LOGIN
CHAPTER 1: First Meeting
"Mia, let's eat first nagugutom na ako." Pagrereklamo ni Aya sa'kin. Kakarating lang namin ng mall pero pagkain na agad iyong nasa isipan niya. Tatlo kaming magkakaibigan at si Aya ang pinakamatakaw sa lahat. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya tumataba kahit lamon siya ng lamon. Ang sexy parin ng katawan niya. "You're really a B Aya." Panunukso naman ni May kay Aya. Kung napapansin niyo lahat kami three letters lang ang bumubuo sa pangalan namin. Mia, Aya ang May. Kaya nga 'three girls' ang pangalan ng grupo namin. "Hindi ako baboy May so shut up." "Relax Aya. Manood na muna tayo ng movie." Pagsusuggest ko sa kanya. "Well, if ayaw niyong kumain eh di huwag. Ako nalang ang kakain." Tapos tumalikod na siya at naglakad papalayo sa'min. Wala nadin kaming ibang nagawa kundi ang sundan siya. "Sundan nalang natin May." Tumango lang naman si May. Nakasunod lang kami kay Aya habang pumasok siya saGreenwich. Naghanap nadin siya ng bakanteng mesa saka siya umupo. "Oh? Why are you here?" Mataray na tanong niya sa'min habang hinila namin ni May ang dalawang upuan na uupuansananamin. "Andito kami para samahan kang kumain." Sagot ko kay Aya. "No need girls. Kaya ko namang mag-isa." Sabi niya habang nakapulopot ang dalawang braso niya sa dibdib niya. "If that's the case then happy eating Aya." Sabi ko. "Let's go Mia." Tatalikod nasanakami ni May ng bigla kaming tinawag ni Aya. "Girls I'm just kidding. Maupo na kayo. Ililibre ko na kayo." Gumuhit naman ang ngiti sa labi namin ni May dahil sa sinabi ni Aya saka kami humarap at naupo. Si Aya nadin ang nag order ng pagkain namin and as usual andami na naman niyang inorder na pagkain. "Aya what are you doing?" Tanong ko sa kanya dahil nakakahiya talaga siya. Pinagtinginan ba naman kami ng mga tao dahil sa andami niyang dala dala. Tinulungan pa nga siya ng waiter dahil hindi na niya madala lahat ng inorder niya. "uhhmm.. Sitting?" Nakakainis talaga si Aya. Napakapilosopo pero mahal ko parin siya kahit na ganun. "Nevermind Aya." "Ano pang hinihintay niyo? Kainan na!" Bulalas ni Aya. Nagtinginan lang kami ni May dahil parehos kaming busog at wala kaming ganang kumain. Pero dahil mahal namin ang kaibigan naming si Aya, kumain nadin kami ng konti. "So Mia, kamusta na pala kayo ni Jun?" Bigla nalang akong nabilaukan pagkatapos bangitin ni May ang pangalan ni Jun. *cough* *cough* *cough* Inabot naman ni Aya agad ang tubig saka ko ininom iyon. *cough* *cough* "Okay ka lang Mia?" Tanong ni May. "Mukha ba akong okay May?" *choke* *choke* "I'm sorry Mia, akala ko kasi naka move on kana kay Jun. Sana hindi ko nalang tinanong." Panghihingi ng pasensya ni May. "May, matagal na akong nakapag move on kay Jun. Nabigla lang ako sa tanong mo." Medyo matagal nadin iyong araw na naghiwalay kami ni Jun. Si Jun ang first love ko. Inakala ko talaga noon na siya na iyong lalaking makakasma ko hanggang sa kamatayan pero I was wrong. Inakala ko mahal na mahal niya din ako kahit ganito lang ako pero again I was wrong. Mabuti nalang talaga at narinig ko sila ni Ivory na nag-uusap sa likod ng school building namin dahil kung hindi baka hanggang ngayon eh nagmumukha parin akong tanga sa kanya. "Ivory, hindi ko talaga mahal si Mia. Pano ko naman mamahalin ang ganong klaseng tao? Maganda nga siya, mayaman at mabait pero napakatanga