共有

Chapter 2

作者: Ms. JN
last update 最終更新日: 2025-12-18 13:51:03

CHAPTER 2: Inlove?

"IKAW???"

Halos marinig na ng buong tao sa mall ang tinig ko dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ko. Nabitawan niya tuloy ang kamay ko at tinakpan ang tenga niya.

"Pwede ba huwag kang sumigaw? Dahil hindi ako bingi."

Sabi nong lalaking humila sa'kin.

"Paano akong hindi sisigaw eh kinikidnap mo ako."

Sambit ko naman sa kanya habang tiniklop ko iyong mga braso ko malapit sa dibdib ko.

"haha. Kinikidnap? Ikaw?"

Tinuro pa talaga niya ako kaya naman tumango ako.

"hahaha."

Pero para lang siyang baliw na tumatawa. Pinagtatawanan niya ako.

"Oy Miss dahan dahan ka sa pananalita mo ha. Wala akong balak na kidnapin ka. Sa itsura mong iyan iniisip mo pa na may kikidnap sa'yo?"

Tinitigan niya ulit ako mula ulo hanggang paa gaya ng ginawa niya sa'kin kanina.

"hahaha. Nakakatawa ka talaga."

Nakakainis ang lalaking 'to. Konting konti nalang talaga at mapipikon na ako sa kanya. Baka masuntok ko pa ito ng wala sa oras.

"Kung talagang wala kang binabalak na masama sa'kin bakit bigla mo nalang akong hinila paglabas namin sa Greenwich?"

"Baka nakalimutan mong hindi pa ako kumakain dahil sa ginawa mo kanina."

"Aba! Tignan mo nga 'tong lalaking 'to. Kung makapagsalita ka akala mo kasalanan ko?"

Tumango lang siya.

Teka, kasalanan ko ba talaga?

Inisip ko ulit iyong nangyari kanina.

Bakit nga ba ako nabangga?

Papunta akong comfort room non pero dahil iniisip ko nong panahon na iyon iyong ex kong walang kwenta, hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko.

May kasalanan ka nga ako dahil hindi ko tinitignan iyong dinadaanan ko.

Pero kung matino siya, syempre hindi niya hahayaang babangga ako sa kanya at iiwas siya.

Tama, kasalanan ng lalaking to.

"Hoy excuse me mister ha. Hindi ko kasalanan kung natapon man iyong pagkain mo. Kaya kung ako sa'yo lubayan mo na ako. Babossh!!"

Itinaas ko pa iyong kamay ko para magbye sa kanya saka ako tumalikod at humakbang papalayo sa kanya.

Kailangan kong makaalis kaagad. Kailangan kong mahanap ang two girls.

"Oyy Miss, may suka sa sahig oh baka matapakan mo."

Tinignan ko iyong sahig ng mall.

Ewww!

Nakakadiri may suka talaga. Sino naman ang walang hiyang sumuka dito? Lakas ng loob niya, sa mall pa talaga nagsuka.

"Thank you ha, kung hindi dahil sa'yo baka natapakan ko na talaga iyong suka. Eww! Kadiri. Nakatsinelas pa naman ako. Kung natapakan ko iyon sigurado akong may didikit sa mga paa ko. Eww!"

"Oh kita mo na! Kasalanan mo talaga kanina kaya mo ako nabangga. Kaya tuloy nagugutom ako ngayon."

Tinignan ko iyong mukha ng nagsalita. Si Lasagna Boy. Akala ko..Akala ko wala na siya.

"Ganyan ka ba talaga ka tanga? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?"

Paulit ulit nalang siya. Naiinis na ako. Alam ko na tanga ako, alam ko na hindi talaga ako nilulubayan ng malas pero hindi niya kailangang ulit ulitin iyon sa harap ko mismo.

"Nakakainis ka na ha. Napipikon na talaga ako sa'yo. Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko para lubayan mo na ako?"

Halos sumigaw na ako sa harap niya dahil sa sobrang pagkainis ko.

"Pakainin mo ako."

....

Para matahimik na ang kaluluwa ng lalaking 'to. Ibinigay ko na ang gusto niya para naman mawala na siya sa paningin ko. Para hindi na niya ako guluhin pa at para matahimik na ang buhay ko.

