Share

002

Kakaibang kilabot ang naramdaman ni Melissa ng makababa na siya ng eroplano. Isang pamilyar na lungkot ang lumukob sa dibdib niya ng maalala ang araw na huli siyang tumapak sa lugar na iyon.

'Im back...' Bulong niya sa sarili.

Sa loob ng dalawang taon na nawala siya sa bansa, marami ng nagbago. Maging siya ay ganoon din. Ni walang kahit sinong pamilyar na tao ang nag-abalang sunduin man lang siya sa airport.

Bakit nga ba siya magtataka? Sa loob ng mga panahong nasa malayo siya ay wala man lamang tumawag o nagtext sa kaniya para mangumusta. Kahit isang simpleng pagbati sa kaniyang kaarawan, o kahit pa batiin man lang siya ng simpleng 'Merry Christmas' ay tila ipinagdamot pa sa kaniya ng kaniyang pamilya.

Tila ba naglaho na siya para sa kanila.

"Miss, okay ka lang?" A voice that came from behind her took her back to reality.

"Ha? Uhm, yeah, I'm okay." Ngumiti siya sa estranghero. Ngunit mukha naman itong hindi naniwala. "Bakit?" Tanong niya ng mapansing nakatitig ito sa kaniya.

"You're crying." Walang ano-ano ay lumapit ito at pinunasan ang pisngi niya. "Let me guess, matagal kang nag-trabaho sa abroad 'no? Kaya siguro miss na miss mo na ang 'Pinas." Ngumiti ito. "By the way, I'm Jordin." Inilahad nito ang palad.

"I'm Melissa." Tinanggap niya iyon at nakipag-kamay sa babae.

"Taga-sa'n ka dito?" Magkapanabay na itinulak nila ang push cart na pinaglagyan nila ng mga bagahe.

"Bandang North pa. Ikaw?"

"South lang." Ngumiti ito.

Nang makarating na sila sa labas ng airport, naghanda na siyang magpaalam dito.

"Wala ka bang sundo?" Takang-tanong nito bago pa siya makapag-salita.

"Wala eh. Wala kasing nakakaalam na uuwi ako ngayon." Nahihiyang sabi niya.

"Ah." Tumango-tango pa ito. Maya-maya ay kapwa nila narinig ang malakas na pagtawag sa pangalan nito. Sabay silang napalingon sa gawi ng lalaking tumawag. "Oh, nandiyan na pala sundo ko." Sabi nito.

"Oo nga. O, paano?" Nginitian niya ito.

"Sige, una na ako. Nice meeting you na lang, Melissa." Kumaway na ito.

"Nice meeting you din, Jordin." Sinundan niya ito ng tingin habang naglalakad ito palapit sa direksyon ng lalaking sundo nito.

Naisip niyang marahil ay asawa nito iyon. O kaya naman ay boyfriend.

Sa naisip ay napa-buntong-hininga siya. Sa salitang iyon kasi ay hindi niya maiwasang hindi maalala si Jared.

Kumusta na kaya ang mokong na iyon? Mula ng maghiwalay sila ay kahit isang salita man lamang mula dito ay wala na siyang narinig. Marahil ay katulad ng pamilya niya, naglaho na rin siya para dito.

Muli ay napa-buntong-hininga siya. Oo at nandito na nga siya sa bayang sinilangan niya. Pero parang ang lahat ngayon ay naging estranghero na para sa kaniya.

------

Ihinagis ni Ronaldo ang lahat ng papeles na ibinigay sa kaniya ni Artemio kanina. Galit na sumigaw siya habang paulit-ulit na naaalala ang mga sinabi ng lalaki sa kaniya.

'In two months, kapag hindi ka pa nakabayad sa perang inutang mo, kukunin ko ang kalahati ng lupain mo bilang kabayaran.'

Dahil sa narinig na sigaw ng kaniyang ama ay dali-daling tumakbo papasok ng study room ang bunso niyang anak na si Martin.

"Dad? What's wrong?" Nag-aalalang tanong nito ng daluhan ang ama.

"Leave me alone!" The man shrugged his shoulder to avoid Martin's touch. "Get out!"

"But, Dad?" Martin look helpless not knowing what to do.

"I said get out!" Sigaw pa ni Ronaldo.

Nag-aatubili man ay napilitang lumabas ng kwarto si Martin. Ayaw niyang iwan ang ama sa ganoong estado ngunit takot naman siyang salubungin ang galit nito.

Yes, he was afraid to take all his harmful actions when he's angry. Most of the time kasi ay napagbubuhatan nito ng kamay ang sino mang mapag-buntunan nito ng sisi.

Just like his Mom and his two eldest sisters. At lahat sila ay hindi kinaya ang ganoong sitwasyon kaya naman umalis ang mga ito at iniwan ang kanilang ama.

