Share

Chapter 11

Habang nakatambay sa kaniyang silid at nanonood buhat sa mga random na palabas sa tv ay umagaw sa pansin ni Joaquin ang eksena na iyon sa telebisyon, nang ang isang lalaki ay magpo-propose sa kaniyang girlfriend. Tuwang-tuwa naman at mangiyak-ngiyak pa ang babae na tinanggap ang marriage proposal ng boyfriend nito. Habang isinusuot ng lalaki ang singsing sa daliri ng kaniyang nobya ay hindi na ginawang tapusin pa ni Joaquin ang palabas, kinuha niya ang remote at pinatay ang tv. Nakaramdam lang siya ng inis, para naman kasing nang-aasar ang palabas na iyon. Biglang tuloy nag-flash back sa kaniya ang masamang nangyari sa relasyon nila ni Madeline dahil sa kaniyang palpak na marriage proposal.

Napahilamos siya sa kaniyang mukha sa labis na pagkadismaya sa sarili. Nang dahil sa kaniyang pagkakamali ay hanggang ngayon hindi pa rin siya kinakausap ni Madeline. Mahal niya ang nobya at ayaw niya itong sukuan, kaya lang ay masyadong matigas ang puso nito at ayaw makinig sa mga paliwanag niya.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status