talaga. Sa tuwing magkasama kami palagi nalang akong napapahiya dahil sa pagiging clumsy niya. Kakambal niya ata ang malas. Hehe." "Kung ganun sino naman ang mahal mo?" "Ikaw ang mahal ko Ivory. Mas maganda ka sa kanya at mas sexy." Hindi ko talaga makakalimutan ang mga sinabi ni Jun tungkol sa'kin. Everytime we were on a date, hindi nawawala ang malas sa'kin. Kung hindi ako natatapunan ng tubig, nadudulas naman ako. Inaamin ko napapahiya ko siya. Pero hindi ko naman inasahan na niloko niya lang pala ako. Hindi ko inasahan na hinti talaga niya ako mahal. Napakalaki kong tanga. "Mia? Are you okay?" Saka lang ako bumalik sa sarili ko pagkatapos akong kamustahin ni Aya. "Okay ka lang Mia?" Tanong naman ni May. "I'm okay girls. Punta lang akong restroom." Pero pagtayo ko, hindi ko namalayan na may waiter palang malapit sa'kin na may dalang tray na may basong tubig. "Mia, watch out!!" Bulalas ng dalawa kong kaibigan. Mabuti nalang talaga at nabantaan nila ako agad kaya hindi ako natapunan ng tubig. Sanangayong araw, hindi ako malasin. Kahit ngayong araw lang. "I'm sorry Ma'am." Paghihingi ng pasensya ng waiter. "Ako po dapat ang humingi ng pasensya. Saka huwag po kayong mag-alala dahil hindi naman ako natapunan." "WOO!!!" Sabay na buntong hininga ng dalawa kong kaibigan. "hehe. Mabuti nalang talaga at hindi ako natapunan ng tubig." Sabi ko sa kanila saka ako ng peace sign. "Sige punta na muna akong restroom." Naglakad ako papuntang restroom. Hindi paman ako nakarating sa restroom ng makabangga ko iyong lalaki na may dala ng tray. *BOGSH* Dahil sa sobrang lakas niya, napatumba ako sa sahig at lahat ng tao nakatingin sa'kin. Pati nadin iyong lalaking nakabangga ko. What's worse is natapon iyong dala niyang lasagna sa ulo ko. "Oh my gosh Mia are you okay?" Lumapit naman agad si May at si Aya sa'kin at tinulungan akong tumayo. Iyong lalaking nakabangga ko, hindi man lang ako tinulungan o kamustahin man lang kung okay lang ako. Nang makatayo na ako, nakatitig parin siya sa'kin. "Hindi ka ba hihingi ng pasensya?" Tanong ko sa kanya. "For what?" Malamig na tanong niya. Sobra akong nainis sa kanya. Ang sarap niyang kurutin sa singin. Ang sarap niyang kalmotin at ang sarap niyang suntukin. "For what? Hindi mo alam kung para san? Syempre dahil tinapunan mo ako ng pagkain. Tingnan mo kung ano na ang itsura ko ngayon." Tumitig lang siya sa'kin mula ulo hanggang paa saka siya nagsalita. "Wala namang pagbabago bago ka natapunan ng pagkain at pagkatapos kang matapunan. You look stupid." Kumulo ang dugo ko pagkatapos kong marinig ang salitang stupid. I've heard it so many times already pero hindi ko alam kung bakit ang sakit pakinggan ng sabihin niya sa'kin iyon. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Kung hihingi ka lang ng pasensya, tatanggapin ko iyon pero kung ako sayo bibilisan ko bago pa magbago ang isipan ko." Pero tahimik parin siya. Pagkatapos ng isang minuto saka lang siya ulit nagsalita. "Ikaw dapat ang humingi ng pasensya sa'kin." "Ano?" Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. Siya iyong bumangga sa'kin. Dahil sa kanya kaya ako natapunan ng pagkain tapos sasabihin niya sa'kin na ako ang dapat humingi ng pasensya? "Bobo ka ba?" Galit na tanong ko sa kanya. "Look here Miss. Dahil sa'yo kaya hindi ako makakain ngayon. Wala na akong ibang cash at hindi sila tumatanggap ng credit card dito. Dahil sa pagiging clumsy mo kaya natapon ang pagkain ko." Tumitig ako sa mga mata niya. Nakakainis talaga ang lalaking 'to. Naiinis ako sa kanya. Nabwebweset ako sa kanya. "Fine.. If ayaw mong humingi ng pasensya bilhan mo nalang ako ng bagong lasagna." Sambit nong lalaki na parang nang-uutos lang na alila. "Anong tingin mo sa'kin? Sugar Mommy? Magdusa ka diyan!!" Sigaw ko sa kanya. "Mia, stop it nakatingin na lahat ng tao sa'tin." "Mia, tulungan ka na naming linisin ang sarili mo." Mabuti nalang talaga at hinila na ako ng dalawa kong kaibigan papuntang rest room dahil kung hindi eh baka kung ano na ang nagawa ko sa lalaking iyon. Nakakainis siya. Nakakabweset. Napaka presko niya. Akala naman niya eh gwa.. Teka. Pinilit kong inalala ang muha ng lalaki. Gwapo naman talaga siya. Matangkad. Maputi. Matangos ang ilong. At ang kinis ng balat. Ugh!! Hindi ngayon ang tamanag panahon para isipin ko pa ang physical features niya dahil kahit na sobrang gwapo niya eh pinahiya parin niya ako sa harap ng maraming tao. Sanay na ako sa mga ganung bagay pero iba talaga iyong kanina. Nakakainis. Tinulungan ako ni May at ni Aya na linisin ang sarili ko. Iyong buhok ko ang sama ng amoy, amoy lasagna.. "Mia, hindi mo naman kasi tinitignan ang dinadaanan mo." Sabi ni Aya habang pinupunasan niya ang buhok ko. "Kinakampihan mo ba ang lalaking iyon?" "Hindi nama sa ganun Aya. Ang gusto ko lang sabihin, sa susunod magiingat ka para naman hindi ka na madisgrasya." "Tama si Aya, Mia. Tingnan mo naman iyong dinadaanan mo para sa susunod hindi na mauulit iyong nangyari ngayon." Tumahimik lang ako dahil totoo naman talaga iyong sinasabi nila. Dapat sa susunod magiingat na ako. Pagod nadin akong palaging napapahiya. Palaging nadadapa. Palaging minamalas. Pero kahit na anong gawin kong pag-iingat nauulit parin ang mga kamalasan sa buhay ko. "Hayyy!!!" Napabuntong hininga nalang ako. Pagkatapos nila akong tulungan na linisin ang sarili ko, dumeretso na kami sa labas ngGreenwich. Hindi na namin binalikan iyong pagkain sa table namin dahil nahihiya na kami sa maraming tao. Ang dami kasing nakakita nong nangyari kanina. Nakakahiya. Pero paglabas namin ngGreenwich. Nagulat nalang kami ng biglang may humila saking matangkad na lalaki. "MAY!! AYA!!" Bulalas ko habang hinihila niya ako papalayo sa dalawa kong kaibigan. "TULUNGAN NIYO AKO!!" "MIA!!!" Katatapos lang nong nangyari sa loob ngGreenwich, ngayon iba naman ang mangyayari sa'kin. "Bitawan mo nga ako!!" Sigaw ko sa lalaking humila sa'kin. Pero pagkatapos kong mafocus ang mga mata ko sa mukha niya bigla ko nalang naalala ang lasagna. Siya iyong bumangga sa'kin kaya ako natapunan ng pagkain sa ulo. "IKAW???"CHAPTER 4: Informations Sa lahat ba naman ng oras na pwede akong mahulog sa canal bakit ngayon pa? Sa lahat ba naman ng canal na pwede akong mahulog bakit dito pa? Tanggap ko naman na mapapahiya ako. Wala akong reklamo wala akong problema don pero.. Baki dito pa mismo sa harap ni Lasagna Boy? Hanggang bewang ko iyong tubig ng canal at ang masaklap pa, hanggang tuhod ata iyong putik. Nakakainis!! Nakakhiya!! Bakit? Bakit?"Mia are you okay?" Tanong ng dalawang girls habang nilapitan nila ako. Parang gusto kong mainsulo sa tanong nila, bakit kailangan pa nila akong tanungin kung okay lang ako eh halata namang hindi diba? Eh sila kaya mahulog sa canal tapos tatanungin ko sila kung okay lang sila? Hindi ko nalang sila sinagot dahil hindi ko talaga nagustuhan ang tanong nila. "Tulungan ka na namin." Inabot nila iyong kamay nila sa'kin. Hahawakan ko na sana ang kamay nila kaso lang.. **BOGSHH** Hindi ko talaga alam kung kailan ako lulubayan ng malas. Hindi pa nga ako nakaka-a
