Share

Chapter Six: Reminiscing

HINDI ko alam kung anong oras na nakauwi kagabi si Damon. Hindi ko na nalabanan ang antok ko kagabi kaya naman wala na akong pakialam kung naroon pa siya sa silid ko basta ang alam ko lang ay mahimbing akong nakatulog.

Tinatamad na bumangon ako. Kapagkuwa'y mabilis akong naligo at nag-ayos ng aking sarili.

Biglang tumunog ang aking tiyan kaya't lumabas na rin ako ng silid upang magkape at mag-almusal.

Naabutan ko si mommy na naroon na sa dining table at patapos na itong kumain.

Lumapit ako at hinalikan ko siya sa pisngi. "Good morning, mom! Where is dad?"

"Office." maikli niyang tugon. Umupo na rin ako sa katapat niyang silya at agad kong dinampot ang sandwich na nasa pinggan. "Parang tinatamad ka na yata'ng pumasok sa opisina." sita niya saakin.

"Mom, kahit sino naman ay tatamarin kung sa araw-araw na lang na pagpunta ko sa kompanya ay problema agad ang nai-encounter ko."

"Hmm, ba't kasi pinatatagal niyo pa ang kasal niyo ni Damon? At bakit sa America pa? May ba pa ba kayong pinaplano?"

"Mom, si Damon ang magdidesisyon kung kailan at saan kami ikakasal. At saka tayo ang nang-obliga sa kanya. Kaya wala tayong karapatan na mag-demand sa kanya ng kahit ano. We need to respect and follow his decision."

"I know. Pero may iba naman'g rason kung bakit siya pumayag na pakasalan ka. Her mother owes me a lot kaya nang malaman nina Diana at Armando ang tungkol sa kalagayan ng kompanya natin ay agad silang nag boluntaryo."

"Wait, mom...actually naguguluhan ako eh! Paano mo bang nakilala ang pamilya ng lalaking iyon? Paano nagkaroon sa'yo ng utang na loob ang ina niya?"

"Baby, remember i'm a former nephrologist." Ani mom na biglang naging malungkot ang tinig dahilan upang mas lalo akong maguluhan.

"So? What's the-"

"Her mom undergo a kidney transplant twenty two years ago."

"What? Is this a joke mom? Ang tagal na pala no'n. Then, how does it happen na-"

"Ssshhh. Let me tell you the whole story."

flashback...

(twenty two years ago)

"Mrs. Fuentebella, huwag ka sana'ng mabibigla...pero sa tingin ko ay kailangan na kitang i-refer sa isang nephrologist. Malala na ang kalagayan ng kidney mo at kailangan mo ng sumailalim sa isang kidney transplant. By the way, this is Dr. Fatima Alcantara. Isa siya sa mahusay na nephrologist na maaaring makatulong sa'yo."

"Doc, wala akong pera." kaagad na protesta ng pasyente. "Hindi ko kakayanin na magbayad ng malaking halaga." Nanghihinang tugon ni Mrs. Fuentebella.

"Baka may kapamilya ka na pwede namin kausapin." giit pa ng assigned physician nj Mrs. Fuentebella.

"Doc, iniwan na ako ng asawa ko simula pa man ng ipanganak ko ang batang lalaki na nasa labas ng silid na ito. Wala na rin akong mga magulang at relatives na pwede kong malapitan." Paliwanag ni Mrs. Fuentebella na hinang-hina na sa pagsasalita. Labis na rin ang kapayatan nito.

"Uhm, Dr. Perez...maaari mo bang iwanan muna kami ng pasyente? Gusto ko lang siyang kauspain ng masinsinan. Baka sakaling makumbinsi ko siya."

"Okay. Thank you, Dr. Alcantara."

Nang makaalis ang physician ay dahan-dahan kong kinausap ang pasyente. Awang-awa na ako sa kanya lalo pa kapag nakikita ko ang anak niya na umiiyak sa labas. Bigla kong naaalala sa kanya si Freya. Ang cute ng batang iyon at sa palagay ko ay magkasing edad lang sila ni Freya.

"Hmm, alam mo, natutuwa ako sa anak mo. Ang cute niya. Kaya lang ay panay kyak siya." Pagkukuwento ko dahilan upang magsimula ng lumuha ang mga mata ni Mrs. Fuentebella.

Kapagkuwa'y naramdaman kong guamalw ang kanyang kamay at ipinatong iyon sa kamay ko. "Dr. Alcantara, may gusto sana akong hingiin na pabor sayo doc. Alam kong malabo na maoperahan ako. Wala akong pera. At wala rin akong kamag-anak o kakilala na pwede kong-"

"Mrs. Fuentebella, it's an honor for me to help you. Promise, I will find a kidney donor for you. I will shoulder all the expenses and I will assure you that everything will be fine and for sure, your son will be very happy once you discharge here."

"What? A doctor like you will going to help me?" hindi makapaniwalang bulalas niya.

"Yeah."

"Pero paano kitang mababayaran, doc? Paano kitang-"

"Ssshhh, hindi kita sisingilin. Bukal sa puso ko nag tulong iniaalok ko sa'yo. Ina rin ako at alam ko kung gaano kasakit para sa isang ina na makitang nasasaktan at nahihirapan ang kanyang anak."

