Maagang nagising si Mia ng may ngiti sa kaniyang labi, ang nangyari kahapon ay tila mas napalapit siya kay Aiden. Maraming nagsasabi na masama ang ugali niya, sarili niya lang ang inuuna niya pero hindi lang talaga nila ito kilala. Naalala niya naman tuloy ang naikwento nito sa kaniya kahapon. Ganun ba talaga kabusy ang mga magulang ni Aiden para hindi man lang nila ito masamahan sa special day niya?“Poor Aiden, hays.” Aniya saka bumangon na ng kama. Dumiretso na siya ng kusina para makapagluto ng agahan niya. Umuwi naman kagabi si Aiden matapos siya nitong ihatid mismo dito sa penthouse. Maghapon ang pamamasyal nila kagabi, pagkatapos nilang sumakay ng ferris wheel ay kumain pa silang dalawa sa labas para iyun na ang hapunan nila.Maaga pa naman at balak niya sanang linisan ang penthouse, ang kaso wala ka namang kahit kaunting alikabok na makikita.“Ipinapalinis ba niya ito kapag wala ako?” taka niyang tanong, hindi tuloy siya nakakapaglinis dito. Ng sumapit na ang oras ay lumabas
Bata pa lang siya naramdaman niya na ang hindi pagpapahalaga sa sariling ina. Ipipilit niya kung anong gusto niya para sa anak, hindi na iniisip kung ano ba talaga ang gustong gawin ng anak. Naupo siya sa sofa nang naglilinis sila sa isang kwarto. Napalingon tuloy sa kaniya si Stella. “Hoy, ano yung may nalalaman ka pang he’s kind diyan ah? Akala ko ba pagpapanggap lang ang lahat pero parang ang bilis ng mga pangyayari ah. Kailan lang nung sinasabihan mo siya ng kung ano-anong salita tapos ngayon pinupuri mo na.” “Hindi lang natin lubos na kilala si Sir Aiden pero sa alok niyang kasal, hindi pa rin ako papayag dun.” Lalong hindi papayag si Ma’am Olivia, sa isip niya na lang iyun itinuloy dahil ayaw niyang mag-alala pa ang kaibigan niya. Hindi nila alam ang kayang gawin ng isang ina pero ano nga bang klaseng pagmamahal ang ibinibigay niya para kay Aiden? Ang dami-dami na namang tanong ni Mia sa isipan niya pero hindi naman iyun masasagot. Kahit na medyo nagiging magkaayos sila ng
Tulalang naglilinis si Mia, kanina pa pabalik balik ang hawak hawak niyang feather duster. Salubong tuloy ang mga kilay ni Stella na pinapanuod ang kaibigan.“Mia, okay ka lang ba? Kanina ka pa diyan sa ginagawa mo e.” Naikurap-kurap ni Mia ang mga mata niya, muntik pang lumuha dahil sa tagal niyang hindi ipinikit iyun. Hindi niya namamalayan na napapatulala na pala siya.“Ah ano, may iniisip lang ako. Huwag mo akong alalahanin, hindi naman problema iniisip ko eh.” Matamis niyang ngiti ang iginawad niya kay Stella para hindi ito mag-alala o magtanong kung may nangyari ba.“Are you sure?”“Oo naman, para namang hindi mo ako kilala. Kapag may problema naman ako sinasabi ko kaagad sayo, alam mo namang hindi ako ganun kagaling magtago eh.” Kinindatan pa niya si Stella kaya nakumbinsi niya naman ito saka siya bumalik sa trabaho niya. Palihim na bumuntong hininga si Mia dahil inaalala niya yung nangyari kagabi.Hindi niya masyadong iniisip tungkol sa napapanaginipan niya dahil mas nangingib
Nakatitig siya sa kamay ng isang babaeng nakakapit sa braso ni Aiden, hindi niya kilala kung sino yung babae pero base pa lang naman sa pananamit niya alam mong mga taong kapantay ni Aiden. Akma na sana siyang iiwas ng mapansin na siya ni Aiden at matamis siyang nginitian. “Hi babe,” masigla pa niyang bati, napalingon tuloy sa kaniya ang mga kausap ni Aiden. Inalis ni Aiden ang pagkakahawak sa kaniya ng babae saka siya nilapitan. “Ituloy mo na lang yung ginagawa mo sa kanila, may pupuntahan lang ako.” “No, I want you to introduce to them. Let’s go,” napalingon si Aiden kay Mia dahil hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya. Tiningnan ni Mia ang itsura niya at tila nahihiya siya lalo na at naggagandahang kasuotan ang suot ng mga kasama ni Aiden. “Okay lang ako, may gagawin pa naman ako eh.” Mahina niyang saad saka niya iniyuko ang ulo niya pero iniangat iyun ni Aiden para magsalubong ang mga mata nila. “You don’t have to be shy Mia, you have your own beauty.” Wika niya saka niya hi
