"I heard from Kiel you're going to study business management, darling?" tanong ni mommy, habang ginigiya ako paupo sa gilid.Hindi nga kami nagkamali ni Kiel. Mom organized a simple welcome party for me in our company's conference room.Pinakilala rin nila ako sa mga kasosyo nila at ilang mga empleyado, bago simulan ang kainan. Most of the people were welcoming and had a good aura. Kaya ang kabang kanina ko pang nararamdaman ay tuluyan nang naglaho ngayon."Yes mom. Magsisimula po akong mag-aral next month. Kiel organized everything… kaya medyo hindi naman na po ako nahirapan pa. I'm just looking forward to what my college life would be again, now that I'm in a different course," ngumiti ako at saka uminom ng wine. "You sure? You're really going to study business?" pagdududa niya.Alam kasi ni mommy na hate na hate ko talaga ang mga business-related stuff. Kaya paniguradong hindi niya pa rin naproseso ngayon ang mga plano ko."I'm sure, mom. Besides, I also want to help you and dad.
Wala naman kaming naabutan na taong nakatingin sa amin matapos nang naging halikan, kaya nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad papuntang conference room na parang walang nangyari. "Ma'am, they are already here," ani ng secretary ni mommy. Sinalubong kami ng ngiti ni mommy at tinanong kung bakit bigla kaming nawala. Nagkatinginan kami ni Kiel. Tila nag-uusap gamit ang mga mata kung sino ang magsasalita. Sa huli, siya rin ang sumagot kay mommy. "May inasikaso lang pong mga papeles, mommy," aniya kay mom.Ngumisi siya pagkatapos. Proud na proud ata sa ginawang pagtawag kay mommy. Panigurado rin na nagkukumahog na ang puso niyan sa saya dahil hinayaan siya ni mommy sa pagtawag nang gano'n. Ikaw ba naman, favorite na favorite ata siya ng mga magulang ko, eh!Napairap ako sa kanyang inasta. Mas lalo tuloy na lumawak ang ngisi niya nang makita ang pag-irap ko. Besides ang pag-irap kong 'yon ay hindi dahil sa naging tawag niya kay mommy, bagkus sa naging palusot niya!My God, mommy. Kung
"Try tracking the gadgets you've got." rinig kong ani Kiel sa kaniyang kausap sa cellphone. We've been staying here at his office for hours. May mga in-assign siyang gawain sa akin para raw masanay na ako at hindi na masyadong manibago kapag pumasok na ako sa business industry.He's given me only simple tasks for the past weeks. Sabi niya ay kailangan ko munang gamayin ang mga simple tasks before going through the hardest ones. I agree with that because it's true, though. We must always not rush things, everything has to go to a process. At sa kabutihang palad, so far, nagagawa ko naman nang maayos ang lahat ng pinapagawa ni Kiel."Fine. Inform me if you have any leads." That's the last word I heard from Kiel before he ended the call.Nang maibaba ni Kiel ang tawag, agad ko siyang nilapitan. I sat on his lap.I heard him groan before kissing my lips."What is it?" tanong niya nang mapansin ang kuryuso kong tingin.I curled my lips, "You look so stressed lately. I'm just wondering if
"Kiel, can you go with me to the pharmacy later? I'll just buy something," sabi ko habang nakasandal sa dibdib niya.We were lying in bed, parehong hindi pa rin gustong bumangon. Yesterday, I was about to tell him about my possibility of being pregnant. However, I wasn't able to do it, so we ended up making love in bed instead. Pagod na pagod ang katawan ko dahil sa ilang ulit naming ginawa kagabi. He kissed my lips. "Why? Are you not feeling well? We can go directly to the hospital right now," nag-aalalang ani niya habang hinahaplos ang mga kamay ko.Umiling ako. "I'm fine. Promise. I just wanted to make sure of something before telling you." Nangunot ang kaniyang noo sa sinabi ko. Nginitian ko lamang siya. Bumuntong-hininga naman siya sa tinuran ko, at saka ako hinalikan sa sentido."I'll come with you, then," kinagat niya ang kaniyang labi. "Damn, you're making me nervous. What time are we going out?" "By ten o'clock maybe?"Tumango siya. "Okay. I'm gonna prepare our breakfast
