ログインCHAPTER 3: Found him!
"Mia ano bang ginagawa natin dito?" Tanong ni Aya sa'kin. "May hinahanap ako." "Sino?" Tanong naman ni May. "Si Lasagna Boy." Sagot ko kay May habang busy parin ang mga mata ko sa pagchechek sa paligid sakaling makita ko siya. "Iyong nakabangga mo kahapon?" Tanong ulit ni May kaya tumango naman ako "My God Maybelline!! Akala ko naman kung anong ginagawa natin dito." Alam kong malapit ng sumabog si Aya sa galit dahil sa tuwing tinatawag niya akong Maybelline, ibig sabihin non nauubusan na siya ng pasensya sa'kin. Tumayo na si Aya at tinanggal ang black shades na suot niya. "Huwag mong tanggaling iyan Aya, baka may makakilala sa'tin dito." Saway ko sa kanya habang hinila ko siya pabalik sa upuan niya. "Hinahanap lang natin si Lasagna Boy bakit pa kailangang magdisguise? Para tayong old detective nito. "Huwag ka nalang makulit diyan at isa pa huwag kang mag-alala Aya ililibre ko naman kayo ni May ng lunch mamaya. Kahit gano kadami pa ang kainin niyo okay lang." Saka lang siya bumalik sa upuan niya at kumalma. Alam ko naman kasi ang kahinaan ni Aya kaya hindi ako nag-aalala sa tuwing inaatake siya. "Fine.. Kung hindi lang talaga kita mahal Maybelline." Isang oras pa ang lumipas at hindi parin namin nakikita si Lasagna Boy. Tinignan ko ang wrist watch ko, 11:45 am na. "Mia, kumukulo na talaga ang tiyan ko." Pagrereklamo ni Aya habang nakahawak siya sa tiyan niya. "Sandali nalang talaga. Baka kasi dadaan na siya eh. Konti nalang." Sayang naman kasi dahil baka dadaan dito si Lasagna boy tapos aalis kami. Eh pano ko siya makikita kung kakain na kami diba? "Mia, mamaya na iyan. Gusto ko din namang makita mo iyong crush mo kaso lang nagugutom na talaga kami." Napabuntong hininga nalang ako. Napakasama ko naman kung hindi ko pakakainin sa tamang oras ang mga kaibigan ko. Ako pa naman ang nagdala sa kanila dito. Kahit ako ramdam ko nadin ang gutom ngayon. Hindi kasi ako nakapag breakfast ng maayos dahil sa sobrang pagmamadali ko kaninang umaga. "Cge, tayo na. Kain na tayo." Tumayo na kami at naghanap ng pwede naming makainan. Dahil Saturday ngayon at lunchtime pa, andaming tao sa mga restaurants. Halos nagsisiksinan na iyong mga tao sa loob ng mga kainan. "San tayo?" Tanong ko kay Aya. "Kahit san tayo pumunta wala nang bakanteng table. Kakahiya naman kung makikishare tayo sa iba diba?" "Nakakahiya nga, sa Jollibee nalang tayo. May bakanteng table pa don oh." Turo ni May sa pamilyang kakatayo lang. Katatapos lang nilang kumain. Nagtakbuhan naman kaming tatlo palapit sa table na iyon. Kahit hindi pa nalilinis eh inupuan na talaga namin. May apat na upuan sa table kaya may bakanteng pang isa dahil tatlo lang kami. "Ako na mag-oorder ano gusto niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. "Kahit ano nalang Mia." Sabi ni May. "Ikaw Aya?" "Sama ako sa'yo para makapili ako ng maayos." Tumayo na kami ni Aya at pumila na. Sobrang haba ng pila. Ito talaga iyong kinakainisan ko sa isang fast food chain. Ang pagpipila. Hay!! Napabuntong hininga nalang ako. Halos abutin kami ng kalahating oras bago kami nakarating sa counter. Ganun kadami ang tao. As usual si Aya na ang nag-order ng pagkain namin at ako nalang ang nagbayad. Pagdating namin sa table halos masuka na ako dahil hindi pa