Andito ulit ako sa Greenwich kasama ang lalaking nagtapon ng lasagna sa ulo ko. Mabuti nalang talaga at mukhang hindi na ako naaalala nong mga staffs dito.

"So pwede na akong umalis?"

Tanong ko sa kanya habang nasa harap ko siya at kumakain ng lasagna niya.

"Nope."

"Anong nope? Binilhan na kita ng lasagna kaya wala na akong utang sa'yo."

Sabi ko sa kanya habang kumakain naman siya.

"Kumakain ako kaya pwede tumahimik ka?"

Nakakainis talaga ang lalaking 'to. Pinapakulo niya ang dugo ko.

Pero kung tititigan mo lang siya ng ganito ang amo ng mukha niya. Para bang hindi niya kayang magalit sa'yo?

Iyong tipong parang anghel iyong mukha niya na hindi ka matatakot sa kanya?

Kabaliktran iyong amo ng mukha niya ang tunay na ugali niya.

"May dumi ba ako sa mukha?"

Tanong niya habang nakafocus parin sa pagkain niya. Hindi ko alam kung may pangatlong mata ba ang lalaking 'to at nalaman niya na nakatitig ako sa kanya.

"Ahh wala.."

Hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na tumitig at humanga sa maganda niyang mukha.

Pakiramdam ko tuloy parang magnet ang mukha niya at hindi na matangal ang mga mata ko sa mukha niya.

Ang ganda ng mga mata niya. Kahit hindi siya magsalita, kayang kaya ng gawin iyon ng mga mata niya.

Ang ganda ng ilong niya, ang tangos pero hindi ito katulad ng iba na matangos pero hindi maganda ang form. Iyong ilong niya ang tangos at ang perfect ng hubog nito. Nakakainggit.

Ang ganda ng labi niya...

AGH!!!!

Ano ba itong iniisip ko?

Kanina lang galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya tapos ngayon..

AGHHH!!!

Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa ginawa kong paghanga sa kanya.

"Okay ka lang? Para ka na atang mababaliw sa mukha ko."

Mahina niyang sambit.

"Ang feeling talaga ng lalaking to."

Pero tumayo lang siya at nauna ng lumabas sa pinto kaya sinundan ko siya.

"San ka pupunta?"

Tanong ko sa kanya pagkatapos ko siyang mahabol. Nasa tabi na niya ako at sabay na naglalakad sa kanya.

"Uuwi na. Tapos na akong kumain eh. Kaya pwede ka na ding umalis."

Iyong pagkakasabi niya para niyang inuutusan ang alila. Alila ba ako sa paningin niya? Nakaka offend talaga.

Hindi naman sa pagmamayabang pero kung hindi talaga ako pinanganak na tanga, andami ko ng manliligaw ngayon. May mukha naman kasi akong pwedeng ipagmalaki kahit papano.

"Cge aalis na ako."

Huminto ako sa paglalakad pero siya patuloy parin.

"Oy sabi ko aalis na ako."

Sigaw ko sa kanya pero hindi parin siya tumitigil. Naisip kong baka hindi niya ako narinig kaya sinundan ko ulit siya sa paglalakad niya.

"Oyy aalis na ako. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong pangalan ko?"

Napatigil siya bigla sa sinabi ko. Sabi ko na nga ba hindi niya ako narinig kanina.

"Bakit ko naman tatanungin kung anong pangalan mo?"

"Ha? Ehh..ehh.. kasi magkaibigan na tayo."

Magkaibigan naman siguro kami ano? Pero sa halip na ibigay niya iyong pangalan niya, he just smirked.

"Kung ayaw mong tanungin kung anong pangalan ko, ikaw na lang iyong tatanungin ko. Baka kasi nahihiya ka sa'kin. Anong pangalan mo?"

"hahaha.. You're funny. Nakasama mo lang ako sandali maiinlove ka na sa'kin?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

Ako? Inlove sa kanya?

Kapag nagtatanong ba ng pangalan ibig sabihin ba non inlove ka na sa kanya?

Nakakainsulto.

