Share

Chapter 5

Penulis: Thunder Hellion
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-21 05:01:30

MARIA'S POV

Ngayong araw na ang nakatakdang pag-alis ko. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakadagan sa aking dibdib habang tinitingnan ang paligid ng aming munting tahanan. Sa unang pagkakataon, kailangan kong iwan si Nanay. Hindi pa man ako lumalayo, parang gusto ko nang umatras. Pero hindi pwede. Kailangan kong gawin ito para sa kanya.

Lumingon ako kay Nanay, nakaupo siya sa lumang silya sa may beranda habang mahinang hinihipan ng hangin ang kanyang buhok. Sa kabila ng kanyang matapang na mukha, alam kong nalulungkot din siya.

"Nay, sigurado po ba kayong kaya niyo dito nang mag-isa?" tanong ko, pilit na pinapatatag ang sarili.

Ngumiti siya, pilit ngunit puno ng pagmamahal. "Ano ka ba, anak? Maayos ako rito. At nandiyan naman si Linda," sagot niya, sabay turo kay Manang Linda, ang aming mabait na kapitbahay.

Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Alam kong maaasahan namin si Manang Linda, pero hindi pa rin maiwasan ng puso kong mag-alala.

Humugot ako ng malalim na hininga at lumapit kay Nanay para yakapin siya nang mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

"Nay, mag-iingat po kayo, ha?" bulong ko habang pilit na tinatago ang namumuong luha sa aking mga mata.

"Huwag mo akong alalahanin, anak. Mas dapat mong isipin ang sarili mo roon. Maging maingat ka rin," sagot niya bago hinaplos ang aking buhok.

Nang lumingon ako kay Manang Linda, tumango siya bilang pagsuporta. Alam kong kahit papaano, hindi niya pababayaan si Nanay.

Sa wakas, nagawa ko nang lumakad palayo, pero pakiramdam ko ay ang bigat ng bawat hakbang ko. Nang makalabas ako, nakita kong naghihintay na si Manang Lena sa kanyang sasakyan. Siya ang maghahatid sa akin sa lugar kung saan ako magtatrabaho bilang yaya.

Paglapit ko, napansin niyang parang alanganin pa rin ako. "Handa ka na ba, Ria?" tanong niya na may kasamang tipid na ngiti.

Hindi ako agad sumagot. Sa halip, isang mahina ngunit may pilit na ngiti lang ang itinugon ko bago pumasok sa loob ng sasakyan.

May kalumaan na ang sasakyan ni Manang Lena, ngunit malinis at mabango ito sa loob. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang naghihintay sa akin sa aking bagong trabaho. Matagal akong tahimik bago biglang nagsalita si Manang Lena.

"Oh, Ria, huwag mong kalilimutan ang sinabi ko, ha? Iba ang itsura ng aalagaan mo. Lahat ng naging yaya niya bago ikaw, natakot at agad na umalis. Hindi naman siya nananakit, sadyang maarte lang talaga 'yung mga nauna sa iyo. Akala mo naman ang gaganda nila, che!" may halong inis ang tono ng boses niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Opo! Mabuti na rin sigurong natakot sila, Manang," sagot ko nang wala sa sarili.

Napakunot-noo siya. "Bakit mo naman nasabi 'yan? Sa tingin mo ba, salbahe 'yung bata?" tanong niya na may bahagyang pagtataka sa mukha.

Napatawa ako nang mahina bago sumagot. "Hindi naman po. Pero kung hindi sila umalis, edi wala akong trabaho ngayon!" sagot ko na may kasamang biro.

Napangiti na rin siya. "Tama ka diyan, Ria. Swerte mo nga't may nagbukas na oportunidad para sa iyo."

Hindi ko na alam kung gaano katagal ang aming biyahe. Parang lumipas ang ilang oras, minuto, o segundo nang hindi ko namamalayan. Ang tanging napansin ko lang ay biglang huminto ang sasakyan sa isang malawak at tila liblib na lugar. Napalunok ako nang makita ang matatayog na punong nakapalibot sa paligid.

"Naku, Manang... wala bang aswang dito?" biro kong tanong na may kasamang tawa, pero sa totoo lang, may bahagyang kaba akong nararamdaman.