ako kumakain pakiramdam ko busog na ako. 2-pc fried chicken, large fries, spaghetti at chocolate float. Hindi pa kasali ang softdrinks at extra rice. Okay lang sana kung kaming tatlo ang maghahati niyan kaso lahat ng iyan tig-iisa kami. Hindi ko na nga maubos ang dalawang manok. Si Aya talaga! "Let's eat na girls I'm hungry na eh!" Bulalas ni Aya. "Excuse me.." Napatingin nalang kaming tatlo sa biglang kumuha ng atensyon namin. "Yes?" Tanong ko sa kanya dahil parang hindi na makapagsalita iyong dalawa kong kasama dahil sa sobrang gwapo ng lalaking nasa harapan namin. Kahit ako, hindi ko maipagkakaila iyon dahil totoong gwapo siya. "Kung okay lang sa inyo baka pwede akong makishare ng table? Wala na kasing ibang bakanteng table." Mahinahong sabi niya habang nakangiti pa. Dala dala na niya ang tray niya at nakakahiya naman kung tatangihan naming tatlo diba? Sino ba naman ang tatangi sa gwapong katulad niya. "Sure." Sagot ko sa kanya dahil literal na nakangagnga na ang dalawang kaibigan ko. Nagmumukha na silang tanga sa ginawa nila. "Thanks." Sabi niya habang umupo siya sa table na nasa tabi ko. Iyon nalang kasi ang bakante. Akala ko kanina magiging okay lang na kasama namin siya sa table kaso lang parang naiilang na ako ngayon. Hindi tuloy ako makakain ng maayos. Tinignan ko si Aya, baka sakaling parehos kami ng nararamdaman pero nagkamali ako. Kung ano siya kumain pag kami lang at kung ano siya kumain ngayon na may kasama kaming hindi namin kilala parehas lang talaga. Ang takaw takaw niya. "So ano pala pangalan mo?" Tanong ni May sa pagitan ng nakakabinging katahimikan. "Axel." Sagot niya habang nakangiti pa siya. "Unique name." Pagcocomento naman ni Aya. "How about you girls if it's okay?" "I'm May, this is Aya and ofcourse Mia." Pagpapakilala ni May sa'min. Isa isa naman siyang nakipag shake hands sa aming tatlo. Hindi ko talaga mapigilan ang mamangha sa kanya. Kasi naman diba pag gwapo eh kadalasan masama ugali? O kaya mayabang o kaya hindi friendly? Pero siya total package niya. Gwapo na, mabait pa at friendly. "Ang swerte naman ng girlfriend niya!" Hindi ko napigilan na lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko kaya naman napatakip ako agad sa bibig ko. Napaka stupid ko talaga. Nakakahiya. "Ahh wala akong girlfriend Mia." Sabi naman niya. Wae? Wala siyang girlfriend? Totoo ba talaga iyon? Sa gwapo niyang iyan wala siyang girlfriend? "Bakit naman?" Pakapalan na ng mukha 'to. "Hindi ko pa kasi nahanap iyong babaeng nagpapatibok ng puso ko. Nahanap ko na sana kaso the feeling was not mutual. How about you? May boyfriend ka na? Ang swerte naman niya. Ang ganda mo na ang bait mo pa." Waa! Pakiramdam ko iyong mga dugo sa katawan ko nasa pisngi ko na dahil sobrang uminit iyong mga pisngi ko. "Wala akong boyfriend. Pano mo naman nasabing mabait ako?" "Feeling ko lang." "Actually Axel, swerte talaga ang magiging boyfriend niyang si Mia dahil maganda na, mabait pa. Kaso nga lang.." "TANGA!" Sabay na sambit ni May at ni Aya. "Oyy!! Nakakahiya kayo. Bakit kailangan niyong sabihin iyon?" Pero imbis na magsorry iyong dalawa tumawa lang sila. Nakakahiya talaga. Napatingin ako kay Axel. Pati din siya tumawa. Nakakatawa ba talaga na lumaki akong isang tangang babae? "Punta na muna akong restroom." Dahil