Share

Chapter 11: Hiding 2

“Sige na, mag-igib ka na ng tubig,” ani Belle kay Zyrone nang nasa harap na sila ng poso. Latag na ang dilim subalit ngayon pa lang sila maliligo.

Salubong ang mga kilay nitong bumaling sa kanya. “Where’s the faucet?”

Agad na nalukot ang mukha niya. “Kuryente nga wala dito, faucet pa kaya,” nagsusungit na sabi niya bago ininaba sa harap niya ang gasera.

May bitbit siyang gasera dahil bukod sa walang kuryente si Lila Mati, may ilang metro din ang layo ng banyo mula sa main house. Tipikal iyon sa mga lumang bahay sa probinsiya na napuntahan na niya.

“So where will we get water?”

“E d’yan nga sa poso,” sabi niya, tinuro pa ang poso na halatang luma na subalit gumagana pa naman.

He looked at the manual water pump in front of him like it was a monster he needs to be afraid of.

“Hindi mo ba alam gumamit n’yan?” tanong na niya. 

<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status