ホーム / Romance / Marrying The Casanova / Chapter 4 : Information

共有

Chapter 4 : Information

作者: Ms. JN
last update 最終更新日: 2026-01-13 12:20:26

CHAPTER 4: Informations

 Sa lahat ba naman ng oras na pwede akong mahulog sa canal bakit ngayon pa?

 Sa lahat ba naman ng canal na pwede akong mahulog bakit dito pa?

 Tanggap ko naman na mapapahiya ako. Wala akong reklamo wala akong problema don pero..

 Baki dito pa mismo sa harap ni Lasagna Boy?

 Hanggang bewang ko iyong tubig ng canal at ang masaklap pa, hanggang tuhod ata iyong putik.

 Nakakainis!!

 Nakakhiya!!

 Bakit?

 Bakit?

"Mia are you okay?"

 Tanong ng dalawang girls habang nilapitan nila ako. Parang gusto kong mainsulo sa tanong nila, bakit kailangan pa nila akong tanungin kung okay lang ako eh halata namang hindi diba? Eh sila kaya mahulog sa canal tapos tatanungin ko sila kung okay lang sila?

 Hindi ko nalang sila sinagot dahil hindi ko talaga nagustuhan ang tanong nila.

 "Tulungan ka na namin."

 Inabot nila iyong kamay nila sa'kin. Hahawakan ko na sana ang kamay nila kaso lang..

 **BOGSHH**

 Hindi ko talaga alam kung kailan ako lulubayan ng malas. Hindi pa nga ako nakaka-ahon sa pagkahulog ko sa canal tapos tinamaan na naman ako ng bola ng basketball sa ulo. Hindi lang masakit, sobrang sakit talaga ng ulo ko.

 "MIA!!!"

 As usual wala na namang ibang nagawa ang dalawa kong kaibigan kundi ang tawagin ang pangalan ko.

 Napahawak lang ako sa ulo ko kung saan tumama iyong bola. Napakamalas ko talaga.

 "Thank you Miss!"

 Nagulat nalang ako sa sinabi nong lalaki sa'kin. Hindi ko pa nakikia iyong mukha niya dahil nahihiya akong tingnan siya.

 Thank you iyong sinabi niya. Hindi ako maaaring magkamali sa narinig ko. Thank you daw. Thank you daw. Para saan ang thank you niya?

 "Thank you?"

 Mahinang tanong ko sa kanya habang nakayuko parin iyong ulo ko.

 "You heard it right."

 Sagot nong lalaki.

 Parang gusto ko siyang sipain para naman matauhan siya kung anong ibig sabihin ng sinabi niya sa'kin.

"Thank you para saan?"

 Pinilit kong kumalma kahit gustong gusto ko ng sumabog.

 "Thank you dahil nahulog ka sa canal. Kung hindi ka kasi nahulog diyan eh malamang iyong bola na iyong nagswimming sa diyan. Mabuti nalang talaga at nandiyan ka para saluhin iyong bola.'

 Parang gusto kong pumatay ng tao ngayon. Nahulog na nga ako sa canal tapos iyong pa ang sasabihin niya?

 "Mia...si.."

 Hindi ko na pinatapos si Aya sa sasabihin niya dahil sobrang uminit iyong ulo ko sa thank you ng lalaking iyon.

 "Alam mo? Kung magpapasalamat ka pwede tulungan mo muna ako? Nakita mo naman siguro na hindi pa ako nakaka-ahon dito sa putikan na'to."

 Pero nagulat nalang ako ng tiningnan ko siya sa mukha. Si..

 "Lasagna Boy?"

 Literal na lumaki iyong mata niya pagkatapos ko siyang tawaging Lasagna Boy.

 "Lasagna Boy? Ako?"

 Tinuro niya iyong sarili niya.

 "Oo..Ikaw. Naaalala mo ba ako?"

 Tanong ko sa kanya. Nag-isip na muna siya bago niya ako sinagot.

 "Ahhh..oo..Ikaw iyong bumangga sa'kin. Cge ha, thank you pala dito."

 Saka siya tumalikod pero tinawag ko siya ulit.

 "Sandali lang!!"

 Tumigil naman siya pero hindi niya ako nilingon.

 "KEVIN!!! BILISAN MO NA!!"

 Tawag nong lalaki sa kanya.

 Kevin? Kevin ang pangalan niya? Ibig sabihin siya iyong kaibigan ni Axel? Siya iyong nakausap ko kanina sa phone?

 "Oh andiyan na!"

 Sigaw naman niya.

 "Kevin.."

 Bago paman siya makaalis, tinawag ko na siya. Kailangan ko pang isauli iyong phone ni Axel at isa pa, kailangan ko pa siyang makausap.

 "Ano?"

 Lumingon siya sa akin at hindi maganda iyong ekspresyon ng mukha niya. Para na siyang napipikon sa sobrang pangungulit ko sa kanya.

