LOGINKinabukasan ay inihatid ni Lucilia si Lilo sa kindergarten school.
"Bye mommy!" Paalam ni Lilo. Hinalikan lang siya ni Lucilia sa pisngi. "Bye sweetheart." Saka ito umalis na. Naabutan ni Lilo si Leland sa may pintuan ng classroom nila. May dala itong paper bag at ipinakita sa kambal. "Look I have paper wax candy, binigay ni tita Lilah." Saad nito saka ipinakita ang paper bag na dala. "Sabi ni mommy masama daw ang pagkain ng candies kasi masama sa ngipin at baka magka tooth decay tayo. Saka unhealthy ang paper wax." Saad ni Lilo. "May bago na akong mommy at si mommy Lilah iyon. At hindi na ako maco-control ni mommy Lucil." Saad nito. "Saka bigyan ko raw ang lahat ng classmates ko except sayo kasi hindi tayo bati.Magsama kayo ng mommy mo na pinapakain ka ng pagkain ng baboy." Dagdag nito saka pumasok na sa classroom nila. Pumulot ng bato si Lilo dahil sa inis at akmang babatuhin ang kambal pero ibinaba niya rin ang bato. "Bad iyan. Hindi matutuwa si mommy kapag ginawa ko 'yan." Kinalma niya ang sarili saka pumasok na rin sa classroom. Habang nagda-drive pauwi ay pinaharurot ni Lucilia ang sasakyan. Matagal-tagal mula nung huli niyang karera. Dalaga pa siya nun at sumasali sa mga car racing at palagi siyang nananalo. Gulat na gulat yung mga nauunahan ni Lucilia. "Woy! Dahan-dahan naman!" Sigaw nung isa na nilampasan niya. "Sino ba 'yon?" "Galing sa pamilyang Aquino." Saad naman nung isa. "Si Lucilia Aquino Marquez? Bumalik na ba siya sa pagkakarera?" Patuloy lang sa pagharurot si Lucilia. Hindi niya alam na may puting sports car ang nakasunod sa kanya. Kaninpa siya nito sinusundan. Napangiti ito ng makitang pinapaharurot ni Lucilia ang sasakyan nito. Dalaga palang ito ay hinahangaan na ni Donovan si Lucilia. Matalino, maganda, mabait, sexy, at magaling magkarera. Maraming patimpalak na ang pinanalunan nito. Nalungkot siya nung malaman niya na tumigil na sa pag-aaral ng doctorate ang dalaga at nalaman niyang ikakasal na ito sa matalik niyang kaibigan na si Nolan. Inggit na inggit si Donovan kay Nolan nung ikinasal sa kanya si Lucilia. Kayong nalaman niya na nagbabalak na makipag divorce ni Lucilia ay hindi na niya ito palalampasin pa. Pumara si Lucilia ng makarating sa bahay ng mgamagulang nito. Maya-maya ay may tumawag sa kanya. "Mrs. Marquez, puntahan niyo po ang anak niyong si Leland dahil nagdala ito ng wax paper candy na ipinamigay sa buong klase at ngayon ay sumama ang mga tiyan nito." Saad ng teacher nila Lilo at Leland. "Pasensiya na pero hindi galing sa akin ang wax paper candy na iyan. Saka hindi na ako ang ina ni Leland. Si Lilo lang anak ko. Divorce na kami ng asawa ko." Saad nito. "Pero misis." "Pwedi ko bang makausap si Lilo?" Ibinigay naman ng teacher ang phone kay Lilo. "Mommy." "Anak, kumain ka ba nung wax paper candy?" Tanong ni Lucilia. "Hindi po. Kasi sabi ni Leland bibigyan niya lahat except sa akin." "Good. Kanino daw ba galing yung wax paper?" "Kay tita Lilah daw po." "Sabi na eh." At ibinaba na ni Lucilia ang tawag. Tinawagan naman niya ang mother in-law niya. "Hello mama, nasarapan daw ang mga bata sa binigay niyong wax paper kay Leland. Humihingi pa raw ang mga