Guso ko siyang sapakin at gulpihin.

Ang lakas ng loob niya para sabihin niya iyon sa'kin.

Idedefend ko na sana ang sarili ko ng bigla nalang siyang nawala sa harap ko. Tumingin tingin ako sa paligid pero hindi ko na talaga siya nakita pa. Nakakainis siya.

May araw din siya sa'kin.

"MIA!!"

"MIA!!"

Nakita ko nalang na papalapit sa'kin sina Aya at May habang tinatawag ang pangalan ko.

"Oh andiyan pala kayo."

Sabi ko sa kanila.

"Hoy bakla kanina ka pa namin hinahanap.

Akala nga naming kinidkap ka na. San ka ba nagsuot? Asan na iyong lalaking humila sa'yo?"

Tanong ni Aya.

"Huwag mo ng ipaalala dahil mababaliw lang ako."

"Infairness gwapo iyon, huwag mong sabihin may crush ka sa kanya?"

hahaha.. You're funny. Nakasama mo lang ako sandali maiinlove ka na sa'kin?

Naalala ko na naman ang sinabi nong lalaki dahil sa sinabi ni May.

Kahit na kaibigan ko si May kaya ko siyang saktan.

Uggh!!

"Tumigil na nga kayo. Umuwi nalang tayo at baka magwala pa ako dito."

....

hahaha.. You're funny. Nakasama mo lang ako sandali maiinlove ka na sa'kin?

hahaha.. You're funny. Nakasama mo lang ako sandali maiinlove ka na sa'kin?

hahaha.. You're funny. Nakasama mo lang ako sandali maiinlove ka na sa'kin?

Nagising nalang ako bigla dahil hindi mawala sa isipan ko ang lalaking iyon.

Kahit sa pagtulog ko hindi niya ako tatantanan?

Nakakainis.

Pero..

Totoo kaya iyong sinabi niya?

Inlove na ba talaga ako?

May ganun ba?

Isang beses ko lang siyang nakasama pero parang iba na iyong pakiramdam ko sa kanya.

Naiinis ako sa kanya pero..

Kinuha ko iyong phone ko at tinawagan si Aya. Kahit hating gabi na kailangan ko silang tawagan.

*RIING* *RIING*

Nakailang ring din bago nila ito sinagot.

(HE-LLO?)

Natawa naman ako sa boses ni Aya. Parang zombie na hindi pa nakakakain ng tao.

"hehe. Gising ka pa Aya?"

(Ginising mo ako Mia. Ano bang kailangan mo?)

"May kailangan tayong puntahan bukas kaya pupunta ako diyan ng maaga."

(Ano? Saturday bukas Mia papahingahin mo naman ako.)

"Ahh basta may importante tayong gagawin.

Isa pa hindi saturday bukas Aya, Saturday na ngayon 12 midnight na eh."

(Whatever Mia!)

Sinubukan kong tawagan si May kaya lang hindi talaga niya sinasagot phone niya. Parang mantika iyon kung matulog.

Kailangan kong mahanap si Lasagna boy kahit anong mangyari.

Hahanapin kita.

I Swear!!!

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Marrying The Casanova   Chapter 4 : Information

    CHAPTER 4: Informations Sa lahat ba naman ng oras na pwede akong mahulog sa canal bakit ngayon pa? Sa lahat ba naman ng canal na pwede akong mahulog bakit dito pa? Tanggap ko naman na mapapahiya ako. Wala akong reklamo wala akong problema don pero.. Baki dito pa mismo sa harap ni Lasagna Boy? Hanggang bewang ko iyong tubig ng canal at ang masaklap pa, hanggang tuhod ata iyong putik. Nakakainis!! Nakakhiya!! Bakit? Bakit?"Mia are you okay?" Tanong ng dalawang girls habang nilapitan nila ako. Parang gusto kong mainsulo sa tanong nila, bakit kailangan pa nila akong tanungin kung okay lang ako eh halata namang hindi diba? Eh sila kaya mahulog sa canal tapos tatanungin ko sila kung okay lang sila? Hindi ko nalang sila sinagot dahil hindi ko talaga nagustuhan ang tanong nila. "Tulungan ka na namin." Inabot nila iyong kamay nila sa'kin. Hahawakan ko na sana ang kamay nila kaso lang.. **BOGSHH** Hindi ko talaga alam kung kailan ako lulubayan ng malas. Hindi pa nga ako nakaka-a