naramdaman ko talaga ang hiya eh kailangan kong pumunta ng rest room ngayon. Ahh! Naiinis talaga ko sa dalawa kong kaibigan. Bakit ba kailangan pa nilang sabihin iyon? Inilaglag nila ako kay Axel. Tumayo na ako at dumaan sa harap ni Axel pero umandar na naman iyong malas, at nasabit iyong paa ko sa paa ni Axel. BOOM!! Napapikit nalang ako. Inihanda ko na ang mukha ko na hahalik sa sahig ng Jollibee. Pero pagdilat ko, may humawak na sa magkabilang bewang ko. "careful." Sabi ni Axel habang hawak hawak parin niya ako. Nagkatitigan lang kaming dalawa. Ang ganda ng mga mata niya pero mas maganda iyong mga mata ni Lasagna Boy. *Ehem* *Ehem* Saka lang ako pinatayo ni Axel pagkatapos sirain ni May at ni Aya ang moment namin. "Thanks." Mahina kong sabi saka ako dumeretso sa rest room. Bakit ba ayaw akong tigilan ng malas? Naiinis na talaga ko sa sarili ko. Pagbalik ko sa table namin, andun padin si Axel at nakikipagtawanan sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko tuloy matagal na silang magkakilala. Ang dali kasing makapagblend ni Axel sa amin. Umupo na ako sa upuan ko at nakikinig lang sa usapan nila. *Riing* *Riing* Biglang tumunog iyong cellphone ni Axel kaya napatigil naman ang dalawa sa pagsasalita. "Hello?" "Oh Kevin?" "Naiintindihan ko. Pupunta na ako diyan. Hintayin niyo ako." "Cge cge..Bye" Saka niya binaba ang cellphone niya at pinatong sa table namin. "Girls kailangan ko na palang umalis. Nice meeting you. Sana sa susunod magkita tayo ulit." Tumango lang kami at nagpaalam sa kanya. "Alam mo Mia, sa tingin ko may gusto siya sa'yo." Sambit ni Aya habang nginunguya ang fries niya. "Oo nga Mia. May gusto siya sa'yo." Sambit naman ni May. "Huh? Anong may gusto? Eh pano niyo nasabi?" "Kanina kasi habang wala ka dito eh parati siyang nagtatanong tungkol sa'yo. Gusto nga niya hingin ang number mo kaso sabi namin mas okay kung siya mismo humingi sa'yo." Syempre positive naman iyong tingin ko kay Axel kaso nga lang parang may kulang. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan. Siguro walang spark. Iyon ang kulang. "Alam niyo, tumigil na kayo sa pagkain. Baka nakakalimutan niyong kailangan pa nating mahanap si Lasagna Boy?" Pagkatapos kong pilitin si Aya na tumigil na sa pagkain, bumigay naman siya. "Mia, kaninong phone to?" Tanong ni May habang hawak hawak niya ang isang samsung galaxy S III na phone. "Diba kay Axel iyan?" Natatandaan ko kasi eh iyon iyong ginamit niya kanina. Kinuha ko iyong phone at nagscan scan. Tama kay Axel talaga iyon. Kevin iyong nakalagay na last caller. "Kailangan natin siyang mahanap." Sabi ko sa kanilang dalawa, tumango naman sila. "Pero pano iyong Lasagna Boy mo?" Tanong ni Aya. Napaisip din ako. Si Lasagna Boy talaga iyong sadya namin dito pero kailangan naming mahanap si Axel para maibigay ang phone niya. "Sa susunod nalang natin hahanapin si Lasagna Boy, kailangan na muna nating makita si Axel." Sabi ko sa kanila. "Pero pano?" "Tatawagan ko si Kevin." Ginamit ko iyong phone ni Axel para tawagan si Axel. Ilang beses din itong nagring bago niya sinagot. (Hello pare? Asan ka na?) "Ahh.. Hello.." Tumahimik naman iyong Kevin dahil sa pagtataka siguro. (Sino ka?) Tanong niya sa'kin. "Ahh..I'm Mia." (Stupid! I'm not asking you kung anong pangalan