 "Sandali lang.."

 "Girls, help me.."

Inabot naman ni May at ni Aya ang mga kamay nila saka ko iyon hinawakan. Sobrang nahirapan ako sa pag-ahon dahil ang kapal ng putik na dumikit sa mga paa ko. Ang sama pa ng amoy. Nakakadiri talaga pero wala na akong magawa. 

"Pwede ba sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin para makabalik na ako sa team ko."

Sambit niya sa'kin.

"Sandali nalang.."

Sabi ko sa kanya. Ang hirap naman kasing umahon.

"Baka pwede mo akong tulungan kesa naman nakatunganga ka lang diyan?"

Pero sa halip na tulungan niya ako eh tumalikod na siya at tuluyan ng tumakbo papunta sa team niya habang dala dala niya iyong bola.

WAAA!!

Paano niya ako nakayang iwan dito? Kahit man lang tulong hindi niya ginawa. Ganun ba talaga siya kalamig? Hindi man lang ba siya tumutulung sa taong may kailangan ng tulong? 

"Let me help you!!"

Nabigla nalang kaming tatlo ng lumitaw nalang kung san galing si Axel.

"Axel?"

Ngumiti lang siya sa'kin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Si May at Aya, tumabi nalang dahil parang kaya naman akong iahon ni Axel dito.

Hindi nga ako nagkamali dahil isang hila lang niya sa'kin naka ahon na agad ako sa mabahong canal na iyon.

Pag-ahon na pag-ahon ko tinakpan naman agad ni May at Aya ang mga ilong nila. Alam ko mabaho ako pero hindi niyo na sana ginawa iyon sa harap ko. Pwede namang tumalikod muna diba?

"Ano bang nanagyari sa'yo at nahulog ka diyan sa canal?"

Tanong ni Axel sa'kn. Buti pa si Axel kahit ilang inches lang iyong layo namin sa isa't-isat hindi niya talaga tinakpan iyong ilong niya. Pero nakakaguilty din dahil alam kong tinitiis niya lang iyong masamang amoy na naaamoy niya sa'kin.

"Pwede mo namang takpan iyong ilong mo. Hindi ako magagalit."

Sambit ko sa kanya pero ngumiti lang siya.

"Hindi na kailangan Mia. So ano? Bakit ka ba nahulog diyan?"

"Eh kasi.."

"Huwag mo ng tanungin Axel dahil sinabi na namin kanina sa'yo na sadyang tanga talaga iyang si Mia."

Sambit ni Aya tapos tumawa na sila ni May. Nakakainis talaga sila oh.

"haha. Sa susunod Mia, mag-iingat ka. Bakit pala kayo andito?"

Tanong ni Axel sa'min. Muntik ko nading makalimutan iyong rason kung bakit kami andito. Mabuti nalang talaga at tinanong kami ni Axel.

 "Ahh iyong phone mo kasi naiwan mo sa table kaya tinawagan ko si Kevin at tinanong ko sa kanya kung san ka namin makikita. Dito kasi iyong sinabi niya kaya pinuntahan ka na namin dito."

 Kinuha na ni Aya iyong phone ni Axel tapos eh binigay niya.

"Thank you. Hindi ko namalayang naiwan ko pala 'to sa table. Nakakahiya naman. Pumunta pa talaga kayo dito."

Sabi niya habang nakakamot sa ulo niya.

"AXEL!!!"

Biglang may lumapit sa'min. Si Lasagna Boy..Este si Kevin pala. Pawis na pawis dahil sa paglalaro ng basketball.

"Oh Kevin. Tapos na ba kayo?"

Tanong ni Axel kay Kevin.

"Kanina ka pa namin hinintay. Bakit ngayon ka lang?"

"Pasensya na may dinaanan kasi ako kanina."

"Ganun ba..hmm..Bakit mabaho?"

Agad na tinakpan ni Kevin iyong ilong niya gamit ang kamay niya saka siya tumingin sa'kin.

 "Oh? Naka ahon ka na pala."

Saka niya ako tinignan ulit mula ulo hanggang paa. Hobby ba niya talaga ang tumingin ng ganyan?

"Kaya naman pala mabaho dito."

Kahit pa crush ko siya eh nasaktan padin ako sa sinabi niya. Nakakahiya..Bakit pa naman kasi ako nahulog kanina. 

Parang gusto ko ng maiyak.

"Kevin, tama na iyan."

Saway ni Axel sa kaibigan niya. Tama nga ako kanina, si Kevin iyong nakausap ko sa phone. Ang sama pala ng ugali niya? Parang ang sungit sungit niyang tao pero kahit na ganun siya gwapo padin naman siya.

"Magkakilala pala kayo?"

Tanong ni Kevin kay Axel.

