Mag-log in
Dumating si Lucilia sa Shangrila hotel, kung saan kasalukuyang ginaganap ang birthday celebration ng anak niyang kambal.
Basang-basa si Lucilia dahil bumuhos ang malakas na ulan habang naglalakad sila papunta sa venue. Nakasuot ng raincoat ang anak niyang si Lilo at binalot naman niya ng plastic ang dalang cake para hindi ito mabasa. Samantalang siya ay sumuong nalang sa ulan. Nagulat pa ang lahat ng buksan niya ang pintuan ng hotel. Lahat nagsitinginan sa kanya at nagbulong-bulungan. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ng isang babae. "Mukha siyang basang sisiw." Natatawang saad naman ng isa. "Ano bang ginagawa niya rito?" Tanong rin ng isa. Gustong ipamukha ni Lucilia na birthday lang naman ng mga anak niya kaya siya narito pero hindi niya nalang ito pinansin. Bakit parang gulat na gulat sila eh ako naman ang ina ng mga birthday celebrant? Tanong ni Lucilia sa isip niya. Nabaling lang ang attention ni Lucilia sa harap ng magsalita ang asawa. "Anong wish mo, anak?" Tanong ni Nolan kay Leland. "I want tita Lilah to be my mother!" Masiglang saad ng bata. Parang tinurok ng maraming karayom ang puso ni Lucilia sa narinig mula sa anak. Natawa naman si Lilah na nasa tabi lang ng anak niya. "Ano ka ba naman hindi pwedi iyan kasi may mommy ka naman eh." Natatawang saad ni Lilah. "Then dad would divorce mom para ikaw na maging mommy ko." "Bakit mo naman gustong magkaroon ng bagong mommy?" Tanong pa ni Lilah. "Because daddy likes you." "Saka napaka controlling ni mommy kaya ayaw ko na sa kanya." Nakangusong saad ni Leland. Noon pa man ay ramdam ni Lucilia na hindi siya gusto ng anak. Pero pinagtitiisan niya nalang ito dahil bata pa. Umaasa siya na magbabago ito habang lumalaki. At sa seven years na pagsasama nila ng asawa ay hindi niya naramdaman na mahal siya nito. Simula nung iluwal niya ang kambal ay natulog na sila sa magkahiwalay na kwarto. Alam ng lahat na childhood sweetheart sina Nolan at Lilah. At marahil nga ay mahal pa ni Nolan ang babae. "I like you to be my mom because daddy likes you. And that's my birthday wish." Saad pa ni Leland. Napangiti naman si Lilah na parang na touched sa sinabi ng bata saka ito niyakap at hinalikan sa noo. Nanigas si Lucilia sa kinatatayuan. Simula pagkabata ay ayaw na ayaw ni Leland ng physical contact especially sa kanya pero ngayon nakikita niya ang anak na kayakap ang babaeng ninanais nitong maging kanyang ina. Durog na durog ang puso ni Lucilia sa nakikita. Namumuo na rin ang luha sa mga mata niya. "Mommy." Tawag sa kanya ni Lilo. Pinilit niyang ngumiti saka hinarap ang anak. "Anong birthday wish mo, anak?" Nakangiting tanong ni Lucilia. "I only want you, mommy." Saad ni Lilo. "How about your daddy and Leland?" Umiling lang si Lilo saka niyakap si Lucilia. "Don't cry na mommy, hayaan mo po pagsasabihan ko si Leland na huwag ng lumapit kay tita Lilah." Saad pa nito. Napangiti nalang ng lihim si Lucilia. Pero nakapag desisyon na siya. Pagod na siyang maging invisible sa buhay ng asawa at anak niya. Kaya gusto na niya itong tapusin ngayon din. Hinawakan niya ang kamay ni Lilo saka sila naglakad palapit