ito." Saad ni Lucilia. "Huh? Ganun ba? Sige." Alam ng mother in-law niya na si Lilah ang nagbigay nun kay Leland kaya tinawagan niya ito. "Lilah, nagustuhan daw ng mga bata yung wax paper candy na ibinigay mo kay Leland. Humihingi pa sila. Bumili ka ng marami." Saad nito. Natuwa naman sa narinig si Lilah. "Naku sige po, bibili ako ng marami at dadalhin ko sa kindergarten." Masiglang saad ni Lilah. Masayang pumunta ng kindergarten si Lilah dala ang maraming wax paper candy. Naisip niya na oras na ito para mag nanay-nanayan siyani Leland. "Hello mga bata! Dala ko na yung wax paper candy. Balita ko nagustuhan niyo raw kaya nagdala pa ako ng marami." Malawak ang ngiti na saad ni Lilah. "Ah ikaw pala may kasalanan kung bakit masama ang tiyan ng anak ko!" Sigaw ng isang mommy saka sinugod si Lilah at sinampal ng malakas. Gulantang naman si Lilah. "What's wrong with you?" Tanong niya. "Dahil diyan sa wax paper na 'yan masama ang tiyan ng lahat ng bata dito! Kaya kaklbuhin kita!" Sinabutan na niya si Lilah at tumulong pa ang ibang mga magulang. Pinagtulong-tulungan si Lilah ng mga ito. Akmang aawat pa si Leland ng hatakin siya palayo ni Lilo. Bago lumabas ng sasakyan si Lucilia ay may nag abot ng business card sa kanya mula sa bintana ng kotse niya. "Kailanga mo ng lawyer para ma divorce sa asawa mo? Hire me." Saad nito. "Donovan?" Naguguluhang tanong ni Lucilia. "Yes Lucil, ako nga." "Pero kaibigan ka ni Nolan." "So what? Walang kaibi-kaibigan, trabaho lang." Saad pa nito. "Pero hindi kita afford. Ang mahal ng rate mo. Hindi kita kayang bayaran." Saad ni Lucilia. "Hindi naman pera ang kailangan ko." Nag lean pa ito sa binatana ng kotse ni Lucilia para mapantayan ang tingin niya. "Eh ano?" Naguguluhang tanong ni Lucilia. "I will help you with the lawsuit kung pakakasalan mo ako after mong ma divorce kay Nolan." Saad nito. "Nagpapatawa ka ba?" "Do I look like I'm joking to you, Lucil?" Matalim ang tingin nito sa kanya. At hindi niya matagalan ang titig nito kaya nag iwas siya ng tingin. "Pag iisipan ko." Saad ni Lucilia. Umatras na si Donovan at tumayo ng tuwid. "Hihintayin ko ang tawag mo." Saad nito saka umalis. Nung hapon na ay sinundo ni Lucilia si Lilo. Panay kwento pa nga si Lilo sa kung paano sampalin at pagtulong-tulungan si Lilah ng mga magulang sa kindergarten. Lihim nalang na natawa si Lucilia. Maghapon naman na nag antay sa office si Nolan, inaantay niya yung lunch box na prinapare ni Lucilia para sa kanya. Napangiti pa siya ng makita ang lunch box sa mesa niya. "Sabi na hindi mo rin ako matitiis, Lucil." Pero nawala ang ngiti niya ng makita ang note sa ibabaw nito na galing ito kay Lilah. Nawalan siya bigla ng gana na buksan ito. Lumabas siya para puntahan ang secretary niya. "Wala bang dinala na pagkain ang asawa ko?" Tanong ni Nolan. Umiling lang ang secretary niya. "Wala po sir." "Heto, kainin mo nalang 'yan." Ibiniga niya yung lunch box na dinala ni Lilah. "At kapag magdala ng pagkain ang asawa ko, sabihin mo na tapos na akong kumain at ibalik nalang niya iyon." Saad pa nito saka bumalik sa office niya. Hanggang hapon ay nag antay si Nolan na maghatid ng pagkain si Lucilia pero nabigo lang siya. Maya-maya ay tumawag si Lucilia. Napangiti siya at sinagot ito. "Kumain na ako hindi mo na kailangang magdala ng pagkain." Saad niya. "Nasaan ka na? Nasa Regional Trial Court na ako. Hihintayin kita dito hanggang sa magsara sila." Saad ni Lucilia saka ibinaba ang tawag.Kumatok si Lily sa pinto ng kwarto ng kapatid kahit hating gabi na. Hindi naman nagtagal ay binuksan ito ni Lucil.