공유

010

Sabado. Alas dos ng hapon ay tumulak na sila ni Martin papunta sa bahay ng mga biyenan ng kanilang ate Madeline. Kulang isang oras din ang biyahe kaya naman ang pick-up truck ni Martin ang sinakyan nila.

Hindi na sila nag-abalang sabihan pa ang kanilang ama tungkol sa okasyon. Alam naman nilang wala rin silang mapapala kapag sinabi nila iyon dito.

"Excited na akong makita ulit si ate Madeline. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagkita." Ani Isang na naka-upo sa backseat. Katabi nito ang mga pasalubong at mga regalo nila para sa daratnang mag-anak.

"Mukha ngang excited ka. Di ka nga nakapag-ayos eh." Biro ni Martin na sumulyap pa sa rear-view mirror.

"Anong hindi? 'Di mo ba nakikita? Nag-ayos ako 'no?" Ngumuso pa ang dalaga.

"Ah, nag-ayos ka na pala sa lagay na yan? Akala ko kasi nangudngod ka habang nagpo-floorwax dahil sa pula ng mukha mo." Ani Martin na hindi na napigilan ang pagtawa.

Pati si Melissa ay tuluyan na ring napatawa dahil sa sinabi ni Martin. Totoo kasing napasobr
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status