Natawa si Manang Lena. "Sira ulo ka talaga, Ria!" umiling-iling siya habang natatawa.

Maya-maya, seryoso na ulit ang tono niya. "Oh siya, aalis na ako. Ikaw na lang ang tutuloy," aniya.

Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko. "Ha? Manang, hindi niyo ba ako sasamahan kahit sandali lang sa loob?" nagmamaktol kong tanong.

Umiling siya. "Hindi na, Ria. Ayaw niya ng ibang presensya sa paligid. Ayaw rin niyang nakikita siya ng ibang tao," paliwanag niya.

Hindi ko napigilang mapahinga nang malalim. Mukhang mapapalaban ako rito.

Napansin ni Manang Lena ang ekspresyon ko at marahang hinaplos ang aking balikat. "Mag-ingat ka, Ria. Sana magtagal ka sa trabaho mo," malambing niyang paalala.

Tumango ako bago nagbuntong-hininga. "Salamat, Manang."

Pagkababa ko ng sasakyan, tinanaw ko ang malaking bakal na gate sa aking harapan. Sa likod nito, nandoon ang mansyon kung saan ako magtatrabaho.

Napatingin ako kay Manang Lena, pero nakita kong papalayo na ang kanyang sasakyan.

"Okay, Ria... kaya mo 'to," bulong ko sa sarili bago lumapit sa gate.

Sa harapan, nakatayo ang isang seryosong gwardya na walang imik, animo'y hindi tinatablan ng lamig o init. Huminga ako nang malalim bago ngumiti at lumapit sa kanya.

"Magandang araw po," bati ko.

Hindi siya agad sumagot. Sa halip, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang sinusuri kung may karapatan akong pumasok.

Napakagat-labi ako at muling nagtanong. "Uh… dito po ako para sa trabaho bilang yaya."

Sa wakas, bumuka ang kanyang bibig. "Pumasok ka."

Kasabay ng paglangitngit ng gate habang bumubukas ito, naramdaman kong parang may bumalot na kakaibang pakiramdam sa paligid.

Ito na.

Ang simula ng isang bagong yugto sa buhay ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 31

    MARIA’S POVNgayon ang araw ng operasyon ni Jhon. Aabutin daw ng ilang buwan bago siya makalabas ng ospital, at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko tungkol doon. Dapat ba akong matuwa dahil hindi ko muna siya makikita, o malungkot dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya pagkatapos ng lahat ng ito?Alam kong hindi rin naman niya ako gustong makasama roon, kaya nagdesisyon akong hindi na sumama. Alam kong kahit anong gawin ko, hindi niya ako hihilinging manatili sa tabi niya. Kaya nagdahilan na lang ako sa mommy niya na masama ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at naniwala siya."Hindi ka na ba talaga sasama, Ria?" tanong ng mommy ni Jhon, may bahagyang pag-aalala sa kanyang boses.Napangiti ako, pilit na itinago ang lungkot sa loob ko. "Masama po kasi ang pakiramdam ko, kaya mas mabuting maiwan na lang ako. Saka wala rin naman po akong maitutulong doon," sagot ko, kasabay ng kunwaring pagsimangot."Ganun ba? Sige, magpagaling ka ha! Para pagbalik ni Jhon at magaling na

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 30

    Maria's POVNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may malamig na tubig na dumampi sa aking balat. Bigla akong kinabahan nang makita kong nakangising nakatayo si Jhon habang may hawak na balde—na ngayon ay wala nang laman."Kailan ka ba magsasawang pahirapan ako?" sambit ko habang unti-unting tumatayo. Ngumisi lang siya bago nagsalita."Until you are here! So go away!" malamig niyang sagot, walang kahit anong emosyon.Iyan ang palagi niyang sinasabi—palagi niya akong pinalalayas. Pero nangako ako sa mommy niya na hindi ko siya susukuan at hindi ko siya iiwan. Kaya paninindigan ko ang pangakong iyon."Hindi ako aalis dahil mag-asawa na tayo!" matigas kong sagot.Nagulat na lang ako nang bigla niya akong tinulak, dahilan ng pagtumba ko sa kama—na ngayon ay basang-basa na. Pinilit niyang tanggalin ang aking saplot bago ako sapilitang pinadapa. At kasunod noon, ginawa na naman niya ang marahas na bagay na palagi niyang ginagawa sa akin—ginamit na naman niya ang aking katawan.Sa

