng umaga. Napapikit pa ako at tanghali na pala naririnig ko narin ang galit na boses ni jhon sa labas ng pinto habang paulit ulit itong kinakatok!. "Saglit lang!" Sambit ko at tumayo ngunit napangiwi ako sa sakit dahil ramdam kong kumirot ang maselang parte ng aking katawan at dun ko naalala ang nangyare kagabi, hindi ko alam pero bigla nalang napatulo ang luha ko ng maalala ang sinapit ko kagabi. "Damn you! You are not a queen to wake up like that!" Galit na sambit nito sa pasigaw na boses Unti unti akong lumapit sa pinto upang pag buksan ito, nabungaran ko syang nakakunot ngunit agad ding nawala dahil napalitan ito ng nakakalokong ngiti bago napatingin sa aking kabuuan at dun ko napag tanto na isang manipis na tela lang pala ang suot ko dahil sa pagod at sakit na naramdaman ko kagabi ni hindi ko na nagawang mag linis at mag ayos ng gatawan. "Do you want me t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status