Share

011

Actually, mukhang mabait naman si Richard. Iyon ang nasa isip ni Melissa habang kausap niya ang binata.

Napag-alaman niya mula kay Madeline na anak si Richard ng may-ari ng Rancho Fuentes na siya ring pinagta-trabahuan ng biyenan ng kaniyang ate Madeline.

Kahit na alam na niyang may sinasabi sa buhay ang binata, hindi naman niya ito kinakikitaan ng ano mang bahid ng ere sa pagkilos at pagsasalita.

"Balita ko, may pasayaw si Mang Gener para sa mga dalaga at binata maya-maya." He said out of the blue.

"Really? I thinks it's cool." Inilibot niya ang paningin upang hanapin si Martin. At hindi naman siya nabigo. Nakita niya itong nakikipag-kuwentuhan ilang mga dalaga doon. Gusto niya sa itong tawagin at paalalahanan para sa kanilang pag-uwi.

"Yeah. So, are you gonna wait for it?" Ibinalik niya ang atensyon sa kausap.

"Ha?"

"Sabi ko, maghihintay ka ba hanggang mamaya?"

Ngumiti muna siya bago umiling. "Naku, baka hindi na. Gabi na rin kasi kaya kailangan na naming umuwi."

"Ganon ba
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status