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 29

    MARIA POVIsang buwan ang mabilis na lumipas, ngunit wala pa ring nagbabago sa pakikitungo sa akin ni Jhon. Sa halip, habang tumatagal, lalo pang lumalala ang kanyang pagtrato sa akin. Sa harap ng ibang tao, isa siyang mabait at magalang na lalaki, ngunit sa tuwing kami na lamang ang magkasama, bumabalik ang kanyang pagiging malamig at marahas. Pakiramdam ko, unti-unti akong nawawalan ng pagkatao sa piling niya.Matapos niyang kumain, ako naman ang sumunod. Nasa harap ako ng kusina, tahimik na kumakain mag-isa. Nasasanay na rin ako sa ganitong routine araw-araw—isang piging ng katahimikan at pag-iisa. Isang kutsarang kanin ang isinusubo ko nang marinig ko ang isang boses mula sa aking likuran. Napapitlag ako sa gulat.Laking gulat ko nang makita si Madam, ang ina ni Jhon, nakatayo roon na may matalim at mapanuring tingin. Kunot-noo niya akong tinitigan bago nagtanong."What are you doing? Why are you eating there?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.Bago pa

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 28

    Maria's Pov Bagsak ang balikat ko habang tinutungo ang aking kwarto, ramdam ko ang bigat ng pagod sa buong katawan ko. Isang mahaba at nakakapagod na araw na naman ang lumipas. Ang nais ko lang ay mahiga at makatulog nang maayos, makalimutan kahit saglit ang bigat ng mundo. Ngunit mukhang malayo pa iyon sa realidad. Matapos maglinis ng katawan, agad akong humiga, umaasang makakatulog nang mahimbing. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakapikit, may narinig akong katok sa pinto. Napakunot ang noo ko. Alas nuwebe na ng gabi—sino pa ang may kailangan sa akin sa ganitong oras? Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang malamig niyang titig. "May ipag-uutos ka pa ba?" tanong ko sa mahina ngunit magalang na tinig, pilit na itinatago ang aking pagod. "Massage me," malamig niyang sagot, walang bahid ng pakikiramay sa tono. Napalunok ako. "Pero pagod na ako," sagot kong may halong pagmamakaawa. Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang ganitong paulit-ulit na sitwasyon

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 27

    MARiA POVIsang malutong na sampal ang sumalubong sa akin nang makaalis ang nag-deliver ng tubig. Ni hindi man lang niya tinanong kung bakit doon ako sumakay, basta na lang niya akong sinaktan nang hindi nagtataka o nagtatanong.Agad na tumulo ang mga luha ko nang dumapo ang kanyang kamay sa aking pisngi. Tahimik akong umiiyak habang siya ay walang emosyon, nakatingin lang sa akin. Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ako ng kamay, at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—takot ba, sakit, o galit?Hindi ko kayang pigilin ang aking sarili. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit doon ako nakasakay?" Tanong ko sa utal-utal na boses, hinahangad na kahit papaano ay maipaliwanag ko ang sarili ko. Nakatingin siya sa akin ng matalim, ang mga mata niyang puno ng galit. Siguro kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa ako nakabulagta sa sahig."Why am I asking? I clearly saw you flirting with that fvcking guy!" Sabay banggit ng pangalan ng lalaki. Nagngangalit ang kanyang ba

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 26

    MARiA POV's Sunod sunod na katok ang nag pagising sa akin napatingin ako sa side table at nakita kong alas nuebe na ng umaga. Napapikit pa ako at tanghali na pala naririnig ko narin ang galit na boses ni jhon sa labas ng pinto habang paulit ulit itong kinakatok!. "Saglit lang!" Sambit ko at tumayo ngunit napangiwi ako sa sakit dahil ramdam kong kumirot ang maselang parte ng aking katawan at dun ko naalala ang nangyare kagabi, hindi ko alam pero bigla nalang napatulo ang luha ko ng maalala ang sinapit ko kagabi. "Damn you! You are not a queen to wake up like that!" Galit na sambit nito sa pasigaw na boses Unti unti akong lumapit sa pinto upang pag buksan ito, nabungaran ko syang nakakunot ngunit agad ding nawala dahil napalitan ito ng nakakalokong ngiti bago napatingin sa aking kabuuan at dun ko napag tanto na isang manipis na tela lang pala ang suot ko dahil sa pagod at sakit na naramdaman ko kagabi ni hindi ko na nagawang mag linis at mag ayos ng gatawan. "Do you want me t

