공유

Marry me, Mr. Wrong
Marry me, Mr. Wrong
작가: Cherish-telle

001

Nagising si Melissa na nasa loob siya ng isang kuwarto at nakahiga sa malambot na kama.

Sa unang tingin pa lamang niya sa kisame, alam na niyang nasa ospital siya ng mga oras na iyon.

Dahil sa realisasyon, biglang nanghina ang pakiramdam niya. Kasabay ng malayang pagtulo ng kaniyang mga luha.

'It's over.' Alam niya. Nararamdaman niya.

"You're awake." A man's voice coming from a man who's sitting on the couch made her tremble.

Kahit ang leeg niya ay tila walang lakas na lumingon man lamang sa gawi nito.

Sa isip ay pilit na nagsusumiksik kung paano siya napunta sa ganitong kalagayan. Paulit-ulit na minumura ang sarili dahil sa naging katigasan ng kaniyang ulo.

"Do you want anything?" She heard him speak again.

"I want an annulment." Halos bulong lamang iyon. Pero ilang saglit na tumigil ang kaniyang mundo matapos niyang masabi iyon.

"I'll definitely do that even if you don't ask me. I'll call the lawyer para maasikaso na agad."

Then she heard his footsteps, leaving her behind closed doors.

Pinigilan niya ang pagbagsak ng mga luha dulot ng kakaibang damdamin dahil sa mga sinabi nito.

Iyon na lamang ba iyon? Sa ganoon na lang ba mauuwi ang lahat?

Wala man lamang bang second thoughts? Even a pity consolation from him from what had happen to her?

For goodness sake, how could a man like him can still act as if nothing happened? Is he really that cold-hearted? Didn't he even care?

Tila napakaraming laway ang bumara sa lalamunan ni Melissa ng mga oras na iyon. Higit pa sa sakit ng katawan na nararamdaman niya ngayon ang nararamdaman ng puso niya. Hindi dahil sa nakatakda nilang paghihiwalay ni Jared, kundi dahil sa pagkawala ng isang bagay na tinuturing dahilan para patuloy siyang mabuhay.

Her baby. Their baby is gone. And it was tearing her whole being into pieces.

"Ate?" Mula sa bumukas na pinto ay narinig niya ang boses ni Martin. Nang lingunin niya ito ay nakasuot pa ito ng uniporme at mahihinuhang mula pa ito sa eskwelahan.

"Martin..." Garalgal ang boses na tawag niya dito.

"Ate, what happen? Bakit ka na-aksidente?" His voice were full of worries.

Melissa could not say anything but let out a sob.

Her brother loss for words and he just hug her, thinking it could ease the pain.

------

After few months of waiting, dumating din ang pinakahihintay na araw ni Melissa. Finally, na- annulled na ang kasal nila ni Jared.

Mula ng makalabas siya sa ospital three months ago, sa bahay ng kaniyang mga magulang na siya namalagi. Ngunit, hindi na iyon katulad ng dati.

Doon, walang buma-banggit ng kahit ano tungkol sa nangyari. As if walang nangyari at nagmove-on agad ang mga ito. At ang pinaka-mahirap na parte sa lahat, ay ang pag-turing sa kaniya ng kaniyang pamilya. She became a stranger to them. No one asked, no one consoles.

Maliban na lamang kay Martin. He was the only one who's there to cheer her up. Dahil dito ay nakayanan niyang malampasan ang lahat ng sakit.

Kaya naman ng matanggap niya ang approved annulment papers, agad siyang nag-plano na umalis ng bansa.

At dahil chef siya na nagta-trabaho sa isang sikat na restaurant, mabilis siyang nakapag-process ng mga papeles at nakakuha ng trabaho sa ibang bansa.

Sa Germany, kung saan siya nakatanggap ng magandang offer ay namalagi siya ng dalawang taon.

Ibinuhos niya ang lahat ng atensiyon sa trabaho. Ang homesick at pagluluksa sa pagkawala ng kaniyang anak ay nilunod niya sa pamamagitan ng pagpapa-unlad sa sarili at pag-iipon.

"Are you sure about that?" Naka-kunot ang noo habang kaharap niya ang executive chef at restaurant owner na si Chef Buch.