I know we are already married pero ibang usapan iyon. We were married before because we needed Kiel for the sake of our business. But right now, we want to be married because we both love each other. At gano'n naman talaga dapat, 'di ba? We should marry someone we truly love because at the end of the day, they will be our companion in everything we do and decisions we make. Sila ang makakasama natin habang buhay. Kaya mahalaga na kung ikakasal tayo, dapat doon sa taong nakikita natin na makakasama natin through ups and downs and until our very last breath. We shouldn't tie ourselves to someone we don't love dahil sa huli, tayo lang ang magdurusa."Don't think I'm marrying you again because I impregnate you. I want to marry you because I love you, Kairylinne. I want to spend my whole life with you," saad ni Kiel sa kalagitnaan ng katahimikan."I know. I just… can't believe it's happening right now," hindi makapaniwalang sabi ko."The first time you ask me a deal to not fall in love wit
Madalas nang magtrabaho si Kiel sa mansyon. No scratch that, in my room. Pumupunta lang siya sa company if it's about meetings that cannot be done online. O kaya naman kapag required ang presensya niya. He's a workaholic to be honest but thankfully, he was able to manage his time. Kaya madalas pa rin kaming nagkikita at nagkakasama.Lalo na ngayong buntis ako. Kulang na lang ay pagtagpiin kami ni Kiel dahil halos buong araw ay magkasama kami. Ayaw niya akong iwan dahil baka raw may kailanganin ako. I told him naman that I can just call some of our maids or bodyguards but he said that he wants to be the one to do and give me what I need. Kahit two weeks pa lang ang pagbubuntis ko, sobrang nagiging maingat din si Kiel sa akin. He doesn't even want me to work nor do things. Kahit 'yung mga simple lang! "You know, I should also try to work or whatnot. Alam ko, nakakatulong din 'yun, 'no," pangungumbinsi ko.Nakahiga ako ngayon sa kama habang kumakain ng pananghalian. Si Kiel naman ay na
Nauna kaming nakarating ni Kiel sa Lila Luna. Sampung minuto ang lumipas nang sunod na dumating ang mga magulang niya. I stand up and come near them, nakipagbeso ako at yumakap. "My parents are gonna be late, ma'am. I apologized for that. They just had an urgent meeting…" I said.Ngumiti nang malawak ang mommy ni Kiel at sunod-sunod na umiling."No problem, hija. Kami naman ang nag-aya at may kailangan sa kanila. We can wait," she smiled, "And by the way, you can call us mom and dad, besides you're my son's wife," she said.I know my face is red right now. It always felt different whenever they would say that I'm Kiel's wife. I always get kilig. Inilagay ko ang konting hibla ng buhok sa likod ng tenga ko. Nahihiya. "Okay po, m-mom and d-dad," I said, shyly. I'm still blushing from ear to ear.Kiel chuckled when she noticed how red I am. He slowly leaned on me, "Don't be so obvious to my parents that you love me that much," he whispered before chuckling. "Feeling mo!" I said jokin
As he promised, he cooked me fajita parchment and Garlic Butter Steak Bites when we reached home. I was watching him cook. I sat on the counter just so I could see him and the food he cooked. "Few minutes left and it will be done," he said as he turned his gaze on me. Napansin n'ya ata ang pagiging takam ko. Sino ba naman kasi ang hindi matatakam? Sa amoy pa lamang, masarap na!Pagkasabi niya no'n, akala ko ay agad niyang ibabalik ang tingin sa niluluto pero imbis na iyon ang gawin ay inilagay niya ay binitawan niya sandok na gamit at saka sumandal sa gilid ng pinaglulutuan niya. Kasabay ng pagkrus ng kaniyang mga kamay sa dibdib habang nakangiting-asong nakatitig sa akin.I don't know what's running around his mind right now. But one thing's for sure, he's happy."What?" I raised my eyebrows. Gusto kong malaman bakit gano'n siya makatingin sa akin. Nakakapanghina.To avoid the tension, I looked away. He licked his lips and chuckled a bit with what I did before spreading his arms."