CHAPTER 3: Found him!"Mia ano bang ginagawa natin dito?"Tanong ni Aya sa'kin."May hinahanap ako.""Sino?"Tanong naman ni May."Si Lasagna Boy."Sagot ko kay May habang busy parin ang mga mata ko sa pagchechek sa paligid sakaling makita ko siya."Iyong nakabangga mo kahapon?"Tanong ulit ni May kaya tumango naman ako"My God Maybelline!! Akala ko naman kung anong ginagawa natin dito."Alam kong malapit ng sumabog si Aya sa galit dahil sa tuwing tinatawag niya akong Maybelline, ibig sabihin non nauubusan na siya ng pasensya sa'kin.Tumayo na si Aya at tinanggal ang black shades na suot niya."Huwag mong tanggaling iyan Aya, baka may makakilala sa'tin dito."Saway ko sa kanya habang hinila ko siya pabalik sa upuan niya."Hinahanap lang natin si Lasagna Boy bakit pa kailangang magdisguise? Para tayong old detective nito."Huwag ka nalang makulit diyan at isa pa huwag kang mag-alala Aya ililibre ko naman kayo ni May ng lunch mamaya. Kahit gano kadami pa ang kainin niyo okay lang."Saka
CHAPTER 2: Inlove?"IKAW???"Halos marinig na ng buong tao sa mall ang tinig ko dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ko. Nabitawan niya tuloy ang kamay ko at tinakpan ang tenga niya."Pwede ba huwag kang sumigaw? Dahil hindi ako bingi."Sabi nong lalaking humila sa'kin."Paano akong hindi sisigaw eh kinikidnap mo ako."Sambit ko naman sa kanya habang tiniklop ko iyong mga braso ko malapit sa dibdib ko."haha. Kinikidnap? Ikaw?"Tinuro pa talaga niya ako kaya naman tumango ako."hahaha."Pero para lang siyang baliw na tumatawa. Pinagtatawanan niya ako."Oy Miss dahan dahan ka sa pananalita mo ha. Wala akong balak na kidnapin ka. Sa itsura mong iyan iniisip mo pa na may kikidnap sa'yo?"Tinitigan niya ulit ako mula ulo hanggang paa gaya ng ginawa niya sa'kin kanina."hahaha. Nakakatawa ka talaga."Nakakainis ang lalaking 'to. Konting konti nalang talaga at mapipikon na ako sa kanya. Baka masuntok ko pa ito ng wala sa oras."Kung talagang wala kang binabalak na masama sa'kin bakit bigla mo
CHAPTER 1: First Meeting "Mia, let's eat first nagugutom na ako."Pagrereklamo ni Aya sa'kin. Kakarating lang namin ng mall pero pagkain na agad iyong nasa isipan niya. Tatlo kaming magkakaibigan at si Aya ang pinakamatakaw sa lahat. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya tumataba kahit lamon siya ng lamon. Ang sexy parin ng katawan niya."You're really a B Aya."Panunukso naman ni May kay Aya.Kung napapansin niyo lahat kami three letters lang ang bumubuo sa pangalan namin. Mia, Aya ang May. Kaya nga 'three girls' ang pangalan ng grupo namin."Hindi ako baboy May so shut up.""Relax Aya. Manood na muna tayo ng movie."Pagsusuggest ko sa kanya."Well, if ayaw niyong kumain eh di huwag. Ako nalang ang kakain."Tapos tumalikod na siya at naglakad papalayo sa'min.Wala nadin kaming ibang nagawa kundi ang sundan siya."Sundan nalang natin May."Tumango lang naman si May.Nakasunod lang kami kay Aya habang pumasok siya saGreenwich. Naghanap nadin siya ng bakanteng mesa saka siya umupo.