Hawak ang kaniyang resignation letter, mukhang hindi nito gusto ang ideyang pagre-resign niya.

"Two years of working and learning is enough experience for me, Chef. Besides, I want a vacation too." She smiled at her big boss.

"I'll take this for now. I'm giving you three days to still think about it. Just give me a call if you changed your mind." At tumalikod na ito.

Napa-buntong-hininga siya. Mabuti pa ang boss niyang si Chef Buch, takot na umalis siya. Pero ang pamilya niya, never man lang siyang kinumusta thru text or call.

"Buch says you want to resign?" Tanong sa kaniya ng ka-sosyo ni Chef Buch na si Chef Pietro.

"Yeah." Tipid niyang sagot. Habang patuloy na inihahanda ang bagong lulutuin.

"That's so sudden. You didn't even give us a warning."

Natawa siya ng mahina dahil sa sinabi ng lalaki. Sa lahat ng tao ay ito ang pinaka-close niya. Gwapo, matalino, mabait at mayaman. Ideal man kumbaga itong si Chef Pietro. Pero saksakan naman ng pagka-babaero. Naalala niya pa na pinormahan siya nito noong bago pa lamang siya.

"I just came here for experience. I've worked enough. And learned enough. Now, it's time for me to go home." Sinalubong niya ang titig ng mga mata nito.

"I wish I can make you stay."

Gusto niyang tumawa ng malakas dahil sa mga sinasabi nito. Pero pinigilan niya ang sarili. Sa totoo lang ay hindi siya sanay na may taong nagpapakita ng lungkot sa pag-alis niya. Pero naisip niyang baka sinasabi lang nito iyon bilang isang boss sa kaniyang tauhan. After all, he's still one of the bosses here. He was still her senior and she should respect him.

"No one can make me stay. Besides, I still want to go to other countries. Denmark. Switzerland, Netherlands. Other European countries."

"I'm serious." Hinawakan nito ang braso niya. Seryoso ang mga matang tumitig sa kaniya. "Please stay."

Marahan niyang pinalis niya ang kamay nito. Habang tumatagal ang pag-uusap nila, lalong bumibigat ang pakiramdam niya. At ayaw niya ng ganoon.

"I'm sorry." She said before turning her back.

Ayaw niyang magpapigil. Ayaw niyang makaramdam ng anumang attachment sa mga taong nakasama niya. Alam niyang kapag hinayaan niya ang sariling mapalapit sa kahit na kanino, masasaktan lamang siya sa huli.

Tulad na lamang ng nangyari sa kanila ni Jared.

After their separation, wala na siyang naging balita sa dating asawa. Nakakatawa lang dahil childhood best friend niya si Jared. But after their marriage, naging cold and distant na ito sa kaniya.

Hindi man lamang nito naisip na kumustahin ang kalagayan niya mula ng mawala ang baby nila. And though it was partially his fault, tila si Melissa lamang ang sumalo ng lahat.

Ang unang taong inaasahan niyang dadamay sa kaniya sa kalungkutan, ay ang tao ring unang nang-iwan sa kaniya sa ere.

At alam ni Melissa sa sarili, aminin man niya o hindi, hanggang ngayon ay naroon pa rin sa puso niya ang lahat ng sakit. Sakit na walang ibang nakakaalam kundi siya lang.

After three days ay naging final na ang desisyon niya. Agad ng inasikaso ng management ang mga papers na kailangan niya para sa pag-uwi ng Pilipinas.

At dahil sa isang studio type apartment lamang siya nakatira, madali na para kay Melissa na i-dispatsa ang iilan niyang mga gamit na hindi na niya madadala.

Bago isara ang pinto, muli niyang iniikot ang paningin sa loob ng nagsilbi niyang tahanan sa loob ng dalawang taon.

Maliit ang lugar na iyon, ngunit binigyan siya niyon ng init na hindi niya naramdaman sa lugar na kinalakihan niya.

Melissa gasped for air. Now she'll be leaving this place and will return to the place from which she came. A place that had caused her eternal pain and bitterness, the longing for her return still lingered in her heart.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status