"Oo. Kanina ko lang sila nakilala, naiwan ko kasi iyong phone ko sa table kaya sila andito."

Tumitig na naman si Kevin sa'kin.

"Ikaw pala iyong nakausap ko kanina?"

Yumuko nalang ako habang sinisipa ko iyong maliliit na bato at hindi ko na siya sinagot.

"Magkakilala din kayo?"

Tanong naman ni Axel kay Kevin.

"OO/HINDI"

....

 Sabay naming sagot ni Kevin. Pero magkaiba iyong sagot namin. Oo iyong sinabi ko tapos hindi naman kay Kevin. Bakit niya sinabing hindi? Eh magkakilala naman kami ah?

"Huh?"

Nabigla nalang si Axel sa sagot namin.

"Hindi ko sila kilala. Tayo na nga!"

Hinila na ni Kevin si Axel.

"Sandali lang pare."

"Girls mauna na ako sa inyo ha. May practice pa kasi kami. Magkita nalang tayo ulit. And thank you pala dito sa phone. Babawi ako next time promise."

Paalam ni Axel sa'min saka siya ngumiti at kumaway.

Kumaway din naman si Aya at May sa kanya.

Ang malas ng araw ko. Oo nakita ko si Lasagna boy at alam ko na kung anong pangalan niya pero bakit kailangan pa niya akong makita sa ganitong sitwasyon?

 Hindi ko talaga maintindihan kung anong gusto ng tadhana.

Hay!

Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumuntong hininga.

"Mia, umuwi na nga tayo para naman makapagbihis ka."

Sabi ni May.

Tumango lang ako saka kami pumasok sa kotse ko. Si May na iyong nag drive ng kotse dahil sobrang napuno ng putik ang mga paa ko.

 ............

 Kevin..

Kevin..

Kevin..

Kevin..

 Paano ko siya makikitang muli? Pero gusto ko eh pag nagkita kaming ulit eh hindi na sa ganung sitwasyon katulad kanina. Nakakahiya iyon. Gusto ko pag nagkita kami ulit, maganda ako tapos presentable at higit sa lahat mabango.

 Inalala ko lang iyong nangyari kanina bago ako mahulog sa canal.

Choi..

Choi iyong nakalagay na family name sa jersey niya. Tama!! Kevin Choi!

Agad akong bumangon sa kama ko saka ko binuksan ang laptop ko. Katatapos ko palang maligo at sinigurado ko talagang sinabunan ko ng maayos iyong katawan ko at nagperfume pagkatapos. Ayoko ng maulit iyong nangyari sa'kin kanina.

Binuksan ko agad iyong faceboook account ko saka ko tinype sa search bar ang pangalang Kevin Choi. Dahil sobrang common ng name niya eh andaming lumabas na mga pangalan. Kailangan ko pang iclick iyon isa isa para naman malaman ko kung siya ba iyon o hindi. Pagkatapos ng limang ulit na click dahil hindi si Lasagna boy ang may-ari ng ibang profile iyon, saka bumukad sa'kin ang isang profile picture ng babae at lalaki. Hindi ako maaring magkamali dahil mukha talaga ni Kevin iyon.

Pero..

Sino 'tong kasama niya?

Tinitigan ko ng matagal iyong babaeng kasama niya. Ang ganda niya. Sobrang ganda. Mas maganda pa siya sa'kin. Ang kinis ng mukha niya at ang ganda ng labi niya. Idagdag pa diyan ang mga mata niya na parang nangungusap.

Kaano niya si Kevin?

Girlfriend kaya siya ni Kevin?

May girlfriend na ba si Kevin?

 Dahil hindi ko makita iyong full profile niya, mga basic informations lang ni Kevin ang nakita ko.

Single..

Single si Kevin.

Parang gusto kong sumigaw sa sobrang tuwa. 

"Hindi pala niya girlfriend iyon. Kinabahan naman ako. Baka pinsan niya lang iyon o baka naman kapatid."

Binasa ko iyong ibang informations niya. Livingstone University. Don pala siya nag-aaral? Gusto kong malaman iyong course niya kaso eh hindi naman niya inilagay don. Bukod pa sa kung san siya nag-aaral wala na akong ibang nakitang impormasyon kagaya ng birthday niya o kung taga san siya.

I clicked the Add Friend Button sa'ka ako nag log-out.

Kailangan ko siyang makita ulit. And alam ko na ngayon kung anong gagawin ko.

"Kailangan kong lumipat sa Livingstone University."

