Mag-log in"Manang Esther, call the doctor!" Sigaw ni Nolan. Nahihirapan na kasing huminga si Leland.
Maya-maya ay dumating na rin ang family doctor nila at binigyan ng injection si Leland. Kalaunan ay kumalma na rin ito at nakahinga na ng maayos. Lupaypay na nahiga sa kama si Leland. "Daddy, huwag mo pong sabihin kay tita Lilah na nagka allergy ako. Hindi niya naman po kasalanan 'yun." Mahinang saad ni Leland. Pero hindi sumagot si Nolan. Kinuha nalang niya ang kamay ng anak saka hinalikan ito. Nung makatulog na ang anak ay pumasok na rin siya sa kwarto niya. Pagbukas ng ilaw ay bumungad kay Nolan ang silid na walang kahit anong bagay ni Lucilia. Simula nung muntik ng mamatay sa panganganak sa kambal si Lucilia ay natulog na sila sa magkaibang kwarto. Kaya walang gamit ni Lucilia ang makikita dito sa silid ni Nolan. Nag shower muna siya bago matulog. Pilit na pinapakalma ang sarili. Kumalma naman siya nung nagsimula ng tumama ang tubig sa ulo niya. Kinabukasan ay maagang nagising si Nolan. Agad niya namang inabot ang baso ng tubig na nasa side table pero wala siyang nakapa. Tuwing umaga kasi maagang nagigising si Lucilia at nilalagyan nito ng salt water ang bed side table ni Nolan para may maiinom siya pagkagising niya. Inis siyang bumangon saka lumabas ng kwarto. Naririnig naman niyang nagwawala sa kwarto nito si Leland. Ganun kasi iyon tuwing umaga. Kaya palagi itong pinapatahan ni Lucilia. Pero wala siya ngayon para gawin iyon. Si Manang Esther nalang ang nagpatahan kay Leland saka dinala ito sa banyo para sana mag toothbrush na ito. "Bakit hindi mo nilagyan ng toothpaste 'yung toothbrush ko?" Sigaw nito. "Sorry po young master." Natataranta na saad ni Manang Esther. Nilagyan naman niya ng toothpaste ang toothbrush nito. "Hindi iyan ang toothpaste ko!" Sigaw ulit nito. Kulay blue kasi ang toothpaste nito na pambata at iyong nailagay ni Manang Esther ay yung pang matanda. "Sorry po." Paghingi niya ng paumanhin. "Bakit wala pang tubig 'yung cup ko?" Nilagyan naman ng tubig iyon ni Manang Esther. Napabuntong hininga siya. "Si madam naman kasi ang gumagawa nito lahat eh. Kailan kaya siya babalik?" Pagkatapos niyang paliguan si Leland ay lumabas na rin sila pala mag prepare ng breakfast. "Manang Esther, I want scotch eggs." Saad ni Nolan. "Po?" "I want scotch eggs too, manang." Saad naman ni Leland. "Perp hindi po ako marunong lutuin iyon sir. Si madam lang po ang may alam na lutuin iyon." Saad ni Manang Esther. "Eh anong gagawin natin eh wala nga siya dito? Ikaw ang nandiyan kaya gawan mo ng paraan!" Tumaas na ang boses ni Nolan. "Sige po, tatawagan ko nalang si madam." Nagising si Lucilia dahil sa ring ng cellphone niya. Ang alam niya ay wala siyang sinet na alarm kaya nagtataka siyang kinuha iyon. Sinagot na lamang niya ang tawag. "Madam, gusto po nila sir at ni young master 'yung scotch eggs para sa breakfast kaso hindi ko naman po alam pano lutuin iyon." Saad ni manang Esther. "Don't worry I'll send you the recipe." Inaantok pang saad ni Lucilia. "Madam, kailan po ba kayo babalik?" "Hindi na ako babalik, manang." "Po?! Hind po iyan pwedi madam. Hindi ko po kakayanin kung wala kayo dito." "Bye na manang, inaantok pa ako." Saka na ibinaba ni Lucilia ang tawag saka niyakap ang anak at natulog ulit. Tiningnan nalang ni manang Esther ang recipe na sinend ni Lucilia. For this Scotch egg, you have to boil the egg first, then peel it, and wrap the marinated chicken around the egg, then coat it with breadcrumbs, and then fry it in a pan until golden. Sinabi doon na kapag soft-boiled eggs ang gusto ni Nolan ay dapat pakuluan ang itlog for five minutes and fried it on low heat for three minutes. Kung hard-boiled eggs naman ang gusto ni Leland, ay dapat pakuluan ang itlog for eight minutes and fried for four minutes. Matapos tignan ang recipe ay bagsak ang balikat na bumalik sa loob ng bahay si manang Esther. "Sir, pasensiya na po pero nakapa complicated ng scotch egg. Hindi ko po kayang lutuin iyon." Saad niya. "Na contact mo ang asawa ko?" Tanong