Share

Chapter 1

CLAIRE's EYEBOWS furrowed at the commotion in front of the orphanage. May pinagkakaguluhan na naman sa kalsada at hindi na siya nagtaka doon. Kung hindi iyon nagsalpukan na sasakyan ay tiyak na isang sikat na artista ang pinagkakaguluhan. Palagi niya na iyon nakikita sa daan ng Quezon City kaya kahit papaano ay hindi na siya nagtaka.

Ipinagpatuloy ni Claire ang paglalakad at nakita niya si Carol sa entrada ng bahay-ampunan. Pakuyakuyakoy ang paa nito at halata na nababalisa.

"Carol, bakit nasa labas ka? May problema ba?" tanong ni Claire at tiningnan ang entrada.

Bago pa man siya makasulyap sa loob ng bahay-ampunan ay pinigilan siya ni Carol sa pamamagitan ng paghawak sa kanya sa braso at pagdala sa kanya sa maliit na hardin. Pinaupo siya nito sa maliit na bangko.

"What? What happened?" muling tanong ni Claire, hindi na napigilan ang pag-aalala.

"Kakauwi mo lang sa trabaho kaya magpahinga ka muna," ani Carol at pilit na ngumiti sa kanya. Nang makita nito ang nagkakagulong paparazi ay napailing-iling ito. "May nagkakagulo na naman. Walang nagbaganggan kaya baka artista..."

Tumango si Claire at tumingin sa kalsada. "Malamang. Dito sa kalye natin ang daanan ng mga artista na umiiwas sa gulo kahit minsan ma-traffic."

"Sabagay, kahit ako rin dito dadaan kung artista ako, maganda ang daanan at may mga matatayog na puno," wika ni Carol at mangha na tumingin sa paligid. "Hindi man tayo mayaman pero may maganda tayong kapaligiran."

"Well, it's not so good when those artist treat this street of ours as their safe haven," pagbibigay-diin ni Claire at itinuro ang mga nagkakagulo na paparazi. "It's not the same as before anymore."

"Hindi ba sabi ko sa iyo ay huwag mo akong ini-Ingles?" natatawang puna ni Carol at tumabi sa kanya habang nakasimangot. "Hindi ako katulad mo na magaling doon."

Claire scooped Carol's face and kissed her cheek. "Carol, hindi mo naman kailangan maging magaling mag-Ingles, basta ba at nandito ka lang lagi sa tabi ko, ayos na ako."

Napangiti si Carol at hinawi nito ang kanyang buhok. "Ang suwerte ko talaga sa iyo, alam mo ba 'yon?"

"Masuwerte din ako sa iyo," tugon ni Claire at nginitian ito. "How was the orphanage by the way?"

Nakita niya kung paano tinuptop ni Carol ang labi kaya nagkakutob na agad siya na may problema na naman sa bahay-ampunan.

"Don't lie, Carol. I know there's a problem," dugtong ni Claire nang bumuntong-hininga si Carol.

"Kakapunta lang ng nagmamay-ari ng lupa sa bahay-ampunan, Claire," pagbibigay-alam ni Carol at sumimangot. "Bayaran na naman ng lupa ngayong araw at wala tayong pera na ipambabayad."

Ngumiti si Claire at napabuntong-hininga. "May natira pa akong ipon, Carol. Puwede natin iyon gamitin."

"Pero para iyon sa tela na gusto mong bilhin," ani Carol at umiling. "Ako na maghahanap nang paraan. Magtatrabaho ako ng gabi."

"No, Carol. I got it," pagtitiyak ni Claire at hinaplos ang pisngi nito. "I want you here in the orphanage. Sakto na ang pag-aalalaga mo sa mga bata."

"But this is the second time—"

"Second time, third time, fourth time, I don't care, Carol. As long as we have the orphanage and the kids is okay, it's okay to me," pagtitiyak ni Claire at inilabas ang kanyang pera natitirang ipon mula sa kanyang sahod.