"Maraming salamat. Balang araw ay masusuklian ko rin ang kabutihan mong ito doc. Sana lahat ng doctor ay kasing buti ng puso mo." umiiyak niyang pahayag.

"Trabaho namin na dugtungan ang buhay ng bawat pasyente. Kaya huwag mong isipin na sisingilin kita."

"Milyon ang kailangan upang makakuha ako ng kidney donor. At milyon din ang kailangan, for me to undergo that surgery. That's why I am very thankful to you, doc."

"Huwag ka munang magpasalamat. Saka ka na magpasalamat kapag naging successful na ang operation mo."

Three days has been passed and she's getting weaker everyday. Her kidney donor will be arrive here by tomorrow morning and I hope that this operation should went well.

When the day of her surgery, came...I was happy yet nervous. Because this is the first kidney transplant that I am going to so. Kaya naman malakas ang loob kong mag-offer ng tulong sa kanya kahit pa nga milyon ang halaga ng lahat ng ito. I know that this is the only way para mapatunayan ko kay dad, that this profession suits me well. Ayokong maging negosyante. Ayokong maging tagapagmana ng kompanya niya kung hindi rin naman ako magiging masaya do'n.

Nakakapagod ang aking profession na ito. But this is really my passion. Dito ako masaya at kahit buhay ng tao ang nakasalalay dito, I will still chose this. Dito ako masaya at dito ako comfortable.

Tumagal ng mahigit apat na oras ang surgery ni Mrs. Fuentebella. Matagal din siyang nagising kaya naman bahagya akong nakaramdam ng kaba. Nag-usal ako ng isang taimtim na panalangin na sana ay ligtas siya at sana ay ito na nga ang solusyon sa aking problema.

But then, another one hour has passed and she finally awake.

"Thanks, God! I did it!" I exclaimed.

Muli ko siyang pinuntahan sa ward na pinagdalhan sa kanya after the surgery.

Sa wakas ay pinayagan na rin ng mga doctor na pumasok sa ward ang kanyang anak.

There, I saw a young man sitting on the edge of hospital bed.

"Hello, little boy." I approached him.

"Thank you, doctor...Thank you for saving my mom. You're the best!" he exclaimed.

I can't help myself but to hug him. "You're welcome li'l boy. What's your name?"

"Damon...Damon Fuentebella."

"Nice name huh! Take care of your mom. And I hope that we meet again."

The li'l boy just nodded at me. Then I approached his mom.

"Thank you doc." she said in a very hoarse voice.

"I think, i'm the one who should be thankful to you. Because of you, I can pursue now my passion and dreams."

"I don't understand if why did you help me. But I promise that, one day if our path crosses again...I am going to do anything just to repent this-"

"Ssshhh, you don't need to do that. As I said, bukal sa puso ko ang pagtulong na 'yan. At malaking tulong din sa career ko ang ginawa kong surgery."

Matapos ang masinsinan namin na pag-uusap ay nagpaalam na rin ako sa kanila. I need to fo home early, so that I can be able to tell this on my dad.

end of flashback...

Napatakip ako sa aking bibig matapos kong marinig ang kwento ni mom. "Gosh, you did that just to pursue your passion and dreams?"

"Yeah. But then, when I met your dad, everything has changed. Iniwan ko rin ang profession ko at mas pinili ko na lang ang maging isang mabuting asawa at ina sa'yo Freya."

"Meaning, kami lang pala ni dad ang humadlang sa-"

"Of course not! You two are not hindrance in my life. Pinili ko kayo dahil mas mahalaga kayo. That's why I felt sorry sa sinapit mo ngayon, baby. I know that this is too much-"

"Wala na tayong magagawa. Pumayag na ako sa kasal na 'to at wala rin naman tayong ibang choice eh. But wait, if Auntie Diana is just an ordinary woman, how does it happen na bigla silang naging gan'to kayaman? And how about Uncle Armando? Is he just a second husband of Auntie Diana?"

"Nope. Armando is the real father of Damon. There's a lot of struggle na dumating sa buhay ng Auntie Diana mo kaya mas pinili niyang hiwalayan si Armando. Pero hindi pa rin tumigil ang Uncle Armando mo. Hinanap niya sina Diana at Damon hanggang sa muli silang nabuo bilang isang pamilya."

"Really? But how does dad and Uncle Armando -"

"They are business partners for almost a decade. Hmm, hindi nga lang kayo nagkikita ng anak niya dahil sa America ito nag-stay at nag-aral kasama ni Diana."

"Gosh! Kaya pala gano'n 'yon ka arogante! Nahawa siguro siya ng rude behavior ng ibang amerikano do'n." Nakairap kong sambit. "Wait, don't tell me na kilala mo na si Damon simula pa man no'ng araw na inisip kong nawala ang aking wallet?"

"To be honest, hindi ko siya kilala. Sounds familiar ang pangalan at apelyido niya pero hindi ko alam na siya na pala ang anak ni Diana."

"Tss, what a small world!" tanging naging tugon ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status