Share

Chapter 51

"ANG mahalaga ay uuwi na siya." Sagot ni Mabel na kinuha sa kamay nang asawa ang dala nitong brown attache case.

Naupo si Francine sa isang sofa na katapat nang kinauupuan nang ama.

"Kung gusto mo po dad, bukas sunduin natin si Franki." Sabad ni Francine.

Panabay na napatingin ang mag-asawa sa dalaga.

"Bakit? Alam mo ba kung saan natin makikita ang kapatid mo?" tanong ni Frederico.

"Yes, dad," pag- amin ni Francine. "Magkasama sila ni Argel Montero sa iisang bahay."

"Ano?!" Biglang tayo sa kinauupuan niya si Frederico. Nakamata lang naman dito ang asawang si Mabel. "Anong ibig mo sabihin? nagtanan ang dalawa?"

"Hindi naman sa ganoon dad." Agad na paliwanag ni Francine. "Noong una ko siyang makita sa bahay ni Argel Montero ang akala ko nagsasama silang dalawa, pero dahil sa ayos nang kasuotan ni Franki mukhang namasukan siya bilang kasambahay nang binata."

"Kasambahay?!" Ulit nang mag - asawa.

"Namasukan bilang kasambahay ang kapa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status