Share

Chapter 3

Penulis: Thunder Hellion
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-21 05:01:04

Zenxuie Rey Nathaniel John’s POV

"I said I don’t need a nanny!" galit kong sigaw nang makita kong may paparating na naman na bagong yaya.

Sapat na ang mga maids at si Yaya Rosa dito sa bahay—bakit ba kailangang magdagdag pa? Ang kulit talaga ni Mom! Tsk!

"Hijo, sana maintindihan mo ang mommy mo. Matanda na ako, at hindi ko na kaya ang ibang gawain ko," ani Yaya Rosa. Napasabunot na lang ako sa buhok ko nang marinig ang sinabi niya.

"But Yaya—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis niya akong pinutol.

"Kung hindi ka tatanggap ng ibang yaya, hijo, mapapaaga ang buhay ko. Gusto mo ba 'yon?" tanong niya, dahilan para agad akong umiling nang ilang ulit.

Ayaw ko ng ibang yaya dahil lahat ng pumapasok dito natatakot sa itsura ko! Ilang beses ko nang sinabi kay Mom na hindi ko kailangan ng yaya, pero ang kulit niya. Ginagawa pa akong bata! Tsk!

"Okay, fine!" inis kong pagpayag, sabay talikod at tinungo ang aking silid. Pero bago pa ako makalayo, narinig kong nagsalita si Mom.

"Intindihin mo na lang siya, Malia. Nakikita kong paano siya pangilagan ng mga maids dito. Kaya siguro ayaw niya ng ibang kasama maliban sa akin," ani Yaya kay Mom. Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Mom dahil tumalikod na ako.

Ilang sandali ang lumipas, nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok. Ilang araw lang kasi ang itinagal ng huling yaya na kinuha nila dito—agad din itong umalis. Tsk. Malamang, natakot na naman sa akin. Kaya nga ayaw kong may ibang tao rito, dahil parang naiinsulto ako sa paraan ng pagtitig nila sa akin. Padabog akong tumayo at binuksan ang pinto.

"What?" pagalit kong tanong, ngunit nagulat ako nang si Mom ang bumungad sa akin.

Nataranta ako. Akala ko kasi isa sa mga maid ang kumatok, pero nagkamali ako. Nakatingin lang siya ng seryoso sa akin habang ako ay hindi mapakali dahil nasigawan ko siya! This is the first time I yelled at my mom, kaya nabigla ako.

"How are you, son? Aren’t you bored here? Maybe you want to go out?" ani Mom. Ayan na naman siya sa pangungulit na lumabas ako.

Mula nang bumalik ako sa bahay na 'to—o bahay nga bang matatawag?—hindi ko na sinubukang lumabas. Ayaw kong maulit ang nangyari 16 years ago. Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot.

"Mom, we already talked about that," may halong inis kong sabi.

"But—" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad ko siyang pinutol.

"I will not change my decision, Mom!" malamig kong tugon.

Alam kong iniisip lang nila ang kapakanan ko, pero sana naman, isipin din nila kung paano ako tingnan ng ibang tao—na para bang isa akong halimaw. Minsan, napapaisip ako kung bakit hindi normal ang itsura ko.

Napabuntong-hininga na lang si Mom, saka lumapit at humalik sa akin bago tuluyang umalis. Nabalitaan ko rin ang nangyayari sa labas—ang pagkawala ng kambal kong si Alia, hanggang sa nalaman naming buhay pa siya at may sarili nang pamilya.

"Ako kaya, magkakaroon pa ng isang masayang pamilya?" tanong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Natawa ako ng pagak nang makita ko ang repleksyon ko.

"No one will love you because you are a monster!" sigaw ko sa sarili ko habang nagwawala.

Sunod-sunod na pagkatok ang narinig ko. Base sa boses, si Yaya Rosa iyon.

"Hijo, anong nangyayari diyan?" may halong pag-aalalang tanong niya.

