Share

Chapter 7

"Ma'am, inumin niyo raw po ito sabi ni sir." Inabot sa akin ni Manang Fe ang inumin na kung hindi ako nagkakamali ay pampatanggal ng kalasingan.

Kinuha ko ito mula kay Manang. "Thank you po." Saad ko saka sinimulan ang paghigop.

"Nais kang kausapin, hija. Baka maya-maya ay puntahan kana no'n rito." Tukoy niya kay Kiel.

Nang marating namin ang bahay, agad niyang inutos kay Manang Fe na dalhin ako sa kwarto ko. Akala ko nga ay siya ang gagawa no'n pero mukhang kinokontrol niya ang sariling mainis sa akin. Hindi man lang nga niya ako nilingon pagkabigay niya sa akin kay Manang.

"Opo, manang. Salamat po at pasensya na po pala. Nagalit ho ba sainyo?" Nakangusong tanong ko.

"Pagkauwi galing trabaho tinanong niya kung kumain ka na, sinabi ko, oo hija. Akala ko ay hindi na niya malalaman ang pag-alis mo ngunit nagtaka siya nang makita na wala si Remy. Kaya pinuntahan ka sa kwarto mo at nakitang wala ka rito." Tukoy niya sa kwarto ko kung nasaan kami ngayon. "Matapos no'n, nagtanong na siya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status