ni Nolan. "Opo. Nagsend po siya ng instructions kung pano lutuin iyon." "Nagsabi ba siya kung kelan siya babalik?" "Sabi niya po hindi na siya babalik." Biglang nasamid si Nolan sa iniinom na kape dahil sa sinabi ni manang Esther. Napaubo ito. "Ano?!" Galit na tanong nito. Hindi niya pweding gawin sa amin ito. Saad ng isip ni Nolan. "Nag away po ba kayo ni madam?" Usisa ni manang Esther. "Shut up!" Nagulat si manang Esther ng hampasin ni Nolan ang mesa ng sobrang lakas. "Huwa kang pakialamera manang Esther kung gusto mo pang tumagal sa trabaho mo." Saad nito saka umalis. Hindi na umimik pa si manang Esther dahil sa takot. Inis na bumalik ng kwarto si Nolan. Iniisp niya kung paano nagawang umalis ni Lucilia? At bakit hindi na ito babalik? Dapat sana ay naghahanda na ito ng pagkain na ihahatid mamaya sa opisina para sa lunch. Araw-araw ay naghahanda ng pagkain si Lucilia para sa lunch ni Nolan na inihahatid sa opisina nito. Naupo na sa dining table si Lilo at natuwa ito ng makitang tuyo at arroz caldo ang breakfast nila. Favorite ni Lilo ang arroz caldo pero ayaw na ayaw nun ni Leland kasi pagkai daw iyon ng baboy. Napagalitan pa noon si Lucilia ng isang beses ay nagluto siya ng arroz caldo para sa pamilya dahil marami naman raw silang pagkain. Para lang daw sa mahihirap ang lugaw. "Simula po ba ngayon mommy arroz caldo na ang kakainin natin?" Nakangiting tanong ni Lilo. "Hindi naman anak. Pero simula ngayon kakainin na natin kung anong gusto natin na walang iniintindi na opinion ng ibang tao." Napangiti naman si Lilo saka kumain na. Naalala niya nung ipinagluto niya si Leland ng arroz caldo ay itinapon lang nito sa basurahan at pinagsalitaan pa siya ng masama. "Eww mommy. Pagkain naman iyan ng baboy eh. Wala ka talagang kwenta. Pati anak mo pinapakain mo ng pagkain ng baboy." Saad nito. "Burrp!" Napalingon nalang si Lucilia sa anak. "Sorry po." Natatawang saad ni Lilo kaya natawa nalang rin si Lucilia. Mabuti pa si Lilo ay hindi ito mapili sa pagkain. Kung ano ang ihain ng ina, ay 'yun ang kakainin nito.“Asan na ‘yong baby ko? Ilabas niyo ‘yong baby ko!” Sigaw ni Lucil, natanggal na rin ‘yong swero sa kamay niya dahil sa pagwawala niya. Bigla namang nagtago sa pader si Donovan. Nanginig at nanghina ang mga tuhod niya dahil sa Nakita niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Lucil na Wala na Ang baby nila. Alam niyang guguho na naman ang Mundo nito kapag nalaman na nito Ang totoo.Muling sinilip ni Donovan ang Asawa at umiiyak at nagwawala parin ito. Samantalang pilit naman itong pinapakalma Nina Selene at Wilden. Maya-maya ay naisipan na niyang pumasok sa loob ng kwarto. Natigilan saglit si Lucil nang Makita siya. Pero kalaunan ay agad din itong tumayo at tumakbo papalapit sa kanya. Kwenilyuhan agad siya ni Lucil dahil sa Galit nito at Hindi na nakaawat pa sina Selene at Wilden.“Asan na ‘yong baby ko?!” Umiiyak pero Galit paring Tanong ni Lucil. Pero iyak lang din ang naisagot ni Donovan. Pinilit niyang magsalita pero walang boses na lumabas sa bibig niya.“Magsalita ka, asan
“Donovan, pwedi ba kitang makasabay sa pagkain?” Nakangiting Tanong ni Daphne.“Attorney Sanchez, nasaan ang manners mo? Supervisor mo si attorney Ferrer pero bakit pangalan niya Ang tinatawag mo?” Saway ni June kay Daphne.“First name basis po talaga ang tawagan namin ni Donovan. Ganun kmi ka close, attorney Perez.” Parang nagyayabang pa na Saad ni Daphne. Binalingan Naman niya si Donovan at hinawakan ito sa kanang kamay. “Please, Donovan, sabay na Tayo sa pagkain I’l treat you.” Pagpupumilit pa nito.Kaso nairita si Donovan sa ginagawa ni Daphne kaya iwinakli niya Ang kamay nito.“Attorney Sanchez, pasensiya na pero hindi Tayo ganyan ka close para umaasta ka ng ganito sa harap ko. Salamat nalang sa Alok mo pero may kasabay na akong kumain. Halika na, attorney Perez.” Saad pa ni Donovan at naglakad na papalayo. Natatawa namang sumunod sa kanya si June.Hindi Naman makapaniwala si Daphne sa ginawa sa kanya ni Donovan. Pinahiya siya nito sa harap ng iba nilang katrabaho kaya pinagbubul