"Linda, kunin mo yung susi sa kwarto ko, sa tapat ng salamin. Bilisan mo!" utos ni Yaya.

Na-lock ko kasi ang pinto at hindi ko alam na may duplicate key pala siya. Pinagsusuntok ko ang pader hanggang sa may nakita akong umaagos na pulang likido. Hindi ko naramdaman ang sakit. Mas masakit pa rin ang trato ng ibang tao sa akin—na parang isa akong halimaw.

"Wahhh!" malakas kong sigaw habang patuloy kong pinagsusuntok ang pader.

"Hijo, anak, huminahon ka!" pagpapaamo ni Yaya sa labas ng pinto.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa ganoong sitwasyon. Namalayan ko na lang na bukas na ang pinto, at nakita kong humahagibis patungo sa akin si Yaya. May halong pag-aalala ang mukha niya.

Alam kong naaawa lang sila sa akin. Tsk. Bukod doon, malaki rin ang pasahod ni Mom sa kanila, kaya siguro nagtitiis silang kasama ako.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 31

    MARIA’S POVNgayon ang araw ng operasyon ni Jhon. Aabutin daw ng ilang buwan bago siya makalabas ng ospital, at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko tungkol doon. Dapat ba akong matuwa dahil hindi ko muna siya makikita, o malungkot dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya pagkatapos ng lahat ng ito?Alam kong hindi rin naman niya ako gustong makasama roon, kaya nagdesisyon akong hindi na sumama. Alam kong kahit anong gawin ko, hindi niya ako hihilinging manatili sa tabi niya. Kaya nagdahilan na lang ako sa mommy niya na masama ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at naniwala siya."Hindi ka na ba talaga sasama, Ria?" tanong ng mommy ni Jhon, may bahagyang pag-aalala sa kanyang boses.Napangiti ako, pilit na itinago ang lungkot sa loob ko. "Masama po kasi ang pakiramdam ko, kaya mas mabuting maiwan na lang ako. Saka wala rin naman po akong maitutulong doon," sagot ko, kasabay ng kunwaring pagsimangot."Ganun ba? Sige, magpagaling ka ha! Para pagbalik ni Jhon at magaling na

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 30

    Maria's POVNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may malamig na tubig na dumampi sa aking balat. Bigla akong kinabahan nang makita kong nakangising nakatayo si Jhon habang may hawak na balde—na ngayon ay wala nang laman."Kailan ka ba magsasawang pahirapan ako?" sambit ko habang unti-unting tumatayo. Ngumisi lang siya bago nagsalita."Until you are here! So go away!" malamig niyang sagot, walang kahit anong emosyon.Iyan ang palagi niyang sinasabi—palagi niya akong pinalalayas. Pero nangako ako sa mommy niya na hindi ko siya susukuan at hindi ko siya iiwan. Kaya paninindigan ko ang pangakong iyon."Hindi ako aalis dahil mag-asawa na tayo!" matigas kong sagot.Nagulat na lang ako nang bigla niya akong tinulak, dahilan ng pagtumba ko sa kama—na ngayon ay basang-basa na. Pinilit niyang tanggalin ang aking saplot bago ako sapilitang pinadapa. At kasunod noon, ginawa na naman niya ang marahas na bagay na palagi niyang ginagawa sa akin—ginamit na naman niya ang aking katawan.Sa

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 29

    MARIA POVIsang buwan ang mabilis na lumipas, ngunit wala pa ring nagbabago sa pakikitungo sa akin ni Jhon. Sa halip, habang tumatagal, lalo pang lumalala ang kanyang pagtrato sa akin. Sa harap ng ibang tao, isa siyang mabait at magalang na lalaki, ngunit sa tuwing kami na lamang ang magkasama, bumabalik ang kanyang pagiging malamig at marahas. Pakiramdam ko, unti-unti akong nawawalan ng pagkatao sa piling niya.Matapos niyang kumain, ako naman ang sumunod. Nasa harap ako ng kusina, tahimik na kumakain mag-isa. Nasasanay na rin ako sa ganitong routine araw-araw—isang piging ng katahimikan at pag-iisa. Isang kutsarang kanin ang isinusubo ko nang marinig ko ang isang boses mula sa aking likuran. Napapitlag ako sa gulat.Laking gulat ko nang makita si Madam, ang ina ni Jhon, nakatayo roon na may matalim at mapanuring tingin. Kunot-noo niya akong tinitigan bago nagtanong."What are you doing? Why are you eating there?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.Bago pa

