"Hmm... I don't remember buying you a ring. Where did you get that one you're wearing, Baby?"
Napakislot ako.Oh shit! I forgot about it. Paano ko ba ito ipapaliwanag kay Roman? I can't just tell him the truth that out of nowhere, some stupid guy proposed to me because he mistook me for his girlfriend.No way it can't be. Sino naman ang maniniwala sa ganuong paliwanag?Grrrr... Binigyan pa talaga ako ng problema ng stupidong lalaki na iyon."I bought this ring... that's right! Binili ko ang singsing na 'to kahapon habang namamasyal ako. Mura lang 'to, nagustuhan ko ang design kaya kinuha ko na," paliwanag ko."I think you have great taste. It looks expensive, and the diamonds appear very authentic," sabi ni Ramon, habang nakatitig sa kamay ko.Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Inalis ko na sa lamesa ang kamay ko para hindi na iyon mapansin pa ni Roman.Totoo naman kasi, ang kapirasong singsing na suot ko ay milyon-milyon ang halaga, maari na akong makabili ng bahay at lupa sa singsing na ito."Never mind the ring, it's nothing. Kumain na lang tayo okay. Tikman mo 'tong steak nila rito masarap."Humiwa ako ng maliit na piraso ng karne at isinubo ko kay Roman. Kailangan kong ilihis ang atensiyon niya sa singsing. Ayokong pag-isipan niya ako ng masama. Baka kasi isipin niya na may ibang lalaki akong nilalandi tapos ibinigay ng lalaking 'yon sa akin ang singsing na 'to. Sa kabilang banda totoo naman, may nagbigay nga sa akin kaya lang, aksidente lang naman iyon. It's not supposed to be me.Nagpasalamat na lang talaga ako at hindi na ginawa pang malaking issue ni Roman ang singsing na suot ko. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna ako sa kaniya para magtungo sa powder room at mag-retouch. Titingnan ko na rin kung may sumabit bang karne sa ngipin ko, nakakahiya naman kasi kung ngingiti-ngiti ako tapos may tinga naman pala ako sa ngipin.Naglagay ako ng konting face powder dahil feeling ko ay nag-o-oily na ang face ko, naglagay na rin ako ng manipis na liptint sa labi para hindi naman ako magmukhang zombie sa putla. Maliit lang na pouch ang dala ko kaya hindi na ako nagbaon ng suklay, ang mga daliri ko na lang ang ginawa kong panuklay sa medyo nagusot kong buhok.Nang makita kong ayos naman na ang itsura ko ay agad na rin akong lumabas ng powder room. Mainipin si Roman kaya ayoko rin na paghintayin siya ng matagal.Paglabas ko ay nagulat na lang ako nang biglang may humila sa akin. Hindi agad ako nakapag-react. Hinatak ako nang kung sino papunta sa kung saan pagkatapos ay pabalya akong itinulak nito. Napangiwi ako nang tumama ang likod ko sa sementadong dingding. Galit na galit ako at handa na sanang sigawan ang taong gumawa sa akin ng masama, kaya lang ay para bang umurong ang dila ko nang makita ang seryosong mukha ng lalaking tunay na nagmamay-ari ng singsing na suot ko.Sa takot ko ay akmang tatakbo ako para iwasan siya, ngunit hindi ko nagawa. Itinukod niya ang dalawang kamay sa dingding at idinagan niya ang katawan sa akin para hindi ako makaalis. Na-corner na niya ako, wala na akong magawa para matakasan siya."Where do you think you're going, huh?" Narinig ko na naman ang maganda at very manly na boses niya, pero never mind, hindi importante kung gaano kaganda ang boses ng lalaking ito. Ang dapat na pagtuunan ko ng pansin ay kung paano ko ba siya matatakasan?"It's been two days since I gave you my contact number, yet I haven't received any calls from you. Are you going to return my ring or not? It seems like you're planning to keep it," sarkastikong sabi nito na may matalim na tingin.Iniwas ko ang mga mata ko sa kaniya, hindi ko kayang makipagtitigan sa lalaking 'to. Inaamin ko gwapo siya, para siyang isang modelo sa GQ Magazine, lalo na sa suot niyang itim na tuxedo. Napakalinis niyang tingnan at ang bango-bango pa. Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ay konting-konti na lang at mahahalikan na niya ako, kaya hindi ako komportable sa posisyon naming iyon."Could you please step away! I'll give you back the ring, like I'd ever try to escape from you. I've tried everything to take it off, see, my finger's already turning red. I've followed your instructions, I used soap, lotion, and oil on it, but it's still stuck. How can I call you when I haven't even gotten it off my finger yet?" inis na sabi ko."Then, come with me, we'll go to the hospital to have it removed by a doctor." Akmang hahawakan niya ang kamay ko ngunit mabilis kong iniwas iyon."No... I don't want to! And what will the doctors do to me, will they cut off my finger?" mapang-uyam na tanong ko."If there's no other choice to remove the ring from your finger, then that will happen," may halong pananakot na sabi nito."Huh! Stop it! I'll remove the ring, I can do it. There's no need to cut off my finger just for you to get it from me," determinadong sabi ko."Well, if that's the case, why don't you just remove it now? It got stuck quickly, so I'm pretty sure it will come off easily too, unless you're trying to deceive me by saying it won't come off your finger because you want to keep it. Let me tell you, Miss, claiming something that doesn't belong to you is not a good behavior."Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Why am I being blamed for this when you're the one who foolishly put this ring on me? Did I ask you to put it on me? Did I ask for the ring? Accusing me of being a thief is ridiculous. You should be the one apologizing for your actions. My finger hurts so much, can't I try to remove it tomorrow? I'll rest my finger for now to prevent further injury," iritableng sabi ko. Napupuno na kasi ako sa pagiging arogante niya. Para siyang walang puso sa ginagawa niyang pangha-harass na iyon sa akin."When are you going to call me? Even if you haven't taken off the ring yet, you still need to call me. I need to stay updated. I don't even know your name. How will I find you? I guess you're just a tourist here. What if your vacation ends and you haven't given the ring back yet? Where will I find you?"Huminga ako nang malalim. Tama naman siya, gusto niya ng assurance na hindi ko siya lolokohin.Kinuha ko ang ballpen sa pouch ko at pagkatapos ay inabot ko ang kamay niya. Wala akong dalang papel kaya iyon lang ang naisip ko na pwedeng pagsulatan."Here's my name," sabi ko.Isinulat ko ang buong pangalan ko sa palad niya, nilagay ko ang address ko sa Pilipinas, pati na ang cellphone ko at ang social media account ko. Ipinakita ko rin sa kaniya ang ID ko para lang patunayan na hindi ako nagsisinungaling sa mga isinulat ko sa palad niya."Huh! You're not using your head. You didn't need to mess up my hand. Why didn't you just borrow my cellphone and write down all of that in my notes app? What if I sweat or wash my hands? It would have been erased.""You're not using your head, either. What's the use of your cellphone? Just take a picture of your hand before it gets erased. It's so simple," sabi ko sabay ngiti na nakakainsulto.Natahimik siya, huminga nang malalim at pagkatapos ay dinukot ang kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon at saka pinikturan ang kaniyang palad."I've already given you everything you need. Can I leave now?" mataray na sabi ko.Umalis na siya sa pagkakadagan sa akin at umatras ng konti para bigyan ako ng space.Humakbang ako at tumalikod, handa na sana akong iwan siya kaya lang ay may nakalimutan akong sabihin kaya pumihit ako paharap."I also want to get rid of this ring because I don't wan't you to bother me anymore and I won't have to see you again," sabi ko.Masamang tingin lang ang binigay niya sa akin, ngunit hindi nagsalita pa ng kung ano. Tumalikod na ako at tuluyan siyang iniwan.Kahit nangingig ang mga tuhod ay mabilis pa rin ang mga hakbang ni Eunice. Ang kagustuhan na makita si Roman ang nagbibigay sa kaniya ng lakas. Nasa loob na siya ng ospital at kasalukuyang hinahanap ang mayamang negosyante. Dali-dali niyang tinungo ang information center upang magtanong."Miss, pwede ko bang malaman kung may pasyente kayo rito na ang pangalan ay Roman Cervantes?" tanong niya sa babaeng naroroon at kumukuha ng mga inquiries."Roman Cervantes, Ma'am?" pag-uulit nito sa pangalang binanggit niya."Yes," mabilis na tugon niya kasabay ng pagtango."Teka lang po, itse-check ko rito sa files namin." Hinarap nito ang computer at hinanap sa record ng mga pasyente kung may ganuon ngang pangalan na naka-confine roon. Buhat sa paghahanap ay natigil ito at bumaling kay Eunice."According po sa file namin ay mayroon nga pong pasyenteng dinala rito kagabi na ang pangalan ay Roman Cervantes."Nabuhayan ng loob si Eunice ang buong akala kasi niya ay inilipat na ng ospital si Roman. "Ah
Nakaramdam ng matinding excitement si Eunice, nang marinig niya ang pamilyar na tunog ng sasakyan na pumapasok sa loob ng kaniyang bakuran."Ma'am, si Sir Roman, dumating na!" masayang pagbabalita ng kaniyang kasambahay. Nasa tuktok siya ng hagdan at ito naman ay nasa paanan kaya tiningala siya nito."Gumawa kayo ng masarap na meryenda, ipagluto ninyo ng makakain si Roman," tarantang utos niya rito."Sige po, Ma'am, kami na ang bahala," maliksi ang kilos ng kasambahay, tinungo nito sa kusina ang kasamahang kusinera para sabihin ang ipinag-uutos ng kaniyang amo.Inayos muna niya ang kaniyang sarili. Mabuti na lang at lagi siyang handa sa pagdating ni Roman, katatapos lang niyang maligo kaya naman mabangong-mabango siya. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan para salubungin ang mayamang negosyante sa main door ng bahay."Honey!" masiglang tawag niya sa kalaguyo. Sinugod niya ito ng yakap. "Ano ba ang nangyari, bakit ang tagal mong nakabalik?" may himig pagtatampo na tanong niya."I'm so sor
"Kamusta na ang pinagagawa ko sa'yo, Moreno, may resulta na ba?" tanong ni Emmanuel sa lalaking kapapasok lang sa kaniyang opisina at ngayon ay nakatayo sa harapan niya. Itinuro niya ang upuan sa tabi nito at iminuwestra na maupo, na siya namang ginawa ng lalaki.Kasalukuyan niyang sinusuri ang disensyo at label ng bagong alak na ilo-launch nila sa market. Ang anak na si Joaquin mismo ang dumiskubre ng bagong alak na iyon. Sobrang proud siya para sa kaniyang anak, talagang namana nito ang mga katangian niya."Good news, Sir, nakita ko na ang pinahahanap ninyo sa akin. Nalaman ko na ang pangalan niya at kung saan siya nakatira," masayang tugon ng kausap.Natigilan ang ginoo, bigla siyang napatuwid ng upo. Itinabi niya ang hawak na bote ng alak at hinarap ang kausap, hinanda ang sarili na makinig sa sasabihin nito."Really! So, ano ang natuklasan mo sa kaniya? Mabuti ba ang kalagayan niya? Maayos ba ang buhay niya? Nag-aaral ba siya, nagtatrabaho? Ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon?"
