Share

Chapter 14

DADATING din ang araw na kapag nag karoon siya ng sariling pamilya, magiging obligado na siyang mag trabaho sa kusina. Pangarap niya kayang ipagluto ng masasarap na pagkain ang kanyang magiging asawa at magiging mga anak.

"Haist!" Piksi niya. Maghuhugas na nga lang siya, kung anu - ano pa ang naiisip niya.

Nag simula na nga siyang mag hugas ng mga ginamit na utensils, isusunod na lang niya mamaya ang paglilinis ng sahig dahil nag kalat doon ang mga harina at icing na ginamit niya.

"AAAHHHHH!!!!" Nag-inat si Franki ng mga bisig pagkatapos na mag linis ng kusina. Naalala niya ang bilin sa kanya ng amo. Mag luto lang daw siya ng pagkain na para lang sa kanya mamayang hapunan, dahil marami siyang na baked na cupcakes iyon na lang ang kakainin niya mamaya.

"Maka idlip na nga muna, masakit na ang panga ko kakahikab," pabagsak na inihiga niya ang pagal na katawan sa malambot na sofa. Dala siguro ng pagod, kaya agad naman siyang nakatulog.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status