Katanghaliangtapat nang mga oras na ito, nakaupo lang sa rocking chair si Lucil habang nakatanaw sa magandang tanawin sa harap niya. Naka play Naman mula sa mini speaker niya ang kantang ‘Close to you’ ng The Carpenters na mas damang-dama niya dahil sa malamig na ihip ng hangin. Pinanonood niya mula dito sa kwarto niya si Selene na masayang-masaya na inaaliw ang kambal nitong anak. Napangiti nalang siya sabay himas sa tiyan niya. “I can’t wait to hold you, my princess.” Saad ni Lucil. Siyam na buwan na Kasi ang tiyan niya at ngayong buwan ng October ang kabuwanan niya. Nakahanda na rin ang mga gamit nila na kung sakaling makaramdam na siya ng sakit ay susugod na agad sila ng hospital.Maya-maya ay napatingin sa gawi niya si Selene kaya kinawayan siya nito. Kumaway din Naman siya pabalik dito.“Kamusta ang maganda Kong misis?” Agad na napalingon si Lucil nang marinig ang boses ni Donovan. Nakauwi na pala ito galing trabaho.“Heto, maganda parin.” Pabiro namang wika ni Lucil. Lumapit n
Habang mahimbing pang natutulog si Donovan ay taimtim naman siyang tinititigan ni Lucil. Ngayon niya lang mas na appreciate ang kagwapuhan ng Asawa. Pinakatitigan niya talaga ito mula sa makakapal na kilay nito, pababa sa matangos na ilong, hanggang sa dumako siya sa mapula-pula nitong labi. Nakaramdam si Lucil na para bang inaakit siya ng mga labi ni Donovan. Kaya hinalikan niya ito. Smack lang dapat Ang gagawin niya kaso naramdaman nalang niya tumugon sa halik niya si Donovan at hinawakan nito Ang likod ng ulo niya para Hindi siya lumayo.Pagkatapos ng halik ay naupo ng maayos si Lucil at pinaypayan ang Sarili.“Ikaw ah, kanina mo pa siguro Ako pinagnanasaan?” May nakakalokong ngiti na Saad ni Donovan.“Hindi *huk* ah!” Depensa Naman ni Lucil sa Sarili. Pero tinawanan lang siya ni Donovan nang masinok siya. “Bahala ka nga diyan!” Inis na sad ni Lucil at tumayo na saka naglakad paalis.“Hon, biro lang. Mag-asawa Naman na Tayo kaya okay lang na pagnasaan mo Ako. Hon!” Sigaw pa ni Dono
“Kambal naman ang naging anak natin, bakit hindi mo nalang ibigay sa akin ‘yong isa at ‘yong isa naman ay sayo?” Bumagsak ang bibig ni Selene dahil sa sinabi ni Eric. Mas lalong sumiklab ang Galit niya dahil sa mga pinagsasabi nito.“Anong tingin mo sa mga anak ko, bagay na pweding ipamigay? Lumayas ka talaga sa harapan ko dahil nagdidilim ang paningin ko sayong walanghiya ka!” Pilit na hinihila ni Selene ‘yong stroller ng kambal pero mas malakas ang pagkakahawak ni Eric dito kaya Hindi niya ito Manila.“Huwag ka namang madamot, Selene! Anak ko rin Naman sila kaya may karapatan Ako sa kanila.” Saad pa ni Eric.“Anong anak? Wala kang anak, Eric. Itinapon mo ang karapatan mong maging ama nila Nung panahong tinalikuran mo kaming panagutan. Kaya makaka-alis ka na dahil Hindi ko ibibigay ang kahit sino sa kanila.” Pero ayaw parin bitawan ni Eric ‘yong stroller kaya napilitan si Selene na tapakan Ang paa nito. Dahil dun ay napabitaw na sa stroller si Eric. Dali-dali Namang itinulak papasok
Pagkaraan ng Isang linggo ay bumuti na rin ang pakiramdam ni Selene, pati na Ang baby niyang si Sawyer ay okay na rin at pwedi na nilang iuwi. Kaya ngayong araw ay busy sina Lucil sa bahay sa paghahanda dahil pauwi na nga Ngayon sina Selene. Nagpahanda ito ng masasarap na mga putahe at nag order pa nga siya ng Isang buong lechon. Sakto Naman Nung tapos na Silang maghanda ay nagtatakbo na sina Lilo at Eli mula sa labas dagil ito ang ginawa nilang lookout kung dumating na ba sina Selene.“Nandito na po sila!” Sigaw ni Lilo habang tumatakbo.“Paparating na sila!” Sigaw Naman ni Eli habang nasa likuran ni Lilo at tumatakbo rin. Kaya agad nang nagsilapit sina Lucil at naghanda na Silang salubungin sina Selene.Karga-karga ni Selene si Sawyer at si Weston Naman kay Wilden. Sila Ang nangunguna habang papasok ng mansion. Parehong malalapad ang mga ngiti nila. Nakasunod Naman sa kanila ang parents ni Selene, sila na Ang nagbubuhat ng mga gamit ni Selene.Pagkababa palang ng kotse ay nagtaka n