“Ate…” nagkukusot pa ng matang usal ni Lucil.Umiiyak na niyakap ni Lily si Lucil ng sobrang higpit. “Napanaginipan ko na naman ‘yong araw na ‘yon. Akala ko talaga ay mawawala ka na ng tuluyan kaya sobrang natakot ako.”Nakaramdam ng lungkot si Lucil knowing na na-trauma din ang ate Lily niya dahil sa ginawa niya. Hindi lang ang ate niya kundi pati ang anak niya ay apektado din. Niyakap nalang din niya ang kapatid at hinaplos ang likuran nito para pakalmahin ito.“I’m sorry, ate. Promise, hindi na talaga mauulit ‘yon.”Nang kumalma at tumahan na si Lily ay nagtungo sila sa sala para doon mag-usap. Pag doon kasi sila nag-usap sa loob ng kwarto ay baka magising nila si Lilo kaya mas minabuti nilang sa sala nalang.“Ano ng plano mo ngayon?” tanong ni Lily kay Lucil.“Gusto kong paghigantihan si Donovan. Galit na galit ako sa kanya at sa babae niya.” Nanlilisik ang matang saa
“Time of death 10: 45 AM…” Saad ng doctor.Agad na napaupo sa sahig si Lily dahil sa narinig niya. Pilit siyang umiling, ayaw niyang tanggapin ang sinabi ng doctor. Pinilit niyang kinukumbinsi ang sarili na nagsisinungaling lang ‘yong doctor at buhay pa ang kapatid niya. Sinubukan niyang tumayo para lapitan sana ang kapatid pero bigo siyang makatayo dahil sa nanghihina ang mga tuhod niya. Napaiyak nalang siya ng makitang nag flatline na ang cardiac monitor na nakakabit kay Lucil.“HINDI…” umiiyak na sigaw niya.Tinakpan na ng mga doctor ng puting tela ang katawan ni Lucil at iniwan ito doon habang naroon parin si Lily. Iyak nang iyak si Lily. Sobrang laki ng pagsisisi niya na ang sama ng pakikisama niya sa kapatid niya gayong alam niyang may pinagdadaanan ito. Ngayon huli na ang lahat at hindi na siya makakabawi pa dito.“L-lucil, gumising ka…please…babawi pa sa’yo si ate.” Nanghihinang saad ni Lily. “Paano nalang si Lilo? Bunso, kailangan ka ng anak mo…” pinunasan ni Lily ang sipon n
“Dad, someone’s looking for you.” Tawag ni Eli sa ama na nakaupo sa wheelchair sa loob ng madilim na kwarto nito. Kahit madilim ang kwarto ay naaninag parin Naman niya Ang ama dahil sa munting liwanag na nagmumula sa bintana.Lumingon lang sa kanya si Donovan sabay sabing, “I don’t want to see anyone.” Madiing Saad nito. Napabuntong hininga nalang si Eli sa naging sagot ng ama niya.Ilang araw na itong ganito; Hindi lumalabas ng kwarto, Hindi kumakain, at Hindi na pumapasok sa trabaho. Nag aalala na rin si Eli sa inaasta ng ama niya. Nagsimula lang ito no’ng umalis sina Lucil at Lilo ilang araw ang nakakalipas. Parang nawalan na ito ng gana na mabuhay no’ng Iwan siya ng mga ito. Parang ‘yong saya at sigla niya ay sumama sa pag alis nila.“Ka trabaho mo daw siya at hinahanap ka niya. Papapasukin ko nalang siya dito.” Saad parin ni Eli. Pero Hindi na siya sinagot pa ng ama. Kaya lumabas na siya at nagpunta sa living room kung nasaan ang bisita na sinasabi niya.“Nandun po si daddy sa kw
