Soledad noticed how Artemio gritted his teeth as he was standing at the veranda. He may not seemed to notice anyone as looked like he was seriously thinking about something.Sa mga pagkakataong iyon ay hindi maiwasang mag-alala ng babae. Sa isip ay pilit ng inaalis ang ideya sa marahil ay nasa isip ng asawa. For more than twenty years of being together ay kabisadong-kabisado na niya ang bawat kilos ng lalaki. Kaya naman hindi niya maiwasan ang mangamba.Natatakot siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. At kahit ayaw man niyang isipin ay tila bangungot iyon na hinahabol siya hanggang sa kaniyang pag-gising. Bago pa man nito mapansin ang presensiya niya sa paligid ay umalis na siya sa kinatatayuan. ----"Sigurado ka ba sa nakita mo?" Naninigurong tanong ni Tomas sa asawa. Ipinikit ni Leonila ang mga mata at saka tumango. Pagkuwa'y dumilat at tungkol tumingin ng diretso sa asawa."Nakita ko sa sarili kong mga mata, Tomas. Hindi ko man siya nalapitan ay alam kong siya iyon. Hindi pa ri
Walang gaanong laman ang cupboard niya kundi ilang pirasong canned goods, instant coffee, noodles at cereals. Mabuti na lamang at may itlog pa sa ref, ilang pirasong hotdogs at gulay na pwede niyang lutuin. Mabilis na naghanda si Melissa. Sa kaniyang peripheral view ay nakikita niya kung paanong at-home na at-home si Jared habang prenteng nakaupo sa sofa. Ngunit ilang sandali lang ay tumayo na rin ito mula sa sofa at lumapit sa kaniya. "Let me help you." Anito. Hindi na siya tumutol pa dahil alam niyang hindi rin naman ito magpapa-pigil. Sa ayos nilang iyon ay hindi niya maiwasang mapa-ngiti sa sarili. Pakiramdam kasi niya ay official couple sila ng mga oras na iyon. Nagtutulungan sa paghahanda ng almusal habang paminsan-minsan ay nagbibiruan. It was a scene she longed to see three years ago. Pero hindi nangyari. Napaisip tuloy siya bigla kung para saan ang mga kilos na iyon ni Jared. Jared, set the table and made the coffee. Makalipas ang ilang sandali ay tapos na rin siya sa pa
Nagising si Melissa na nasa loob siya ng isang kuwarto at nakahiga sa malambot na kama. Sa unang tingin pa lamang niya sa kisame, alam na niyang nasa ospital siya ng mga oras na iyon. Dahil sa realisasyon, biglang nanghina ang pakiramdam niya. Kasabay ng malayang pagtulo ng kaniyang mga luha. 'It's over.' Alam niya. Nararamdaman niya. "You're awake." A man's voice coming from a man who's sitting on the couch made her tremble. Kahit ang leeg niya ay tila walang lakas na lumingon man lamang sa gawi nito. Sa isip ay pilit na nagsusumiksik kung paano siya napunta sa ganitong kalagayan. Paulit-ulit na minumura ang sarili dahil sa naging katigasan ng kaniyang ulo. "Do you want anything?" She heard him speak again. "I want an annulment." Halos bulong lamang iyon. Pero ilang saglit na tumigil ang kaniyang mundo matapos niyang masabi iyon. "I'll definitely do that even if you don't ask me. I'll cal
Kakaibang kilabot ang naramdaman ni Melissa ng makababa na siya ng eroplano. Isang pamilyar na lungkot ang lumukob sa dibdib niya ng maalala ang araw na huli siyang tumapak sa lugar na iyon. 'Im back...' Bulong niya sa sarili.Sa loob ng dalawang taon na nawala siya sa bansa, marami ng nagbago. Maging siya ay ganoon din. Ni walang kahit sinong pamilyar na tao ang nag-abalang sunduin man lang siya sa airport. Bakit nga ba siya magtataka? Sa loob ng mga panahong nasa malayo siya ay wala man lamang tumawag o nagtext sa kaniya para mangumusta. Kahit isang simpleng pagbati sa kaniyang kaarawan, o kahit pa batiin man lang siya ng simpleng 'Merry Christmas' ay tila ipinagdamot pa sa kaniya ng kaniyang pamilya. Tila ba naglaho na siya para sa kanila. "Miss, okay ka lang?" A voice that came from behind her took her back to reality. "Ha? Uhm, yeah, I'm okay." Ngumiti siya sa estranghero. Ngunit mukha naman itong hindi naniwala. "Bakit