  • Marrying The Casanova   Chapter 3

    CHAPTER 3: Found him!"Mia ano bang ginagawa natin dito?"Tanong ni Aya sa'kin."May hinahanap ako.""Sino?"Tanong naman ni May."Si Lasagna Boy."Sagot ko kay May habang busy parin ang mga mata ko sa pagchechek sa paligid sakaling makita ko siya."Iyong nakabangga mo kahapon?"Tanong ulit ni May kaya tumango naman ako"My God Maybelline!! Akala ko naman kung anong ginagawa natin dito."Alam kong malapit ng sumabog si Aya sa galit dahil sa tuwing tinatawag niya akong Maybelline, ibig sabihin non nauubusan na siya ng pasensya sa'kin.Tumayo na si Aya at tinanggal ang black shades na suot niya."Huwag mong tanggaling iyan Aya, baka may makakilala sa'tin dito."Saway ko sa kanya habang hinila ko siya pabalik sa upuan niya."Hinahanap lang natin si Lasagna Boy bakit pa kailangang magdisguise? Para tayong old detective nito."Huwag ka nalang makulit diyan at isa pa huwag kang mag-alala Aya ililibre ko naman kayo ni May ng lunch mamaya. Kahit gano kadami pa ang kainin niyo okay lang."Saka

  • Marrying The Casanova   Chapter 2

    CHAPTER 2: Inlove?"IKAW???"Halos marinig na ng buong tao sa mall ang tinig ko dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ko. Nabitawan niya tuloy ang kamay ko at tinakpan ang tenga niya."Pwede ba huwag kang sumigaw? Dahil hindi ako bingi."Sabi nong lalaking humila sa'kin."Paano akong hindi sisigaw eh kinikidnap mo ako."Sambit ko naman sa kanya habang tiniklop ko iyong mga braso ko malapit sa dibdib ko."haha. Kinikidnap? Ikaw?"Tinuro pa talaga niya ako kaya naman tumango ako."hahaha."Pero para lang siyang baliw na tumatawa. Pinagtatawanan niya ako."Oy Miss dahan dahan ka sa pananalita mo ha. Wala akong balak na kidnapin ka. Sa itsura mong iyan iniisip mo pa na may kikidnap sa'yo?"Tinitigan niya ulit ako mula ulo hanggang paa gaya ng ginawa niya sa'kin kanina."hahaha. Nakakatawa ka talaga."Nakakainis ang lalaking 'to. Konting konti nalang talaga at mapipikon na ako sa kanya. Baka masuntok ko pa ito ng wala sa oras."Kung talagang wala kang binabalak na masama sa'kin bakit bigla mo

  • Marrying The Casanova   Chapter 1

    CHAPTER 1: First Meeting "Mia, let's eat first nagugutom na ako."Pagrereklamo ni Aya sa'kin. Kakarating lang namin ng mall pero pagkain na agad iyong nasa isipan niya. Tatlo kaming magkakaibigan at si Aya ang pinakamatakaw sa lahat. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya tumataba kahit lamon siya ng lamon. Ang sexy parin ng katawan niya."You're really a B Aya."Panunukso naman ni May kay Aya.Kung napapansin niyo lahat kami three letters lang ang bumubuo sa pangalan namin. Mia, Aya ang May. Kaya nga 'three girls' ang pangalan ng grupo namin."Hindi ako baboy May so shut up.""Relax Aya. Manood na muna tayo ng movie."Pagsusuggest ko sa kanya."Well, if ayaw niyong kumain eh di huwag. Ako nalang ang kakain."Tapos tumalikod na siya at naglakad papalayo sa'min.Wala nadin kaming ibang nagawa kundi ang sundan siya."Sundan nalang natin May."Tumango lang naman si May.Nakasunod lang kami kay Aya habang pumasok siya saGreenwich. Naghanap nadin siya ng bakanteng mesa saka siya umupo.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status