kina Nolan, Leland, at Lilah. "Lucil." Gulat na saad ni Lilah. "What happened? Bakit basang-basa ka?" Tanong nito pero hindi siya pinasin ni Lucilia. Tinanggal nito ang supot ng cake saka ito inilagay sa mesa at hiniwa. Nag bake siya ng cake na may desinyong mukha ng kambal. Siya palagi ang gumagawa ng cake ng kambal kasi may allergy si Leland sa gatas at dairy. Ibinigay niya ang hiniwa na cake kay Leland. "Ayaw ko niyan." Saad ni Leland saka itinapon sa sahig ang cake. "Itong cake ni tita Lilah ang gusto ko." Saad pa nito saka kinain ang cake na dala ni Lilah. "Allergic ka sa gatas, Leland." Suway ni Lucilia. "Allergic siya sa dairy kasi hindi mo naman siya pinakakain nun. Kung palagi mo siyang pinakakain nun edi mawawala na yung allergies niya." Saad ni Lilah. "Tita Lila is right." Saad ni Leland habang kumakain ng cake. Nasaktan si Lucilia sa ginawa ng anak. Hindi niya akalaing ipapahiya siya ng sarili niyang anak. Anak na iniluwal, inalagaan, at minahal niya ng limang taon ay ngayon pinagtutulakan na siya palayo. Pinunasan niya ang luha niya saka nagsalita. "Wish granted. Simula ngayon hindi mo na ako mommy." Saad ni Lucilia. Napatingin naman sa kanya si Leland. "Lucil!" Saway ni Nolan. "Papatulan mo ang sinasabi ng bata?" "Mag divorce na tayo. Magkita nalang tayo sa Regional Trial Court bukas ng alas tres ng hapon." Saad ni Lucilia saka hinila si Lilo palabas ng hotel. "Lucil!" Tawag ni Lilah. "Hayaan mo siya." Saad ni Nolan. "Kailangan mo siyang pigilan at suyuin." "Suyuin? Nagpapatawa ka ba, Lilah? Huwag kang mag alala pag uwi namin nakabantay lang yun sa may pintuan. Siya ang manunuyo at mag mamakaawa sa akin at hindi ako." Saad ni Nolan saka uminom ng wine at nakipag usap na sa mga kaibigan. Pagkatapos ng party ay nakatulog si Leland sa couch habang nagliligpit yung mga tao sa paligid. Nagising nalang ito dahil sobrang nangangati na ito. "Daddy!" Iyak ni Leland. Napalingon naman si Nolan na busyng nakikipag usap. Nilapitan niya ang anak at nakitang kamot ng kamot ito sa buong katawan. "What happened?" Tanong ni Nolan. "Ang kati po." Naiiyak na saad ni Leland at medyo nahihirapan na ring huminga. Tiningnan ni Nolan ang leeg ng anak at may mga rashes na nga ito. "It's your allergies." "Kasalanan ito ni mommy kung sana pinapainom at pinapakain niya ako ng dairy eh hindi ako magkaka allergies." Uniiyak na saad ni Leland. Kinarga ni Nolan ang anak saka nag drive pauwi. Ine-expect niya na sasalubungin sila ni Lucilia sa pintuan nila pero hindi ito nangyari. Ang sumalubong sa kanila ay si manang Esther, ang kasambahay nila. "Nasaan ang asawa ko?" Tanong ni Nolan. "Wala po dito si madam at young lady, sir. Umuwi po sa tahanan ng mga magulang niya." Saad ni manang Esther. "What?!" Gulat na tanong ni Nolan. Hindi siya makapaniwala na umalis talaga si Lucilia at iniwan sila. Sinubukan niyang tawagan ang asawa pero hindi nito sinagot ang tawag niya. "I can't believe her. May allergies na ang anak niya pero wala lang siyang pake?!" Galit na saad ni Nolan sa sarili. "Manang Esher, get Leland's medicine!" Utos nito. "Naku sir hindi ko po alam kung nasaan." Nakatanggap naman ng matalim na titig si Manang Esther mula kay Nolan. "Anong hindi mo alam?" Galit na saad nito. "Si madam naman po kasi ang nag aasikaso ng mga medisina ng kabal." Paliwanag ni Manang Esther. Nasapo nalang ni Nolan noo niya sa inis.