Malayo pa lang ay kitang-kita na ni Melissa ang pamilyar na pick-up truck ng Hacienda. Pati ang lalaking nagmaneho niyon ay agad niya ring nakilala. Ang kapatid niyang si Martin. Alam niya, kahit na nasa malayo pa lamang ito ay malaki na rin ang ipinagbago ng kaniyang kapatid. He's a grown-up man now. Mas nagmukha itong matured. Pakiramdam tuloy ni Melissa ay isang dekada siyang nawala kaya napakaraming mga bagay ang hindi na siya pamilyar. Mukhang napansin din naman agad siya ng kapatid kaya diretso itong tumungo sa direksyon niya at sa harapan niya mismo ipinarada ang sasakyan. Agad itong bumaba at isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa kaniya. "Ate!" Bakas ang tuwa sa boses nito ng sa wakas, pagkatapos ng dalawang taong pagkawala niya ay heto siya ngayon at muling nagbabalik. "I missed you." She said after their heartwarming embrace. "Wow... you're a grown-up man now. Look at you, ang laki na ng ipinagbago mo." Ginul
The whole family was silent as they are having breakfast that morning.Naroon ang tatlong anak nina Soledad at Artemio na pare-parehong hindi alam ang dahilan ng pagpapatawag ng kanilang ama. Tahimik lamang si Jared habang nakikiramdam pa rin sa bawat kilos ng kanyang ama. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kaide-ideya kung ano ba ang gusto nitong sabihin sa tawag kahapon. "Dad, pwede po'ng magtanong? Bakit niyo po kami pinatawag ng biglaan?" Hindi nakatiis na tanong ni Joseph sa ama. Tahimik na dinampot ni Artemio ang tasa ng kape at saka hinigop ang laman niyon. Kapagdaka'y tumikhim at humarap sa anak na nagtatanong. "May sorpresa kasi akong inihanda para sa kuya Jared niyo." Pa-umpisa nito. "Alam kong kilala niyo na ang mag-anak na dela Vega, lalo ka na Joseph dahil kababata at ka Schoolmate mo si Martin. At minsan na ring naging parte ng pamilya natin ang kapatid niyang si Melissa dahil ex-wife siya ng kuya Jared niyo."
Makulay at maliwanag ang buong kapaligiran ng mansion ng mga Dela Vega. Ang bawat sulok ay napapalamutian ng mga naggagandahang mga dekorasyon at nagpapahiwatig na isang malaking kasiyahan ang nakatandang idaos pagsapit ng gabi. Ngunit kabaligtaran niyon ang ekspresyon sa mukha ni Melissa. "Ate." Boses iyon ni Martin na nasa kaniyang likuran. Ipinatong nito ang kamay sa kaniyang balikat. "Are you alright?" Tanong nito. "Yeah. I'm alright." Walang kabuhay-buhay na sagot niya. "Where have you been? Tayong dalawa na nga lang ang normal sa pamilyanh 'to, bihira pa tayong magkita." Humarap siya dito.Binawi nito ang kamay saka siya tuluyang niyakap. "For some reason, I want to hate you, Ate." "Bakit naman?" "Hindi ka dapat pumayag sa gusto ni Dad. You have all the rights to refuse."Kumalas siya sa pagkakayakap ng kapatid at humarap dito na may pilit na ngiti. "As much as I wanted to, I can'
"I could say you never changed at all." Narinig niyang sabi ni Jared mula sa kaniyang likuran. Alam niyang palapit ito sa kaniya kaya naman dumampot siya ng isa pang wine glass sa mesa upang ibigay dito. "Do you think so?" She smirked at him. Not really thinking about showing him some filters. "Yeah." He gave her the same reaction. Inabot niya rito ang hawak na wine. Tumango naman ito saka iyon tinanggap. "Well. You too.""Do you think so?" Ulit nito sa tanong niya kanina. "Absolutely."Naglakad siya patungo sa sulok na hindi masyadong maingay. Sumunod naman ito kaya nahinuha niyang gusto nitong makipag-usap pa. Perhaps, confronting her? Just like the old times. "If you are going to confront me about this nonsense crap. I'm not the one you should talk with." Seryosong sabi niya. "I know." Sagot nito ng huminto na sila sa paglalakad. "I just wanted to ask how have you been? It's been a long time since huli tayong magkita.""As you can see, I'm doing fine.""Being dragged into t