Lumipas ang mga araw at halos hindi na magpakita sa kanilang lahat si Lucil. Nagkukulong nalang ito sa loob ng kwarto niya at ayaw na nitong lumabas. Hindi na rin ito makausap. Kaya labis na ang pag aalala ng mama niya.Maya-maya ay lumabas ng kwarto si Lilo dala ang tray na may lamang pagkain na Hindi manlang ginalaw ni Lucil."Ayaw po talagang kumain ni mommy, Lola." Saad ni Lilo. Napabuntong hininga nalang si Lucia.Si Lily Naman na nakaupo lang sa sala at nagbabasa ng nobela ay biglang inis na tumayo at nagtungo sa kwarto ni Lucil. Marahas nitong binuksan ang pintuan ngunit Hindi manlang natinag si Lucil. Nakaupo lang ito sa kama habang nakatingin sa labas ng bintana. Walang emosyon ang makikita sa mga mata niya."Hoy, Lucil! Anong Arte 'yan ha? Umayos ka nga! Nagsasayang ka ng pagkain eh. Saka maawa ka Naman kay mama, ang tanda-tanda na niya tapos binibigyan mo pa siya ng problema. Kung pumunta ka lang dito para mag inarte, pwes umalis ka na." Galit na Saad ni Lily.Pinalo Naman
Matapos kumain ng dinner ay pinatulog na ni Lucil si Lilo sa luma niyang kwarto. Nang masisiguro niyang mahimbing na Ang tulog ng anak niya ay saka siya dahan-dahang lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa sala at Nakita niya doon ang mama niya na hinihintay siya. Pagkakita sa kanya ni Lucia ay ibinuka nito Ang dalawang braso na animoy inaanyayahan siyang lumapit para yakapin siya nito.Lumapit nga si Lucil at yumakap sa ina at nagsimula na Naman siyang umiyak. Gustong-gusto niyang magsumbong sa mama niya na tulad dati no'ng Bata pa siya na everytime may nang aaway sa kanya ay umuuwi siyang umiiyak at nagsusumbong agad sa mama niya. Agad Naman siya nitong kino-comfort at kunwari pang susugurin iyong nang away sa kanya. Dahil dun ay tumatahan na siya sa pag iyak dahil ramdam niyang may nagmamahal at may hand Ang promotekta sa kanya. Away in man siya ng lahat, ang mahalaga ay andiyan ang mama niya na mapagsusumbungan niya.Gusto niya ulit mararamdaman iyon, 'yong love at comfort ng mama niy
Pagkatapos mag impake ni Lucil ay agad-agad niyang dinala ang isang maleta niya at hinawakan naman niya sa kaliwang kamay niya si Lilo at naglakad na sila palabas ng kwarto nila. Nagtataka naman silang sinalubong ng mga katulong nilang sina Aime at Jena.“Ma’am, ano pong nangyayari? Saan po kayo pupunta?” Tanong ni Aime.“Huwag nang maraming tanong, tulungan niyo nalang akong dalhin ang iba pa naming mga maleta.” Saad naman ni Lucil. Hindi man nila alam kung anong nangyayari ay sumunod parin sina Aime at Jena, tumulong na nga rin sila sa pagbubuhat ng mga maleta nina Lucil pababa ng hagdan. Sa katunayan ay kinuha nila ang maletang dala ni Lucil at si Aime na ang nagbuhat. Hindi pa kasi magaling ang sugat ni Lucil dahil nga na CS siya. Ayaw kasi nilang mabinat si Lucil kaya sila na ang nagdala ng mga maleta nito.Pagkarating nila sa sala ay nakasalubong nila si Donovan na basang-basa dahil sa ulan, kararating lang niya galing sementeryo. Nanlalaki ang mga mata nitong napatingin sa mga