mo. Ang tinatanong ko kung bakit nasa sa'yo ang cellphone ng kaibigan ko.) Wow lang ha? Stupid? Tinawag niya akong stupid? Eh sinong mas stupid sa'ming dalawa? Iyong tanong niya Sino ako tapos sasagutin ko kung bakit nasa akin ang phone ng Axel? Nakakainis ang kausap kong 'to. "Naiwan niya kasi iyong phone niya sa table habang kumakain siya. Gusto ko sanang isauli." Mabuti nalang talaga at mabait akong tao. Kung hindi baka kanina ko pa binabaan ang lalaking 'to. (Pumunta ka dito sa basketball court sa park ng Green Village. Siguraduhin mo lang na isasauli mo talaga ang cellphone ni Axel.) "Hoy lalaki!! Anong akala mo sa'kin? Magnana..." *toot* *toot* "ABA! Walang hiya talaga ang lalaking 'to!" Nakalimutang kong nasa loob pala ako ng jollibee kaya napatingin ang lahat ng mga kumakain sa'kin. "Mia okay ka lang?" Tanong ng dalawang kaibigan ko. "Tayo na.." .... Bumaba na kaming tatlo sa kotse ko pagdating namin sa park ng Green Village. "Sigurado ka bang andito si Axel?" Tanong ni Aya sa'kin. "Iyon iyong sabi nong lalaking walang hiya." "Iyong Kevin ba?" Tanong naman ni May. "Oo iyon. Patay talaga siya sa'kin ngayon. Oh kayo na mag-abot kay Axel ng phone niya." Ibinigay ko kay Aya iyong phone ni Axel. "Ikaw na mag-abot." Utos niya sa'kin. "Ayoko nakakahiya kaya." Pagkatapos sabihin ni Aya at May na baka may gusto si Axel sa'kin nahiya na ako. haha. Nakakahiya naman talaga diba? "O cge na nga." Naglakad na kami papuntang basketball court ng park. Sobrang lawak naman kasi ng park nila. Hindi ito ordinaryong park lang na katulad ng park namin. Eh mayayaman naman kasi ang mga nakatira dito. Malapit na kami sa park ng makita ko ang isang nakatalikod na lalaking naka jersey. Pinasa sa kanya iyong bola saka niya dinrible. Choi ang nakasulat sa jersey niya. Pagkatapos niyang magdrible nagsimula na siyang tumakbo patungo sa ring habang naka drible padin iyong bola. May dalawang lalaking sumubok na agawin sa kanya iyong bola pero nalampasan lang niya. Ang galing niya. Side profile lang niya iyong nakita ko pero parang familiar talaga. Pero nong nakita ko na ng maayos ang mukha niya. Saka ko lang nalaman na si Lasagna Boy pala iyon. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko akalain na magaling pala siyang mag basketball. Hindi lang siya gwapo may talent din. Hindi ko tuloy napigilan nag sumigaw "May, Aya.. I FOUND HIM!!!" Tumakbo ako papunta sa court para lapitan siya. "MIA!! Watch out may canal!!!" Pero huli na ng marinig ko ang warning ng mga kaibigan ko dahil.. nahulog na ako sa canal...CHAPTER 4: Informations Sa lahat ba naman ng oras na pwede akong mahulog sa canal bakit ngayon pa? Sa lahat ba naman ng canal na pwede akong mahulog bakit dito pa? Tanggap ko naman na mapapahiya ako. Wala akong reklamo wala akong problema don pero.. Baki dito pa mismo sa harap ni Lasagna Boy? Hanggang bewang ko iyong tubig ng canal at ang masaklap pa, hanggang tuhod ata iyong putik. Nakakainis!! Nakakhiya!! Bakit? Bakit?"Mia are you okay?" Tanong ng dalawang girls habang nilapitan nila ako. Parang gusto kong mainsulo sa tanong nila, bakit kailangan pa nila akong tanungin kung okay lang ako eh halata namang hindi diba? Eh sila kaya mahulog sa canal tapos tatanungin ko sila kung okay lang sila? Hindi ko nalang sila sinagot dahil hindi ko talaga nagustuhan ang tanong nila. "Tulungan ka na namin." Inabot nila iyong kamay nila sa'kin. Hahawakan ko na sana ang kamay nila kaso lang.. **BOGSHH** Hindi ko talaga alam kung kailan ako lulubayan ng malas. Hindi pa nga ako nakaka-a
