May kabang tumayo si Mia sa kinauupuan niya. Kilala nilang strikto pagdating sa trabaho ang Boss nila, narinig niya na rin ang usap-usapan dati na marami na itong inalis sa trabaho dahil hindi nasusunod ang gusto niya. Alam niyang hindi malabong mangyari yun sa kaniya kapag hindi siya nakinig.Minsan pa niyang sinipat ang sarili sa salamin, mukhang okay naman na. Hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan na magpakita ngayon sa Boss niya.“Let’s go Miss, Mr. Hernandez is waiting for you outside.” Ngiting wika ng babae, tipid lang na ngumiti si Mia saka sumunod sa isang babae para idala na siya kay Aiden na matyagang naghihintay sa labas. Tinanggal na nila ang isang malaking kurtina na humaharang kay Mia. Nilalaro niya ang mga daliri niya, bakit ba siya kinakabahan? Wala pa naman silang ginagawa.Abalang nagbabasa ng magazine si Aiden nang maramdaman niya ang pagtanggal ng malaking kurtina sa harapan niya kaya tiningnan niya iyun. Dahan-dahan niyang naibaba ang hawak niyang magazi
Tiningnan niya si Aiden at tila wala lang itong pakialam sa pagkatalo niya.“Let’s go home, hindi mo siya matatalo kung wala kang alam sa mga bagay na ito. Sanay na siya sa mga ganitong bagay pero ikaw puro papeles ang hawak mo sa araw-araw. Let’s go home.” Pag-aaya ni Mia kay Aiden dahil hindi niya kakayanin kapag natalo ng milyon ang Boss niya.Ngumiti lang naman sa kaniya si Aiden saka niya hinawakan ang kamay ni Mia para pakalmahin ito. Sa tuwing hinahawakan ni Aiden ang ilang parte ng katawan ni Mia ay tila may mga boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan niya mula kay Aiden.“You don’t have to worry, just trust me.” Ani nito, bagsak ang balikat ni Mia nang muling ikalat ang baraha. Nakangisi na ngayong nakatingin sa kaniya si Jaxson.Halos maubos niya na ang iniinom niya dahil pakiramdam niya nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa kaba. Kahit hindi niya alam kung paano laruin ang mga nilalaro ng mga ito ay nanuod na lang siya. Tinitingnan niya rin minsan ang expression ng mga
Lumipas ang mga araw at hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa labi ni Mia ang ngiti. Hindi dahil sa kinikilig siya sa Boss nila kundi dahil sa kabaitan nito. Mukha namang walang katotohanan ang mga sinasabi ng iba na wala siyang puso o sadyang hindi pa niya ito masyadong kilala? Wala na siyang pakialam dun, kung ano ang nakikita niya iyun ang paniniwalaan niya.“Iba talaga kapag in love ka no? hindi na mawawala ang ngiti sa labi.” Pang-aasar sa kaniya ng mga katrabaho nila.“Hindi naman, hindi naman yun ang dahilan ng pagngiti ko eh. Hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako?”“Naku, huwag kami ang lokohin mo Mia. Masaya? Masaya ka talaga dahil in love ka. Ikakaila mo pa halata naman na.” saad ni Kirsten, napailing na lang si Mia. Isipin nila ang gusto nilang isipin basta siya masaya, wala ng masyadong iniisip na problema o baka ngayon lang dahil wala pa namang paramdam ang Boss nila.Napatigil siya sa pagsubo ng kakainin niya nang mapansin niya ang pag-ilaw ng cellphone niyang nasa ib
“Kausapin mo naman ako oh, I’m sorry, kung ano man ang nagawa ko sayo I’m really sorry. Masyado lang akong nabulag sa pansarili kong kasiyahan. Mahal pa rin kita, you still love me pa naman diba? Bumalik na tayo sa dati, yung ikaw at ako lang. Please Mia.” Nagmamakaawa niyang saad, ang mga empleyadong pauwi na sana ay napahinto dahil sa narinig nila. Kaniya-kaniya na naman lang silang bulungan at panlalait kay Mia.“She’s a gold digger, ang kapal ng mukha niyang paglaruan si Sir Aiden!” inis na wika ng isang babae.Wala ka namang mababakas na kahit anong emosyon kay Mia. Blangko lang siyang nakatingin kay Jaxson.“Umalis ka na, wala kang mapapala sakin.” Akmang lalampasan na sana siya ni Mia nang bigla siyang lumuhod sa harapan ni Mia. Naikukuyom na lang ni Mia ang mga kamao niya, alam niyang hinuhusgahan na naman siya ng mga matang nakamasid sa kanila.“Saktan mo ako kung gusto mo, sigawan mo ako, bumalik ka lang sakin Mia. Tama na please, alam kong nasaktan kita pero nasasaktan na r