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 25

    (SPG18+) MARiA POV's Nang matapos na akong maligo mag suot lang ako ng manipis na tela upang matakpan ang aking kabuuan. Yun kasi ang sabi ni Jhon kanina kaya sinunod ko nalang para hindi na sya magalit. Dahil sa ginawa ko naligtas ko si Nanay kaya kung ano man ang consequences na magaganap tatanggapin ko wag lang mawala si Nanay. Hindi ko pinag sisisihan ang naging desisyon ko kahit labag sa loob ko dahil yun ang dapat!. Kumatok muna ako sa kanyang kwarto bago pumasok, hindi ako nakarinig ng kahit ano mang ingay kaya pinili kong buksan nalang ang pinto nakita ko syang nakaharap sa mini table habang nakatuon ang attention sa laptop. Nang naramdaman nya ang prisensya ko itinigil nya ang kanyang ginagawa at humarap sa akin hindi ko alam pero mula ng ikasal kami natatakot ako sa pinapakita nyang awra. "Ahh Jhon, kailangan ba nating gawin to?" Lakas loob kong tanong baka kasi mag bago pa ang isip nya. Napahawak sya sa kanyang baba na parang nag iisip bago tumayo at lumapit

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 24

    NARRATOR'S POVWalang nangyaring enggrandeng kasal sa simbahan. Bagkus, isang pirmahan lang ito—walang bulaklak, walang musika, at higit sa lahat, walang pagmamahal. Isang papel ang inabot sa kanila, at nang lumagda si Jhon, doon pa lang niya tuluyang naramdaman ang bigat ng desisyon ng kanyang mga magulang. Wala siyang nagawa.Pinirmahan din ni Maria ang dokumento, ngunit ramdam niya ang malamig na aura ng lalaking pinakasalan niya. Hindi niya inasahan na ganito ang magiging simula ng kanyang buhay may-asawa. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, isang mapait at mapanuksong ngiti ang bumakas sa labi ni Jhon."Get ready, darling," bulong nito sa kanya habang lumalapit sa tainga niya. "I will make your life a living hell."Napasinghap si Maria sa takot. Walang alinlangang boses. Walang emosyon sa mukha ng lalaking ngayon ay asawa na niya. Ngunit kahit nanginginig sa kaba, hindi siya nagpahalata. Sa kabila ng kanyang takot, nanatili siyang nakaupo nang tuwid habang ang iba ay masayang bu

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 23

    MARIA'S POVIlang araw na ang lumipas, hindi ko pinahalata ang nangyari kay Nanay at kahit isa sa kanila, wala akong pinag­sabihan. Kanina ko pa hinahanap si Jhon, ngunit hindi ko siya makita. Saan na naman kaya nagpunta ang isang ‘yon? Akala mo kabuti—kapag hindi mo hinahanap, saka biglang susulpot.Naglalakad ako sa sala nang makita kong may kasamang magandang babae si Supremo, ang ama ni Jhon. Sabay silang naglalakad habang magkahawak-kamay. Naku, babaero din pala ang daddy niya! Haha!Parang isang modelo ang babaeng naglalakad patungo sa bukana ng kabahayan. Sumusunod sa bawat paghakbang niya ang alon ng kanyang mahaba at magandang buhok. Pinagbuksan siya ng pinto ni Supremo, habang ako naman ay nakatitig lang sa babae.Sh*t, ang ganda niya! Ang kutis niya, parang hindi man lang nadadapuan ng alikabok. Wahh!"If I'm not mistaken, you are Maria, right?" aniya habang malawak ang pagkakangiti.Napapitlag ako nang mapagtantong nasa harapan ko na pala sila ni Supremo. Bigla akong nakar

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status