Naging masaya ang bakasyon ni Eunice kasama si Roman sa Spain. Namasyal sila, nag-shopping at kumain ng mga masasarap na pagkain. Wala sa kanilang dalawa na nakapansin sa lalaking panay ang buntot sa kanila saan man sila pumunta. Natapos ang isang linggong bakasyon ng dalawa at bumalik na rin sila sa Pilipinas. "This is the most memorable vacation we had together, baby," ani Roman. May sumundo sa kanilang sasakyan, tauhan ni Roman ang nagmamaneho at hinatid sila sa bahay. Hindi muna dumiretso si Roman sa pamilya niya. Ang plano nito ay magpalipas muna ng gabi kasama si Eunice.Humilig ang dalaga sa balikat ng mayamang negosyante. "Yes, I agree, ito nga ang pinakamasayang bakasyon natin together, sana maulit pa."Alas diyes nang gabi ng makarating sila sa bahay at hindi nila inaasahan na mabubungaran nila si Olivia, kanina pa pala ito nakaabang sa pagdating nila.Isang malakas na palakpak ang umalingaw-ngaw sa malawak na sala."Bravo! Ang kakapal talaga ng mga mukha ninyo. Lalo ka n
Matapos dumalaw sa kanilang plantasyon ng mga tubo sa Andalusia ay bumiyahe pabalik nang Barcelona si Joaquin.Inabot na siya ng gutom, alas kuwatro na ng hapon ng mga oras na iyon, kaya naman tumigil muna siya sa isang restaurant para kumain. Malapit lang ang restaurant sa kaniyang bahay. Hindi siya nakapag-hapunan kanina dahil sa sobrang pagkaabala, marami kasi siyang inasikaso sa farm.Habang siya ay kumakain ay bigla siyang napalingon sa entrance door ng restaurant. Hindi niya inaasahan kung sino ang makikitang pumasok. Si Eunice iyon, may kasama itong may edad nang lalaki. Noong una akala niya ay ama ng dalaga ang kasama nito, ngunit napaawang ang bibig niya nang ang lalaking kasama nito ay bigla na lamang halikan si Eunice sa labi ng sila ay makaupo na.Hindi siya napansin nito dahil ang puwesto niya ay sa nasa gawing dulo, malayo sa lamesa na napili ng mga ito. Hindi niya alam na may asawa na pala si Eunice, ang buong akala niya ay dalaga pa ito at hindi niya rin inaasahan na a
“Dad! I’m going back to Spain tomorrow, meron ka bang ipagbibilin tungkol sa negosyo natin doon?” Umangat ang ulo ni Emmanuel para lingunin ang anak. Ngumiti ito sabay iling.“You’re doing great, son. Maganda ang pagpapatakbo mo sa kumpanya natin, what else can I ask for? Just take good care of yourself, okay. Iyon lang ang gusto namin ng mommy mo, lalo na at malayo kami sa iyo.”“Yes, Dad, lagi ko namang inaalagaan ang sarili ko, kayo rin po, ingatan ninyo ang kalusugan ninyo at alagaan ninyo si mommy.”Tumango si Emmanuel. “We’ll going to miss you, son. Ilang taon na naman tayong hindi magkikita.”“Yeah, but I will visit if I have time.”“Okay. Kung hindi ka naman makakauwi ay kami ang pupunta ng mommy mo sa Spain to visit you.”“I have to go, Dad, aayusin ko na ang mga gamit na dadalhin ko, maaga pa ang flight ko bukas.”Tumayo si Emmanuel at niyakap ang anak.“I’m so proud of you, son,” sambit nito sabay tapik sa balikat ni Joaquin.“Thanks, Dad,” aniya.Sa America nag-aral ng co