Inabot niya ang limang daang libo kay Carol kaya napayuko ito.

"Patawad, Claire. Ikaw na lang lagi ang nagsustento sa mga gastusin natin," ani Carol habang nakayuko.

Nakangiti na inangat niya ang baba ni Carol at nginitian ito. "You don't have to say sorry, it's my responsibility."

"Pero lagi na lang ikaw at wala akong magawa dahil hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo," wika ni Carol at malamlam na tumingin sa kanya.

"Carol, believe me when I say we can solve everything as long we are together because we do, okay?" pagtitiyak ni Claire at pinisil ang pisngi nito. "Marami na tayong pinagdaanan, ngayon pa ba tayo sususko, hmm? We are Clairol. We are in this together."

Ngumiti si Carol at tumango. "Balang araw makakabawi rin ako sa iyo, Claire."

"You don't need to, Carol, it's fine with me as long as your by my side," pagtitiyak ni Claire at pinakatitigan ito. "Ibayad mo na lang iyan kay Mr. Jimenez at titingnan ko kung magkano na lang ang natitirang bayarin natin sa kanya. Sa pagkakaalala ko, ngayong taon na mapapasaatin ang lupa na ito."

"Sige, Claire. Maraming salamat," ani Carol at tumalima na gaya ng kanyang utos.

Naiwan si Claire sa hardin na isang libo na lamang ang natitira niyang pera sa pitaka. Tumingin siya mga tao na nagkakagulo sa daan at husto ang pag-aliwalas ng kalsada ng tumayo siya sa kinauupuan.

"Finally, some peace," ani Claire at pumalatak bago pumasok sa bahay-ampunan.

Sa sala ay naroon ang mga bata na engganyo na sinalubong siya ng makita siyang papasok sa entrada. Isa-isa itong nagmano at h*****k sa kanyang pisngi. Kung kanina ay mabigat ang kanyang dibdib dahil sa pagkabahala, ngayon ay gumaan ang kanyang dinadamdam dahil sa mga bata.

"Kumusta kayo? Kumusta ang mga assignment ninyo? Nagawa na ba? Lunes na bukas..." pagpapaalala ni Claire.

Sabay-sabay na sumagot ang mga bata na nagawa na nila ang kanilang araling-pambahay sa tulong ni Carol.

Tumango-tango siya sa mga bata at hinayaan na ito na maglaro sa sala gamit ang mga kanya-kanyang laruan na regalo niya noong pasko. They were twelve of them and seeing them smile is all it takes to cast her worries away. She would do everything she can to keep them loved and pampered since most of them are abandoned by their parents. Iilan lang ang ulila sa magulang ngunit parehas lamang ang mga ito na wala ng magulang na malalapitan. Bahala na kung maubusan siya ng pera basta makita itong masaya ay ayos na sa kanya.

Tumungo si Claire sa kusina at sinuri ang pagkain. Base sa tantiya niya ay hindi na aabutin ang kanilang pagkain sa kanyang suweldo. Kung bibili din siya ng pagkain ay hindi rin aabutin ang isang-libo para sa kanilang lahat nang matagal. Kung mangungutang lamang siya ay hindi niya rin iyon mababayaran sa nalalapit na kinsenas dahil sakto lamang ang kanyang kinikita sa gastusin at bayarin katulad ng kuryente, tubig, at pagkain.

Napabuntong-hininga si Claire st nag-isip ng kanyang gagawin. Dalawang linggo pa ang kailangan lumipas bago niya makuha ang sahod at tiyak na hindi iyon aabot para sa kanila. Nang makita niya ang kinse anyos na si Sherry na papalapit sa kanyang direksyon ay pinawi niya ang simangot sa kanyang labi at pinalitan nang malaking ngiti.

"Ayos lang po ba kayo, Ate?" tanong ni Sherry.