“Asan na ‘yong baby ko? Ilabas niyo ‘yong baby ko!” Sigaw ni Lucil, natanggal na rin ‘yong swero sa kamay niya dahil sa pagwawala niya. Bigla namang nagtago sa pader si Donovan. Nanginig at nanghina ang mga tuhod niya dahil sa Nakita niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Lucil na Wala na Ang baby nila. Alam niyang guguho na naman ang Mundo nito kapag nalaman na nito Ang totoo.Muling sinilip ni Donovan ang Asawa at umiiyak at nagwawala parin ito. Samantalang pilit naman itong pinapakalma Nina Selene at Wilden. Maya-maya ay naisipan na niyang pumasok sa loob ng kwarto. Natigilan saglit si Lucil nang Makita siya. Pero kalaunan ay agad din itong tumayo at tumakbo papalapit sa kanya. Kwenilyuhan agad siya ni Lucil dahil sa Galit nito at Hindi na nakaawat pa sina Selene at Wilden.“Asan na ‘yong baby ko?!” Umiiyak pero Galit paring Tanong ni Lucil. Pero iyak lang din ang naisagot ni Donovan. Pinilit niyang magsalita pero walang boses na lumabas sa bibig niya.“Magsalita ka, asan
“Donovan, pwedi ba kitang makasabay sa pagkain?” Nakangiting Tanong ni Daphne.“Attorney Sanchez, nasaan ang manners mo? Supervisor mo si attorney Ferrer pero bakit pangalan niya Ang tinatawag mo?” Saway ni June kay Daphne.“First name basis po talaga ang tawagan namin ni Donovan. Ganun kmi ka close, attorney Perez.” Parang nagyayabang pa na Saad ni Daphne. Binalingan Naman niya si Donovan at hinawakan ito sa kanang kamay. “Please, Donovan, sabay na Tayo sa pagkain I’l treat you.” Pagpupumilit pa nito.Kaso nairita si Donovan sa ginagawa ni Daphne kaya iwinakli niya Ang kamay nito.“Attorney Sanchez, pasensiya na pero hindi Tayo ganyan ka close para umaasta ka ng ganito sa harap ko. Salamat nalang sa Alok mo pero may kasabay na akong kumain. Halika na, attorney Perez.” Saad pa ni Donovan at naglakad na papalayo. Natatawa namang sumunod sa kanya si June.Hindi Naman makapaniwala si Daphne sa ginawa sa kanya ni Donovan. Pinahiya siya nito sa harap ng iba nilang katrabaho kaya pinagbubul
Katanghaliangtapat nang mga oras na ito, nakaupo lang sa rocking chair si Lucil habang nakatanaw sa magandang tanawin sa harap niya. Naka play Naman mula sa mini speaker niya ang kantang ‘Close to you’ ng The Carpenters na mas damang-dama niya dahil sa malamig na ihip ng hangin. Pinanonood niya mula dito sa kwarto niya si Selene na masayang-masaya na inaaliw ang kambal nitong anak. Napangiti nalang siya sabay himas sa tiyan niya. “I can’t wait to hold you, my princess.” Saad ni Lucil. Siyam na buwan na Kasi ang tiyan niya at ngayong buwan ng October ang kabuwanan niya. Nakahanda na rin ang mga gamit nila na kung sakaling makaramdam na siya ng sakit ay susugod na agad sila ng hospital.Maya-maya ay napatingin sa gawi niya si Selene kaya kinawayan siya nito. Kumaway din Naman siya pabalik dito.“Kamusta ang maganda Kong misis?” Agad na napalingon si Lucil nang marinig ang boses ni Donovan. Nakauwi na pala ito galing trabaho.“Heto, maganda parin.” Pabiro namang wika ni Lucil. Lumapit n