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Marrying The Casanova   Chapter 4 : Information

    CHAPTER 4: Informations Sa lahat ba naman ng oras na pwede akong mahulog sa canal bakit ngayon pa? Sa lahat ba naman ng canal na pwede akong mahulog bakit dito pa? Tanggap ko naman na mapapahiya ako. Wala akong reklamo wala akong problema don pero.. Baki dito pa mismo sa harap ni Lasagna Boy? Hanggang bewang ko iyong tubig ng canal at ang masaklap pa, hanggang tuhod ata iyong putik. Nakakainis!! Nakakhiya!! Bakit? Bakit?"Mia are you okay?" Tanong ng dalawang girls habang nilapitan nila ako. Parang gusto kong mainsulo sa tanong nila, bakit kailangan pa nila akong tanungin kung okay lang ako eh halata namang hindi diba? Eh sila kaya mahulog sa canal tapos tatanungin ko sila kung okay lang sila? Hindi ko nalang sila sinagot dahil hindi ko talaga nagustuhan ang tanong nila. "Tulungan ka na namin." Inabot nila iyong kamay nila sa'kin. Hahawakan ko na sana ang kamay nila kaso lang.. **BOGSHH** Hindi ko talaga alam kung kailan ako lulubayan ng malas. Hindi pa nga ako nakaka-a

  • Marrying The Casanova   Chapter 3

    CHAPTER 3: Found him!"Mia ano bang ginagawa natin dito?"Tanong ni Aya sa'kin."May hinahanap ako.""Sino?"Tanong naman ni May."Si Lasagna Boy."Sagot ko kay May habang busy parin ang mga mata ko sa pagchechek sa paligid sakaling makita ko siya."Iyong nakabangga mo kahapon?"Tanong ulit ni May kaya tumango naman ako"My God Maybelline!! Akala ko naman kung anong ginagawa natin dito."Alam kong malapit ng sumabog si Aya sa galit dahil sa tuwing tinatawag niya akong Maybelline, ibig sabihin non nauubusan na siya ng pasensya sa'kin.Tumayo na si Aya at tinanggal ang black shades na suot niya."Huwag mong tanggaling iyan Aya, baka may makakilala sa'tin dito."Saway ko sa kanya habang hinila ko siya pabalik sa upuan niya."Hinahanap lang natin si Lasagna Boy bakit pa kailangang magdisguise? Para tayong old detective nito."Huwag ka nalang makulit diyan at isa pa huwag kang mag-alala Aya ililibre ko naman kayo ni May ng lunch mamaya. Kahit gano kadami pa ang kainin niyo okay lang."Saka

  • Marrying The Casanova   Chapter 2

    CHAPTER 2: Inlove?"IKAW???"Halos marinig na ng buong tao sa mall ang tinig ko dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ko. Nabitawan niya tuloy ang kamay ko at tinakpan ang tenga niya."Pwede ba huwag kang sumigaw? Dahil hindi ako bingi."Sabi nong lalaking humila sa'kin."Paano akong hindi sisigaw eh kinikidnap mo ako."Sambit ko naman sa kanya habang tiniklop ko iyong mga braso ko malapit sa dibdib ko."haha. Kinikidnap? Ikaw?"Tinuro pa talaga niya ako kaya naman tumango ako."hahaha."Pero para lang siyang baliw na tumatawa. Pinagtatawanan niya ako."Oy Miss dahan dahan ka sa pananalita mo ha. Wala akong balak na kidnapin ka. Sa itsura mong iyan iniisip mo pa na may kikidnap sa'yo?"Tinitigan niya ulit ako mula ulo hanggang paa gaya ng ginawa niya sa'kin kanina."hahaha. Nakakatawa ka talaga."Nakakainis ang lalaking 'to. Konting konti nalang talaga at mapipikon na ako sa kanya. Baka masuntok ko pa ito ng wala sa oras."Kung talagang wala kang binabalak na masama sa'kin bakit bigla mo

  • Marrying The Casanova   Chapter 1

    CHAPTER 1: First Meeting "Mia, let's eat first nagugutom na ako."Pagrereklamo ni Aya sa'kin. Kakarating lang namin ng mall pero pagkain na agad iyong nasa isipan niya. Tatlo kaming magkakaibigan at si Aya ang pinakamatakaw sa lahat. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya tumataba kahit lamon siya ng lamon. Ang sexy parin ng katawan niya."You're really a B Aya."Panunukso naman ni May kay Aya.Kung napapansin niyo lahat kami three letters lang ang bumubuo sa pangalan namin. Mia, Aya ang May. Kaya nga 'three girls' ang pangalan ng grupo namin."Hindi ako baboy May so shut up.""Relax Aya. Manood na muna tayo ng movie."Pagsusuggest ko sa kanya."Well, if ayaw niyong kumain eh di huwag. Ako nalang ang kakain."Tapos tumalikod na siya at naglakad papalayo sa'min.Wala nadin kaming ibang nagawa kundi ang sundan siya."Sundan nalang natin May."Tumango lang naman si May.Nakasunod lang kami kay Aya habang pumasok siya saGreenwich. Naghanap nadin siya ng bakanteng mesa saka siya umupo.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status