Pinigilan ni Claire na huwag magpakita ng kahinaan sa pamamagitan ng pagtango-tango at pagngiti. "Oo naman, Sherry. Ikaw, kumusta ka? Si Carlos? Kumusta ang pag-aaral ninyo?"

"Ayos lang po kami ni Carlos, maraming salamat po sa inyo," sagot ni Sherry. "Gumagawa po kami ng araling-bahay na ipapasa bukas. Kumuha lang po ako ng tubig para sa amin ni Carlos."

Ipinagsalin ni Claire si Sherry ng dalawang basong tubig at ibinigay dito. "Sige na, magpatuloy kayo sa pagawa ng araling-bahay."

"Maraming salamat po, Ate," ani Sherry at dinala na ang dalawang basong tubig sa silid-aklatan.

Claire went to her studio and sighed. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pagkain nila para sa isang linggo.

"Damn, I need a lot of money and I don't have one," wika ni Claire sa sarili at napapikit habang nag-iisip ng solusyon.

Nang masipat ang singsing sa daliri ay napabuntong-hininga si Claire. Ang singsing ang regalo ng yumaong nagmamay-ari ng bahay-ampunan sa kanya noong siya nakapagtapos sa kolehiyo. Mahalaga iyon sa kanya, ngunit mas mahalaga ang kapakanan ng mga bata.

Claire took the ring from her hands and pout. The ring is their only chance. Kung isasanla niya ito ay mahuhulog ito sa halaga na mahigit-kumulang anim na libo. Hindi lamang siya makakabili ng pagkain kundi makakabili din siya ng tela gaya ng kanyang plano para sa mga bata.

Nang marinig ang ingay mula sa kanyang likuran ay ganoon na lamang ang pagkagulat ni Claire nang makita ang lalaki na nakikita niya lamang sa telebisyon, ang dakilang si Leon S. Manuel III, ang isa sa mga tanyag at kinakakatautan na designer ng Pilipinas. 

"Uhm, forgive me for intruding inside your studio, but will you perhaps marry me?" tanong nito na nagpapanting sa kanyang tainga at nagpalaglag ng kanyang panga.

"What?!" Hindi na napigilan ni Claire ang pagsigaw.

"You heard me, I need a bride," ani Leon at mayabang na sinuri ang kuko.

"Yeah, I heard you, Mr. Leon. The question is why... me?" tanong ni Claire at napapantastikuhan na itinuro ang sarili.

"Why not you? You needed money," giit ni Leon at ikiniling ang ulo. "I heard you. I can help you."

Napatitig si Claire at hindi makapaniwala na natawa. "Wait, why are you here anyway, Mr. Leon?"

Sandali itong natahimik at naalala niya ang kaguluhan sa labas kanina.

"Oh, you're hiding from the paparazzi," sagot ni Claire sa sarili at napailing-iling. "You cause the commotion outside, didn't you?"

Leon never said a word but did a heavy sigh.

"Don't worry, you can't get out now. They're gone," dugtong ni Claire para umaliwalas ang mukha ng binata.

Napatitig sa kanya si Leon at hindi makapaniwala na naikiling nito ang ulo. "For someone who is broke, you are fluent in English."

"Well, this broke is a college graduate from a fashion school, Mr. Leon," mayabang na sagot ni Claire at nanunukat na nginitian ito. "And, yeah. You're welcome. This orphanage saves you from the paparazzi."

"Oh, my bad. Where's my manner? Thank you for that and forgive me, I was fixated on you and your skill." Hinudyat nito ang ulo sa kanyang mga disenyo sa kuwaderno. "You can be a good fashion designer one day."

"Thank you, but may I know why do you suddenly need a bride, Mr. Leon?"  tanong ni Claire para mapaismid si Leon.

"I needed it to have my family business," sagot nito at seryoso na tumingin sa kanya bago lumapit. "Will you help me? Will you marry me?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status