CHAPTER 3: Found him!"Mia ano bang ginagawa natin dito?"Tanong ni Aya sa'kin."May hinahanap ako.""Sino?"Tanong naman ni May."Si Lasagna Boy."Sagot ko kay May habang busy parin ang mga mata ko sa pagchechek sa paligid sakaling makita ko siya."Iyong nakabangga mo kahapon?"Tanong ulit ni May kaya tumango naman ako"My God Maybelline!! Akala ko naman kung anong ginagawa natin dito."Alam kong malapit ng sumabog si Aya sa galit dahil sa tuwing tinatawag niya akong Maybelline, ibig sabihin non nauubusan na siya ng pasensya sa'kin.Tumayo na si Aya at tinanggal ang black shades na suot niya."Huwag mong tanggaling iyan Aya, baka may makakilala sa'tin dito."Saway ko sa kanya habang hinila ko siya pabalik sa upuan niya."Hinahanap lang natin si Lasagna Boy bakit pa kailangang magdisguise? Para tayong old detective nito."Huwag ka nalang makulit diyan at isa pa huwag kang mag-alala Aya ililibre ko naman kayo ni May ng lunch mamaya. Kahit gano kadami pa ang kainin niyo okay lang."Saka
CHAPTER 2: Inlove?"IKAW???"Halos marinig na ng buong tao sa mall ang tinig ko dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ko. Nabitawan niya tuloy ang kamay ko at tinakpan ang tenga niya."Pwede ba huwag kang sumigaw? Dahil hindi ako bingi."Sabi nong lalaking humila sa'kin."Paano akong hindi sisigaw eh kinikidnap mo ako."Sambit ko naman sa kanya habang tiniklop ko iyong mga braso ko malapit sa dibdib ko."haha. Kinikidnap? Ikaw?"Tinuro pa talaga niya ako kaya naman tumango ako."hahaha."Pero para lang siyang baliw na tumatawa. Pinagtatawanan niya ako."Oy Miss dahan dahan ka sa pananalita mo ha. Wala akong balak na kidnapin ka. Sa itsura mong iyan iniisip mo pa na may kikidnap sa'yo?"Tinitigan niya ulit ako mula ulo hanggang paa gaya ng ginawa niya sa'kin kanina."hahaha. Nakakatawa ka talaga."Nakakainis ang lalaking 'to. Konting konti nalang talaga at mapipikon na ako sa kanya. Baka masuntok ko pa ito ng wala sa oras."Kung talagang wala kang binabalak na masama sa'kin bakit bigla mo
CHAPTER 1: First Meeting "Mia, let's eat first nagugutom na ako."Pagrereklamo ni Aya sa'kin. Kakarating lang namin ng mall pero pagkain na agad iyong nasa isipan niya. Tatlo kaming magkakaibigan at si Aya ang pinakamatakaw sa lahat. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya tumataba kahit lamon siya ng lamon. Ang sexy parin ng katawan niya."You're really a B Aya."Panunukso naman ni May kay Aya.Kung napapansin niyo lahat kami three letters lang ang bumubuo sa pangalan namin. Mia, Aya ang May. Kaya nga 'three girls' ang pangalan ng grupo namin."Hindi ako baboy May so shut up.""Relax Aya. Manood na muna tayo ng movie."Pagsusuggest ko sa kanya."Well, if ayaw niyong kumain eh di huwag. Ako nalang ang kakain."Tapos tumalikod na siya at naglakad papalayo sa'min.Wala nadin kaming ibang nagawa kundi ang sundan siya."Sundan nalang natin May."Tumango lang naman si May.Nakasunod lang kami kay Aya habang pumasok siya saGreenwich. Naghanap nadin siya ng bakanteng mesa saka siya umupo.