Ilang araw na lang ang meron si Mia para sa paghahanda niya sa birthday ni Aiden. Hindi naman siya itong celebrant pero kinakabahan siya. Minsan ay iniisip niya ring huwag na lang ituloy pero sa tuwing naiisip niyang alam ni Ace na may plano siya para kay Aiden baka magtaka naman ito kung hindi niya itinuloy.Tila pagod na naupo sa sofa si Mia, hindi niya kasi alam kung magugustuhan ba ni Aiden ang gusto niyang mangyari gayong nasanay itong wala ng nangyayari sa araw ng kaarawan niya.“Bahala na, kung hindi niya magustuhan edi hindi at kung nagustahan naman edi salamat.” Aniya pa, may plano na siya, lakas ng loob na lang ang wala siya dahil kinakabahan siya sa pwedeng mangyari sa araw na yun. Paano kung masira iyun? Imbis na memorable baka mas lalo niyang hindi magustuhan ang birthday niya. Napabuntong hininga na lang si Mia.Naupo si Stella sa tabi ni Mia na malalim na naman ang iniisip.“Iniisip mo na naman ang gagawin mo sa birthday ni Sir Aiden? Bakit ba kasi pursigido ka dun kun
“I don’t need what you have dahil una pa lang siya na ang nagpumilit na pumasok sa buhay ko. Aanhin mo ang kayamanan mo kung ni minsan hindi ka napansin ni Aiden. I don’t want to be rude but you started it. Walang wala man ako sayo, nasa akin naman ang atensyon at pagmamahal ng isang Aiden Hernandez. Subukan mong ipagmalaki sa kaniya ang mga sinasabi mo, kapag naagaw mo ang atensyon niya then congrats. Excuse me Ma’am.” sarkastiko nitong saad saka niya nilampasan si Samantha na bahagyang nakanganga ang bibig niya. Napangisi na lang si Mia, sinimulan niya kaya tatapusin niya.Maling oras na binangga niya si Mia dahil wala ito sa mood, malas niya dahil naubos ang pasensya niya ngayong maghapon dahil baka kung meron pang natitira, baka hindi niya na lang ito pinansin pa at nilampasan niya na lang.Inis na nagpapadyak sa sahig si Samantha.Lumipas pa ang ilang araw at hindi nagpakita si Mia kay Aiden. Kinakabahan siyang baka nagsumbong ang hipokreta na yun, siya na naman ang mali.Mabilis
Pumasok pa silang lahat ng umaga pero pare-pareho ng hindi nagpakita pagsapit ng tanghalian. Sa pangununa ni Mia ay pasekreto silang nag-ayos sa isang resort, balak lang sana nila itong gawin sa isang simpleng lugar pero ipinilit na ni Ace na sa kaniya na ang lugar. Nahiya rin naman si Mia dahil kung sila sanay sa kahit saang lugar pero ang mga magulang o pamilya ni Aiden ay hindi, kaya pumayag na rin sila sa huli tutal wala naman silang pera para sa pambayad ng renta sa resort.Ang ibang kaibigan ni Mia ay abala nang nagluluto, habang siya naman at si Ace ay inaayos ang pwepwestuhan nila mamaya. Kahit pwede naman silang umorder na lang ng pagkain nila ay mas gusto ni Mia na ramdam mo talaga yung effort, yung mas pinaghirapan.Kunot noo nang naglalakad si Aiden dahil kahit isa sa mga kaibigan ni Mia ay wala siyang makita, maging si Mia na kanina pa niya hinahanap ay hindi niya makita.“Where the hell is she again?” inis niya na namang tanong, tinawag niya si Raoul para ito na ang magh
Ilang taon niyang hindi naramdaman ang pagiging masaya pero ngayon tila ba naalala niya na kung paano maging masaya. Mahigpit ang yakap na iginawad niya kay Mia, hindi dahil sa pagpapanggap o kung ano mang kasunduan nila pero dahil masaya siya, masayang masaya sa nagagawa sa kaniya ni Mia na hindi nagagawa ng mga taong mas inaasahan niya.Mabilis na pinalis ni Aiden ang pumatak na mga luha sa mga mata niya, ayaw pa rin niyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman o kahit kahinaan man lang.“Thank you, thank you so much Mia. I can’t explain how happy I am, how? How did you know about my birthday at,” kumalas sa pagkakayakap si Aiden saka niya muling tiningnan ang mga magulang niyang nandito rin. “Paano mo sila napapayag sa ganitong plano?” pagtutukoy niya sa mga magulang niya. Kung sila nga kinalimutan ang kaarawan ng sariling anak tapos here they are, isa sa mga nandito.“Hindi na yun mahalaga, ang importante ay nandito sila at kompleto kayong lahat. Gusto ko lang naman na matupad mo