Habang mahimbing pang natutulog si Donovan ay taimtim naman siyang tinititigan ni Lucil. Ngayon niya lang mas na appreciate ang kagwapuhan ng Asawa. Pinakatitigan niya talaga ito mula sa makakapal na kilay nito, pababa sa matangos na ilong, hanggang sa dumako siya sa mapula-pula nitong labi. Nakaramdam si Lucil na para bang inaakit siya ng mga labi ni Donovan. Kaya hinalikan niya ito. Smack lang dapat Ang gagawin niya kaso naramdaman nalang niya tumugon sa halik niya si Donovan at hinawakan nito Ang likod ng ulo niya para Hindi siya lumayo.Pagkatapos ng halik ay naupo ng maayos si Lucil at pinaypayan ang Sarili.“Ikaw ah, kanina mo pa siguro Ako pinagnanasaan?” May nakakalokong ngiti na Saad ni Donovan.“Hindi *huk* ah!” Depensa Naman ni Lucil sa Sarili. Pero tinawanan lang siya ni Donovan nang masinok siya. “Bahala ka nga diyan!” Inis na sad ni Lucil at tumayo na saka naglakad paalis.“Hon, biro lang. Mag-asawa Naman na Tayo kaya okay lang na pagnasaan mo Ako. Hon!” Sigaw pa ni Dono
“Kambal naman ang naging anak natin, bakit hindi mo nalang ibigay sa akin ‘yong isa at ‘yong isa naman ay sayo?” Bumagsak ang bibig ni Selene dahil sa sinabi ni Eric. Mas lalong sumiklab ang Galit niya dahil sa mga pinagsasabi nito.“Anong tingin mo sa mga anak ko, bagay na pweding ipamigay? Lumayas ka talaga sa harapan ko dahil nagdidilim ang paningin ko sayong walanghiya ka!” Pilit na hinihila ni Selene ‘yong stroller ng kambal pero mas malakas ang pagkakahawak ni Eric dito kaya Hindi niya ito Manila.“Huwag ka namang madamot, Selene! Anak ko rin Naman sila kaya may karapatan Ako sa kanila.” Saad pa ni Eric.“Anong anak? Wala kang anak, Eric. Itinapon mo ang karapatan mong maging ama nila Nung panahong tinalikuran mo kaming panagutan. Kaya makaka-alis ka na dahil Hindi ko ibibigay ang kahit sino sa kanila.” Pero ayaw parin bitawan ni Eric ‘yong stroller kaya napilitan si Selene na tapakan Ang paa nito. Dahil dun ay napabitaw na sa stroller si Eric. Dali-dali Namang itinulak papasok
Pagkaraan ng Isang linggo ay bumuti na rin ang pakiramdam ni Selene, pati na Ang baby niyang si Sawyer ay okay na rin at pwedi na nilang iuwi. Kaya ngayong araw ay busy sina Lucil sa bahay sa paghahanda dahil pauwi na nga Ngayon sina Selene. Nagpahanda ito ng masasarap na mga putahe at nag order pa nga siya ng Isang buong lechon. Sakto Naman Nung tapos na Silang maghanda ay nagtatakbo na sina Lilo at Eli mula sa labas dagil ito ang ginawa nilang lookout kung dumating na ba sina Selene.“Nandito na po sila!” Sigaw ni Lilo habang tumatakbo.“Paparating na sila!” Sigaw Naman ni Eli habang nasa likuran ni Lilo at tumatakbo rin. Kaya agad nang nagsilapit sina Lucil at naghanda na Silang salubungin sina Selene.Karga-karga ni Selene si Sawyer at si Weston Naman kay Wilden. Sila Ang nangunguna habang papasok ng mansion. Parehong malalapad ang mga ngiti nila. Nakasunod Naman sa kanila ang parents ni Selene, sila na Ang nagbubuhat ng mga gamit ni Selene.Pagkababa palang ng kotse ay nagtaka n