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 28

    Maria's Pov Bagsak ang balikat ko habang tinutungo ang aking kwarto, ramdam ko ang bigat ng pagod sa buong katawan ko. Isang mahaba at nakakapagod na araw na naman ang lumipas. Ang nais ko lang ay mahiga at makatulog nang maayos, makalimutan kahit saglit ang bigat ng mundo. Ngunit mukhang malayo pa iyon sa realidad. Matapos maglinis ng katawan, agad akong humiga, umaasang makakatulog nang mahimbing. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakapikit, may narinig akong katok sa pinto. Napakunot ang noo ko. Alas nuwebe na ng gabi—sino pa ang may kailangan sa akin sa ganitong oras? Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang malamig niyang titig. "May ipag-uutos ka pa ba?" tanong ko sa mahina ngunit magalang na tinig, pilit na itinatago ang aking pagod. "Massage me," malamig niyang sagot, walang bahid ng pakikiramay sa tono. Napalunok ako. "Pero pagod na ako," sagot kong may halong pagmamakaawa. Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang ganitong paulit-ulit na sitwasyon

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 27

    MARiA POVIsang malutong na sampal ang sumalubong sa akin nang makaalis ang nag-deliver ng tubig. Ni hindi man lang niya tinanong kung bakit doon ako sumakay, basta na lang niya akong sinaktan nang hindi nagtataka o nagtatanong.Agad na tumulo ang mga luha ko nang dumapo ang kanyang kamay sa aking pisngi. Tahimik akong umiiyak habang siya ay walang emosyon, nakatingin lang sa akin. Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ako ng kamay, at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—takot ba, sakit, o galit?Hindi ko kayang pigilin ang aking sarili. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit doon ako nakasakay?" Tanong ko sa utal-utal na boses, hinahangad na kahit papaano ay maipaliwanag ko ang sarili ko. Nakatingin siya sa akin ng matalim, ang mga mata niyang puno ng galit. Siguro kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa ako nakabulagta sa sahig."Why am I asking? I clearly saw you flirting with that fvcking guy!" Sabay banggit ng pangalan ng lalaki. Nagngangalit ang kanyang ba

  • Married to a Heartless Ugly Billionaire   Chapter 26

    MARiA POV's Sunod sunod na katok ang nag pagising sa akin napatingin ako sa side table at nakita kong alas nuebe na ng umaga. Napapikit pa ako at tanghali na pala naririnig ko narin ang galit na boses ni jhon sa labas ng pinto habang paulit ulit itong kinakatok!. "Saglit lang!" Sambit ko at tumayo ngunit napangiwi ako sa sakit dahil ramdam kong kumirot ang maselang parte ng aking katawan at dun ko naalala ang nangyare kagabi, hindi ko alam pero bigla nalang napatulo ang luha ko ng maalala ang sinapit ko kagabi. "Damn you! You are not a queen to wake up like that!" Galit na sambit nito sa pasigaw na boses Unti unti akong lumapit sa pinto upang pag buksan ito, nabungaran ko syang nakakunot ngunit agad ding nawala dahil napalitan ito ng nakakalokong ngiti bago napatingin sa aking kabuuan at dun ko napag tanto na isang manipis na tela lang pala ang suot ko dahil sa pagod at sakit na naramdaman ko kagabi ni hindi ko na nagawang mag linis at mag ayos ng gatawan. "Do you want me t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status