MIA’S POVAlam kong wala nang atrasan sa kasunduan namin ni Sir pero hindi pa rin nawawala sa akin ang kaba. Sinabi ko sa sarili kong hinding hindi ko papasukin ang mundo ng mga mayayaman dahil sa mga katulad kong babae ay mahirap silang abutin, ano lang ba ang kaya ko at laban sa kanila.Napabuntong hininga na lang ako, kailangan kong ihanda ang sarili ko. Masakit pa rin hanggang ngayon dahil sa ganitong paraan natapos ang kwento namin ni Jaxson. Siguro nga may mga dahilan ang lahat. Sa panahong pagtatrabaho ko rito ay hindi ko pa nakikita ang Mommy ni Sir Aiden at natatakot ako sa mga sinasabi pa lamang ni Sir. Kung siya hindi niya masuway ang Mommy niya o hindi niya kayang labanan, paano pa kaya ako na hindi man lang kayang ipagtanggol ang sarili ko?Kung sa Daddy niya naman, hindi ko rin naman masyadong kilala si Sir Dave. Bihira ko silang makita rito sa hotel dahil mas madalas siya sa kompanya nila Sir Aiden.Para akong lantang gulay na naglalakad dito sa hallway, ano bang dapat
“Never mind, I think I am not the one you need now.” Akma na sana siyang tatalikod nang muli niya kaming hinarap at nagulat na lang ako nang tanggalin niya ang kamay ng lalaking ito sa bewang ko na siyang nakapagpawala nang balanse ko pero mabilis ang kilos nang lalaking kasama ko.“Hey! Can’t you see? May sprain ang paa niya.” wika niya, kunot noo namang tiningnan ni Sir ang paa kong may benda pa rin. Naiiwas niya ang paningin niya sa’kin saka siya tumalikod.“Just rest now. Come to my office, Ace.” Huling saad niya, sa tingin ko iyun ang pangalan ng lalaking ito. Naiiling na natatawa na lang ang lalaking ito, ano ang nakakatawa dun?“Ihatid na lang kita, let’s go.” Tumango na lang ako, muli ko pang tiningnan si Sir Aiden na papalayo na. Anong problema nun? Bulag ba siya para hindi niya makita ang malaking benda sa paa ko. Hindi naman ako tangang babae para magpahawak sa bewang ng walang dahilan. Ano na lang iisipin ng ibang tao lalo na kung siya ang rumoured fiancé ko. Buang talaga.
Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na nga ba ako ngayong maghapon. Maaga pa lamang ay sinundo na ako ni Sir Aiden sa apartment ko. Mag-isa tuloy ni Stella’ng pumasok nang hotel. Dumating na ang araw na kailangan ko ng bayaran ang utang ko kay Sir Aiden. Pakiramdam ko mas nakakatakot pa ito kesa sa text ng bangko eh. Bakit ba ako kinakabahan? Ipapakilala lang naman niya ako ngayong gabi sa pamilya niya. Hindi naman nila siguro ako tatadtarin ng tanong diba? Baka isang simpleng dinner lang.“Let’s say that we met at the hotel like that, well you don’t have to worry ako ang sasagot kapag nagtanong sila about us. Mas maganda na yung pareho tayo ng isasagot kung sakaling ikaw na ang tanungin nila.” Pagpapaliwanag pa ni Sir Aiden, kanina pa namin pinag-uusapan ang kunwaring relasyon namin. Kung saan kami nagkakilala at kung kailan naging kami.Kailangan ba talagang isaulo ko ang lahat ng yun? Ano na lang bang gusto ng Mommy niya? Malaman ang lahat ng tungkol sa anak niya? Ayos yu
Anong klaseng pamilya ba meron ang Hernandez? Parang ramdam ko ang tension sa mga pagitan nila eh. Ibang iba sa pamilya ng mga mahihirap kapag may dumarating, maririnig mo talaga ang mga tawanan at walang hanggang kwentuhan.Ramdam ko ang titig sa akin ng babaeng katabi ni Ace at hinding hindi ako magkakamali na lingunin siya. Para kasing kinikilatis niya na ang buong pagkatao ko sa paraan ng titig niya sa akin.“Just relax, I’m here.” bahagya akong napalingon kay Sir Aiden na inilapit sa akin ang mukha niya. Napatingin tuloy sila sa amin nang hawakan ni Sir Aiden ang kamay ko at bahagya iyung pinisil. Tila mga wala namang mga pakialam ang mga lalaki, as usual.Nang dumating ang mga pagkain namin ay ipinaglagay na rin ako ni Sir Aiden nang pagkain ko sa pinggan ko. Limitado rin tuloy ang kilos ko dahil baka kaunting pagkakamali ko lang, nakatingin na ang mga mapanghusgang mga mata. I don’t want to judge them easily pero baka kasi sa mga mata nila na parang hinuhusgahan na nila ako sa