Tanging siya at ang ate Melissa lamang niya ang naiwan noon dahil mga bata pa sila. But after his sister's forced marriage with her best friend Jared, naging cold at aloof na rin ang ate niya sa kanilang ama.

At tuluyan na nga itong lumisan ng maghiwalay sila ng kaniyang asawa. Leaving him and their Dad alone.

"Martin!" Mula sa kusina ay tawag sa kaniya ni Isang. Short for Isabella. Ang kababata niyang anak ng kasambahay nilang si Manang Ningning.

Nang hindi siya sumagot ay patakbo itong lumabas ng kusina para hanapin siya.

"Kailangan ba talagang tumakbo ka pa?" Kunot-noong tanong niya ng lapitan siya nito sa puno ng hagdan.

"Hindi ka kasi sumagot. Ano, okay ka lang?" Tinapik siya nito sa balikat.

Bumuntong-hininga ang binata dahil sa frustration. Mukhang nahulaan naman ni Isang ang sagot kaya hindi na lang din ito nagsalita.

"Ano bang kailangan mo at tinawag mo pa ako?" Tanong niya kapagkuwan.

"Ay oo nga pala." Napa-ngiti ito ng biglang maalala ang dahilan kung bakit siya nito tinawag. "Tumawag nga pala si Ate Melissa, hinahanap ka."

Muling napakunot-noo si Martin ng marinig ang pangalan ng ate niya.

"Bakit daw?" Tanong niya.

"Pinapasabi na darating daw siya ngayon. Nagpapasundo sa Airport." Sabi nito.

Tinitigan niyang mabuti ang mukha ni Isang. Inaarok kung nagsasabi ba ito ng totoo o isang prank lang ang mga sinabi nito.

"Sigurado ka?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Oo." Agad na sagot nito. "Kung gusto mo, samahan pa kita doon eh." Naka-ngusong sabi nito. Mukhang napansin nito na hindi siya naniniwala.

"Baka naman gusto mo lang pumunta ng bayan kaya ka nagpi-presinta'ng sumama?"

"Wow... Ang kulit, ha? Kung gusto kong gumala, bakit pa kita isasama? Eh 'di sana si Edgar na lang ang niyaya ko." Sabi nito sabay humalukipkip.

"'Yung totoo, Isabella? Tumawag ba talaga si ate?" Paninigurado niya.

"Oo nga! Puntahan mo na siya ngayon baka naiinip na 'yon sa paghihintay." Ngumiti ito sa kaniya kaya naman lalo siyang nagduda.

"Kapag nalaman kong ginu-goodtime mo lang ako, sasabihin ko kay Manang Ningning na kina-katagpo mo si Edgar sa bayan." Pinandilatan niya ito.

"Ay, wow... May pagbabanta pang nagaganap. O, sige. Kapag totoo ang sinasabi ko, bibigyan mo ako ng pang-date namin ni Edgar sa linggo?" Sabi nito at na-meywang pa sa harap niya.

"What? Excuse me, tama ba ang narinig ko? Ang lakas ng loob mong makipag-date 'tapos ikaw pa pala ang gagastos? Isusumbong talaga kita kay Manang Ningning!" Inis na sabi ni Martin.

"Eh ano naman ang masama kung salitan kami sa pag-gastos ni Edgar sa tuwing lalabas kami? Hello? 21st century na 'no. Panahon pa ni kupong-kupong 'yong lalaki lang ang dapat gumastos!" Mataray na sabi nito.

Naiinis na napa-iling-iling na lamang si Martin dahil sa katwiran ng kaibigan niya. Sa totoo lang, alam naman niyang tama ang sinabi nito. Pero hindi iyon kayang tanggapin ng pride niya bilang lalaki.

Men should be responsible in every part of a relationship. At ang sinabi ni Isang ang isa sa mga hindi niya matatanggap bilang lalaki.

"O siya, pumunta ka na doon at baka mainis na sa'yo si ate Melissa." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito.

Kunot-noo namang lumabas ng kabahayan  si Martin. Dumiretso siya sa garahe at sumakay sa pick-up truck niya na ginagamit nila sa pamimili ng feeds para sa mga alaga nilang hayop.

Tuluy-tuloy siyang nagmaneho palabas ng Hacienda dela Vega. Sa tantiya niya ay aabutin din ng kalahating-oras ang biyahe mula sa hacienda hanggang sa paliparan.

Sa isip ay isa-isa na niyang inihahanda ang parusang ibinigay niya kay Isang kapag nalaman niyang nagsisinungaling ito.

But on the other side, kung sakali man na totoong dumating na ang ate Melissa niya, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksiyon. Oo, miss na miss na niya ang ate niya, pero sa kasalukuyang estado ng kanilang pamilya ngayon, pakiramdam niya ay mas dapat na hindi na lang muna bumalik ang kaniyang kapatid. He didn't want to see their Dad having another chance to be cruel to his sister again.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status